I.

1209 Words
“Ms. Garcia? Audrey Elliette Garcia?” Mabilis na napaangat ng tingin si Elliette nang marinig niya ang pangalan niya nang tawagin siya niyong assisstant nang mag-iinterview sa kanya ngayong araw. It has been three days since that incident happened on that bridge where she decided to end her life. Pero hindi iyon natuloy. Obviously, kasi kung natuloy ang plano niyang pagtapos sa buhay niya ng gabing iyon, wala sana siya rito ngayon sa kompanya ng taong nagligtas sa kanya. She raised her hand attentively. “I’m here!” Praktisado na niya ang ngiting dapat na ipakita sa ibang tao. Kahit na marami siyang pinagdadaanan sa buhay, kahit marami siyang kamalasang nararanasan, isa sa mga natutunan niya ay ang ngitian lahat ng iyon. Talagang nadala lamang siya sa emosyon noong gabing iyon na ginusto niyang mawala na lamang sa mundo. Ngumiti pabalik sa kanya ang assisstant na tumawag sa kanyang pangalan saka siya iminuwestra papasok sa isa sa mga office na naroroon. Laking pasasalamat niya sa taong nagligtas at pumigil sa kanya para gawin ang tangkang pagpapakamatay. He told her so many things and encouraged her to deal with her problems more courageously. Kahit pa hindi naman siya kargo ng mabait na nilalang na iyon, tinulungan siya nito para baguhin ang desisyon niya sa buhay at ngayon ay heto nga, isang pagkakataon para simulan niyang muli iyon. Marahan niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng opisinang pinagdalhan sa kanya ng assisstant nang interviewer niya. Simple lamang ang interior design ng kabuuan niyon. Pero natitiyak niya na bawat isang kagamitan at kasangkapan na naroroon ay nagsusumigaw sa kamahalan. A velvet couch was placed near the right side of the door. Mayroon ding mini-table na naroroon kasama ng couch.  Napansin rin niya ang mini-pantry na naroon sa may kaliwang bahagi ng opisina at sa kanang bahagi pa ay isang malaking flat screen televsion na sa tantiya niya ay nasa 60” inch at mga mamahaling brand ng speaker at projector. Magtatanong pa sana siya sa kasama pero mabilis rin itong lumabas doon at iniwan siya. Kaagad na natuon ang atensyon niya sa mamahaling swivel chair nang bahagya iyong gumalaw. Nakatalikod sa gawi niya ang upuan kung kaya’t hindi niya makita ang taong nasa likod niyon. Hindi tuloy niya malaman kung dapat ba niyang ipagbigay-alam dito ang kanyang presensiya. She doesn’t want to look rude. Baka mamaya ay malasin na naman siya sa trabaho. Wala pa man ay baka hindi na matuloy ang pagkapasok niya sa sikat na kompanyang kanyang ina-apply-an ngayon. “Are you just going to stand there?” Napapitlag siya nang marinig ang malagom na boses na iyon mula sa taong nasa likod ng swivel chair. Dahan-dahan iyong gumalaw, paharap sa gawi niya. Ganoon na lamang ang pagkabog ng kanyang dibdib nang magtama ang mga mata niya at mata ng misteryosong tao sa swivel chair na iyon. It was him! The man who saved him that night! Akala niya ay hindi na niya ito muli pang makikita kahit pa inalok siya nito ng trabaho sa pagmamay-aring kompanya. He looked so mysterious. Hindi kababakasan ng kahit na anong ekspresyon ang gwapo nitong mukha. And his almond eyes, they were deep, cold and blank like the ocean’s deepest. Nakakapangilabot iyon sa totoo lamang. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang hindi ito ang lalaking sumagip sa kanya mula sa paggawa ng malaking kasalanan. He looked so different. She can’t point it out exactly but there’s really something in him that doesn’t match the guy she met last time. Naalerto siya nang tumayo ito mula sa kinauupuan saka nagpamulsa ng mga kamay sa suot na mamahaling gray slacks na bahagyang humahakab sa may bandang hita nito at torso. His corporate attire fits him very well like he was really born to wear that kind of suit for the rest of his life. Natuon ang kanyang atensyon sa may bandang dibdib at tiyan nito na kahit natatakpan ng mamahaling longsleeve polo at coat ay hindi maitatangging napakaganda ng hubog ng katawan. Para iyong nililok ng magaling na iskulptor at binigyang buhay sa katauhan ng lalaking kaharap. “You done examining me, baby?” Doon lamang siya parang natauhan. Mabilis na napabalik ang tingin niya sa mukha nang nagsalita kasabay ng pag-iinit ng kanyang pisngi. She feel so embarassed that she just want to disappear right in front of her saviour. She wanted to smack her head because of what she did! She literally ogle in front of him like it’s the most natural thing she could do. Hiyang-hiya siyang talaga! “Pasensya na po, sir.” She bit her lower lip as she looked down and stared at her shoes. “Uhh... nagkamali po yata ako nang napasukang opisina. A-akala ko po kasi dito ang opisina nang mag-iinterview sa akin. P-pasensya na po talaga.” Hindi makatingin at kandabulol niyang hinging-paumanhin dito. Nagmamadali siyang umikot paharap sa may pinto at akmang bubuksan na iyon nang muli itong magsalita. “You are in the right room, Miss. Leave this place now and you’ll lose your job too.” Banta nito gamit pa rin ang malamig at malagom na tinig. Para namang hinampas ng dos-por-dos ang kanyang ulo dahil sa narinig na iyon. She felt cold and she knew she looked pale because of that. She immediately faced him, not minding what she might look right at that moment as she chase her steps to get near his table. Ipinatong niya ang dalang mga files at requirements na para sa pag-aapply. “No, sir. I didn’t mean to mean that way. A-akala ko po kasi...” Hindi na siya magkaintidihan kung papaano magpapaliwanag rito. “Please sir, you know how badly I need a job right now. I need a job inside this company of yours, sir. Give me a chance. I didn’t mean to offend you. Please.” Halos mangiyak-ngiyak na niyang saad sa lalaki. She saw how the man smirked at her as he slowly sat on his swivel chair once again. Nanatili ang mapaglarong ngiti nito sa labi habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang portfolio. She gulp to ease the nervousness she’s feeling right at that moment. Ramdam rin niya ang bahagyang pangangatog ng tuhod. She’s so desperate.  Gusto niyang magkatrabaho na para makabalik na sa kanilang bahay. Ilang minuto pang nanatili ang tingin ng lalaki roon bago ito dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya. Gone now the smirk on his face. “And who told you that you’ll be working inside this company, Ms. Garcia?” Nanlaki ang mga mata niya roon. What does he mean? Hindi ba siya tanggap? Tiningnan lang nito ang kanyang credentials pagkatapos ay iyon na? Hindi man lamang ba siya nito i-interview-hin? Tatanungin ng mga bagay-bagay? Wala nang assessment na magaganap? Iyon na lamang iyon? “Sir, please...” Halos mangilid na ang luha niya. “Kahit anong trabaho po, okay lang sa akin. Bigyan niyo naman po ako ng chance. I don’t know where to start anymore after this.” Bahagya pa siyang umiling-iling para makakuha ng kahit kaunting simpatya galing dito. He chuckled. Muli rin itong tumayo saka dumukwang palapit sa kanya. Now their faces and eyes are at the same level. “You won’t work here, Elliette. You’ll be working inside my house...” Parang tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo nang marinig ang mga sumunod pa nitong kataga. “...as my wife.” And she knew he wasn’t kidding when he said those to her. Para bang wala siyang ibang choice. Parang hindi siya pwedeng tumanggi sa klase ng tingin at boses nito nang sabihin iyon sa kanya. “Choose to say no and you’ll regret being redempted by me.” Akala niya swerte na siya dahil naligtas siya nito pero bakit pakiramdam niya ngayon mas minalas yata siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD