bc

Fix Me

book_age16+
946
FOLLOW
4.3K
READ
drama
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Upang makatakas sa peligro ay napilitang lisanin ni Mariana ang nakalakihang lugar. Sa isang mansyon sa Maynila sya napadpad at namasukan bilang isang tagapag-alaga. Isang bulag at lumpo ang kanyang naging amo na sya rin dapat nyang alagaan. Madali lang sana ang kanyang trabaho, kung hindi lamang bugnutin at masama ang ugali nito.

Pero kahit napakahirap nitong pakisamahan ay isang bagay ang hindi nya maipagkakaila... napakagwapo ng kanyang amo. Idagdag pa ang unti-unting pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya, kasabay ng papalago rin nyang nararamdaman para rito. Pigilan man nya ay wala na syang magagawa.

Wala na syang pakialam kung suklian man nito ang mga ibinibigay nya... ang gusto na lang nya ay payagan sya nitong buuin muli ito.

How do you fix a broken man?

chap-preview
Free preview
Prologue
Masaganang kumakain ang anim na taong gulang na si Mariana sa mesa. Sa di kalayuan naman ay kausap ng isang matandang babae ang  kapatid nito. Nilingon ni Mariana ang kapatid  at saka nginitian. Gumanti naman ang kapatid ng ngiti kahit pa nangingislap ang mga mata nito ng luha.   “Magda, ako nang bahala kay Mariana. Sana maintindihan mo na ang kapatid mo lamang ang kaya kong tanggapin.”   “Naiintindihan ko po, Tyang.”   Bumaba ng mataas na upuan ang  batang si Mariana at patakbong lumapit kay Magda.   “Ate, ang saya dito! Ang sasarap ng pagkain! Dito na ba tayo titira, Ate?”   Hinaplos ni Magda ang maliit na mukha ng kapatid. Muling napuno ng luha ang kanyang mga mata. Ang kapatid na lamang ang natitirang pamilya ni Magda. Namatay ang kanilang mga magulang noong isang araw lamang. Nagpresinta ang Tyang nya na kupkupin si Mariana, ngunit ito lamang at hindi sya kasama.   “Magpapakabait ka rito huh. Tandaan mo, mahal na mahal ka ni Ate. Pa-kiss nga.”   Nanulis naman ang mamantikang nguso ng kapatid at mariin na idinampi sa kanyang pisngi.   “Ate, magpapakabait tayong dalawa rito,” sabay ngiti nito.   Namigat ang dibdib ni Magda. Hindi na lamang nya sasabihin sa kapatid ang pag-iwan nya rito. Bukas ay dadalhin na ito ng kanyang Tyang sa probinsya. Masakit iyon para sa kanya, ngunit wala syang magagawa. Hindi nya rin naman kayang buhayin ang kapatid. Kaysa sa ibang tao pa mapaampon si Mariana ay mabuting sa kanilang Tyang na lamang ito mapunta.   “Magpapakabait tayo,” sang-ayon nya sa kapatid. “Maghugas ka na ng kamay sa lababo, at maya-maya lamang ay matutulog na tayo.”   Sumunod naman ang kapatid. Nilingon nya ang tiyahin na abala sa pagkwekwenta ng kung ano.   “Tyang, hintayin ko lamang po makatulog si Mariana at aalis na rin po ako kaagad.”   “Kahit dito ka na magpalipas ng gabi, Magda. Pasensya ka na talaga. Gustuhin ko man na dalawa kayong kupkupin ay hindi ko na rin kakayanin.”   Tumango na lamang sya. Dumukot ang tiyahin sa bulsa at inabutan sya ng pera. Tinanggap na rin nya dahil walang-wala na talaga sya. Nang makapaglinis ang kapatid ng sarili ay niyakag na nya ito sa kwarto na tutulugan sana nila. Ngunit si Mariana na lang mag-isa ang matutulog doon dahil aalis na rin sya kaagad.   “Ate, kahit ba nasa langit na sina nanay at tatay, nakikita pa rin nila tayo?” tanong nito pagkahiga nila ng papag.   “Oo naman.”   “Eh tayo, Ate, kailan ulit natin sila makikita?”   “Sa panaginip na lang natin sila makikita, Mariana.”   “Basta ikaw, Ate, wag mo kong iiwan huh.”   Namasa na naman ang mga mata ni Magda. “Oo naman. Pero tandaan mo lang, kapag di mo man ako makasama, sa panaginip naman dadalawin kita.”   “Hindi ka pa naman patay, Ate, eh.”   Pero baka doon na rin ako humantong, sabi nya sa sarili. Magaan syang tumawa.   “Bakit, mga patay lang ba ang pwedeng mapanaginipan? Ikaw talaga. Tulog ka na. Bukas magbabago na ang buhay mo, Mariana.”   Yumakap ang kapatid sa kanya. “Buhay natin, Ate.”   >>>>    “Tyang… wag nyo akong iwan. P-parang awa nyo na po, l-lumaban kayo.”   Gustuhin man ni Mariana ang magpakatatag sa harapan ng tiyahin na nag-aagaw buhay na ay hindi nya magawa. Nagkaisip syang ito na ang kasama, at hindi nya kayang makita ito sa ganoong sitwayon.   “M-Mariana, anak… panahon na para hanapin mo ang kapatid mong si Magda. Mas matanda sya sayo ng anim na taon…” hirap man ay pinilit ng kanyang tiyahin na ipaliwanag ang mga nangyari noon.   “Tyang, nasa plano ko po yan. Pero sa ngayon ay kayo po ang uunahin ko. Tyang, utang na loob, kayanin nyo po…”   Mapait na ngumiti ang ginang. “Gustuhin ko man, Mariana, pero di na kaya ng katawan ko… mag-iingat ka, at mahal na mahal kita…”   Hindi napaghandaan ni Mariana ang paghugot ng hininga ng tiyahin at ang dahan-dahan na pagsara ng talukap ng mga mata nito. Nang lumaylay ang braso ng matanda ay muli nya itong sinapo, hinalikan nang mariin, at saka sya umusal ng isang dasal.   “Mahal na mahal kita, Tyang…”   >>>>     “Hello, Ruben. Anong ibig mong sabihin?”   Kulang na lamang ay ipasok na ni Mariana ang telepono sa kanyang tainga. Nasa ibang bansa ang kasintahan. Tutol man ay napapayag na rin sya sa gusto nito dahil nangako ang lalaki na pakakasalan sya kapag nakabalik na ito.   “Hindi na ko makakabalik, Mariana.”   “Bakit?!”   “May asawa na ko rito…”   Natawa sya. “Hoy Ruben, wag mo nga kong binibiro. Kinakabahan na ko sayo! Sabi mo dalawang taon ka lang dyan. Mag-aapat na taon na, Ruben. Ano ba?!”   “Hindi ako nagbibiro, Mariana. Mapatawad mo sana ko. Mahal ko na ang asawa at anak ko rito. Hindi na ko babalik ng Pilipinas. Patawad.”   Natulala na lamang si Mariana sa telepono nang mawala na roon si Ruben. Ang lalaki ang dahilan kung bakit hindi na nya hinanap ang kapatid, gaya ng bilin ng kanyang Tyang. Masyadong mabulalak ang dila ng nobyo noong bago pa lamang sila nito. Sabay silang nangarap, sabay silang bumuo noon, ngunit ngayon ay mag-isa na lamang syang nagbubuno ng utang ng lalaki.   “Tarantado talaga yang si Ruben!” galit na sabi ni Susan, kababata nya. “Walang utang na loob! Kung di naman dahil sayo at sa pagsanla mo ng lupa na naiwan ni Tyang, hindi naman sya makakarating ng ibang bansa ah! Hayup ang p*ta!”   Tinakpan nya ang magkabilang tainga ng anak ng kababata.   “Susan, naririnig ka ng bata,” malumanay nyang sabi.   “Ewan ko sayo, Mariana! Sa sobrang bait mo, naiisahan ka na ng mga tao. Maganda ka nga sana, kaso minsan nakakaasar na yung pagiging mabait mo!”   Tumahimik na lamang sya. Nasasaktan din naman sya sa ginawa sa kanya ng dating nobyo. Pero may magagawa pa ba sya? Nangyari na. Tumayo na sya at hinalikan sa noo ang anak ni Susan.   “Oh, saan ka pupunta?”   “Magsasaka para makabayad ng utang.”   “Mariana, kahit minsan maging matapang ka naman. Dahil kung hindi mo gagawin yon, pagsasamantalahan ka ng mga tao sa paligid mo.”   Nginitian nya ang kaibigan, ang nag-iisa nyang tunay na kaibigan. “Oo na. Balang araw tatapang din ako, tatarayan din kita,” biro nya rito.   “Gusto mo bang magtrabaho sa Maynila?”   “Maynila? Malayo masyado. Wala rin akong kilala o kamag-anak roon.”   “Ang ate mo. Baka nasa Maynila sya. May papasukan kasi sana akong trabaho roon, bilang isang katulong. Kaso hindi ako pinayagan ni Tomas. Sayang at malaki pa naman ang sahod.”   Napakunot noo sya. “Pag-iisipan ko.”   “Sabihin mo lang kung gusto mo. Itatawag kita kaagad sa pinsan ni Mama na mayordoma don sa bahay na yun. Tulong na rin yon para makalimutan mo si Ruben at mahanap mo ang kapatid mo.”   Tumango na lamang sya at tumuloy na sa bukid.   “Mariana!”   Nag-angat sya ng tingin sa taong tumawag sa kanya. Si Mr. Bagumbong iyon, ang pinagsanlaan nya ng lupang sinasaka.   “Magandang tanghali po.”   “Naku, nas maganda ka sa tanghali. Nakapag-desisyon ka na ba?”   Napalunok si Mariana. Dalawang buwan na syang hindi nakakapaghulog sa lupa dahil sa nagdaang bagyo. Hindi sya makabayad kaya't nakiusap sya sa ginoo ng kaunti pang palugit at huwag nang dagdagan ang tubo. Ang kaso ay may kakaibang hiling na kapalit ang ginoo.   “Sisikapin ko pong makaphulog, Mr. Bagumbong.”   “Tsk! Isang linggong kaligayahan lang naman ang gusto ko, Mariana. Mag-eenjoy ka na sa pupuntahan natin, mababawasan pa ang utang mo.” Hinagod sya nito ng tingin.   Isang linggong kaligayahan? Nasaan ang kaligayahan kung pagmulat pa lang ng mga mata nya ay ang nakakasilaw na tuktok na nito ang kanyang nakikita.   Pandak, kalbo, malaki ang tyan at mukhang s**o si Mr. Bagumbong. Ayaw naman nya itong pintasan, ngunit iyon talaga ang pinakamalapit na paglalarawan sa ginoo.   “Malapit na ho akong makabayad, Mr. Bagumbong.”   “Siguraduhin mo!” Naiinis na ata ang ginoo at nagtaas na ito ng boses. “Naiinip na ko eh. Ang dami ko pang bayarin.”   May mga bayarin pala pero nagyayaya na dalhin sya sa iba't-ibang lugar.   “Pasensya na po.”   “Pase-pasensya. Kung pumapayag ka na ba, eh di masaya tayong pareho.”   “Maiwan ko na po kayo. Magsasaka na ko.”   Muli syang hinagod ng matanda ng tingin.   Napangiwi naman sya sa lantarang ginawa nito. Ano kayang kahagud-hagod sa hitsura nya. Nakasuot lang naman sya ng long sleeve na cotton na kulay maroon. Yun nga lamang ay medyo may kaliitan na iyon sa kanya, kaya bakat ang hubog ng kanyang katawan. Sa pang-ibaba naman ay nakapalda sya nang mahaba, at sa paa ay bota.   Minabuti na nyang tumalikod bago pa sya masuklam sa matanda.   >>>>    “Ano ‘to?”   “Pera,” maiksing sagot ni Susan.   “Alam ko. Pero para saan?”   “Umalis ka na rito sa probinsya, Mariana. Eto yung address ng papasukan mo. Pilitin mong makapasok dyan, dahil eksakto lang ang pera na maibibigay ko sa'yo.”   Naguguluhan naman sya.   “Teka, Susan, bakit ba? Di pa ko nakakapagdesisyon.”   “Kailangan mo nang makaalis dito. Narinig ni Tomas na may masamang plano sa'yo si Mr. Bagumbong. Dito ka na muna matulog at bukas na bukas ay umalis ka na agad.”   “Sigurado ka?”   “Oo! Mas malaki ang kikitain mo roon at mas mabilis mong mababayaran ang matandang kalbong malibog na yon.”   Napatakip naman sya ng bibig. Mukhang hindi na nya kailangan pang itanong kay Susan ang narinig ng asawa nito na pinaplano sa kanya ni Mr. Bagumbong.   Tumayo si Susan at niyakap sya nang mahigpit. “Mami-miss kita, Mariana. Maganda ka, matalino at napakabuti mo. Hangad kong makita mo na ang kapatid mo at magtagumpay ka sa papasukan mong trabaho.”   “Susan, kinakabahan ako. Dito na ang naging buhay ko. Hindi ko yata kakayanin don.”   “Kaya mo. Tapangan mo ang sarili mo, Mariana. Tandaan mo yan.”   Kinabukasan, hindi pa man pumuputok ang araw ay nasa terminal bus na sya.  Nangangamba man sa pupuntahan ay wala na syang magagawa. Ngayon higit kailanman nya kailangang maging matapang.   Itutuloy… Please Like and Follow the Story <3  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
269.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The ex-girlfriend

read
139.0K
bc

NINONG II

read
619.8K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
309.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook