chapter one

1319 Words
Pagkatapos naming magligpit ng mga gamit namin ay agad akong naghilamos at nag-tootbrush. Tinungo ko din ang aparador para kumuha ng maisusuot na damit. May dala pala akong mga vintage dress. Floral at sleeveless ang kinuha ko. Hanggang tuhod din ang haba nun. After that, itinapat ko ang aking sarili sa salamin para naman ayusin ang aking sarili. Sinuklayan ko ang aking buhok na hanggang balikat ang haba, medium ang pagkawavy niyo. Natural na 'yun pero may kulay ito. Sinadya ko talaga magpakulay ng buhok para na din tumingkad daw ang pagiging mestisa ko na namana namin kay Lola, mestiso naman si Lolo. "Laraya, are you done?" Dinig kong sigaw ni Guia mula sa labas ng silid na ito. "Oo, patapos na ako." Sagot ko at naglagay ng kaunting polbos at lip tint bago lumabas ng kuwarto. "Ang tagal mo," nakasimangot na sabi ng pinsan ko. "Nandito 'yung isa pa nating pinsan. Si Tepan kapatid ni Emily. 'Yun daw muna ang magbabantay kay lola habang sasamahan tayo ni Emily sa bayan para ipasyal!" Napalitan ng excitement sa boses niya na natuloy ang mini-tour ni Emily sa amin. Bago man kami umalis ay nagpaalam na muna kami kay lola. Pinayagan naman niya kami. Hindi naman mahigpit sa amin si lola, sa katunayan nga gusto niyang libutin namin ang lugar na 'to, nagbabakasakaling magustuhan namin at maisipan naming bumalik sa susunod. May naghihintay na tricycle sa harap ng gate ng bahay. Sabay kaming sumakay doon at si Emily ang nagsabi sa driver kung saan kami dadalhin. Hanggang sa napadpad na kami sa bayan. Bumaba kami at si Emily ang mismo nagbayad ng pamasahe namin. Napatingala ako. Nasa harap na pala kami ng simbahan. Kung hindi ako nagkakamali, Saint Gregory the Great Parish Church ito. "Ang ganda..." Mahina kong bulalas. "Sinabi mo pa!" Nagulantang naman ako sa nagsalita. Halos mapatalon ako. Si Emily lang pala. Malapad siyang nakangiti at tumingala din siya sa simbahan na nasa harap namin. "Alam mo bang dito ikinasal sina Lola Loreta at Lolo Alejandro?" She prefer our lola. Si lolo Alejandro naman ay matagal nang pumanaw. "Kaya hindi daw makakalimutan ni lola ang lugar na 'to tuwing magsisimba kami tuwing linggo." Tumango lang ako. "Emily, punta tayo doon." Biglang aya ni Guia sa pinsan namin. Nakaturo siya sa kabilang kalsada. Sabay kaming napatingin doon ni Emily. Isang pamilihan. Maliit na mall. "Sige," sang-ayon ni Emily at iniwan nila ako dito. Bumaling ulit ako sa simbahan. Dahil natutuwa ako ay inilabas ko ang aking phone at nag-selfie kasama ang simbahan bilang background ko. Pinost ko sa aking ** na naka-connect din sa aking f******k account. Hinintay ko lang ito ma-upload at maya-maya ay tumunog ito. Binuksan ko ito nang may natanggap akong mga notifications. May mga nag-like at nag-comment din, including my boyfriend Ricky na pareho din nakatira sa Maynila. Sa pagkaalam ko ay nagbabakasyon din siya kasama ang family niya sa Puerto Galera. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil ang akala ng mga kakilala't kaklase ko na sa simbahan na ito gusto kong ikasal balang araw. Don't worry, hon. D'yan tayo magpapakasal kung gusto mo. Pati boyfriend ko, inaakala na ganoon din. Naiiling nalang ako at humakbang na palakad para puntahan sina Guia at Emily sa kabilang kalsada pero nakatutok pa rin ang mga mata ko sa screen ng phone ko. "LARAAA!" Napatingin ako nang tinawag ako ng pinsan kong si Guia. Nanlalaki ang mga mata niya sa akin. Napatingin ako sa gilid ko. Nanlaki na din ang mga mata ko nang may papalapit na truck sa direksyon ko. BEEEEEEEEEEEEEEPPP! Pumikit ako ng mariin kasabay ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Mahigpit ang pagkahawak ko sa aking cellphone. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa akin. Oh God, katapusan ko na ba? "Laraya!" Muli kong narinig ang boses ni Guia. Dahan-dahan ko idinilat ang aking mga mata. Kita ko nalang ang sabay nilang dinalo kung nasaan ako. Hinawakan ni Guia ang magkabilang braso ko. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala sa akin. "G-Guia..." ang tangi kong sambit. "Ano bang kasing pinanggagawa mo? Bakit kasi hindi ka nakatingin sa tinatawiran mo?!" Tumaas ang tono ng boses niya. Dahan-dahan akong napatingin sa gilid ko, kinuyom ko ang aking kamao. Umigting ang aking panga sa inis. Tila kinalimutan ko ang aking takot na gumagapang sa akin kanina, kumalas ako mula sa pagkahawak ni Guia sa akin at walang sabi na sinugod ko ang truck at hinampas ko ang pinto ng driver's seat. "Hoy! Lumabas ka d'yan!" Sigaw ko habang pinaghahampas ko ang pinto ng driver's seat ng malaking truck na ito. "Laraya..." Tawag sa akin ni Emily sabay lapit sa akin. "Tama na," may halong pagkataranta sa kaniyang boses. Tumigil ako sa paghahampas ng pinto nang nagbukas ito. Napaatras ako ng bahagya. Hinawakan ako ni Emily. Ang isa ko pang pinsan na si Guia ay lumapit na din sa akin. May bumaba na isang lalaki mula sa driver's seat. Lumaglag ang aking panga. Ang tangkad ng lalaking ito. Nasa 5'10 ang taas niya, Medyo magulo ang kaniyang itim na buhok, naka-suot siya na long sleeve na chaleco, faded-blue jeans, at naka-tsinelas. Parang magsasaka siya sa paningin ko. Pero 'yung mukha niya, wala akong masabi. Ang tangos ng kaniyang ilong, mamumungay ang kaniyang chinitong mata, medyo makapal ang kaniyang kilay, manipis at namumula niyang mga labi, mamumula pa ang kaniyang balat dahil na din siguro sa init na temperature dito sa Indang. Damn, chinitong magsasaka! "Hala, ang guwapo." Mahinang bulalas ni Guia na hindi ko nalang pinansin. "May problema ba, Miss?" Tanong ng lalaki sa akin sa pamamagitan ng kaniyang baritonong boses. Puta, pati ba naman ang boses, ang guwapo! Teka, ano ba itong pinaggagawa ko? Bakit pinupuri ko ang lalaking ito?! Wait, I'm taken! Ayokong magtaksil sa boyfriend ko! Mahal ko si Ricky! "Miss?" Nanumbalik ang ulirat ko. Kinuyom ko ang aking kamao at humakbang palapit sa lalaki. "Hoy, ikaw!" Singhal ko sabay dinuro ko siya. "Bakit mo ako sasagasaan ha?!" Tinaasan niya ako ng kilay na parang di siya makapaniwala sa ginawa ko. Inangat niya ang magkabilang kamay niya na parang akala mo sumusuko na siya sa isang gyera. "Wait, let me clear what happened a while ago... Hindi ba dapat ako ang magalit dahil tumatawid ka nang hindi man lang tumitingin ng kaliwa't kanan? Lalo na't busy ka sa kakatext." Then he smirked like a devil. Ugh! Natigilan ako. Ramdam ko nalang ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. s**t, napahiya ako! Damn, kasalanan mo naman talaga ito, Lara! "Kaya sa susunod, tumingin ka sa muna dinadaanan mo. Maraming nang nadidisgrasya sa kakatingin ng cellphone pero walang pakialam sa paligid nila." Lalo ako nangingitngit sa inis. Talagang sinampal pa niya sa akin ang katotohanan na kasalanan ko! "Tama na, Suther." Malumanay na sambit ni Emily sa lalaki. Huh? Kilala pala niya ang lalaking ito? Tumingin ang lalaki sa pinsan ko. "Kilala mo ba ito, Emily?" Sabay turo sa akin. "Ngayon ko lang siya nakita dito. Dayo ba siya?" Tumango si Emily. "Oo, mga pinsan ko sila na galing pang Maynila. Nandito sila para magbakasyon." Tumango-tango lamang ang lalaki. "Can we do reconciliation here?" Then he looked at me. "I'm sorry, Miss sa muntik nang pagpapasagasa ko sa iyo, but I think... kailangan mo ding magsorry sa akin." Saka ngumisi siya nang nakakaloko. Napangiwi ako. Aba't tarantado ang isang ito, ah! Hindi ko akalain na ang hangin ng isang ito! Kumawala ako ng malalim na buntong-hininga nang nakabalik na kami sa bahay. Hindi man lang namin na-enjoy ang pagmamasyal sa bayan. Lalo na sa lalaking 'yun. Kainis! Nakakairita talaga siya! Guwapo nga, hambog pa! Bwisit siya! "Oh, kamusta sa bayan?" Nakangiting bungad sa amin ni Tepan na kakalabas niya lang mula sa kusina. Magsasalita sana si Guia nang inuhanan ko na siya. "Hindi maganda. Sige, aakyat muna ako. Gusto ko muna magpahinga." Tinalikuran ko na sila't umakyat na ako patungo sa kuwarto. "Naka-engkuwentro niya si Suther Hochengco." Dinig kong sabi ni Emily bago ko naisara ng tuluyan ang pinto ng kuwarto. Dumiretso ako sa aking kama at umupo. Napatingin ako sa bintana. Unang araw pa lang talaga ng bakasyon, hindi na maganda. Naputol na lang ang pagmumuni ko nang tumunog ang phone ko. Napawi ang inis ko nang tumawag si Ricky...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD