bc

Chasing The Alpha (Alphas of Remorse Series Book 5)

book_age16+
1.2K
FOLLOW
2.8K
READ
alpha
dark
possessive
fated
kickass heroine
brave
tragedy
werewolves
illness
rejected
like
intro-logo
Blurb

Shanny Avegail was diagnosed with a terminal disease. Marami pa siyang pangarap sa buhay pero lahat ng ito ay naglaho ng dahil sa sakit niya. It slowly shuts down her senses and physical abilities. First, is her ability to walk. Now, her ability to see.

She had seen the darkness of the world with her eyes.

But it is in her lack of eyesight that she see the beauty of something new to her.

She can't see him, but she feels him watching her everyday. At sa isang kagat lamang nito, muli siyang nabigyan ng pagkakataong mabuhay.

The moment she stepped outside the hospital, isang bagay ang nais niyang gawin...To find him.

But what if he doesn't want her to to find him? What if he doesn't believe in something she does? Is she willing to give up everything to Chase Kyran?

Is Chasing the Alpha worth it?

*****

CHASING THE ALPHA

Book 5 of Alphas of Remorse Series

Date Started: May 20, 2017

Date Completed: June 25, 2017

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE My mom used to tell me that dreams and goals are what keeps a person going. Without it, we will be lost. Walang direksyon ang buhay natin. Hindi natin alam kung saan ba tayo dapat pumunta. I grew up being a dreamer. I learned to build a life out of belief that someday, I'd reach everything I want. Become the person that will make my folks proud. Be someone who can inspire the world to become better. I want to be the change the society is waiting for. But fate change everything the moment I found out the truth about myself... "Shinie tignan mong mabuti ha? Talasan mo 'yang mga mata mo!" Bahagya kong niyugyog ang balikat ni Shinie saka ko pinalis ang pawis na namuo sa aking noo. Inayos niya ang salaming suot niya saka muling pinasadahan ng tingin ang listahan sa bulletin board. "Bes, wala tala-- wait! Hala nakita ko na! Shanny Avegail Marylace, passed and qualified for sponsorship! Oh my gosh, bes nakapasok ka!" Hindi makapaniwala niyang sabi. Natulala ako at hindi alam ang dapat na maging reaksyon nang yugyugin niya ang mga balikat ko. Umawang ang bibig ko at mayamaya ay kumawala na ang matinis kong tili dahilan para mabaling sa akin ang atensyon ng ilang taong naroon. Biglang tinakpan ni Shinie ang bibig ko saka siya nahihiyang tumingin sa paligid. Doon lamang din ako natauhan. Nakakunot ang noo ng mga taong nakatitig sa amin. An awkward smile made it's way to my lips. "S-Sorry, guys. Sorry." Nahihiya kong sabi sa mga tao. Naramdaman ko ang paghawak ni Shinie sa palapulsuhan ko. Hinatak niya ako palayo sa bulletin board hanggang sa makarating kami sa bench sa ilalim ng malaking puno. Tanaw na tanaw ang soccer field mula rito. Napapikit ako nang umihip ang masarap na hangin. Ang umaalon kong itim na buhok ay sumayaw kasabay ng hangin. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ito na ang simula. Sa oras na makatapak ako sa Adelaine University, mas magiging madali na sa akin na tuparin ang mga pangarap ko. "Bes, paano kung mahirapan ka sa course na gusto mo? I mean, delikado rin maging reporter ha?" Basag ni Shinie sa katahimikan. Ngumiti ako saka umiling. "Wala namang mahirap kapag gusto mo ang ginagawa mo. Sabi nga, if you want career, then you need passion. Hindi ka tatagal sa isang bagay kung wala kang pagmamahal para sa ginagawa mo. Mahal ko ang mga pangarap ko, bes. Kayang-kaya ko 'to." Ngumuso siya saka tumango. Hinubad niya ang salamin niya saka siya tumingala sa maaliwalas na kalangitan. "Kung sabagay, sinabi mo rin sa'kin 'yan noong pumasok tayo rito. Look at you now, gagraduate ka with honors kahit na ang daming magagaling sa klase natin." Ngumisi ako. "Naman. Ganyan kapag magaling mangarap. Ikaw kasi kulang ka sa confidence eh. May talent ka naman, takot ka lang. Maganda ka naman, nahihiya ka lang." Biglang namula ang pisngi niya dahil sa huli kong sinabi. "A-ano ka ba. Nambobola ka na naman." Kinagat niya ang ibaba niyang labi. Napailing na lamang ako. "Alam natin pareho na hindi biro 'yon." Sumandal ako ng maayos sa backrest ng bench. "There's a lot of guys here admiring you. You're just too shy to notice them." Bumaling ako sa kanya ng may matipid na ngiti. Umiling-iling siya saka nagpakawala ng isang malalim na hininga. "We both know why..." Napakamot ako ng gilid ng aking ulo. "Yeah. Dahil do'n sa lalakeng nagligtas sayo two years ago sa may train station." I mumbled. "Ano na nga ulit pangalan no'n?" Yumuko siya at tinitigan ang kanyang mga tuhod. Gumuhit ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. "Jomyl..." "Yeah, right. Anong apelyido?" Nag-angat ako ng isang kilay. Ngumuso siya at umiling. "H-Hindi ko pa rin alam kung ano..." Napabuga ako ng malalim na hininga. "Yeah, right. Hindi mo rin nga sure kung Jomyl talaga ang pangalan niya. Di ba narinig mo lang na tinawag siyang Jomyl bago ka niya iniwan do'n?" Malungkot siyang tumango-tango. "Maybe you were right. Baka nga hindi ko dapat paikutin ang mundo ko sa lalakeng 'yon. Kaso Gail, ang hirap..." Napailing na lamang ako. Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang akong nakaramdam ng matinding hilo. Unti-unting umikot ang paningin ko hanggang sa tuluyan itong nagdilim. Tanging ang sigaw ni Shinie ang huli kong naalala bago ako nawalan ng malay. Nagising ako sa tunog ng isang aparato at sa iyak ng kung sino. Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Kumunot kaagad ang noo ko nang mapansin ang swerong nakakabit sa akin. Napasulyap ako sa nakatatanda kong kapatid na si kuya Howell na nakasandal sa pader habang nakahalukipkip. Marahas siyang bumuntong hininga saka umiling na tila dismayado. Nabaling ang tingin ko kay Mama na umiiyak sa tabi ko. Inabot ko ang kamay niya. Inangat niya ang ulo niya at tumambad sa akin ang luhaan niyang mukha. "Gail, anak..." Muling kumawala ang kanyang mga hikbi. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Bakit, Ma? A-anong nangyayari?" Lalong napahagulgol si Mama. Ikinulong niya ang palad ko sa mga kamay niya. "S-Sorry, anak." "Bakit ka nagsosorry ma?" Nagtataka kong tanong. Nagkatinginan sila ni kuya Howell. Muli na namang napabuntong hininga si kuya. Nagkamot siya ng kanyang batok saka siya umayos ng tindig. "Sabi ng doktor may sakit ka. Brain cancer..." Walang emosyon niyang pahayag habang nakatitig sa sahig. Natawa ako bigla. "Para ka talagang sira, kuya. 'Di nga, seryoso ano nga?" Nabaling ang tingin niya sa akin. Napawi ang ngiti ko nang makita ang pagguhit ng lungkot sa mga mata niya. Umigting ang kanyang panga. "Bunso..." Napaiwas ako ng tingin. Kapag tinawag niya na akong bunso, iba na 'yon. Either galit siya o may matinding bumabagabag sa kanya. Binawi ko ang kamay ko mula kay Mama saka ako pilit na tumayo. "N-no. Nagsisinungaling kayo. Next school year papasok na ako sa A.U. You're just joking around. Hindi ako naniniwala." "Gail--" "YOU'RE LYING! I CAN'T BE SICK!" Sigaw ko. Bigla na lamang tumulo ang mga luha ko. Gumuhit sa mga mukha nila ang matinding awa. Lalo lamang akong napaiyak. This can't be happening. Hindi pwede. Bakit ako pa? Ang daming taong nananawa na sa buhay nila, bakit hindi na lang sila? Bakit kailangang sa akin pa ito mangyari? Bakit kung sino pa ang may pangarap siya pa ang mawawalan ng tyansa na mabuhay? This is unfair. Ang sabi ng doktor, kumalat na ang cancer cells sa utak ko. Kaya pala minsan para na lang napaparalisa ang mga kamay ko. Akala ko dala lang ng ngalay. Iba na pala. The disease will slowly shut down ng senses and physical abilities until I am totally useless. Baka buwan na lamang ang bibilangin bago ako paglamayan ng mga mahal ko sa buhay. All my hopes to become a reporter and inspire the world were suddenly toast. Naiiyak na lang ako kapag naririnig kong nawawalan na ng tyansa na magsurvive pa ako. This is cancer. Stage three to be exact. Himala at kamatayan na lang ang hihintayin ko. "Gail, ano ba! Itigil mo 'yan!" Sigaw nivkya Howell nang paghahampasin ko ang mga binti ko. Walang patid ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. Dumiin pang lalo ang pagkakadikit ng mga labi ko habang sinusuntok ko ang mga wala nang pakiramdam kong mga paa. Hinuli ni kuya ang mga braso ko saka niya ako mahigpit na niyakap. Napaiyak akong lalo dahil sa ginawa niya. Kami ni kuya ang tipo ng magkapatid na madalas magbangayan kaya ang makita siyang ganito sa akin ngayon ay mas masakit sa akin. Mas gusto ko 'yong nag-aaway kami. Mas gusto ko 'yong wala ako rito at nakikipag-agawan ako sa kanya sa remote ng TV. Maa gusto ko 'yong nakikita ko 'yong ngisi niya kapag napipikon na ako. Mas gusto ko 'yong gano'n. Kahit na araw-araw na lang kaming magbangayan, okay lang. Ang mahalaga wala ako rito. Kaso ngayong paralisado na ang mga binti ko, hindi ko na alam kung paano ko pa lalakasan ang loob ko. Unti-unti nang nawawala ang natitirang pag-asa ko. Kumalas si kuya sa pagkakayakap sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko pero unti-unti itong dumilim. Nagpanic ako nang wala na akong makita. "Kuya ibukas mo 'yong ilaw!" Untag ko ngunit hindi siya kumibo. Mayamaya'y narinig ko ang pagtakbo niya palabas at ang pagsigaw niya. "NURSE!" Ilang sandali pa at narinig ko na ang yapak ng ilang tao. Naramdaman ko ang paghawak ng kung sino sa aking mukha. Ibinuka niya ang mga mata ko. Unti-unti nang nagsisink in sa isip ko ang nangyayari pero hindi ko magawang mag-isip ng maayos. Nawawalan na ako ng pag-asa. Everything is falling apart and I can't even do anything to save myself from this misery. I used to be tough. To be unbreakable by anything. Pero ngayon, isa na lang akong walang silbing seventeen-year old cancer patient na hinihintay na lamang na tuluyang mamatay. "May mga volunteers ngayon dito sa hospital. Alam mo ba, may ilang kaedaran mo na kasali. Maybe it's best if you'll talk to them. Mukhang friendly naman sila." Ani Nurse Jane, ang personal nurse ko. Umiling ako. "Hindi ko po kailangan ng kausap. Mamamatay na rin naman ako." Walang emosyon kong sabi. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga. "Ikaw talaga. H'wag ka ngang ganyan magsalita. Dapat 'wag kang basta na lang sumuko. Kaya mo ito." Hindi na ako kumibo. Wala kasi siya sa posisyon ko kaya ang dali lang para sa kanya na sabihin ang mga bagay na 'yon. Wala silang alam kung gaano kahirap na araw-araw, walang kasiguraduhan kung gigising pa ba ako. I am a hopeless case. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto kasunod ay mga yapak ng ilang tao. "Doctor Yngrid Barrimore, this is Miss Marylace. Stage three brain cancer patient." Dinig kong sabi ng doktor ko. Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa akin. Mayamaya'y naramdaman ko ang paghawak ng malalambot na palad sa aking kamay. "How are you, dear?" Malambing na tanong ng isang babae. Hindi ako kumibo. Mariin ko lamang na pinagdikit ang aking mga labi. Alam na naman niya ang sagot. Hindi na niya kailangang itanong. Nang wala siyang nakuhang tugon mula sa akin ay tumayo na siya at muling bumalik sa mga kasama. "Nurse Jane, gusto kong magpahangin sa garden." Walang emosyon kong pahayag. Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang pagtulak niya sa aking wheel chair. Habang patungo kami sa garden ay hindi ko maiwasang magtaka dahil madaldal si Nurse Jane. Palagi niya akong kinakausap kapag dinadala niya ako sa garden. Ngayon ay napakatahimik niya. Huminto ang wheel chair at kaagad kong narinig ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa fountain. "Nurse Jane? Bakit ang tahimik mo?" Nagtataka kong tanong ngunit hindi siya kumibo. Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa hawakan ng wheel chair at ang pag-ikot niya patungo sa harap ko. Umihip ang hangin at naamoy ko ang pabango ng isang lalake. Kaagad na kumunot ang noo ko. "Sino ka?" Untag ko. Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko ang kanyang pagtitig sa akin na animo'y sinusuri ang bawat sulok ng aking mukha. Malapit lamang siya sa akin. Nararamdaman ko, ilang dangkal lamang ang layo ng kanyang mukha sa mukha ko. Siguro ay nakayuko siya. Pilit kong iniangat ang kamay ko at sinalat ang taong nasa harap ko. Napalunok ako nang tuluyan kong mahaplos ang malambot niyang balat. Para bang alagang-alaga ito. Napakasarap haplusin. Mayamaya'y hinawakan niya ang aking palapulsuhan para pigilan ang aking kamay. "Sino ka?" Ulit kong tanong. Gumalaw ang kanyang pisngi senyales na kumurba ang kanyang mga labi. Umayos siya ng tayo at binitiwan niya ang aking braso. Nakaramdam ako ng kakaiba nang hawiin niya ang ilang hibla ng buhok kong napunta sa aking mukha. "You don't have to know..." His sweet voice mumbled. Napakasarap sa tenga ng kanyang boses. "P-Pero gusto kong malaman..." Tugon ko. "If I'll tell you, then I need to ask your doctor to make you forget." Untag niya. I can sense him smiling while saying those words. Lumunok akong muli. "Bakit naman?" Hindi kaagad siya kumibo. Mayamaya'y naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Nararamdaman ko na ang pag-init ng aking pisngi nang tumama ang kanyang mainit na hininga sa aking mukha. Mayamaya'y naramdaman ko ang paglapat ng kanyang mga labi sa aking pisngi kasunod nito ay ang pagbulong niya sa aking tenga. "'Cause it's a sin to remember my name..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
478.0K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.2K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.2K
bc

The Sex Web

read
134.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook