II.

1345 Words
“Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo ha, Elliette? Baka naman nag-iimagine ka lang? O baka naman nagkamali ka lang nang pagkakarinig? Baka assuming ka lang na yayayain ka niyang magpakasal? Hello? Hindi pa naman kayo ganon magkakilala. At saka ang swerte mo naman masyado kung papakasalan ka nga ng nag-iisang ‘The Oh-So-Freaking-Hottie-and-Yummy’ Azrael Marcus Villega!” Mahabang litanya sa kanya ng kaibigan at kumareng si Mython na binigyang diin pa ang naunang sinabi bago ang pangalan ng lalaki, nang umuwi siya ng araw ring iyon matapos ang dapat sana ay failed interview niya. Hindi niya pa rin maiwasang hindi matulala at mapaisip sa mga narinig mula sa may-ari ng Villega Shipping Lines, ang kompanyang kanyang dapat sana ay papasukan. Akala niya tutulungan siya nitong makaahon mula sa kamalasan pero mali nga siya dahil parang mas inilugmok pa siya nito. Inirapan niya ang kaibigan saka siya nahahapong yumukyok sa mesa ng hapag-kainan. Pansamantala siyang nakikituloy ngayon sa bahay nito habang naghahanap siya ng trabaho at nagsisimulang iayos ang malas niyang buhay. Nakakahiya man na nakikisiksik siya sa bahay ng kaibigan pero wala rin naman siyang ibang pagpipilian dahil walang-wala na siyang malapitan pa. Mython was her last resort. Mabuti nga at pumayag ito. Kapwa sila nasa parehong edad na bente-tres pero dahil sa mga maling desisyon at maling taong nakasalamuha ng kanyang kaibigan ay mayroon na itong anak na dalawang taon na ang gulang, na siyang inaanak naman niya. She sighed. “Sana nga nagbibiro lang ako o kaya ay nagkamali lang talaga ng pagkakarinig kaso hindi. Totoong sinabi niya iyon. That arrogant ‘Oh-So-Freaking-Hottie-and-Yummy’ Mr. Azrael Marcus Villega you are talking about, has just blackmailed me, Mython!” Pumalatak siya kapagkuwan. “Nabubwisit ako sa kanya! Sana hindi na lang niya ako tinulungan. Sana hinayaan na lang niya akong tumalon sa tulay na ‘yon! Para hindi na ako namomroblema ng ganito ngayon. Bwisit siya!” Sobrang nagngingitngit ang kanyang kalooban dahil doon. Parang napakalaki talaga ng galit sa kanya ng tadhana para hayaang mangyari sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Napa-igik siya sa sakit nang maramdaman ang pagtama ng palad ni Mython sa kanyang braso. “Gaga ka talaga, Elliette! Sa lahat nang naisip mo na gawin para takasan ang mga problema, pagpapakamatay talaga naisip mo?” Sinamaan siya nito ng tingin. “Kung ako na lang kaya ang pumatay sayo, as in now na? Nakakainis ka! Ang tapang-tapang mo pagdating sa pagtatanggol sa ibang tao pero kapag sarili mo na ang ipagtatanggol at ipaglalaban mo, duwag ka.” Nanggigigil nitong saad sa kanya. Napalabi siya sa sinabi nitong iyon. Umayos rin siya ng pagkakaupo saka ito malungkot na tiningnan. Sa lahat ng tao, si Mython lamang ang nakitaan niya ng pagpapahalaga at pag-aalala sa kanya. Kung sino iyong hindi niya kadugo ay siya pang may malasakit sa kanya. “I’m sorry, Myth.” Yumuko siya kasabay ng isa na namang buntong-hininga. “Alam mo naman kung gaano ko kagustong matanggap sa pamilyang mayroon ako, ‘di ba? Kaya naghalo-halo na talaga sa akin. Hindi na ako nakapag-isip ng matino nang gabing iyon. Ang tanging gusto ko na lang talagang mangyari ay maglaho at mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko noong mga oras na iyon.” She heard her sighed too before sitting on the chair next to her. “I know. Pero sana sa susunod, huwag kang magpadalos-dalos ng desisyon. Nakakaloka ka! Paano na lang kung hindi napadaan doon sa tulay na ‘yon si Azrael? Eh ‘di wala ka na ngayon? Iiwan mo na lang kami ng inaanak mo ng hindi man lang kita natutulungan?” Humawak ito sa kanyang kamay. “Nandito lang ako kapag kailangan mo ng matatakbuhan. I will help you. Alam mo naman ‘yan, Elliette. Ikaw na lang at ang baby ko ang mayroon ako.” She felt emotional because of that. Hindi siya nagkamali ng taong pagkakatiwalaan at gawing kaibigan. Marahan siyang tumango sa sinabi nito saka ito tipid na nginitian. “Salamat talaga, Mython. Sayo at sa pagkakaibigan lang natin ako sinuwerte pero sa ibang bagay, malas ako.” Pabirong sagot pa niya para pagaanin ang malungkot na atmospera sa kanila. “Baliw!” Her friend laughed. “So, anong plano mo na? Tatanggapin mo ba ‘yung offer sayo?” Sasagutin na sana niya iyon pero hindi na naituloy dahil sa pag-iingay ng kanyang cellphone. Indikasyon na may tumatawag sa kanya. Saglit pa silang nagkatinginan ng kaibigan nang makitang unregistered number ang rumehistro sa screen niyon. “Hello?” Aniya sa kabilang linya ng sagutin niya iyon. Saglit na katahimikan ang narinig niya bago ang pagsasalita ng nasa kabila. “What is your decision?” Napakunot ang noo niya. Who the hell would call her and ask what’s her decision? Prank caller ba ito? Well, nagkamali ito ng taong tinawagan! “Excuse me? Wrong number ka yata. Iba na lang ang lokohin mo. Wala akong oras makipaglokohan sayo. Marami akong problema.” Mataray niyang sagot pa rito. The person on the other line chuckled. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang tawang iyon. Kahit na dalawang beses pa lamang niyang nakakasalamuha ang taong may-ari ng ganoong tawa ay hindi siya maaaring magkamali sa narinig. She knew that chuckle too well! “At mas dadami pa ang poproblemahin mo kapag tumanggi ka sa offer ko, Ms. Garcia.” Tuluyan na siyang napatayo dahil sa gulat at kaba. Tama nga siya nang naisip. Si Azrael ang taong kausap niya ngayon. But how did he know her contact number? “How did you know my number?” Kinakabahan niyang tanong. He chuckled again making her have goosebumps all over her body. Hindi niya gusto ang tunog ng tawa nito. Tila ba may ipinaparating iyong panganib at kamalasan. “I have my ways. And I will always have my ways to get what I want.” Punong-puno ng kahanginan at kumpiyansa sa sariling sagot nito. She raised her eyebrows on that. Isa sa mga nagsisimula na niyang kainisan mula sa binata ay ang pagiging hambog nito at ang masyadong mataas na tingin sa sarili. “Come on, Ms. Garcia, don’t keep me waiting here outside. Open the gate of your friend’s house. I still want to talk to you but you chose to leave me in my office this morning.” At mas lalong nanlaki ang mga mata niya dahil doon. Patakbo siyang lumapit sa may bintana sa salas ng bahay ni Mython habang naririnig pa niya ang kaibigan na nagtatanong kung anong mayroon at kung anong nangyayari sa kanya. Sumilip siya roon at doon niya napatunayan na nasa labas nga ito. Mabilis niyang tinapos ang tawag kasabay ng pagpalatak. She grabbed her hair and pulled it in frustration. Anong ginagawa ni Azrael sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan? Paano nito nalaman ang kinaroroonan niya? Sinundan ba siya nito kanina nang layasan niya ito sa opisina? Kung oo, ibig sabihin ilang oras na itong naroroon? She wanted to curse out loud pero hindi niya magawa dahil naroroon sa salas ang inaanak niya na payapang nanonood ng cartoons sa telebisyon. “Hoy Elliette! Ano bang nangyayari sayo? Bakit aligaga ka riyan? Sino ba iyong tumawag sayo? At bakit nagtatakbo ka rito sa salas? Bakit ka nakasilip dyan sa may bintana? May tao ba?” Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Mython nang makapasok rin ito sa salas at abutan siyang sinasabunutan ang sarili. Problemado siyang tumingin dito. Nanghihingi ng saklolo. “He’s here.” Napa-huh naman ang kaibigan sa sinabi niya. “Sino? Si Benedict? Nakikipagbalikan?” Mabilis siyang umiling saka ginulo ang buhok. She’s going nuts. Nang muling tumunog ang kanyang cellphone ay hindi na siya nag-abalang sagutin iyon at mabilis pa sa alas-kuwatro siyang tumakbo palabas ng bahay saka lumapit sa gate at binuksan iyon. “Ano na namang kailangan mo ha, Mr. Villega? Hanggang dito ba naman tatakutin mo ako para tanggapin ‘yang kabaliwan mong iniaalok sa akin?” Nag-uumpisa na siyang mainis dahil sa ayaw pa rin siya nitong tigilan. Azrael smirked at her. “Tinatakot ba kita? Why? Are you scared already?” Lumagpas ang tingin nito sa kanya at hinayon ng tingin ang labas ng bahay ng kanyang kaibigan. “Hmmm... you’ve got a friend, I see. Kaya malakas pa ang loob mo na tapangan ako ng ganyan at tanggihan.” Muli itong nagbalik ng tingin sa kanya. “Would you like to make your friend’s life miserable too, like yours?” Napanganga siya sa lahat nang narinig na iyon. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. How can a man be this cruel to his fellow human being? Bakit ba pakiramdam niya, lahat para rito ay kayang-kaya nitong manipulahin at pasunurin sa lahat ng gusto nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD