Chapter 2

1095 Words
Ilang araw ang lumipas matapos akong iwan nila Mama at Papa na mag-isa sa aming bahay. Naisipan ko na ding umalis na at pumunta sa ibang lugar. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay sa tuwing naglalakad ako papalayo ay lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko sa harap ng aking madilim na tahanan. Para bang wala na akong ibang maaaring mapuntahan pa at sadyang nakatali ang aking buong pagkatao sa lugar kung saan ako lumaki at natutong magmahal. Ang lugar kung saan ako’y minahal din ng lubos. At ang lugar kung saan natapos ang pagmamahalang iyon. Nauubos ang aking oras sa pag-iyak sa aking kwarto buong araw at sa tuwing sasapit ang gabi, may isang nilalang na lagi na lang akong binibisita. “Astra...” Napatingin ako sa wall clock at nakita kong alas dose na ng hating gabi. On time lagi siya ah. Paglingon ko sa may bintana ay nakita ko na naman siya. Si Orion. “Astra...” Hinarap ko siya at pinagtaasan ng boses gaya ng lagi kong ginagawa, “Ano ba?! Ang kulit mo ah!” “Natawag lang naman. Masyado ka namang high blood,” nakangiting sabi niya sa akin at nilagay niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang shorts. “Ikaw kaya ang maiwan sa bahay na nag-iisa, hindi uminit ang ulo mo?!” inis kong sagot. Napatungo siya at napailing bago muling tumitig sa akin bago ngumiti, “Nandito naman ako Astra. Hindi kita iiwan. Pangako yan.” Napatingin lang ako sa kaniya at napamaang. Hindi siya yung mga multo na katulad sa horror films na napapanuod ko dati. ‘Yong creepy at bloody. He is “normal” enough, albeit parang lagi siyang basa. “Huwag mo akong masyadong titigan Astra. Baka mag-blush ako niyan,” nakangiwing sabi niya. Hindi ko napigilang tumawa, “Nagba-blush pala ang patay?” “Ay! Oo nga ano?” natatawa niyang sagot sa akin. Napatingin si Orion sa picture frame sa aking desk. Malungkot siyang napailing at tumitig sa akin. “Ano na ang gagawin ko? Solo na ako dito sa bahay namin,” natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagtatanong sa multong nasa aking harapan. Baka may solusyon ang multo sa aking problema. Baka lang. “Madali lang ang problema mo Astra. Sagutin mo na ako at sumama sa akin,” nakangising sagot niya agad. Umiling naman ako agad, “No way! Ayoko pang mamatay!” “Promise hindi ka mamamatay Astra! Cross my heart, hope to die!” mabilis niyang sabi sa akin. “Anong hope to die, eh patay ka na nga, ‘di ba?” pagtatama ko sa sinabi ni Orion. Parang sirang naliwanagan ang mukha multo at napatawa, “Ay. Oo nga ano? Pero promise. Hindi ka mamamatay Astra! Sumama ka lang sa akin!” Namaywang ako at ikiniling ko ang aking ulo, “Makulit ka din, ano? Sige nga, aber, saan mo ako dadalhin? Sa sementeryo?” napapatawa kong tanong. “Porke ba multo ako sa sementeryo agad?” nao-offend nyang tanong sa akin. “Kahit patay na ako, lalaki ako, kaya kita ipasyal sa mga lugar na pinupuntahan din ng iba.” Napaupo ako sa aking kama at tumingin sa aking paligid. Nag-iisa na rin naman ako dito sa amin. Wala naman sigurong masama kung lumabas ako ng bahay. It’s not like I have parents to stop me or impose curfew. Wala na sila. Why not exercise the freedom that I have? Besides, kung nandito man sila, makikita ba nila ang kasama ko? Napatingin ako kay Orion na nakatitig pa din sa akin. Pero paano kung isang multo ang magpapasyal sa iyo? Parang ang creepy naman. “Kaysa naman sa mabulok ka ditong nag-iisa Astra. Pasyal na lang tayo. Dali na,” ungot niya sa akin. Huminga ako nang malalim at tumango, “Okay, sige. Pero gusto ko pag umaga na,” suko kong sagot. “Pero pwede ka ba sa umaga Orion?” nakangisi kong tanong sa kaniya. Nag-thumbs up lang siya at naglakad papunta sa paanan ng aking kama at umupo. “Oo naman. Day and night ang mga multo. Mamahinga ka lang at dito na ako maghihintay ng araw,” nakangiti niya sabi sa akin. Humiga na ako sa aking kama at pumikit. Nawawala na siguro ako sa katinuan pero ayokong mabaliw sa pag-iisa kaya kahit pa multo ang natitirang kasama ko ay ipagpapasalamat ko na sa Diyos kaysa wala. -0- “Paborito kong lugar ito dati nung buhay pa ako,” masayang sabi sa akin ni Orion. Nandito kami sa isang kanto. Hindi kalayuan sa bahay ko. “Bakit naman?” taka kong tanong sabay tingin sa kalye. Parang wala namang interesting dito. Napakamot siya sa ulo at nahihiyang napangiti, “Kasi dito ko lagi inaabangan si best friend ‘pag papasok na kami sa school.” “Mukhang close kayo ng best friend mo, ah?” Tumango siya at napatingin sa kanto na parang may inaabangan pero walang dumating kundi malamig na hangin. Humarap si Orion sa akin at kumindat, “Pero siyempre mahal kita, Astra.” “Naku, tigilan mo nga ako,” mabilis kong sagot at nagsimula na akong maglakad at ramdam kong kasunod ko si Orion na pasipol-sipol pa. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa maka-abot kami sa parke. Along the way, thankfully as usual walang napansin sa amin. Well, merong iba na parang gulat na nakatingin kay Orion. Baka may third eye ‘yong nakakakita sa kaniya like me. Nang makaupo kami sa bakanteng bench ay bigla siyang umimik. “Alam mo Astra bago ako mamatay hindi ako naniniwala sa multo. Tapos noong namatay ako naniwala na ako,” natatawa niyang sabi sa akin. “Kasi, multo ka na.” Lumingon siya sa akin at ngumisi, “Oo Astra”. Biglang may dumaan sa aming magkasintahan na magkaholding hands at pakanta-kanta pa. Paglingon ko sa aking tagiliran ay may nakita akong lalaki na parang naghihintay habang may tangan na isang rosas at laging natingin sa relo. Pasipol-sipol pa siya. Ngayon ko lang naalala na popular meeting place itong part ng park na ito ng mga magkasintahan. Sa tagal kong nakakulong sa bahay at sa laki ng problema ko ay ang dami ko nang nakakalimutan. May itinuro bigla si Orion na lalaki sa aming unahan na may hawak na gitara at nakatayo sa harap ng isang babae na nakangiti. Nagsimula na siyang kumanta at kahit hindi kagandahan ang kaniyang boses ay nakuha niyang pangitiin ang babaeng hinaharanan niya. Huminga ako nang malalim at napailing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD