Kabanata 3

2974 Words
"Anak, after ng klase mo, umuwi ka agad ha? May kailangan ako sabihin sayo." Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pala ako tinawagan dahil nahuli akong nag-cutting. Pero nacurious naman ako sa sinabi ni Mommy. "Bakit po, ano pong sasabihin niyo sa akin Mommy? Pwede niyo pong sabihin na ngayon. Uhm, medyo wala naman pong ginagawa ngayon sa school..." Nakagat ko ang labi ko nang mapansin ko ang paglingon ng poging lalaki sa akin. Napalakas ba ang sabi ko? Narinig ba niya? Nakakahiya, baka isipin niya namang nagrerebelde ako. "I'd rather talk about it in person. Just go home once you're out of school. Okay?" Huminga ako ng malalim dahil sa mapanuring titig sa akin nung lalaki. Bakit ba kung makatingin siya ay parang hinusgahan niya na ang buo kong pagkatao? "Okay, Mom. I will." Binaba ko ang phone at tumingin ulit sa lalaki. Buti nalang at naibalik na niya ang focus niya sa kanyang laptop. May kakaiba kasi akong naramdaman nung tumingin siya sakin. Napalingon akong muli sa aking cellphone nang may nakita akong dalawang message galing kay Carlo at kay Claris. Una kong binasa ang kay Carlo at ang sunod naman ay ang kay Claris. Jane, please. I'm sorry. Hindi naman iyon ang rason ko. Nasaan ka? Jane? Hala, sorry. Hindi ko naman alam na magagalit ka. Akala ko okay lang na sabihin na gusto mo siya para magkaaminan na kayo. Hindi na ako nag-abalang magtipa ng sagot. Wala pa ako sa mood. Maya-maya naman okay na ako. Kunting pagtatampo lang naman ito. Inubos ko ang aking oras sa pagcellphone hanggang sa hindi ko namalayan na malapit ng mag-alaskwatro. Dali-dali akong nag-ayos ng gamit saka lumabas ng Starbucks. Sandaling bumagal ang lakad ko nang madaanan ko ang lamesa ng lalaki. Katulad ko ay inabot na rin siya ng hapon dito at tila ba wala pang balak umalis sa dami ng kanyang ginagawa. Saglit siyang nag-angat ng tingin sa akin at tinitigan ako sa mukha. Bahagyang kumunot ang aking noo. Mabilis niya rin naman inalis ang kanyang tingin sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako saka tuluyan ng lumabas. Pumara ako muli ng tricycle saka nagpahatid sa school namin dahil sinusundo ako palagi ni Kuya Salvy. Baka tuluyan akong mahuli kapag dumating siya doon at wala ako. Sakto namang pagdating doon ay labasan na rin ng mga estudyante. Pumunta ako sa lugar kung saan ako madalas nakikita ni Kuya Salvy na naghihintay sa kanya. At wala pang ilang minuto ay nakita ko ang aming sasakyan palapit sa akin. Mabilis akong sumakay. "Ma'am, nagkape kayo?" Napalingon ako kay Kuya Salvy dahil sa sinabi niya. "B-Bakit po?" "Naamoy ko po sainyo Ma'am. Kung hindi ko lang alam na pumasok kayo ngayong araw, iisipin kong tumambay kayo maghapon doon sa kapehan na tinatambayan niyo eh, yung Starbucks ba ‘yun?" Napalunok ako. Baka makahalata sila Mommy. Kailangan ko atang dumiretso muna sa kwarto at magpalit ng damit para hindi ako maamoy. Nang makarating sa bahay ay nakita kong nasa sala si Mommy at ang mga kapatid ko. Lumapit ako sa kanila para humalik sa pisngi ni Mommy. "Nasaan po si Dad?" Tanong ko nang hindi rin natanaw si Daddy sa kusina. "May nilakad lang anak, magbihis ka muna at hihintayin kita sa office. May sasabihin ako sayo." Agad akong tumango. Hindi ako masyadong lumapit sa kanila pagtapos kong humalik kay Mommy kung kaya't hindi nila napansin na amoy Starbucks ako. Ligtas! Pagtapos kong maglinis ng katawan ay dumiretso ako sa office nila tulad ng sabi ni Mommy. Nasa tabi lang iyon ng kanilang kwarto. Kumatok ako ng dalawang beses bago tuluyang pumasok nang marinig ang boses ni Mommy na pinapatuloy ako. "Anak, maupo ka muna." Mabilis akong lumapit sa pwesto niya at naupo. "Bakit po? Ano pong sasabihin niyo sa akin?" May pakiramdam ako na seryosong bagay ata ang pag-uusapan namin ni Mommy dahil nandito kami sa office. "Jane, I want to be honest with you. Kaya kami umuwi dito sa Pilipinas ng Daddy mo dahil may problema sa kumpanya. Ang tagal na naming inaayos iyon pero hindi namin maibangon at maibalik sa dati." Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ko alam na hindi na pala maganda ang estado ng kumpanya. Pero heto kaming mga anak nila, panay pa ang paggastos. Nagawa ko pa ngang tumambay at bumili ng kung ano-ano sa Starbucks buong araw! "We're almost at the brink of bankruptcy! But we managed to find a solution for this. And we really need your help. I hope you cooperate with us." Natatarantang sabi ni Mommy. Agad akong tumango. I am very willing to help. God, hindi pa nga ako nakakapag-college, ang mga kapatid ko ay halos tutuntong palang ng high school. Paano kami makakapagpatuloy sa pag-aaral kung babagsak ang kumpanya namin? "Mom, ano pong gusto niyong gawin ko? Paano ako makakatulong? I will help, Mom. Just tell me what I needed to do." "I need you to marry someone." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy. What the hell? Paanong naging solution iyon?! "Mom! Are you serious?" Masyado akong nabibigla sa sinabi ni Mommy. "Akala ko ba you are willing to help? Bakit ganyan ang reaksyon mo, anak?" Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "Mom, I know. Sinabi ko po iyon, because I thought that I will be helping you out like sa meetings or plannings. Hindi ko naman po inexpect na iyan pala ang solusyon na naisip niyo?" Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy magsalita. "Jane, this is the only solution that we see that can help our company get back on its feet. We need to merge with another successful company, anak. We need the money. Don't worry, kahit limang taon lang. I'm sure. Our company will be healthy again in five years time..." "Mom, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Para namang ang daling bagay ng pinapagawa niyo? Ano ‘yun? Magbabahay-bahayan kami ng kung sino mang lalaki iyon sa loob ng limang taon? Mom! I'm just 15! I'm too young for marriage. Please, let's not go there." Pagmamakaawa ko. Hindi talaga ako makapaniwala. Ni sa kadulo-duluhan ng utak ko ay hindi ko naisip na magpapakasal ako sa ganitong edad. Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend. Tapos mag-aasawa na ako agad? "Jane, please. Ito lang ang natatanging paraan. We are not forcing you too be inlove with Jake or what. We only need you to get married and live under the same roof. Ako na ang bahala sa magulang niya. I can say to them, na bata ka pa at sana ay respetuhin ng anak nila iyon sa buong pagsasama niyo. And then, after let's say five years, palabasin nalang natin na hindi nagwork ang marriage niyo and we will help you file for divorce." Goodness! I can't believe I'm hearing this! Mukhang planado na ang lahat at sinadya nilang ngayon lang sabihin sa akin para wala akong choice na tumanggi. "Mom, please... baka naman may ibang paraan pa. Not like this, Mom." Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Gusto kong maiyak dahil na-stress ako sa lahat ng nalalaman ko buong araw. "Just think about it first. Sasabihan ko ang Daddy mo na kausapin ka. Our time is ticking. Kailangan nating gumawa ng aksyon or else, mawawala lahat ng pinaghirapan namin ng Daddy niyo at mawawala ang lahat ng tinatamasa niyong ginhawa ngayon!" Hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Kanina pa ako nakahiga pero hindi manlang ako dinadalaw ng antok. Gustong-gusto ko ng matulog dahil may pasok pa bukas at hindi ko naman na balak na umabsent pa ulit. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Oo, gusto kong makatulong sa magulang ko pero ayoko namang ikasal ng ganito kaaga! Saka paano naman namin magagawang ikasal, samantalang fifteen palang ako. Sino ba ang lalaking gustong ipakasal sa akin? Bakit hindi manlang ipakilala sa akin? Family friend ba? Kung family friend, pwede naman sigurong magpahiram lang ng pera diba? Bakit kailangang may kasalan pang maganap? Hindi ko namalayan ang pagkatulog ko dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko. Hinihilot ko ang aking sentido habang pababa ng hagdan. Dumiretso ako sa kusina para sana kumain ngunit nang makita ko na nandoon si Mom at Dad na kumakain, ay parang gusto kong umatras at umalis na. Umangat ang tingin sa akin ni Dad at ngumiti. "Jane, maupo ka at kumain na." Tumango ako at tahimik na umupo sa harap ni Mommy. Payapa ang naging kain ko dahil ni minsan ay hindi ako kinausap ni Daddy tungkol sa bagay na pinag-usapan namin ni Mommy kahapon. Napansin ko ang panay sulyap ni Mommy sa akin. Napahinga ako ng malalim dahil sa ginahawa. Akala ko talaga ay kakausapin ako ni Dad ngayon. Pagdating ko sa room ay agad na bumungad sa akin si Claris at Carlo. Sabay silang humihingi ng tawad. Halos nakalimutan ko na nga kung ano bang kinakatampo ko dahil sa dami ng iniisip na problema sa aking pamilya. Agad ko na lang tinanggap ang sinabi nila at naupo. Wala ako sa mood maghapon. Alam kong pansin din iyon ng dalawa kaya hindi na nila ako gaano ginulo. Gusto ko ng makauwi at matulog. Lumipas ang ilang oras at dismissal na. Mabilis akong nagligpit ng gamit para makaalis na ng pinigil ako ng dalawa. "Jane, may problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Carlo. "Jane, baka galit ka pa sa amin kaya ka ganyan ha. Sorry na nga eh." Lumingkis sa akin si Claris. Bahagya akong tumawa. Umiling ako. "May inaasikaso lang ako. May problema lang sa kumpanya..." Biglang nagliwanag ang mukha ko nang may naisip akong paraan para makatulong sa pamilya ko. Inaya ko sila na pumunta ng Starbucks para ikwento ang nangyari. Kanya-kanya kaming sumimsim sa aming mga inumin. "Ano na ba yung kwento mo? Ang tagal ha." Atat na atat na sabi ni Claris. Samantalang si Carlo ay seryoso at nag-aalalang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ikakasal na ako." Napabuga naman si Claris ng kanyang iniinom at si Carlo ay napaawang ang bibig. Nasapo ko ang aking noo saka tumingin sa paligid. May iilang tao ang napatingin sa amin. "Ano?! Naloloka ka na ba!" Histeryang sabi ni Claris. "Seryoso ako, guys. Pwede namang hindi matuloy, but I will be needing your help." Naisip kong baka pwede naman na pahiramin kami ng pamilya ni Carlo at Claris ng pera. Kapag naman nakabalik na ang sigla ng kumpanya ay mababalikan namin ang pera na hiniram sa kanila. "Bakit? Ano bang nangyari?" Mukhang nakabawi na sa pagkagulat si Carlo. Ikinuwento ko sa kanila ang iilang detalye sa pinag-usapan namin ni Mommy kagabi. "Ang sabi nila, ‘yun nalang daw ang tanging paraan para mabalik sa normal ang kumpanya namin. Pero naisip ko, na baka pwede niyo kaming matulungan. Baka pwede niyong pakiusapan sila Tito at Tita na pahiramin ang kumpanya para makabawi. Nasisiguro ko namang maibabalik ang perang hiniram kapag tuluyan ng umayos ang lagay ng kumpanya. Please, I can't marry at this young age!" Sunod-sunod ang pagsinghap na naririnig ko kay Claris saka panay ang inom sa kape niya. Si Carlo naman ay nag-iisip ng malalim. Nagpasya kaming umuwi nang nakitang malapit ng mag-alasingko ng hapon. Pumayag sila sa plano ko. Sisikapin daw nilang kumbinsihin ang magulang nila para tumulong sa amin. Napangiti ako. Mabuti nalang at may mga kaibigan akong maasahan. Bumaba ako ng sasakyan at nagtaka kung bakit may isa pang sasakyan ang nakaparada sa aming bahay. Hindi naman ito isa sa mga sasakyan namin. May bisita ba kami? Mabilis akong naglakad papasok ng aming bahay. Bumungad sa akin pagpasok ang aking mga kapatid sa sala at malalakas na tawanan sa aming hapag-kainan. "Ate, ang gwapo pala ng mapapangasawa mo eh." Natutuwang sabi ni Jessica. Kumunot ang noo ko. Nandito ang sinasabing papakasalan ko? "Anong ginagawa nila dito? Saka, kailan mo pa nalaman ang planong iyan nila Mommy at Daddy?" Inosente siyang tumingin sa akin. "Kanina lang sinabi ni Mommy, Ate. Bakit?" Umiling lang ako sa kanya saka dumiretso sa kusina. Nakita kong napahinto ang pagkukwentuhan at lahat ng mata ay napabaling sa akin. Sinuyod ko ang bawat tao sa lamesa. Nandoon si Mom na mula sa malalaking ngiti ay naging pormal ang itsura. Katabi niya ang isa pang ginang na halos kaedaran lang din ng aking ina. Hindi maitatago ng edad niya ang kagandahang taglay noong siya ay bata pa. Katabi nito ang isang lalaking kaedaran naman ni Dad, na sa tingin ko ay asawa ng babaeng katabi ni Mommy. And lastly, tumingin ako kay Dad. Kaya ba hinayaan nila akong payapa na makakain kaninang umaga dahil dito? Nagplano sila ng intimate dinner sa pamilya namin at pamilya ng lalaking balak nilang ipakasal sa akin? "Jane, anak, halika maupo ka muna at ipapakilala kita sa kanila." Medyo ilang ang boses ni Mommy habang sinasabi iyon. "Kaygandang dalaga naman pala ng anak niyo, Josephine. Manang-mana sa iyo." Dahil sa birong iyon ay bumalik ang iilang halakhakan ng mga tao doon maliban sa akin. Hindi ako natutuwa sa nangyayari. Sa pagkakatanda ko, hindi pa ako pumapayag sa planong ito. Kaya nga ko nag-isip ng paraan para makatulong sa pamamagitan nila Carlo at Claris. Tapos ito ang bubungad sa akin pag-uwi? Pakiramdam ko ay namamanhikan na sila dito! "Excuse me, Mom, Dad. Can we talk?" Seryoso kong sabi. Nagkatinginan ang apat na nasa hapag-kainan saka sandaling nagpaalam. "Sa office tayo." Si Daddy iyon na seryoso na din ang itsura. Sumunod ako sa kanila papuntang office. Pagkapasok na pagkapasok palang ay sumabog na ako. "Dad! What was that?! Bakit sila nandito? Mom! As far as I remember, hindi pa ako pumayag sa plano niyo, hindi ba? I said that I will think about it! At kanina, nakaisip ako ng plano. Mom, Dad, listen, I talked to Claris and Carlo a while ago and I convinced them to help us. Pumayag sila at sasabihin nila iyon sa kanilang mga magulang..." Naputol ang sinasabi ko dahil biglang tumawa si Dad. "Sa tingin mo ba hindi namin naisip iyan? Ang humingi ng tulong sa mga business partners natin? Dominguez and Santos may be rich but they can't afford to help us when we're already at the edge of falling! Matagal ko na silang nakausap, Jane. Kaya walang saysay iyang sinasabi mo ngayon." Bumilis ang paghinga ko. Am I left with no other choice than to marry whoever they want me to? Can I sacrifice my freedom? For the future of my family? Napapikit ako. Of course. Ano ba naman ang kalayaan ko kung maghihirap kami in the next few years. Napalingon ako kay Mom na dahan-dahang lumapit sa akin para pakalmahin ako. "Anak, like what I've told you. We are not restricting you of anything. Pwede naman nating itago sa lahat ang pagiging kasal mo. You can live your life the way you wanted outside, except that you need to keep in mind that you are married and you can't entertain some other boys. And when the time comes that our company can stand on its own feet again, then we can stop this already. Please anak, do this for the sake of our family..." "Jane, I promise you na hindi mababago ang buhay mo sa magiging pagsasama ninyo ni Jake. He's a good man and I trust him that he won't do anything bad to you." Litong-lito ako. Ano bang ibig nilang sabihin? Paanong hindi mababago ang buhay ko kung ikakasal ako sa lalaking iyon at titira kami sa iisang bubong. Saka, paano ba nila magagawa na maipakasal kami kung fifteen years old palang ako! "Mom, I really don't understand. Fifteen palang ako. Hindi ba at 18 years old and above lang ang pinapayagan maipakasal. I'm still a minor!" Pinakatitigan ako ni Dad saka ngumiti. "We planned it out already. By this weekend, you will fly to US at doon kayo ikakasal." Napasinghap ako. "What do you mean by this weekend?! Is it really that urgent? I can't belive this!" Hindi ko matanggap. It's already a bad thing marrying someone at this young age but doing so in two days time is too much! Hindi ako makapaniwala na habang ako ay nababaliw na sa pagkabigla sa nangyayari ay heto ang aking mga magulang, kung makipag-usap sa akin ay akala mo mamasyal lang kami sa US this weekend. "Bumalik na tayo. You know to yourself that you've got no choice on this. Its either you'll agree or we will all suffer. You're just prolonging your agony. Bakit hindi mo nalang isipin na sa gagawin mong ito ay hindi maghihirap ang pamilya natin? Stop thinking of yourself." Matigas na sabi ni Dad. Gusto kong magalit sa kanila ngayon. How dare him. Paano niya nasasabi ang lahat ng iyan sa akin. Gusto kong magwala. Ang dami-daming tumatakbo sa isipan ko ngayon pero lahat iyon ay iwinaksi ko saka dahan-dahang huminga ng malalim at inangat ang tingin sa kanila. "I will be doing this for the family. I hope you do your part and fix all the mess in the company. Sana hindi na tumagal pa ng ilang taon itong ipapagawa niyo sa akin. At sana, alam niyo rin na hindi ako masaya sa gagawin kong ito, pero para sainyo, Mom and Dad. Para kila Jessica at Claire. Gagawin ko." Naiiyak na lumapit sa akin si Mom para yakapin ako. Si Dad ay lumapit sa akin para tapikin ang aking balikat, saka nauna ng bumaba pabalik sa hapag-kainan. "Jane, I'm sorry. Please understand where we're coming from. All my life, together with your Dad, pinaghirapan naming palaguin at imaintain ang kumpanya para hindi niyo maranasan ang paghihirap. I can't afford to see you and your sisters suffering. Please anak, find it in your heart to forgive us." Tumulo ang iilang luha sa mata ni Mommy kung kaya't ang kanina ko pa pinipigilang luha at tuluyan ng lumabas sa aking mata. "Mom, I will always understand you and Dad. Masyado lang po akong nabibigla. But I'll get better. Give me some days at makakapag-adjust din po ako." Nauna ng bumaba si Mommy sa akin habang ako ay dumiretso sa aking kwarto para magbihis ng desente at mag-ayos ng sarili. So I was right. Mamanghikan na sila dahil ikakasal na ako this weekend! Matapos ang pag-aayos ay bumaba na ako. Nasa huling baitang na ako ng aming hagdan nang matanaw ang isang lalaking kakapasok lang sa aming pinto. Nagtama ang aming mata. "Anak, he is Dustin Jake Lopez. Siya ang papakasalan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD