CAPITULUM 2

1505 Words
“Good morning Queen Jai.” Bati nung mga estudyante na nakakasalubong ko. Hindi ko sila pinapansin at dire-diretso lang ako papunta sa classroom ko. Hindi ko kasama ngayon sila Nel at Ely dahil magkakaiba ang schedule namin. “Good morning Queen Jai.” Bati nang classmate ko na nasa pintuan. “Tabi nga!” Pagsusungit ko sa kaniya kaya tumabi agad siya. Naupo na ako dito sa upuan ko para antayin lang yung teacher, ang tagal niyang dumating nakakainip. Yumuko muna ako sa desk ko para umidlip habang inaantay yung teacher. “Nakarating na kaya kay Jairah ang warning ng guidance?” “For sure titino na ‘yong mayabang na ‘yon akala mo naman talaga siya nagmamay-ari nitong school kung makaasta.” “Sa tingin ko magbabago na siya dahil last warning na niya ‘yon.” “Buti nga sa kaniya.” “Ang galing mo kasing umarte sa guidance kaya napaniwala mo sila.” Narinig ko ang usapan ng tatlo kong classmate na babae. So sila pala ang dahilan kaya nagkaroon ako ng last warning. Hindi ata nila ako napansin na pumasok dahil ang lalakas pa ng mga boses nila. Inanggat ko yung ulo ko para ayusin ang buhok ko at tumayo ako para sipain ang upuan ko, kaya nausog ‘yon ng sobrang lakas sa likod at natamaan iyong mga nag-uusap. “OMGGGG! Ouccchhhh!” Sigaw nung isa habang hinahawakan ang tuhod niya na tumama sa upuan. Nagsimula na ring magkagulo yung mga classmate ko dahil sa ginawa ko. Lumapit ako sa kanilang tatlo. “Ano nga ulit yung sinasabi niyo kanina?” Kunwaring tanong ko. “Q-queen Jai m-ma..” Hindi ko na pinatapos ang kaniyang sinabi dahil nag salita ako agad. “Sino nga yung nagpanggap? Ikaw ba?” “Ikaw?” “O ikaw?” Isa isa ko silang tinurong tatlo. Naasar ako sa mga narinig ko. “P-patawarin nyo po kami.” “Sino ang nagsumbong!” Sigaw ko sa kanila. “Ah walang magsasalita? Okay madali akong kausap.” “S-siya p-po.” Turo nung isa doon sa babaeng natamaan yung tuhod. Lumapit ako sa kaniya at sinabunutan ko yung buhok niya banda sa may batok kaya halos maiyak na siya. “S-sorry na po please hindi ko po sinasadya.” Pagmamakaawa niya sa akin habang umiiyak. Nanonood lang yung mga classmate namin dahil sa takot kaya hindi sila nangingialam. Tinulak ko siya sa gitna ng classroom at pinagsasampal. Wala akong atraso sa kaniya para gawin sa akin ‘yon. Ang kapal ng mukha niya para kalabanin ako. Iyak lang siya ng iyak dahil sa pagsasampal ko sa kaniya at pananabunot. “Pahinging gunting!” Sigaw ko sa kanila at agad-agad naman ding may nag-abot sa akin. “Hubarin mo ‘yang uniform mo dali.” Utos ko doon sa babae habang nakaupo sa sahig. “Please po Queen Jai ‘wag po.” Pagmamakaawa niya sa akin. “Huhubarin mo ‘yan o ako pa maghuhubad niyan? Dalian mo na!” Tinanggal niya ang uniform niya at inabot sa akin. “Ito yung mga napapala ng mga taong gustong kumalaban sa akin. Nakikita niyo ‘yang babaeng ‘yan? Gusto niyo bang maging ganyan ha?” Sigaw ko sa mga nanonood. “Ano! Sino pang lalaban sa akin!?” “Tama na po Queen Jai.”Pagmamakaawa ulit nung babae. “Tanggalin mo ‘yang palda mo!” “Wag na po ito. Please po maawa po kayo sa akin.” Pagmamakaawa niya ulit saakin. “Tatanggalin mo ‘yan o guguntingin ko ‘yang mukha mo!?” Ginupit ko ng ginupit yung blouse at palda niya, naka sando nanlang siya at naka short. Pasalamat siya dahil ‘yun lang ginawa ko at dahil mabait pa ko sa lagay na ito. “Anong kaguluha- Myghad Ivy what happened!?” Sigaw na tanong nung teacher sinasagot nung Ivy na ‘yon dahil patuloy lang siya sa pag iyak. “Jairah! Enough! Sobra sobra na ‘yang ginagawa mo!” Sigaw nung teacher sa akin habang pinapatahan si Ivy. “Students dalhin niyo si Ivy sa clinic the rest mag recess na kayo and Jairah follow me.” “Hindi pa ako tapos sa’yong gag* ka.” Sabi ko doon sa Ivy habang sinasamaan ko siya ng tingin. “Jairah!” Sinusundan ko lang itong si Ma’am Nani at alam ko na kung saan ako dadalhin. “Please sit down.” “Sabihin niyo na yung sasabihin niyo.” “Sit down!” Halos marinig na sa labas yung boses niya dahil sa lakas ng sigaw niya. Sinunod ko nalang siya para matapos na itong walang kwentang usapan na ito. “Anong nangyayari sayo Jairah? Anong ginawa mo sa kaklase mo?” This time principal na ang kausap ko. “Sa tingin mo ba ako ang may mali?” “Huwag mo akong kausapin ng ganyan Jairah. Estudyante ka lang dito sa school na ito at nagbabayad ka lang.” “Pwede ba, ang dami mong daldal sabihin mo na ang sasabihin mo dahil may next class pa ako.” “No! This is your last class!” “Ano?!” Pagtatakang tanong ko. “You are expelled for two months.” Galit niyang sabi. Nakikita kong sobrang nainis siya sa inasal ko. “Hindi ako papayag! Ieexpel mo ako ng hindi mo alam ang buong nangyari?” “We have a deal Jairah.” “Yeah we have a deal but hindi mo man lang tinanong kung anong nangyari? Anong klaseng principal ka?” “Excuse me Jairah ‘wag na ‘wag mong ku-kwestyunin ang pagiging principal ko. This is nonsense tumawag na kami sa mommy and kuya mo.” “Hindi mo pwedeng gawin sakin ito. Nagbabayad ako dito sa school na ito tapos ie-expel mo ako ng ganun-ganon lang?” “Pwede ka ng umuwi Jairah.” Lumapit ako sa table ng principal at pinalo ko ng malakas ‘yon. Last ko na ito ngayon kaya susulitin ko na. Lumabas na ko ng guidance at nakita ko si Nel at Ely na patakbo dito kaya nag stop na ko sa paglalakad. “Jai anong nangyari?” Tanong ni Nel habang hinihingal hingal pa. “Kalat na sa buong campus yung ginawa mo kaya napatakbo kami dito kasi dito ka naman talaga nila dadalhin e.” “Expel ako for Two months.” Walang gana kong sabi sa kanila. “What!! Two months? Are they out of their minds?” Gulat na tanong ni Ely. “What happened ba?” Sagot naman ni Nel. “Dahil hindi na ako makakapasok dito, I want the two of you na ipagpatuloy yung ginawa ko kay Ivy.” “Who's Ivy?” Tanong nila. Hindi pa pala nila alam ang pangalan niya. “Nagpanggap siya na sinaktan ko siya then nagsumbong.” “Tapos naniwala naman sila?” “Of course maniniwala sila.” Sinamahan nila ako papuntang classroom para kunin yung gamit ko. Nagpasundo na din ako kay kuya at hindi naman siya nagalit sakin. “Iinform ka na lang namin Jai sa sinabi mo sa amin.” “We will miss you.” “Thank you! Pwede naman kayong pumunta sa bahay para makipagkwentuhan sa akin.” “Waaah Two months ka naming hindi makikita dito sa school Jai.” Sabi ni Ely. “Ang OA mo El hindi pa ako mamamatay.” Ayoko talaga yung dinadramahan ako. Ahy ewan basta ayoko. “Oh siya, nandiyan na si papa Ken paki hi na lang ako ah.” Malanding sabi ni El. Ken kasi pangalan ni kuya at matagal na niyang crush. “Kuyaa! Hi daw sabi ni Ely!” Sigaw ko kay kuya na nasa kotse. “Taena naman nito ni Jai pwede namang mamaya na sana pag kayo na lang! Nakakahiya tuloy.” Nahiya pa itong si Ely. Alam ko namang gusto din niya. “Oh, Hi! Nel and?” Bati ni kuya sa kanila at nakalimutan pa nga si Ely. Hahaha! “Ely po.” Pabebeng sagot niya. “Hi! Nel and Ely.” Ulit ni kuya. “Waaaah buti pa si Nel naalala naiya ako hindi.” “Hindi ka kasi importante.” “Sama na lang ako sayo Jai para sa kuya mo, sabihin mo tanan niya na ako.” “Ano bayan Ely umayos ka nga para kang bulate na binudburan ng asin e.” Saway ni Nel. “Bye na guys update me ah.” “Yeah we will.” “Bye Jai labyuuuu.” Sabi ni Ely at kiniss pa ako. “Kadiri to!” Sagot ko sa kaniya habang pinupunasan ang pisngi ko. “Bye Jai.” Niyakap naman ako ni Nel. “Bye magpakabait kayo ah.” “Tsk ikaw ang magpakabait.” Lumabas na ko ng gate para puntahan si kuya, si Ely at Nell inantay nilang makaalis ang sasakyan namin bago sila pumasok ulit sa campus. Sobrang sama ng loob ko ngayon dahil sa nangyari naiinis talaga ako ng sobra. “You want to hang out?” Biglang tanong ni kuya. “Hang out?” Pagtatakang tanong ko. Gusto lang niya siguro aliwin ako dahil alam niyang masama ang loob ko ngayon. “Yeah. Kain tayo? Shopping? What do you want?” Tanong niya kaya gusto ko itong kasama si kuya e ang swerte ko talaga sa kaniya. “Anything.” Walang gana kong sagot. “Oh come on bunsoy, please?” “Can you stop calling me bunsoy.” Irita kong sagot sa kaniya. “Okay fine basta hindi ka magsusungit.” Parang bata talaga to e. Parang ako pa nga ata panganay sa aming dalawa. “Saan ba kasi tayo?” “Kain muna tayo para matanggal ‘yang init ng ulo mo.” “Wala ka bang pasok ngayon?” “Actually, meron kaso nung tumawag yung head niyo nag undertime ako for you. Tapos susungitan mo lang ako?” Naka pout pa sya na parang bata. “Pwede ba kuya tigilan mo nga ‘yang kakaisip bata mo!” “Hay nako bunsoy, hindi ka pa din nagbabago.” Nag stop kami sa isang restuarant para kumain at ang dami niyang inorder sa akin para mawala daw stress ko. Si kuya lagi ang nag se-save ng araw ko pag wala ako sa mood. Halos lahat din ata ng favorites namin e same kami kaya sobrang magkasundo kami. Pagtapos naming kumain ay nagpunta kami sa children's playground, yeah sa palaruan ng bata. Alam niyo yung maraming bola? doon niya ko dinadala mas nag eenjoy pa siya kaysa doon sa mga batang kasama namin. After namin doon ay nagpunta naman kami sa Arcade halos lahat ng laro don nilaro namin kaya nawala yung iniisip ko. Gumaan din yung pakiramdam ko sobra talaga akong nagpapasalamat dahil may kuya akong katulad niya. Pagtapos nito ano nang mangyayari sa akin ng 2 months? Hayst.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD