CAPITULUM 3

2142 Words
“Good morning ma, where's kuya?” Tanong ko kay mama pagkababa ko galing sa kwarto ko. “Pumasok na siya pero uuwi din mamaya. Why?” “Uuwi din?” Balik kong tanong kay mama. “Yeah nag file siya ng leave for two months.” “What?! for what?” Ano namang meron at magleleave ‘yon ng two months? Nababaliw na ba sya? “Hindi ba niya sinabi sa iyo?” “Nope.” “Sasamahan ka niya papuntang probinsya.” “Kami? Pupuntang probinsya? No!” Mariin kong tanggi. “You know what darling you need to calm your mind, sobrang daming nangyayari sayo. Gusto namin ng kuya mo na sa province mo i-spend ang two months vacation mo. We want you to find yourself. Kaya ka nagkakaganyan dahil naguguluhan ka lang. Sobra kaming nag-aalala sayo ng kuya mo.” Mahabang paliwanag ni mama. “Pero ma can't you see? I’m okay very okay.” Lumapit si mama sa akin at niyakap ako. “I know someday everything will be alright honey.” *** “Bunsoooooy!” Tawag ni kuya na galing sa labas ng kwarto ko kanina pa niya ko kinukulit na lumabas ng kwarto ko. “Pwede ba kuyaaa!? Umalis ka na nga ang ingay mo!” “Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako kinakausap.” “Ayoko ngang sumama sayo. Kung gusto mo pumunta doon mag-isa ka!” Pagkasabi ko non ay tumahimik na sa labas ng kwarto kaya nagtalukbong na ako sa kumot ko. Bakit ba kasi kailangan pa sa probinsya kung saan pa yung pinaka ayaw kong lugar doon pa ko dadalhin? Tsk. “Booom!” Napatayo ako bigla nung narinig kong bumukas ng malakas yung pinto. “What the- ano bang problema mo!?” “Ms. Jairah Del Luna sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin.” Nag-umpisa na siyang pumasok sa kwarto ko at dumiretso sa closet ko. “Hooooy! Lumayas ka na dito kuya.” “No! Kung ayaw mong kumilos, ako kukuha ng mga damit mo!” “Okay bahala ka diyan, sinasayang mo lang pagod mo.” Bumalik ulit ako sa pagkakahiga ko kahit kailan talaga itong si kuya. “Aaaaahhhh!” “Tatayo ka o bubuhatin pa kita papuntang banyo?” Hinila niya ang dalawang paa ko. “Mamaaaa!” “Hindi ka tutulungan ni mama. Hindi kita titigilan hangga’t hindi ka tumatayo diyan at kumikilos.” Mukhang wala talaga siyang balak na tigilan ako kaya tumayo na ako. Kahit ayaw ko talagang sumama doon wala din akong magagawa. “Lumabas ka na kuya masasapak na talaga kita.” “Susunod din pala, sige na mag-asikaso ka na dahil kanina pa dapat tayo nakaalis.” Umalis na siya ng kwarto ko. Humiga muna ako bago ako kikilos dapat talaga kanina pa ang alis namin kaso nga ayaw ko umalis. Siguro nga makakabuti kung umalis muna ako dito para makapag refresh naman ang utak ko. Naligo na ako at nag-asikaso na din bago bumama, isang maleta lang ang dala ko tama lang para sa dalawang buwan. “Buti naman bumaba ka na bunsoy akala ko aakyat pa ulit ako e.” Bungad sa akin ni kuya pagkababa ko. “Heh! Happy?” Tsaka ko siya tinarayan. Nilapitan ako ni mama at niyakap. “Good luck honey!” “Hindi ka po ba sasama sa amin ma?” “No need tsaka marami pang trabaho dito. Mag enjoy ka doon ha?” “I can't.” “Nandiyan si kuya para bantayan ka.” “Tama na ‘yan ma, aalis na kami.” Putol ni kuya sa pag uusap namin ni mama, kahit kailan talaga ‘to panira. “Alam mo kuya panira ka mauna ka na kaya!” “Sige na umalis na kayo mahaba-haba pa ang byahe niyo. Mag-inggat kayong dalawa ah. Ikaw Ken tigilan mo muna ‘yang ginagawa mong kalokohan sa kapatid.” Pangaral ni mama sa kaniya. “Ay, hindi ko mapapangako ma.” Nakangising sambit ni kuya. “Ken?!” “ Haha! Joke lang ma, bye alis na kami.” Kiniss niya si mama at nauna ng naglakad “Bye ma! Inggat ka dito ah.” “ I will honey. Enjoy your trip!” “Okay ma bye.” Kiniss ko na din si mama at sumunod na ako kay kuya na nauna ng sumakay sa kotse. Sumakay na ako ng kotse. Dalawa lang kami ni kuya siya ang mag-mamaneho sabi nila mga 3-4 hours daw yung byahe. “Are you ready bunsoy?” “Argghh stop calling me bunsoy! And to answer your question I’m not lalo na at kasama ka.” Pagsusungit ko sa kaniya. Pero deep inside masaya ako dahil kasama siya hindi magiging boring ang bakasyon ko. Hindi lang talaga ako showy na tao. “Matulog ka na lang muna, gigisingin na lang kita mamaya pag malapit na tayo.” Sinunod ko din si kuya at sinandal muna ang ulo ko. Na-message ko na din pala sila Ely at Nel na sa province ako magbabakasyon. Wala namang problema dahil mag chachat na lang or mag v-vc na lang daw kami. *** “Bunsoy! Bunsooooy!” “Ouch! Bakit kailangan mong sumigaw sa tainga ko?! Abnormal ka ba?” Inis kong sigaw sa kaniya. “Kanina pa kita ginigising ayaw mong magising. You know what Jai pumunta tayo dito para mag-saya.” “Ikaw lang no.” “Dito na tayo.” Bumaba na siya ng kotse at pumunta sa likod para kuhain ang mga gamit namin. Tumingin muna ako sa bintana kung nasaan na kami. Wait! Seriously?! Bakit walang kabahay-bahay dito? Bumaba ako ng sasakyan para tanungin si kuya. “Kuya na saan tayo?” “Sa province?” Sarkastiko nanaman niyang sagot. “Anong klaseng probinsya ‘to? Bakit walang katao-tao dito?” “Nasa bayan ang mga tao, I mean sa bayan halos lahat nakatira. Anong problema?” lnosenteng tanong niya. “Bakit hindi tayo doon? Saan tayo tutuloy ngayon?” “Pwede ba bunsoy wag ka ngang mag panic. Maglalakad lang tayo ng kaunti doon.” Tinuro niya yung daanan sa tapat namin at sa dulo non may gate. “So anong meron doon?” “Bahay? Ano bang klaseng tanong ‘yan Jai?” “Bakit ba kasi hindi mo sinabi sa akin na ganito pala ang pupuntahan natin?” “Sasama ka ba pag sinabi ko?” “Hindi.” “Tara na para makapag-pahinga na tayo, nakakapagod kayang matulog diba Jai?” Naglakad na kami ni kuya papunta doon sa gate na ‘yon. Sari-sarili din kami ng dala ng mga gamit namin. Nauna siyang naglakad at nakasunod lang ako sa kaniya. Hindi ko alam na dito pala nila ako dadalhin akala ko sa province ni mama pero hindi pala. Ngayon lang ako nakapunta dito. Sobrang tahimik ng lugar to the point na nakakabingi na dahil sa sobrang tahimik. “Mukhang magiging masaya ‘to.” Sabi niya habang tuloy pa din sa pag-lalakad. Malapit na din kaming makarating doon sa gate. “Tsk. Walang masaya sa lugar na walang kahit na ano!” “Masasanay ka din.” Patawa niyang sinabi. “Ang saya saya!” Nandidito na kami sa tapat ng gate na kulay kalawang na mga hanggang bewang ko lang yata ang taas nung gate. Ang dami ding mga puno na ang lalaki tapos mabato din yung daanan. “Avia!” Tawag ni kuya doon sa lola na sumalubong sa amin at niyakap niya. Avia? Ano yon? “Magandang tanghali po Doc. Mabuti ay nakarating po kayo ng maayos.” Bati nung matandang babae na nasa mid 80’s na mukhang malakas pa siya. Yung itsura nung matanda ay maliit lang tapos medyo payat naka pusod din yung puting puti niyang buhok. “Magandang tanghali din po. Ken na lang po ang itawag niyo sa akin.” Sabi ni kuya at nag-mano siya doon sa Avia. “Sino naman yang magandang dalaga na iyan iho? Nobya mo ba iyan?” “Ay kayo po talaga Avia, kapatid ko po si Jai.” “Hello po ako po si Jai.” Nagmano din ako sa kaniya. “Hindi ko alam na nagkaroon ka pa pala ng kapatid iho.” “Eh simula po kasi nung nabuntis si mama e hindi na po kami nakadalaw dito.” “Oo nga. O hala sige na pumasok na kayo at ng makapag-pahinga na din kayo.” Sabi ni lola nauna siyang naglakad samin kaya sumunod nalang kami. Nakarating na kami sa bahay ni lola bale dalawang bahay ang nandirito na kulay brown ang creepy lang dahil mukha na silang mga hunted house. Parehong may second floor pero hindi sila yung pangkaraniwang mataas. Sakto lang yung taas at baba niya. Pumasok na kami sa loob mukhang dito kami mag sstay. “Wala pa rin po itong pinagbago, sobra ko po itong namiss.” “Simula nung umalis kayo dito wala na akong pinatira diyan. Pinapalinis ko na lang para hindi masira ang mga gamit.” Hindi ako nagsasalita dahil wala naman akong alam sa pinag-uusapan nila at nakikinig lang ako sa mga usapan nila. “Iha dito ang kwarto mo sa kabila naman si kuya mo.” Sabi ni lola sa akin kaya nginitian ko na lang siya. “Oh siya iho kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ah.” “Sige po Avia maraming salamat po sa pag asikaso.” Umalis na din si lola at nag-punta na siya don sa kabilang bahay. “Anong masasabi mo?” “Gusto ko ng umuwi.” “Tsk. Hindi mo man lang babatiin na maganda ang bahay natin?” “Mag-papahinga na ako. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka.” “Okay sige magpahinga ka na lang muna.” Pumasok na ko sa kwarto ko hindi siya malaki at lumang luma na. Malinis naman yung loob kaya pwede na. May bintana din sa gilid ng kama ko at ang labas non ay bintana din kaso nakasara. Inilagay ko muna ang mga damit ko sa may aparador na may salamin. Medyo hindi lang maganda yung pakiramdam ko dito sa bahay dahil nung pagpasok namin kanina ay agad-agad tumayo yung buhok sa buong katawan ko pero siguro normal lang ‘yon dahil bago lang ako dito. Nahiga muna ako sa kama ko dahil wala naman akong magawa. Napag-isip-isip ko na paano kaya kung hindi ako na expel? Siguro lagi pa din akong nakikipag-away doon sa campus namin. Ngayon ko lang naramdaman na nakakapagod pala yung mga pinaggagawa kong kalokohan. Unti-unti ko na ring nararamdaman na inaantok na ko kaya ipinikit ko na ang mga mata ko. - Napabangon ako bigla bigla dahil may naramdaman akong tao sa paligid ko. Basang basa din ako ng pawis at sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Inikot ko ang paningin ko pero wala namang tao. Sumilip din ako sa bintana at hapon na pala. Yung bintana na katapat ng bintana ko nakabukas na tapos madilim lang yung loob. Lumabas ako ng kwarto para tignan si kuya para tanungin kung pumasok siya sa kwarto ko. “Kuya?!” Tawag ko pag-labas ko ng kwarto ko. Kaso walang sumasagot kaya pinuntahan ko yung kwarto niya para tignan kung nandoon siya kaso wala din. Pumunta akong kusina pero wala pa din siya. Lumabas ako ng bahay at nakita ko si lola na nag-didingas ng kahoy. “Lola?” Tawag ko sa kaniya kasi nakatalikod siya. “Lola nakita niyo po ba si kuya?” Tanong ko ulit pero hindi pa din siya humaharap kaya hinawakan ko ang balikat niya. “Ahhhhhhhh!” Nakakatakot ang mukha niya hindi siya ang lola na kasama namin kanina. Kulay itim na nag ba-violet na yung mukha niya at yung mga mata niya nababalot ng kulay itim. P-para siyang p-patay na. “Jai! Wake up! Jai!” Napabangon ako sa pagkakahiga ko dahil narinig ko ang boses ni kuya. “Kuya!” Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak at sobrang lakas ng t***k ng puso ko. “It's just a nightmare bunsoy, don't worry nandito si kuya.” Sabi ni kuya habang hinahagod niya ang likod ko para patahanin. “Kuya please ayaw ko na dito.” Sagot ko sa kaniya habang umiiyak pa din. “Shh tahan na. I’m sorry bunsoy but hindi tayo pwedeng umuwi.” Patuloy lang ako sa pag-iyak buti na lang at nandiyan si kuya para patahanin ako at least medyo nawawala yung takot ko. Sino ba yung nakita ko? Bakit yung matandang ‘yon ang napanaginipan ko? Sobrang nakakatakot ang itsura niya. Nung tumahan na ako ay bumitaw na ako kay kuya at hinarap siya. “Kuya sino ba yung nakita ko? Tsaka bakit si lola ang nakita ko sa panaginip ko? Bakit ganun yung nakita ko?” Tanong ko sa kaniya. “I don't know, maybe tomorrow we can confess it to Avia kung ano ba ang napaginipan mo.” “But-” “Kumain na tayo nag-dala si Avia ng pagkain natin. Napahaba din ang tulog mo kanina.” “Avia?” “It’s a latin word means “grandmother.” Paliwanag niya. “From now on you can call her Avia.” Dagdag niya habang nakangiti. “Okay.”Kahit na naguguluhan ang utak ko sumama na lang ako kay kuya sa kusina para kumain. Ayaw ko ng mag-alala pa siya sa akin dahil wala si mama mahirap iyon sa kaniya. “Kuya si Avia ba may kasama siya sa bahay nila?” Tanong ko kasi matanda na siya at dalawang bahay pa ang binabantayan niya kaya dapat may kasama siyang nag-aalaga din sa kanya. “Yeah, pero ngayon wala pa daw kasi nasa bayan nag-tatrabaho.” Sagot niya kaya tumango-tango na lang ako. “By the way, speaking of bayan gusto mong pumunta tayo doon bukas?” “Yes, of course. It must be exciting!” Tuwang tuwa kong sagot sa kaniya. Maganda ‘yon para naman hindi ako nakakulong lang dito. “Well then, mag-pakabait ka sa akin.” “Mabait naman ako kahit hindi mo sabihin.” “Sige na ituloy mo na ‘yang pagkain mo.” Patawa niyang sinabi. 5 years lang ang tanda sa akin ni kuya kaya sobra din kaming magka close. Since mga bata palang kami siya na lagi ang nakakasama ko. I’m only 17 and he's 22. Pagtapos naming kumain ay nagprisinta ako na ako na ang mag-huhugas ng pinag-kainan namin. Kinalimutan ko na lang din ang napanaginipan ko kanina. Naalala ko pala hindi ko pa pala na kakausap sina Ely at Nel siguro mamaya na lang pagkatapos kong mag-hugas. Pagtapos kong maghugas ay pumunta na ko sa kwarto ko nagpaalam na din ako kay kuya sa sala na nanonood ng tv na mauna kong matulog sa kaniya. Kinuha ko na ang cellphone ko para makipag video call kila Nel at Ely. Puteek! Walang signal kahit konti wala, kaya pala wala akong natatanggap na kahit anong message man lang o tawag kasi walang signal. Siguro bukas meron na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD