chapter two

1167 Words
Nagising nalang ako sa pambubulabog ni Guia. Idinilat ko ang isang mata ko dahil tumama sa akin ang sinag ng araw. "Wake up, sleepyhead! Yuhoooo!" Bungad niya sa akin na nakangiti. Hay, nako. "The breakfast is ready. Ikaw nalang ang hinihintay namin." Dahan akong bumangon at kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Anong oras na din ako nakatulog kagabi. Hindi dahil sa namamahay ako. Dahil matagal kaming nag-usap ni Ricky sa tawag. Dahil nasa Puerto Galera siya ay wala daw siya masyadong ginagawa. Doon ko nabalitaan na reunion din pala ng angkan nila. Hindi ko nalang sinabi kay Patrick ang nangyari sa akin kahapon dahil ayokong mag-away kami. Dumaan muna ako ng banyo para mag-tootbrush at maghilamos. Itinali ko din ang aking buhok at sumabay na sa pagbaba. Dumiretso kami ng kusina nang naabutan namin sina lola, Emily at Tepan na nagkukwentuhan. Sabay silang napatingin sa amin. "Nar'yan na pala." Nakangiting sabi ni Karding. "Good morning, mga pinsan." "Good morning din!" Energetic talaga itong si Guia. Dumiretso siya ng umupo, tumabi siya kay lola. "Morning," Walang gana kong bati sa kanila. Bago man kami kumain ay nagdasal kami. Emily lead the prayer. Then after that, kumain na kami. Inaabutan nila ako ng almusal. Inabutan din nila ako ng coffee. "Kamusta ang pagpunta ninyo sa bayan sa kahapon?" Nakangiting usisa ni lola sa amin. Nagkatinginan kaming lahat. Binigyan ko sila ng tingin na huwag nilang sabihin kay lola kung anong nangyari. Bumaling ako kay lola para ako ang sasagot. "Lola, okay naman po... Nakita ko 'yung simbahan kung saan kayo ikinasal ni lolo Alejandro... the rest, nag-enjoy po talaga ako... kami." Kahit hindi naman talaga. "Talaga? Mabuti naman kung ganoon." Lalo napangiti si lola nang mabanggit ko ang tungkol sa simbahan. Tumingin ako sa mga pinsan ko. Oh please, change topic na. Ayokong mahalata ni lola na may mali! "Ah, lola..." si Emily. "Mamaya po ay sasamahan ulit kayo ni Tepan dito. Mamamalengke po ako mamaya." Para akong nabunutan ng tinik sa pag-change topic ni Emily. Tumango si lola at pumayag. "Ay, sama ako!" sumingit si Guia sabay tingin sa akin. "Kaming dalawa po ni Laraya." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng baliw kong pinsan! Tatanggi pa sana ako pero pumayag na din si lola. Kainis ka talaga, Guia. Humanda ka sa akin mamaya pagbalik natin dito! "Maganda 'yan, para naman may kasama ako sa pamamalengke." Segunda pa ni Emily na nakangiti. "Basta ate, pasalubong ko na biko, ah." Si Tepan. "Oo na." Pagkatapos din namin kumain ng agahan ay nagpahinga kami saglit. Si Guia ay pupunta daw muna ng bakuran para mag-selfie. Syempre garden ni lola ang magiging background niya samantalang ako naman ay papasok muna ng kuwarto para maligo at magpapalit ng damit. Kalahating oras pa bago ako lumabas ng banyo. Dumireto ako sa aparador para kumuha ng damit. Iniisa-isa ko ang mga hanger para tumingin ng maisusuot ko. Napailing ako. Wala dito ang gusto kong maisuot. Hinila ko naman ang drawer. Napangiti ako. Shorts saka puting racer back shirt ang susuotin ko! Palengke lang naman ang pupuntahan namin kaya tsinelas nalang sapin ko sa paa. Nilapitan ko naman ang salamin para ayusin ang mukha at buhok ko. Pinatuyo ko ang buhok ko sa pamamagitan ng tuwalya hanggang sa matuyo ito kahit kaunti Sinuklayan ko iyon saka inilabas ko mula sa drawer ang make-up kit ko. Nag-apply ako ng face powder at lip tint. Simpleng make up lang naman. Lumabas na ako na nasa salas silang lahat. Nagkukwentuhan. Napatingala sila sa akin. Napangisi si Guia, si lola ay ganoon din. Ang magkapatid na Emily at Karding ay parang namangha nang makita nila ako. "Ayan na, lumabas na ang seksi kong pinsan!" bulalas ni Guia with matching palakpak pa. "Tara na?" Tumango ako at ngumiti. "Aalis na po muna kami lola." Paalam ko at hinalikan ko si lola sa noo. "Mag-iingat kayo, ah?" "Yes, lola." "Pinagtitinginan yata kayo," Bulong sa amin ni Emily nang nasa palengke na kami. "Magaganda kasi tayo." Natatawang sabi ni Guia habang naglalakad kami. Nakasuot din kasi ng shorts ang babaeng ito. Naka tee-shirt at nakalugay lang ang kaniyang buhok. Maingay dito sa palengke. Pansin ko din na may bagong dating na truck dito para mag-delivery ata ng mga sariwang isda. "Manang, dalawang kilo po ng bangus." Sabi ni Emily sa tindera. "Mga pinsan, bili muna ako ng ice cream doon." Paalam ni Guia sa amin. "Emily, doon muna ako. Hihintayin kita." Sabi ko naman. Pumayag naman siya. Humakbang ako palayo sa pinsan ko. Masyadong maraming tao at ayokong makisingit pa sa siksikan. Inilabas ko ang phone ko para i-text si Ricky habang naghihintay sa mga pinsan ko. TO : RICKY Babe? Message sent! Nanlaki ang mga mata ko nang maramdam ko ang malamig na tubig sa katawan ko. Tiningnan ko ang damit ko. Basang-basa na ito. W-what the f**k?! "s**t, sorry miss!" Napalingon ako sa likuran ko. Nabuhay ang galit ko nang makita ko na naman ang lalaking papalapit sa akin. Tangina, bakit narito na naman siya?! Ang akala ko ba magsasaka ito? Bakit parang naging mangingisda naman siya ngayon?! Kinuyom ko ang aking kamao. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa galit! Gusto kong magmura pero hindi ko naman magawa. Umigting ang aking panga. Gusto kong suntukin ang gagong ito! "Sorry talaga miss." Sabi pa niya sabay abot niya sa akin ng isang face towel. Pinaningkitan ko siya ng tingin. "You..." sambit ko. "Nananadya ka ba talaga?" Nakatitig sa akin ang lalaki. "Nope." Humalukipkip ako. "Kahapon ka pa. Sa totoo lang, pinalagpas ko lang 'yung ginawa mo sa akin kahapon dahil alam kong kasalanan ko. Pero ngayon? s**t, nananadya ka na!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sigawan siya. Wala na akong pakialam kung pagtitinginan na kami ng ibang tao dito. I just want to burst out my feelings. Galit na galit na talaga ako! "Kaya nga ako nagsosorry, hindi ba? Kasi aksidente lang naman." Aniya. "Laraya? What happened?" Napatingin ako sa mga pinsan ko pagkatapos ay tinapunan ko ng masamang tingin ang lalaking ito. What the f**k?! Nakakainis talaga! "Umalis na tayo! Leche!" Sigaw ko ulit at tinalikuran ko siya. Sumunod naman sa akin ang mga pinsan ko. Wala na akong pakialam kung saan man ako makarating! Ang gusto ko lang ay makauwi na ako dahil amoy ko na ang malansang amoy kasama ang tubig na sinaboy sa akin! "Miss!" Tawag sa akin ng lalaking 'yun! Hindi ko siya pinapansin. Dire-diretso pa rin ang lakad ko. "Sandali, Miss." Pero naabutan niya ako. Nahuli niya ang braso ko at napatingin sa kaniya. "Ano na naman bang kailangan mo?!" Singhal ko. May inabot siya sa aking tuwalya. Malaki na ito. Sakto na takpan ang taas ko. "You need this." Tinaasan ko siya ng kilay. Aba, dinadaan pa niya ako sa englishan! Tss. Tinulak ko siya. "Hindi ko kailangan ng tuwalya mo!" Nailing siya. "Kailangan mo nga 'to." At walang sabi na inilapit niya ang mukha niya sa akin. Halos maduling na ako! "Bakat na ang bra mo, Hello Kitty, right?" Saka ngumisi siya. Halos manigas na ako sa kinakatayuan ko. Napatingin ako sa damit ko. Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang naisip na puting racer back pala ang pantaas ko! Damn it, kitang-kita pa ang bra ko! s**t, nakita nila si Hello Kitty! Mas gugustuhin ko nalang na lamunin nalang ako ng lupa sa sobrang kahihiyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD