bc

Almost Paradise

book_age16+
33
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
straight
female lead
high-tech world
like
intro-logo
Blurb

Ipinanganak sa isang affluent na pamilya, wala nang nanaisin pang iba ang solong anak na si Astra. Nasa kaniya na ang lahat. Pagmamahal ng mga magulang, masarap na buhay at mga bagay na kahit hindi niya naisin ay makukuha niya in a blink of an eye.

Pero sa isang iglap nagbago ang lahat.

Iniwan na siya ng kaniyang pamilya at namuhay nang mag-isa sa kanilang lumang bahay.

Well, hindi pala mag-isa.

May isang lalaking nagmumulto sa kaniya. Kilala siya pero hindi niya ito kilala. Laging nagpaparamdam, nagpapakita, nananaghoy at umiiyak.

As if kailangan pa niya ng isa pang makikisabay sa kaniyang pagtangtis.

Si Orion, pakilala nito at kilala daw siya nito ngunit hindi niya ito maalala.

Wala siyang kilalang Orion.

To the extent of her memories, that is.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Nandito na po ako,” sabi ko kila Mama at Papa pagkapasok ko ng pinto ng aming bahay. Pero gaya ng dati ay parang wala silang nakinig. Hindi man lang sila lumingon o nagpakita nang kahit anong indikasyon na napansin nila ang pagdating ko. Dahil siguro nasanay na din ako ay hindi na ako umimik at dumiretso na ako sa aking kwarto sa second floor ng bahay at nagkulong. Hindi ko na maalala kung kailan pero ang alam ko, hindi naman kami ganito dati. Masaya kaming pamilya. Parang kailan lang, cinelebrate namin ang birthday ko at kahit kaming tatlo lang ay ang ligaya na namin. Pero sa isang iglap. Isang araw na umuwi ako ay nagbago na ang lahat. Hindi na nila ako pinapansin. Ang mga iilang sandali na mapapatingin sa akin si Mama, napupuno ng luha ang kaniyang mga mata. Ano ba ang nagawa ko? Pilit akong nagtatanong kay Papa at Mama ngunit sa tuwi ko silang kinakausap ay parang ayaw nila ako pakinggan. Kaya minabuti ko na lang na magkulong lagi sa aking kwarto tuwing nasa bahay ako. Nakakalungkot mag-isa. Wala akong makausap o makasama. Naalala ako ang masasayang sandali dati na masaya kaming nagkukwentuhan sa hapag-kainan. Ang mga biro ni Mama ang pagsaway ni Papa at ang pag-aalala nila sa akin. Parang ang tagal na panahon na mula nang masilayan ko silang ngumiti. Parang araw-araw nahihirapan sila, nalulungkot, naiiyak at parang nawawalan na ng pag-asa. Para akong nauupos na kandila sa tuwing nakikita ko silang ganoon. Ginawa ko na lahat ng paraan pero balewala pa rin. Ayaw na nila akong pansinin. Hindi ko na namalayan ang takbo ng oras at inabot na ako ng gabi sa aking pag-iyak habang nakahiga sa aking kama ng biglang umalulong ang mga aso sa labas ng bahay. Nanlamig ako at kinilabutan. Napatingin ako sa wall clock at nakita kong alas dose na pala ng hating gabi. Umihip ng malakas ang hangin at napatingin ako sa bintana. May nakita akong anino na sa isang iglap ay lumitaw na lamang. Nandito na naman siya. Si Orion. -0- “Astra...” Nagtaklob ako agad ng kumot at humarap sa dingding. “Umalis ka na!” malakas kong sigaw. “Astra...” Pumikit ako at nagdasal nang paulit-ulit. Pero ramdam ko na nasa kwarto ko pa rin siya. “Astra...” Napatigil ako sa pagdadasal at napalitan ng inis ang aking takot. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong makulit. Bumangon ako sa aking pagkakahiga at hinarap ko ang multong ilang buwan nang nangungulit sa akin. Si Orion daw siya, sixteen years old at obviously, patay na. Kahit kinakabahan ako ay tinaasan ko ang aking boses at kinunot ko ang aking noo. “Ano ba?! Nakakainis ka na! Lagi ka na lang nagpupunta dito! Ano ba ang kailangan mo?! Dasal?” Sa aking gulat ay nakuha pang ngumisi ng multo. Napaatras ako sa aking kinauupuan at dumikit ang aking likod sa malamig na dingding. “Ikaw. Lagi namang ikaw ang kailangan ko Astra,” mabilis niyang tugon sa akin. Umiling ako at huminga nang malalim. Nanginginig akong sumagot sa kaniya, “Hindi ako sasama sa iyo. Please move on na!” “Paano ako magmo-move on eh hindi pa nga nagiging tayo, ‘di ba?” napapailing na sagot niya at napailing pa na parang nagsasalita ako ng nonsense. “Hindi ka ba nakakaintindi? ‘Di ba paulit-ulit na sinabi ko na sa’yo. Wala akong gusto sa’yo! Patay ka na!” galit kong sigaw sa kaniya. Kitang-kita ko si Orion na napaltan ng lungkot ang kaniyang masayang ekspresyon. May luhang pumatak mula sa kaniyang mga mata at tumalikod siya sa akin. Naglakad siya papunta sa tapat ng bintana at biglang naglahong parang bula sa kadiliman ng gabi. Naiwan na naman akong nag-iisa at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng lungkot sa kaniyang paglisan. -0- “Aalis na tayo mamaya dito. Bilisan mo ang paghahanda,” sabi ni Papa kay Mama habang nakain sila ng umagahan. Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko silang magkaharap sa dining table at seryosong nag-uusap. “Parang hindi ko kayang iwan ang bahay na ito,” malungkot na sagot naman ni Mama. Umiling si Papa at tumungo. “Napag-usapan na natin ito, ‘di ba? How many times do I have to explain na hindi tayo pupwedeng magtagal pa dito?” “Mama, ‘wag mo ako iwan!” naiiyak kong sigaw sa aking ina. Napalingon naman sa akin si Mama at nanlaki ang kaniyang mga mata. Napuno ng luha ang kaniyang mga mata. Mga matang dati’y puno ng ligaya at pagmamahal. “Astra?” naiiyak niyang tawag sa akin. Napalingon naman si Papa sa aking direksyon pero parang wala siyang pakialam sa akin. Kunot noo niyang hinarap si Mama at galit na umiling. “Estella, makinig ka. Kung magpapadala ka lagi sa damdamin mo, hindi matatahimik ang pamilyang ito,” paalala niya sa aking ina. Napatungo si Mama at napahagulhol. “We are going and that’s final,” giit ni Papa. Tumakbo ako pabalik sa aking kwarto at doon ako umiyak ng umiyak ng malakas. Saan sila pupunta? Bakit parang hindi nila ako isasama? Ano ba talaga ang nagawa kong pagkakasala? Samantalang dati sa bawat desisyon at problema ay lagi akong hinihingan ng opinion. Pero ngayon, bakit parang ako’y ayaw na nilang makita pa? Gaya na naman ng dati ay hindi ko na namalayan ang takbo ng oras. Nagulat na lamang ako nang dahan-dahang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at nakita ko si Mama na nakabihis ng pang-alis at malungkot na nakatitig sa aking direksyon bago naglakad papunta sa picture frame na nakapatong sa aking inaalikabok na desk. Tinitigan niya iyon at huminga nang malalim bago umupo sa paanan ng aking kama at tumungo. Hindi ko siya pinansin at nagpanggap akong tulog habang nakapikit na nakaharap sa pader. “Astra, anak, kailangan nang umalis ni Mama. Hindi na namin kaya ni Papa mo na tumira pa dito. Masakit man sa amin ay kailangan na naming lumayo para pareho na tayong matahimik,” malungkot na imik niya. Hindi ako sumagot at pumikit lang ako ng mariin habang patuloy na nadaloy ang aking mga luha mula sa aking mga mata. Pilit kong pinapanalangin na isang masamang panaginip lang ang lahat. Na magigising din ako sa bangungot na ito. Humikbi si Mama at tumayo na. Bago siya lumabas ng kuwarto ay muli siyang lumingon sa akin at naiiyak na sinabing, “Mahal na mahal ka namin anak. Tandaan mo iyan.” At mabilis na siyang lumabas ng aking kwarto at naiwan na akong nag-iisang muli. Ilang saglit pa ay nakinig ko ang sasakyan ni Papa. Bigla akong tumayo at nagmamadali akong bumaba ng hagdan para habulin ang aking mga magulang. Ngunit pagdating ko sa aming pintuan ay nakalayo na sila. Kahit anong tawag ko at hiyaw, hindi na sila bumalik pa para sa akin. Nasaan na ang pangako nilang hindi nila ako iiwang mag-isa? Na kahit ano mangyari kami pa rin tatlo ang magkakasangga sa hirap at ginhawa? Pag may problema o wala ang mahalaga iisa kami ng bahay na inuuwian? Nasaan na? Bakit ang mga pangako nila ay naglahong bigla? Napaupo ako sahig at ako’y umiyak ng umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nabalot ng lungkot ang aking buong pagkatao sa katotohanang sumisiksik sa aking utak. Nagsosolo na ako... Tuluyan na nila akong iniwan... Nakakarinding katahimikan ang tanging sumagot sa aking mga taghoy at iyon ang hudyat na nag-iisa na ako sa aking buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook