bc

Love Ghost By

book_age16+
643
FOLLOW
1.9K
READ
drama
comedy
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Kung nai-stress ang mga tao, nai-stress din pala ang ghosts, white lady, ligaw na kaluluwa, at kung ano pang pwedeng itawag kay Amethyst.

Dead na sya, at matagal na nyang natanggap iyon. Wala eh, ganon talaga. Kung sadyang oras mo, oras mo na.

Ang kaso nai-stress ang napakaganda nyang kaluluwa sa asawang maaga nyang na-biyudo, si Miguelito Dimatimbang. Palagi syang nasa tabi nito at kitang-kita nya kung paano magdalamhati ang asawang halos dalawang taon na rin nyang naiwan.

Patintero tuloy ang drama nya between heaven and earth!

Kaya naman umisip sya ng paraan para tulungang maka-move on ang mahal na asawa bago nya ito tuluyang iwan. At iyon nga ay ang humanap ng babaeng muling magpapatibok ng puso nitong sumabay sa pagkamatay nya.

Perfect plan! Pero may isang maliit lang naman na problema. Paano nya gagawin iyon kung wala na syang koneksyon sa pisikal na mundo, at simpleng pagpahid nga ng luha sa mga mata ni Miguel ay hindi nya magawa?

An Original Story by Summer Grace na kikiliti sa inyong imahinasyon...

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Walang tao sa paligid, walang kahit ano. Tanging puti lamang na halos kakulay na ng papel. Hindi na nag-abalang  lumingon-lingon pa si Yolanda dahil wala rin naman syang matatanaw kundi ang puting paligid lang. Alam nyang isa itong panaginip, ngunit hindi sya gumawa ng kahit anong hakbang upang magising sa malalim na pagkakatulog. Ilang gabi na rin nya itong nararanasan. Kaya imbes na matakot sa isang bangungot na ito -- kung bangungot nga ba itong matatawag -- ay aalamin  na lamang nya ang misteryo sa likod ng maliwanag at puting-puting paligid na ito. Sige sya sa paglakad hanggang sa may maabot na isang malamyos na tinig ang kanyang tainga. Tila isang boses ng anghel na umaawit sa kalangitan. Napahinto sya sa paglalakad. “Maliwanag, puting paligid, umaawit na anghel?! Luh, patay na ba ko?” napakamot si Yolanda sa ulo. Pinagpatuloy nya ang paglalakad, hanggang sa tumapat sya sa puti ring pinto. Kumatok sya ng tatlong  beses. “Tao po! Tao po! San Pedro, are you there?” Tumingala sya sa itaas ng pinto. Natawa si Yolanda nang makita ang isang camera. “Hanep, pati langit may CCTV.” Inikot-ikot nya ang seradura ng pinto para lamang mapagtanto na hindi iyon naka-lock. Marahan nyang binuksan ang pinto. Maliit pa lamang ang siwang non nang may lumabas na maputlang  kamay at hinawakan sya nang mahigpit sa braso. Nasindak si Yolanda sa lamig ng maputlang kamay na nakakapit sa kanya. Ngunit mas nasindak sya sa laki ng bato na nakabaon sa singsing na suot nito at sa kulay ng kuko na matte saphire red. Sosyal ang multo! “...Tulungan mo ko, Sis…” sabi ng boses sa likod ng pinto na tanging ang maputlang kamay lang ang kanyang nakikita. Napabalikwas ng bangon si Yolanda. Nahimas nya ang magkabilang braso dahil sa malamig na simoy ng hangin na pumasok sa kanyang naiwang bukas na bintana. Tutok ang electric fan sa kanya, ngunit ramdam nya ang basang likod dahil sa matinding pagpapawis. Sinalat ni Yolanda ang kili-kili. “Pati kili-kili ko namasa ah.” Mabilis syang bumaba ng kama at isinara ang bukas na bukas na bintana.  Nahagod nya ang dibdib, mabilis pa rin ang pagtibok non. Lumevel up na ang kanyang panaginip. Kung noong nakaraan ay palaging puting paligid lang, ngayon ay may umaawit na, with matching sosyal na kamay. Hindi sya natatakot. Mas nangingibabaw ang kanyang curiousity. Bakit kailangang sa kanya humingi ng tulong ng maputlang kamay na iyon? FC pa ang maputlang kamay, tawagin daw ba syang Sis! Aminado naman si Yolanda na bata pa lamang ay madalas na syang makaramdam ng kakaiba , at paminsan-minsan ay namamalikmata rin sya sa mga taong nasa paligid lamang ngunit yumao na. Ibinaling ni Yolanda ang ulo. Sinipat nya ang orasan sa dingding. At nang malaman na magaala-singko na rin pla ng umaga ay minabuti nyang mag-ayos at maghanda na sa pagpasok sa trabaho. >>>>  Madilim pa ang paligid ay lulan na si Yolanda ng kanyang secondhand na Honda Jazz na sasakyan. Dugo at pawis ang pinambili nya kay Yolen -- ipinangalan nya sa sasakyan -- kaya kahit pupugak-pugak na ang sasakyan na iyon -- dahil minsan nyang naisulong sa baha -- ay mahal na mahal nya ito. Palaging makintab at malinis ang loob at labas ng sasakyan, kaya hindi halatang luma na. ilang beses na syang muntikang ipahamak ni Yolen, at ngayon ay mukhang ipapahamak na naman sya ng mahal nyang tsikot. Nahampas ni Yolanda ang manibela. “Hmpf! Ayaw kitang saktan huh, Yolen! Pero kung ngayon ka pa titirik, wag naman! Ang dilim dito eh.” Tuluyan nang huminto si Yolen. Napabuga na lamang ng hininga si Yolanda. Maigi na lamang at nasa loob pa rin sya ng subdivision nila. Wala namang dapat ipangamba. Pero dahil nahinto sya sa tapat ng malaking puno at bahay na sinasabing haunted ay parang hindi maatim ni Yolanda na bumaba ng sasakyan. “Wala namang choice. Nasa edad na ko. Hindi na ko bata. Ngayon pa ba ko matatakot?” pagkumbinsi ni Yolanda sa sarili. Para lamang mabawasan ang takot ay nagpatugtog sya sa smart phone ng Anaconda ni Nicki Minaj. Lumabas na sya at hinayaan lang na bukas ang pinto ng sasakyan para dinig pa rin nya ang tugtog na nagmumula sa phone. Binuksan nya ang hood ng kanyang sasakyan at lumabas mula roon ang masigabong usok mula sa makina nito. Instant mekaniko ang drama nya. Ngiting tagumpay si Yolanda nang matukoy ang sira ng sasakyan. Napasabay pa sya sa kanta ni Nicki Minaj para lamang mahinto nang huminto rin ang tugtog mula sa kanyang  phone. Hindi sya umalis ng pwesto. Sa halip ay dumungaw lang sya patagilid upang masilip ang loob ng sasakyan. Gilalas na napatuwid sya ng tayo at muntikan pang mauntog sa nakataas na hood ng kotse nang makita ang babaeng nakatalikod at prenteng nakaupo sa bubong ng kanyang sasakyan. Mahaba ang alon-alon nitong buhok at umuugoy-ugoy ang babae habang umaawit ng… awit na tulad ng sa kanyang panaginip! Kinilabutan nang bongga si Yolanda! Lahat ata ng balahibo sa kanyang katawan ay nagtayuan. Marahan syang napaatras. Nasapo nya ang bibig ng dalawang kamay, wala sa isip na puno na iyon ng grasa mula sa makina ng sasakyan. Nanlalaki ang mga mata habang walang kurap syang nakatitig sa babaeng naka-indian sit, umuugoy at umaawit gamit ang mala-anghel nitong tinig. “...Hmmm…hmmm…hmmm…lalala…lalala…hiye-iyehhh ehhh…” birit ng babae. Nilipad ang buhok nito na agad naman nitong hinagod. Lalo syang nanghilakbot nang makita ang maputi nitong kamay, singsing sa daliri na may malaking bato, at kuko na matte sapphire red. Ang babaeng ito ang nasa panaginip nya! Lalong napaatras si Yolanda. Kahit anong oras ay sasabog na ang pantog nya. Maiihi ata sya sa takot. Nakakakita sya ng mga kaluluwa, pero kisapmata lamang ang mga iyon. Ang magtagal nang ganito ay ibang usapan na! Kakaatras ay bumangga si Yolanda sa isang matigas na bagay. “Kailangan mo ng tulong?” tanong ng baritonong boses. Napatingala si Yolanda at napatili. Muntik na syang panawan ng ulirat kung di lang muling tumugtog ang kanyang smart phone. Nagpatuloy ang nagwawalang boses roon ni Nicki Minaj. “Kapre!” tukoy nya sa matangkad na lalaki sa kanyang likuran. Hindi nya magawang ihiwalay ang mga mata rito. Naka- cap na itim ang lalaki, ngunit halos puno na ng buhok ang buong mukha nito, buhok na hindi naman mukhang pang-ermentanyo sa haba ngunit tila walang balak mag-ahit ang isang ito. Magkarugtong ang patilya at balbas ng lalaki na nakabalot sa buong baba nito. Kumunot ang noo ng huli, at doon napagtanto ni Yolanda na makapal din pala ang kilay nito, maganda ang itim na itim na mata na nababalutan ng katamtamang kapal ng pilikmata. At ang ilong kapre, wagi! Napakapit sya sa matipuno nitong braso nang ma-out of balance sya dahil sa pag-abante na ginawa ng kapre... este lalaki. “…Ang gwapong kapre naman nyan… ahihi.” Napatingin si Yolanda sa kanyang kana. Babae ang bumulong sa kanyang tainga. Hindi sya maaring magkamali. Magaan ang boses nito na sinundan ng hagikgik. Parang may umihip sa kanyang tainga, kasabay ng pagsasalita. “Miss, ayos ka lang?” salita ulit ng lalaki. Nabaling ang tingin nya rito, at lalong humigpit ang hawak nya sa braso nito. Doon nya napagtanto na naka-black jacket pala ang lalaki at pantalong itim din. “Ta-tao ka?” “Tao ako, hindi kapre. Mukhang may problema ang sasakyan mo kaya nilapitan kita. Wag kang matakot. Don lang ako nakatira sa bahay na yon.” Tinuro ng lalaki ang kilalang haunted haouse. Sinundan nya iyon ng tingin. “Sa haunted house ka nakatira?” “Ang tanda mo na, naniniwala ka pa sa mga ganyan? Hindi haunted house yan,” bagot na sagot nito. “Anong problema ng sasakyan mo?” “Wag. May babae sa ibabaw ng sasakyan ko, multo yun sigurado ako.” Sinadyang tigasan ni Yolanda ang kanyang leeg upang hindi mapabaling sa kanyang likuran. Lumipat ang tingin ng lalaki sa kanyang kotse. “May kasama ka ba? Wala namang tao sa kotse mo.” Doon na bumigay ang tuhod ni Yolanda. Naagapan naman syang sapuhin lalaki kaya hindi sya agad napasalampak sa lupa. “Nandyan sya, kumakanta… multo yun sigurado ako,” nanginginig nyang sabi. “Miss, walang multo. Walang hunted house. Tumayo ka na at aayusin ko ang kotse mo.” Inalalayan sya nito at saka dinampot ang bag na itim din ang kulay. May dala pala itong ganon, hindi nya napansin. Kinuha ng lalaki mula roon ang isang bottled water at iniabot sa kanya. “Uminom ka muna. Namumutla ka…” sabi nito. “…Ahhh... ang sweet mo talaga, my loves…” Hayun na naman ang tinig. Nagpalinga-linga si Yolanda, saka mabilis na hinablot ang bote ng tubig at marahas na binuksan ang takip saka nilagok ang laman niyon. Nangunot ang noo ng lalaki. Nawi-weirduhan na siguro sa kanya. Wala syang pake. Kahit sya, nawi-weirduhan na rin sa mga nangyayari sa kanya. Tinungo na nito ang kanyang sasakyan at sandaling may kinalikot doon. “Start mo, miss,” utos nito sa kanya. Mabilis pumasok si Yolanda sa kanyang sasakyan at ini-start iyon. Gumana ulit ang makina. Binaba na rin ng lalaki ang hood nito. Muli syang bumaba. “S-salamat…” “Okay lang. Taga-rito ka ba?” “Oo. Don lang ako sa pang-limang bahay.” Sinundan naman ng lalaki ang itinuro nya. Tumango-tango lamang ito. Tumalikod na rin naman ito at dinampot ang bag na nasa lupa bago muling humarap sa kanya. Biglang nakaramdam ng pagkailang si Yolanda nang titigan sya ng matimtim ng lalaki sa mukha. Napaiwas sya ng tingin. May kakaiba kasi sa titig ng lalaki. Lungkot ba ang nakikita nya sa mga mata nito? Pero bakit? 'Ikaw na ang mapagkamalang kapre, ewan ko lang kung di ka malungkot,' sabi ng bahagi ng kanyang isip. Dumukot ang lalaki sa bulsa nito. Binundol ng kaba si Yolanda. Naisip nyang baka kutsilyo ang dinudukot ng lalaki. “Ano yan? Anong dinudukot mo dyan?” napaatras sya nang tuluyanng mahugot ng lalaki ang kanina pa nito kinukuha sa bulsa. Itinutok ng lalaki sa kanyang mukha ang isang… panyo. Panyo? “Heto, punasan mo yang bibig mo. Mukha kang kumain ng grasa.” Wala sa loob na tinanggap nya ang panyo. Tumalikod na rin naman ang lalaki at tinungo ang bahay nitong mala-haunted house. Saka nya lamang naalala na hindi pala nya nakuha ang pangalan ng estranghero. Muling umihip ang malamig na hangin. Dali-dali syang sumakay ng kotse at mabilis na pinaharurot iyon. Saka na nya kikilalanin ang lalaking tumulong sa kanya... Kapag maliwanag na! Itutuloy…    Please Like and Follow <3  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Godfather My husband

read
269.6K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

SILENCE

read
381.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook