Chapter 1

1926 Words
Chapter • One "Bes oh, kain ka ng prutas. Ako bumili nito tsaka si mama. Pinapakamusta ka niya." Ani Shinie saka niya inilapag sa mga palad ko ang isang bowl na paniguradong may lamang prutas. Mapakla akong ngumiti saka ko sinalat ang laman nito. "Sabihin mo kay Tita Fe ihanda niya ang itim na dress niya. Dapat kamo 'yong bongga ha? Ayaw ko ng may panget sa libing ko." Humalakhak ako. Hindi kumibo si Shinie. Napawi ang ngiti ko dahil sa pananahimik niya. Kahit na hindi ko na siya nakikita, nararamdaman kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Mayamaya'y naramdaman ko ang mahina niyang pagtulak sa balikat ko. "Salbahe ka talaga, Gail! Sino bang nagsabi sayong mamamatay ka na? Kaya mo pang mabuhay. Nasaan na 'yong matapang kong bestfriend? Hindi na ikaw 'to. Parang hindi na kita kilala. Saka ka pa naging duwag kung kailan mas kailangan mong maging matatag..." Halos mabasag na ang kanyang boses. Mapakla akong ngumiti. Tama siya. Saka pa ako tumiklop kung kailan mas dapat na maging matapang ako. They cannot blame me. I've been tough for years and everything I fought for came to waste the moment fate played a joke in my life. I know, life is really unfair to everyone. But sometimes, it's being too unfair to people with big dreams. Kapag talaga may pangarap ka, ang daming hahadlang sayo. Ang daming hihila sayo pababa. Ang daming pipigil sayong maabot kung anuman ang gusto mo. Maybe that's the reason why most people choose to stay inside their cpmfort zone. They are not ready for the rough road towards what they want. They are not prepared to be bruised, to stumble, to fall on their knees. Only those who has a strong will would make it, maybe that's why only a few really gets what they really want. Kasi minsan, kahit na gustong-gusto mo ang isang bagay, kapag hindi ka handa sa mga kailangan mong pagdaanan marating mo lang ang dulo, susuko at susuko ka. You will end up being in the crowd...applausing, or most of the time, gets jealous with those who made it. I thought I'd be one of those who'll make it through. Turns out I'm just destined to be one of the crowd. At doon pa lang, namatay na ako. The moment the fire inside me died, I died, too. I am nothing but a breathing failure. 'Yon ang pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang tao. I can't believe that's what's happening to me right now. Everything is out of control. My mind is in chaos and I can no longer stand it. Pagkaalis ni Shinie ay nagrequest ako kay Nurse Jane na dalhin ako sa garden. Gaya ng dati, naging madaldal na naman siya pero ni isa, wala siyang nakuha sa akin hanggang sa madako ang usapan sa topic na iniiwasan ko. "Nakapag-usap ba kayo no'ng anak ni Dr. Barrimore no'ng dalhin ka niya rito sa garden noong isang linggo?" Untag niya. Natigilan ako. Kaagad na rumehistro sa isip ko ang pagdampi niya ng halik sa aking pisngi. Wala pang lalakeng nakagawa no'n sa akin noon. Dapat ay nagalit ako pero hindi ko iyon nagawa. May kakaiba sa kanya. Pakiramdam ko noong mga oras na kasama ko siya, para kong kasama ang isang taong matagal ko nang kilala. Something that's very unusual. I always keep my guards up. I'm afraid of attachments. I only keep a few people close. Si Shinie ay sapat nang kaibigan para sa akin. Besides, I don't need a lot of friends. I just need a real one. Kahit kailan naman, hindi kayang tumbasan ng isang milyong pekeng kaibigan ang isang totoo at tapat. Iniling ko na lamang ang ulo ko. "H-Hindi ko naman po siya kilala." "Mabait 'yon. Matagal na 'yong sumasama sa Mama niya sa tuwing nagvovolunteer si Dr. Barrimore sa mga maliliit na ospital na gaya nito. Madalas siyang nakikipaglaro sa mga pasyente sa pediatric ward. Palaging nakangiti kaya lalong gumagwapo." Untag niya. Napalunok ako sa narinig. I couldn't agree more with the last sentence she said. Nang mahaplos ko ang kanyang mukha, aminado akong naisip ko na ang bagay na 'yon. Napakalambot ng balat niyang animo'y balat ng sanggol. Hindi ko rin matatanggi na napakabango niya. Parang ang sarap niyang amuyin habambuhay... Teka mali. Ang sarap niyang amuyin habang nabubuhay pa ako. Naramdaman ko ang pagbitiw ni Nurse Jane sa wheel chair. Narinig ko ang kanyang mga yapak patungo sa harap ko. Hindi ko nga lang masabi kung sa akin ba siya nakaharap o sa fountain. "Alam mo, Gail, baka kung matututo kang maging matapang para labanan ang sakit mo, baka makasurvive ka. Ang utak ng tao, kayang gumawa ng himala." Ani Nurse Jane. Bakas ang awa sa kanyang tono. Bigla akong mapaklang natawa. That's the biggest joke I've ever heard from her. Sa kanya pa talaga nanggaling gayong alagad siya ng siensya. "You're a nurse. You see people die everyday..." I mumbled. "And I've seen people with worse cases than yours walk out of this hospital alive..." Hindi na ako nakakibo. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilin ang sarili kong maiyak. I've already cried enough. Tama na iyon. Hindi ko na kailangan pang pag-aksayahan ng luha ang sarili ko. Tanggap ko naman na. Hanggang dito na lang ako. I will never be the person I thought I would be. "Iwan mo muna ako, Nurse Jane. Gusto ko munang mapag-isa. Balikan mo na lang ako pagkatapos ng isang oras." Walang emosyon kong pahayag. "Pero Ga--" "I SAID LEAVE ME ALONE." Mariin kong sabi. "Please..." Hindi siya kaagad na kumibo. Mayamaya'y narinig ko na ang marahas niyang pagbuntong hininga. "Sige, basta dito ka lang, ha? Babalikan din kita. Maggagabi na. Hindi ka pwedeng magtagal dito." Bakas ang pag-aalala sa kanyang tono. Pilit na lamang akong ngumiti para hindi na siya mangulit pa. "Sige." Naramdaman ko ang pagtapik niya sa aking balikat. Mayamaya'y tuluyan nang humina ang kanyang mga yapak senyales na nakalayo na siya sa akin. Nang masiguro kong wala na siya ay pilit kong pinaandar ang wheel chair palapit sa pinanggagalingan ng lagaslas ng tubig. Habang lumalapit ako sa fountain ay nararamdaman ko na ang unti-unting pagbilis ng t***k ng puso ko. Nakakabingi. Nakakapanghina. Pero kailangan kong labanan. This is the only way. The only option on the table. I can't die miserably. I can't die bald. I can't die useless. I can't die a loser... Maybe it's best this way. Maybe I'd look stronger if I'll end it this way. Tuluyang tumama ang wheel chair sa semento ng fountain. Kinapa ko ito saka ko pilit tinanggal ang swero sa aking kamay. Nang maalis ko na ito ay huminga ako ng malalim. Nararamdaman ko na ang pagtutubig ng aking mga mata. Pumasok sa isip ko si mama at kuya Howell na alam kong mahihirapang tanggapin ang sinapit ko. Si Shinie na paniguradong iiyak dahil sa pagkawala ko. Pero mas nananaig ang awa ko sa sarili ko. I can no longer live like this. Like a candle that's about to be blown by the wind and die. This isn't living anymore. This is just waiting to be dead. Huminga ako ng malalim bago ako pilit sumampa sa semento. Ang hirap dahil paralisado na ang mga paa ko kaya ang mga nanghihinang braso ko na lamang ang naging saklay ko. Nang maipwesto ko na ng maayos ang katawan ko ay tuluyang pumatak ang aking luha. "I'm sorry, patawarin niyo ko..." I murmured before I let myself fall and be drowned in the cold water. The first few seconds scared me. Para bang gusto kong umahon. Pero habang tumatagal na nasa ilalim ako ng tubig, unti-unti ko nang nalalabanan ang takot ko. This is the right thing to do. The after life must be a pretty great place. I hope maging maayos ang buhay ko roon. Unti-unti nang nauubos ang hangin sa katawan ko. My body's beginning to let go of my nonsense life. Nagsisimula na ang pagpasok ng mga alaala sa aking isipan. Ang mga pangarap ko, ang bangayan namin ni kuya, ang mga paghihirap ni mama para buhayin kaming dalawa. Mapakla akong napangiti. Ma, hindi ka na masyadong mahihirapan. Si kuya na lang ang iintindihin mo mula ngayon... Natanggap ko na. This is the end for me. The last point of my track. The final destination of my journey in this world. But just when I'm about to let go of my last breath, a pair of strong arms pulled me out of the water and held me tightly like I'm a precious jem that needs so much care and protection. Napaubo ako ng malakas dahil sa tubig na nainom ko. Masyadong malalim ang bawat paghinga ko. A familiar scent lingered in my nose but I'm too occupied to even notice it. Nang tuluyan akong nakabawi ng hininga ay buong lakas kong itinulak ang taong umudlot sa plano ko. "WHAT THE HELL ARE YOU TRYING TO DO TO YOURSELF?!"  Umalingawngaw ang galit na galit niyang boses. Sandali akong natigilan dahil sa pagkabigla. I can feel his anger sending chills down my spine. Hindi ako nakakibo. Tanging ang pagkagat lamang sa ibaba kong labi ang nagawa ko. Marahas siyang bumuntong hininga. Naramdaman ko ang pagbuhat niya sa akin at ang pagbalik niya sa akin sa wheel chair ko. "Bakit mo ginawa 'yon? I was almost done ending my life!" Singhal ko nang tuluyan akong nakabawi. Ramdam ko na nasa harap ko lamang siya at alam kong sa mga oras na 'to, nanlilisik ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "Because you needed to be saved..." He mumbled. Bakas pa rin ang galit niya. Natawa ako bigla saka ko ihinilamos ang mga palad ko sa aking mukha. "Ako lang ang kayang magsabi niyan and trust me, Mr. Mysterious, I don't need to be saved by anyone." Hindi kaagad siya nakakibo pero alam kong hindi pa rin niya inaalis ang masama niyang titig sa akin. Mayamaya'y narinig ko na ang marahas niyang pagbuntong hininga. "Don't you have any reason to continue your life?" He muttered. Bumalik na sa pagiging malambing ang kanyang boses gaya noong una ko itong narinig isang linggo na ang nakakaraan. Napalunok ako dahil sa tanong niya. Ihinarap ko ang ulo ko sa ibang direksyon. "The moment I learned about my condition, I've already lose all my reasons to keep breathing..." Hindi niya ako sinagot. Marahil ay kinabigla niya ang naging tugon ko. Mayamaya'y naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Humawak siya sa arm rest ng aking wheel chair saka siya yumuko hanggang sa tuluyang tumama ang kanyang hininga sa aking mukha. Nagsisimula na namang uminit ang aking pisngi. Our proximity suffocates me...romantically. "If you ran out of reasons to live," he whispered. I felt the tip of his nose touched mine. "then let me give you one little kitty cat..." Pagkasabi niya nito'y bigla na lamang lumapat sa mga labi ko ang kanyang mga labi. Sandaling nanlaki ang mga mata ko ngunit nang nagsimulang gumalaw ang mga labi niya ay unti-unti na itong pumikit. Nakakalasing ang mga halik na iginagawad niya sa akin. This is my first...and it's definitely something that will make me sleepless for nights. His lips taste so sweet to just be forgotten easily. It'll surely last a lifetime in my memory. Habol-habol namin ang aming mga hininga nang maputol ang halik. His warm breath fanned my face and the thought that we're breathing the same air right now stained my cheeks red. Naramdaman ko ang paghawi niya sa ilang hibla ng aking buhok saka niya ito inipit sa likod ng aking tenga bago niya ako binulungan. "You die, you will never have a taste of that anymore... Live, Miss Marylace, " he whispered before kissing me again for a couple of seconds. "and I'll give you a taste of my lips forever..."  He chuckled. And the moment I heard him chuckle, my heart almost stopped from beating...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD