Story By SummerGracePH
author-avatar

SummerGracePH

ABOUTquote
Hi! I\'m Grace or Summer Grace. Sa lahat po ng nag-babasa at mag follow sa akin, sobrang maraming salamat po. Sa mga future readers ko. Thank you! luvyah! follow me: Summer Grace Stories fb page Summer GracePH fb accnt. Maria Gracia IG graciellamaria KUMU
bc
Fix Me
Updated at Jun 6, 2021, 22:07
Upang makatakas sa peligro ay napilitang lisanin ni Mariana ang nakalakihang lugar. Sa isang mansyon sa Maynila sya napadpad at namasukan bilang isang tagapag-alaga. Isang bulag at lumpo ang kanyang naging amo na sya rin dapat nyang alagaan. Madali lang sana ang kanyang trabaho, kung hindi lamang bugnutin at masama ang ugali nito. Pero kahit napakahirap nitong pakisamahan ay isang bagay ang hindi nya maipagkakaila... napakagwapo ng kanyang amo. Idagdag pa ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya, kasabay ng papalago rin nyang nararamdaman para rito. Pigilan man nya ay wala na syang magagawa. Wala na syang pakialam kung suklian man nito ang mga ibinibigay nya... ang gusto na lang nya ay payagan sya nitong buuin muli ito. How do you fix a broken man?
like
bc
Priest Be With You
Updated at Aug 30, 2020, 19:00
Paboritong ninang at partner in crime ang turing ni Agatha kay Mrs. Rejina. Malaki ang utang na loob ni Tata sa ginang dahil ito ang kanyang naging takbuhan noong panahon na pinalayas sya ng ama dahil sa pagiging pasaway nya. Ang ginang ang sumuporta sa kanya sa aspetong pinansyal nang pinutol ng kanyang ama ang kanyang credit cards at bank accounts. Kaya naman nang hingin ng ginang ang kanyang tulong upang ilihis sa landas patungo sa pagpapari ang seminarista nitong anak na si Rod ay pumayag sya. Tutol ang kanyang Ninang sa pagpapari ng kaisa-isang anak. Pangarap daw kasi nito ang magkaroon ng maraming apo. At isa pa ay sayang naman daw ang kagwapuhan ni Rod kung mauuwi lamang sa pagpapari. Sayang ang lahi! Doon na sya tila ayaw maniwala. Sayang ang kagwapuhan? Sayang ang lahi? Saan banda? Sa tuwing babanggitin ng ginang ang anak ay gumuguhit sa kanya ang imahe ng patpatin at iyakin na si Rodrigo De Jesus. Pero wala na syang magagawa, pumayag na sya sa hiling ng kanyang Ninang. Ang tanong na lang, kakayanin ba ng charm nya ang akitin ang isang lalaking matindi ang pagnanais maging pari? Magagawa ba ng kagandahan nya na pasunurin si Rod sa Genesis 9:7? "Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami”? Kaya bang baguhin ng pag-ibig ni Tata ang nakaplano nang kinabukasan ni Rod?
like
bc
Arrested Love
Updated at Jul 30, 2020, 19:00
Mestiso, tall and handsome si Adam, kaya naman di nakapagtataka na isa syang playboy at habulin ng mga babae. Pero tila nakahanap sya ng katapat sa katauhan ni Paloma dahil ayaw na sya nitong lubayan. Crush ng bayan si Paloma, pero hindi ito ang babeng gusto nyang iharap sa dambana, at hindi sya papayag na maitali rito. Pero paano sya makakaligtas sa mga galamay nito? Isa lamang ang naisip nyang paraan. Kailangan nyang kumuha ng isang babaeng magpapanggap na mahal nya at mahal sya para lumayo na sa kanya si Paloma. Nagkataon naman na darating si Georgina, isang napakagandang pulis. Nasuspinde ito at ngayon nga ay kailangan ng pansamantalang trabaho. Kaya naman nang mag-offer sya ng trabahong pagpapanggap ay pumayag ito. Ngayon ay dalawa ang misyon nila ni Georgina, ang madispatsa si Paloma, at hindi ma-in love sa isa't isa habang isinasakatuparan iyon. The Certified Playboy meets The Beautiful Maton.
like
bc
Sean - Priceless (Dugong Montero Series)
Updated at Jul 30, 2020, 19:00
Nabulabog ang masaya at tahimik na buhay ni Dona at ng buong compound nang mag-offer ang Montero Hotels na bilhin ang buong lugar nila. Bad news ito kay Dona dahil ang halaga ng bahay nila para sa kanya ay hindi matutumbusan ng pera. Makapangyarihan ang gustong kumuha ng lupa nila. Pero hindi sya susuko. Gagawin nya ang lahat mabago lamang ang isip ni Sean Montero--ang CEO ng Montero Hotels. Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin nang mas makilala nya ito. Bukod sa pera ay umaapaw din ang charm nito. Sapat ba ang kagustuhan nyang hindi mawala ang tirahan nila o bibigay na sya sa nararamdaman para sa lalaking banta sa pagkabuo muli ng kanyang pamilya? Not everything has a price... Ang unang Dugong Montero... Try to resist...
like
bc
Love Ghost By
Updated at Jul 23, 2020, 09:00
Kung nai-stress ang mga tao, nai-stress din pala ang ghosts, white lady, ligaw na kaluluwa, at kung ano pang pwedeng itawag kay Amethyst. Dead na sya, at matagal na nyang natanggap iyon. Wala eh, ganon talaga. Kung sadyang oras mo, oras mo na. Ang kaso nai-stress ang napakaganda nyang kaluluwa sa asawang maaga nyang na-biyudo, si Miguelito Dimatimbang. Palagi syang nasa tabi nito at kitang-kita nya kung paano magdalamhati ang asawang halos dalawang taon na rin nyang naiwan. Patintero tuloy ang drama nya between heaven and earth! Kaya naman umisip sya ng paraan para tulungang maka-move on ang mahal na asawa bago nya ito tuluyang iwan. At iyon nga ay ang humanap ng babaeng muling magpapatibok ng puso nitong sumabay sa pagkamatay nya. Perfect plan! Pero may isang maliit lang naman na problema. Paano nya gagawin iyon kung wala na syang koneksyon sa pisikal na mundo, at simpleng pagpahid nga ng luha sa mga mata ni Miguel ay hindi nya magawa? An Original Story by Summer Grace na kikiliti sa inyong imahinasyon...
like
bc
Lasing Na Pag-Ibig
Updated at Jul 19, 2020, 19:00
Namatay sa isang aksidente ang dapat sana ay mapapangasawa ni Candy. Kaya naman lahat ng sama ng loob ay sa alak nya ibinunton. Ngunit di naman nya akalain na ang gabi-gabing paglalasing nya ang magiging daan upang makatagpo nya ang lalaking magiging dahilan ng muling pagtayo ng lugmok nyang puso, si Trevor. Inalagaan sya nito, binantayan at prinotektahan sa tuwing aalipinin sya ng alak. Lahat nang yan nang walang hininging kapalit. Kaya naman hindi sya nahirapang mahalin ang lalaki nang makilala nya ito... at noon lang sya nakaramdam ng tunay na pagmamahal at kaligayahan. Ngunit paano kung malaman nyang ang taong mahal nya ngayon ay may koneksyon sa pagkamatay ng taong dati nyang minahal? Mapapatawad ba nya si Trevor at mamamayani ang kanilang pagmamahalan o mauuwi na lang ba sya muli sa paglalasing?
like