Chapter II

1332 Words
"May sinasabi ka?" sigaw ko kay Claud.  Shet. Baka naalala niya yung highschool! "Wala wala." Tumingin siya sa iba at binalik din naman ang tingin sa akin, "sa apartment ko tayo gagawa." "Gagawa?!" napatakip ulit ako sa bibig ko nang marealize na anlakas ng boses ko. "Alam mo Ken konti nalang." Sa naiinis niyang tono. "Okay sige sa apartment mo nga." Sumipol ako.  "Pero bago, discussion muna." He slouched at pinatong ang siko at kamay niya sa table. "Ayoko. Boring kaya halerr." Nang sabihin ko yon ay nagsalubong ang kilay niya. "Pano mo ie-expect matapos ang trabaho kung walang discussion."  Nilabasan ko siya ng ngiti, "mamaya na yang deliberation na yan! Marami pa tayong oras Claud. Magkwentuhan muna tayo." Interesado kong sabi sakanya. "Tss. Tungkol saan?" Blanko ang mukha niya. "May girlfriend kana ba?" tanong ko. "Malamang wala! Wahahaha!" Ako na mismo ang sumagot sa sarili kong tanong habang tumatawa.  "Abnormal ka." Sabi niya at tinignan ko siya ng masama. "Alam mo Claud gayahin mo kase ako," ngumisi-ngisi ako, "tignan mo ang taas ng charisma ko." Hinawakan ko ang baba ko at nagpapogi. "Saan banda?" Hindi interesado niyang tanong. "Wag mo na ikaila Claud," tinignan ko ang repleksyon ko sa transparent window at hinalik-halikan ito. Nakita ko siyang napa-iling, "tumigil ka Ken nakakahiya ka." Sabay napa-facepalm. "Hoy!" I crossed my arms, "naiinggit ka lang kasi hanggang ngayon wala ka pang girlfriend." "Bakit ikaw meron?" Tinamaan ako ng sibat sa sinabi niya. Sinubukan kong ngumiti habang naaasar, "makikita mo Claud dahil ikaw mismo ang hahanap sa future wife ko." Ipinatong ko ang isang siko sa lamesa at tinignan siya, "nakikita mo tong pagmumukhang to Claud? Dapat hindi pipitsugin yung ireto mo sa poging to. Gusto ko yung maganda, yung mag-lalaway lahat, 34C-32-38 dapat ang sukat ng katawan!" Sumandal siya sa kanyang upuan, "Ken. Wag kang choosy, pang-hito ka lang." "Ito pang-hito?" tinuro ko sarili ko, "pang perlas to Claud!"  I saw him rolled his eyes habang nakakagat sa labi niya. "Wag ka mag-alala, tutulungan kita makahanap ng syota." May determinasyon kong sabi. "Hindi ka nga makahanap ng sayo, sa akin pa kaya." Pambabara niya. "Aba! Wag mo kong maliitin porke mas matangkad ka." I grinned, "hindi ka pa ba nai-inlove? Panigurado hindi pa!" Tumawa-tawa ako. Bumuntong-hininga siya. "Dapat kasi madali kang ma-fall Claud, parang ako. Makakita lang ng malaking boobs boom! Oks manok na. Kitams andami kong meron na wala sayo!" Proud kong sabi. Tinignan niya ko, "alam mo kung anong wala ako na meron pa sayo?" Ngumisi siya, "virginity."  Nagulat akong napahawak sa magka-bilang pisngi ko, "tangina mo Claud! Wala ka pang girlfriend pano mawawala virginity mo? Gagu. Sino niloko mo."  "It's true though." Pinaikot-ikot niya yung ballpen sa daliri niya. "Walangya ka. Iniwan mo ko! Chupe!" Nagtatampo kong sabi. Ngumisi-ngisi siya, "forever birhen kana Ken." Pangangasar niya. "Sino naman yang tinorjacks mo? Bat hindi ko alam?!"  "Bakit ko sasabihin? Tirahin kita e." Tumawa-tawa siya. Pinakita ko sakanya yung kamao ko, "mas matangkad ka lang Claud pero mas malaki kargada ko kesa sayo."  "O talaga? Patingin nga." Hinahamon niya ko. "Tara sa cr ano?!" Balik kong hamon sakanya. "Naaalibadbaran ako sayo gago ka."  "Wala wala! Talo ka." Pinaglalaban ko talagang mas malaki ang junior ko sakanya. Si Claud? Simula highschool ko nang kakilala. Bukod sa paborito kong ka-kumpetensya si Chace sa lahat ng bagay, siya ang sumunod. At oo, ako ang pinaka-kawawa sa aming anim na magto-tropa. Ang laging bused na Ken ay inalipusta ng mga hambog na to. Tinapak-tapakan nila ang kaluluwa ko. Pero hindi ako magpapatalo, masyado lang kasi talaga akong pogi para sa mga babae.  Bukod pa doon, gustong-gusto kong kinukumpara ang sarili ko kay Claud dahil ayokong nasa ibaba. Kaming dalawa lang kase ang walang nobya sa grupo, lahat sila may nobyo at pwe! Ayoko maging kasapi nilang lalaki din ang kinalabasang jowa. Hello? Kailangan ko ng malaking boobs para ma-satisfy ang diwa ko. "Alam mo Claud, mabuti nalang at ako ang napili niyong maging consultant." Taas-noo kong sabi nang makapasok kami sa apartment nya. "Oo na, dahil expert ka ganon?" tinanggal niya yung sapatos niya habang ako naman ay tuloy-tuloy lang na pumasok sa loob.  "Wow wais ka naman magkano sapatos mo 10 billion?"  Hindi ko siya pinansin, "hay nako. Professional ako Claud hindi expert!"  "Anong pinagkaiba?" Dumiretso siya sa kitchen at binuksan ang ref. "Malaking-malaki ang diperensya ng dalawang yon. Alam mo, nagta-trabaho ako at nakaka-receive ng pera dahil sa skills ko kaya ako naging professional. Samantalang kung expert lang, marami lang alam pero hindi kumikita." Paliwanag ko sabay umupo sa sofa at kinuha ang remote tsaka binuksan ang tv. Feel at home ako sa apartment niya. "Tungunu wala bang bentilador dito? Ang inet." Reklamo ko. "Nasa tabi mo, uso lumingon." Aniya at oo nasa tabi ko nga kaya binuksan ko agad ito tsaka tinapat saakin na may lakas na pangatlo. Hinawakan ko yung damit ko at ipinaypay ito sa sobrang init.  "Psh." Narinig ko si Claud, "hindi tumitigas yung yelo."  Tumawa ako, "himasin mo kasi para tumigas."  "Bastos ka." Sabi niya at tumawa pa ako ng napakalakas. Pumunta siya palapit sa akin at inilapag ang isang baso ng malamig na tubig habang hawak niya ang isa pa. Kinuha ko agad ito at ininom. Inilapag ko ito matapos, "hah! Whoo lameg."  Tinignan ko siya at nakita kong inilapag niya rin yung baso niya tsaka naghubad ng damit. "Pucha!" Napamura ako, "san mo nakuha yan?!"  "Yung alin?" tanong niya. "Yang six pack abs! Tangina hindi patas!" Protesta ko. Hinawakan niya yung abs niya at nginitian ako, "okay lang Ken, libre tumingin." Tila painggit niya. "Ina mo Claud! Tamad ka imposibleng mag-gy-gym ka!" Mangiyak-ngiyak kong sabi. "Bakit mo ba ko lagi sinasalag?" Tinalikuran niya ako tsaka pumunta sa may drawer. Tinignan ko yung loob ng damit ko, four-pack lang asar! Bumalik siya tsaka inilapag yung patong-patong na papel. Umupo siya sa sahig tsaka sinimulang i-distribute sakin yung mga iyon, "our company started 3 years ago. Alam kong alam mo nang nag-o-offer lang kami ng limited liability para sa mga shareholders." Diskusyon niya. "Oo tapos?" Uminom ulit ako ng natirang malamig na tubig sa baso. "Since we're collaborating, successful dapat. Kelangan natin ng proper documentation in case na mabundol ka ng truck at sumakabilang-buhay." "Gagu. Gusto mo na ko mamatay?" "Sinasabi ko lang ang posible." With his monotone voice. "And then?" "Kagaya nga ng sinabi ko, ikaw ang magre-research. Everything you need to know is here in this compiled papers." Binagsak niya ang mga makapal na papel sa harap ko. "What a pain." Bumuntong-hininga ako. "Hindi naman ganon ka infrequent ang kaso, but I expect you to do a lot of work."  Kumamot ako sa ulo ko, "mas mahirap pa to sa pag-aayos ng nasirang bulok na computer." I said. Mahina talaga ako sa mga sulatin at babasahin. "Just to tell you, malaki ang ibabayad namin sayo based on how accurate your work and performance." "Hah. Di ko alam na may criteria din pala sa trabaho, 50% accuracy and 50% performance to the total of 100%." Sumandal ako sa sofa habang binabasa yung naka-compile na papel. "Of course, but anyway. Since I'll do the analysis, madali nalang ang research para sayo. Maraming problema technically sa kumpanya. We need a solution as early as possible." "Fine fine. Ano na nga ulit kurso mo nung college tayo?" tanong ko. "BSC Network Management, sandwich mode." "Mukhang masarap." Komento ko, "andami naman palang pagkain sa trabaho mo. Graham, sandwich. Blah blah." "Founder ng kumpanya si Graham Smith, empleyado lang ako dati pero na-promote ako bilang system manager di-kalaunan."  "Whoa. Magkano sweldo?" "Sakto lang." Tipid niyang sagot. Tinignan ko siya at walang ganang nilapag yung naka-compile na papel, "hindi ka ba tinatamad sa ganito?" "Hindi ako tinatamad sa may kwenta." Nagkibit-balikat ako, "sabagay." Tinitigan ko siya, "anong height mo?" "Bat ang kulit ng patilya mo?" Nginusuan ko siya. "Tara nood muna tayo porn." Pagyaya ko. "Manood ka mag-isa mo." Cold, tamang-tama sa mainit na panahon. "Diba magaling ka sumayaw?" Pag-iiba ko ng topic. "So ano?" Hindi interesado niyang tugon. "Sayaw ka nga."  Tumingin siya sakin ng seryoso, "nandito tayo para mag-trabaho Ken. Pumunta ka sa disco kung gusto mo makakita ng sumasayaw." "Suplado, nagka-abs ka lang." Pangangasar ko, "sige na dali." Hindi niya ako pinansin at bumalik siya sa pag-aayos ng folders. "Oy ulap!" Tawag ko sakanya. "Prituhin kita."  "Bili na! Gusto ko yung sexy." "Namo hayop." "Ayaw mo manood ng porn e," sumipol ako, "sige na para masiyahan yung libido ko." Pang-iinis ko sakanya. Tumingin siya ng masama sakin. Tinitigan ko lang siya habang nakangisi. Pero nawala ang ngisi ko nang makitang dilaan niya yung labi niya. ___ Vote. Comment. Share #FlamingHeartKC
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD