bc

Sean - Priceless (Dugong Montero Series)

book_age16+
577
FOLLOW
3.7K
READ
drama
comedy
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Nabulabog ang masaya at tahimik na buhay ni Dona at ng buong compound nang mag-offer ang Montero Hotels na bilhin ang buong lugar nila. Bad news ito kay Dona dahil ang halaga ng bahay nila para sa kanya ay hindi matutumbusan ng pera.

Makapangyarihan ang gustong kumuha ng lupa nila. Pero hindi sya susuko. Gagawin nya ang lahat mabago lamang ang isip ni Sean Montero--ang CEO ng Montero Hotels.

Ngunit tila nagbago ang ihip ng hangin nang mas makilala nya ito. Bukod sa pera ay umaapaw din ang charm nito. Sapat ba ang kagustuhan nyang hindi mawala ang tirahan nila o bibigay na sya sa nararamdaman para sa lalaking banta sa pagkabuo muli ng kanyang pamilya?

Not everything has a price...

Ang unang Dugong Montero...

Try to resist...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sunod-sunod na katok sa pinto ng bahay ang pumutol sa mahimbing na pagtulog ni Dona.   "Tao po?! Tao po?!" Sinabayan pa ng boses na nagmumula sa labas.   Pilit nyang binuksan ang kanyang mga mata para tignan ang orasan na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto. Alas-diyes. Para sa karamihan ay tanghali nang maituturing ang ganoong oras ng paggising, pero para kay Dona na madaling araw na nakakauwi dahil sa trabaho ay sobrang aga pa non para gumising.   "Tao po?!" Lalo pang dumalas at lumakas ang mga katok.   Pumikit muna sya saglit at saka pilit na bumangon. Diretso sya sa lababo, naghilamos at nagmumog. Pagkatapos ay sa harap naman ng salamin para ayusin ang buhok. Nang makuntento ay tinungo na nya ang pinto na patuloy pa ring kinakatok ng talipandas na umistorbo ng kanyang tulog.   Nadaanan nya ang bukas na pinto ng kwarto ng kanyang ama. Hayun ang kanyang Papa, nakalupasay sa sahig at may katabing bote ng alak.   "Tignan mo 'tong si Papa, ubos ulirat talaga. Hindi pa nagtira ng panghiga sa kama."   Iiling-iling na lamang nyang isinara ang pinto ng kwarto at nagpatuloy para harapin ang taong kanina pa nangbubulabog.   Isang lalaking nakasuot ng brown pants na sinamahan ng puting polo, pulang kurbata at brown din na coat ang lumantad sa kanya pagbukas nya ng pinto. Sumobra sa tangos ang ilong nito, at bilog ang tila nakaluwang mata. Hinas na hinas ang buhok nito na mabusising hinati sa gilid. Kahit mukhang singkwenta, tantya nya ay nasa kwarenta lamang ang edad ng lalaki.   "Good morning... Mrs. Dona Peña?" bungad ni Mr. Bean... este ng lalaking kaharap nya na sa dalang clipboard nakatingin at hindi sa kanya.   "Miss pa ho ako. Mukha ho ba kong may asawa?"   Otomatiko namang tinignan sya ng estranghero sa mukha.   "Hmm. Okay," tipid na sagot nito, saka ibinalik ang tingin sa hawak.   "Leche 'to ah, sinira na ang tulog ko, sisirain pa ang araw ko," inis nyang naibulong.   "May sinabi ka, miss?" Ngayon naman ay nagsusulat ito ng kung ano sa hawak na clipboard.   "Ah, sino ho ba kayo at anong kailangan nyo?"   "Engineer Reubin Talipandas. You can call me Mr. Bin," sabay abot nito ng palad para makipagkamay sa kanya.   Kinailangan nya ng matinding konsentrasyon para hindi maibulalas ang bungisngis na iniimpit nya nang marinig ang pangalan ng kausap. Wala sa loob na tinugon nya ang pakikipagkamay nito. Anak ng tinapa! Pawisan ang kamay ni Mr. Bin. Lihim nyang naipahid sa damit ang nabasang kamay.   "Ano hong kailangan nyo, Mr. Talipandas?"   "Bibilhin namin ang bahay at lupa nyo."   Biglang nagpantig ang tainga ni Dona sa narinig. Nawala bigla ang antok na nilalabanan nya kanina.   "Ano hong sinabi nyo? Pwedeng pakiulit? Baka nagkamali lang ako ng rinig."   "Bibilhin namin ang bahay at lupa nyo."   "Ah bibilhin nyo ang bahay at lupa namin? Eh sira pala ulo nyo eh. Paano nyo bibilhin eh hindi naman namin binebenta."   Humakbang paatras ang lalaki at sinipat ang kabuuan ng kanilang bahay. May kalumaan na ang kanilang tirahan, hindi lamang literal na kalumaan kundi pati sa disenyo. Gawa sa kahoy ang una at ikalawang palapag. Maging ang mga bintana ay yari rin sa kahoy. Pero luma man kung titignan sa labas, pagpasok mo naman ay para kang nasa loob ng ibang bahay. Napakalinis at organisado. Yan ang isang magandang katangian ni Dona. Maliban sa dalawang trabaho nya, paglilinis ng bahay ang paborito nyang pahinga. Nare-relax kasi sya kapag maaliwalas ang kanyang paligid.   "With all due respect, Ms. Dona, I don't see why you don't want to sell your house. I mean, look at it. Mahugot lang ang isang pako, babagsak na. It's unsafe to live in. Ito na ang opportunity nyo. We're gonna pay top money for this piece of garbage."   Hanuraw?!!!!!!!! Hindi sya magaling mag-Ingles, pero nakakaintindi sya, at hindi nya nagustuhan ang huling sinabi ng kausap.   "Mawalang galang na rin ho, Mr. Talipandas," bagay na bagay ang apilyedo, "sino ho bang nagbigay sa inyo ng karapatan para tumayo dyan, istorbohin ang tulog ko at insultuhin ang bahay namin? Baka pwedeng umalis na ho kayo bago pa ko tuluyang mawalan ng galang sa inyo."   "Don't you want to hear the offer first for this piece of garbage?"   Aba't talagang inulit pa!   "Naku, naku, kahit magkano pa ho yan, hindi namin ibinebenta ang bahay at lupa namin."   "1.5 million pesos, tax free."   Saglit syang natigilan. 1.5 million pesos para sa karampot na lupa at luma nilang bahay, at tax free. Hindi nya maipagkakaila na napakalaking halaga non na maaaring magbago ng buhay nila ng Papa nya. Pero ang dahilan nya ay hindi lang dahil ayaw nya itong ibenta, kundi dahil hindi talaga pwede.   "Bingi ho ba kayo o hindi kayo nakakaintindi ng tagalog? Hindi ho ibinebenta ang bahay namin. Kung wala na ho kayong ibang kailangan, mawalang galang na pero marami pa ho akong gagawin."   Humugot ng isang kapirasong papel ang lalaki at iniabot iyon sa kanya. Business card pala iyon. Binasa nya ang nakasulat, Montero Hotels, at sa baba ay may contact number.   "Sleep on it.  Think it over. Kung magbago ang isip mo, feel free to contact that number."   Tinignan nya muli ang hawak na card. "Hindi ko na ho kailangan 'to --" pag-angat nya ng tingin ay wala na sa harap nya si Mr. Bin, at tanging batok na lamang nito na natatakpan ng manipis na ponytail ang kanyang natanaw. Palabas na ng gate ng compound ang literal na talipandas. "Hanep si Mr. Bin, may buntot."   "Pineste ka rin ni Mr. Talipandas, Dona?"   Wala sa oras na nasapo nya ang dibdib at muntik pang mapalundag sa gulat dahil sa boses mula sa kanyang likuran. Si Makoy pala iyon, ang kanyang kababata.   "Pwede ba, Makoy, magpasintabi ka muna bago ka magsalita. Aatakihin ako sa puso sa'yo eh. Para kang kabute, basta na lang susulpot."   "Haha. Ang cute mo kasing magulat." Hindi lingid sa kaalaman nya na libangan ni Makoy ang gulatin sya. Kung ano man ang dahilan, hindi nya alam. O baka naman alam nya, ayaw lang nyang pansinin.   "Ewan ko sa'yo."   "Sorry na, mapapatawad mo pa ba ko?" Nagpa-cute pa ang mga mata nito.   Kung tititigan ay gwapo si McConaughey, Makoy in short. Kahit may lahi ang ama na ni minsan ay hindi nito nakilala, pinoy na pinoy ang hitsura nito. Kayumanggi ang balat, tama lamang ang tangos ng ilong, may itim na namumungay na mga mata. May bahagyang pagka-kulot ang buhok nito na bumagay naman sa hulma ng mukha. Sa katawan naman ay wala ring itong kapintasan. Isang tingin lang dito at malalaman mong aktibo sa gym at sports ang binata.   Mula nang magkaisip sya ay kilala na nya si Makoy. Isa ito sa mga nakasama nyang lumaki sa compound na tinitirikan ng kanilang bahay. Hindi man kadugo ay pamilya na ang turing nya rito. Kaya kahit nagpaparamdam ng pagtingin ang binata sa kanya ay pilit nya iyong hinaharang.   "Tigilan mo nga yang mga pa-cute mo na yan," natatawa nyang sabi, sabay padamping sampal sa pisngi ng lalaki. "Kung sa ibang babae uubra yan, pwes hindi sakin."   "Mukhang kulang na ko sa practice ah. Haha."   "Teka, kilala mo si Mr. Talipandas?" Iniba na nya ang usapan, baka kung saan pa mapunta.   "Ah oo. Galing din samin yon kanina, kinausap si ermat. Binibili ang bahay at lupa namin. Actually, yung buong compound ang binibili nila."   "Ows?"   Napatingin sya sa paligid. Ang compound na ito na ang nakamulatan nya. Dito sya ipinanganak at lumaki. Meron itong labindalawang bahay na bumubuo ng isang bilog. Sa gitna ay may ginawang isang malaking kahoy na lamesang kinakabitan ng kahoy ding upuan, at sa gitna ng lamesa ay may isang malaking puno ng talisay. Ang tapat ng bawat tahanan ay may maliit na garden na kung saan namumukadkad ang iba't ibang klase ng bulaklak. Ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay lang ang kanila. Ang malaking lupa sa gitna ay sina Makoy ang nagmamay-ari.   Masaya ang samahan ng mga naninirahan sa compound. Nagtutulungan at nagbibigayan. Wala man syang nakagisnang pamilya o kamag-anakan at tanging ang kanyang ama lamang ang meron sya ngayon, meron naman syang isang buong compound na itinuturing nyang higit pa sa kadugo... isang Pamilya.   "Oh, eh anong isinagot ni Tita?"   "Syempre hindi. Alam namin kung gaano kaimportante sa'yo na hindi mawala ang compound na 'to."   Na-touch naman sya sa sinabi ng kababata. Hindi lingid sa buong compound ang istorya ng buhay nya at kung gaano kahalaga na hindi mawala ang bahay nila. Noon nga ay nabaon sila sa utang sa bangko at kinukuha ang kanilang bahay at lupa. Wala silang nagawa. Hindi nila kayang bayaran ang utang na nagpatong-patong na. Lilisanin na sana nila ang lugar nang biglang ibinalik ng bangko ang kanilang titulo. Nag-ambagan pala ang kanilang mga kapitbahay para bayaran nang buo ang kanilang utang. Hinding hindi nya makakalimutan ang ginawang iyon ng mga taong kung tutuusin ay hindi naman sila kargo.   "Eh paano yung iba, anong isinagot nila?"   "Yun ang hindi ko alam. Malalaman natin mamayang gabi."   "Huh? Bakit? Anong meron mamayang gabi?"   "Reresbak mamaya si Mr. Talipandas, magdadala ng kasama. Kakausapin daw tayong lahat nang sabay-sabay. Kaya umuwi ka nang maaga."   Sa hindi malamang dahilan ay binundol ng kaba ang dibdib ni Dona.   Itutuloy.... Please Like and Follow <3

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.8K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
326.3K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook