Kabanata 2

3009 Words
"Mom! Dad! Oh my God!" Dali dali akong tumakbo papunta sa magulang ko at sinalubong sila ng mahigpit na yakap. Sobrang hindi ko inexpect na uuwi sila ngayong araw. Kadalasan kasi, kapag uuwi sila ay tumatawag sila para magpasundo kay Kuya Salvy, at kami naman na mga anak nila ay sasama para salubungin sila. "Namiss din kita, Jane." Bungisngis ni Mommy sakin habang unti-unti akong bumibitaw sa yakap. Binagyan nila ako ng halik sa noo saka ako niyaya na pumasok sa loob. Nang makapasok sa loob, sinuyod ko ang buong sala dahil napansin kong may iba pang tao sa bahay. Laking gulat ko nang makitang nandoon din si Carlo at Claris kasama ang dalawa kong kapatid na babae na sina Jessica at Claire. Parehong nakangisi ang dalawa kong kapatid. Mukhang ako lang ang walang ideya sa lahat ng nangyayari ha? Anong meron? "Mom, Dad, bakit po biglaan ang uwi niyo? Bakit wala kayong pasabi? Saka parang ako lang ang hindi nasabihan dito ha." Muli kong tinignan ang paligid at nakita ko si Ate Rica na nakangisi rin, at kung maalala ko, si Kuya Salvy din ay ganyan ang bungad sa akin. Ako lang nga talaga ang clueless sa lahat ng ito. "Sunod sunod ang tanong, anak. Ayaw mo ba kami dito?" Umastang malungkot si Daddy. Napatawa naman ako sa pag-drama na ginawa niya saka lumapit sa kanya para yumakap ulit. "Siyempre hindi po! Tuwang-tuwa nga po ako na nandito kayo e.” Niyaya kami na pumunta sa hapag-kainan para kumain ng dinner. Umupo ako sa tabi ni Claris at Carlo. Napatingin ako kay Carlo na may matamis na ngiti sa akin. Talagang naging kasabwat pa ng mga magulang ko ang dalawa kong matalik na kaibigan. "Emergency pala ha?" Bungad ko kay Carlo. Akala ko kasi kung anong emergency ang sinasabi niya kanina kung kaya't madaling madali umuwi. Nag-alala pa mandin ako doon. Medyo. Nagkamot siya ng ulo at mabilis na humingi ng tawad. "Gulat ka ‘no? Tumawag sakin si Jessica kanina na kailangan ka raw isurprise kaya ayun, kinailangan muna umarte ng malupit para mapaniwala ka. Hindi naman mahirap gawin iyon kasi uto-uto ka." Agad kong sinabunutan si Claris dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga. Nagsimula kaming kumain at masyadong masaya ang mga naging kwentuhan. Talagang na-miss ko ang mga magulang ko. Ilang buwan din silang hindi nakauwi dito sa Pilipinas para asikasuhin ang isa sa branch ng kumpanya namin sa Canada. "Dad, inaabangan talaga kayo umuwi niyan nila Claire at Jessica, hayok na hayok sa pasalubong ang mga iyan." Nagtawanan ang mga nasa lamesa dahil sa sinabi ko. Mabilis namang sumabat ang dalawa kong kapatid, pero sa huli ay tinanggap ang pagkatalo at talagang tinanong kung ano ang pasalubong ng mga magulang namin para sa kanila. Umiling-iling ako bago magpatuloy sa pagkain. Isa-isa kong pinanuod ang aking masayang pamilya at kaibigan nang mapatingin ako kay Mommy. Matagal niya kong tinitigan bago ngumiti. Naweirduhan man ako sa ginawang iyon ni Mommy pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Baka dahil na-miss lang din ako ng sobra. Lumipas ang ilang masasaya na araw dahil medyo matagal-tagal pa raw ang balik nila Mommy at Daddy sa Canada. May mga bagay pa raw silang dapat asikasuhin. Baka halos isang taon pa raw bago sila bumalik ng Canada na lubos kong kinatuwa. Mas magiging mahaba ang oras naming pamilya para makapag-bonding. Kasalukuyan akong nakikinig sa huli naming klase kay Ma'am Krissy nang bumulong si Carlo sa tabi ko. "Jane..." Agad akong lumingon sa kanya. Sinilip ko si Claris sa kabilang banda ko at nakita kong natutulog ito. Binalik ko ang aking tingin kay Carlo. "Bakit?" Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya noong nanuod kami ng sine. Pagkatapos din ng araw na iyon ay hindi na muli kami nagkaroon ng ganoong usapan. Mga kaswal na bagay nalang ulit ang napag-kukwentuhan namin o kaya naman ay mga asaran. "Tungkol sa sinabi ko noong nasa sinehan tayo." Napalunok ako sa sinabi niya at hindi na muna nagsalita. Nag-abang pa ko sa mga susunod niyang sasabihin. "Seryoso ako doon, gusto ko na lumabas tayo minsan, ng tayong dalawa lang." "B-Bakit?" May gusto ka ba sakin? Parang ang kapal naman ng mukha ko kung isinatinig ko pa ang parteng iyon. Pero bakit nga ba? Bakit gusto niya na lumabas kami ng kaming dalawa lang? Ito ba ang tinatawag na friendly date? "Gusto kita, Jane." Napasinghap ako ng malakas, dahilan para magising si Claris at mapalingon ang iba naming mga kaklase sa gawi namin. Mabuti nalang at mabilis akong umayos kaya hindi kami napansin ni Ma'am Krissy. Pero totoo ba ang narinig ko? Gusto niya raw ako! Gusto niya rin ako. Diyos ko, nananaginip ba ako? Totoo ba ito? Baka naman namali ako ng dinig? Pero ano pa ba ang salitang malapit sa Gusto kita, Jane para mamali ako ng dinig. Baka naman totoo nga? Gusto talaga niya ko? Paano naman nangyari iyon? Bakit niya ako nagustuhan, alam ko, oo, medyo maganda naman ako. Katamtamang tangkad. Maputi ang kutis, mapungay na mga mata, natural na kulay pula ang labi, mahaba at medyo kulot ang aking buhok. Sa itsura kong ito, ay masasabi ko namang may chance ako na magustuhan niya, at ng iba pang mga lalaki na kaedad ko. "Jane..." Ano? Ano bang sasabihin ko? Bakit hindi ako makasagot? Ano bang dapat kong isagot? Parang masyado naman akong madaling makuha kung sinabi kong gusto ko rin siya. Pero paano kung magbago isip niya at next week, may iba na siyang nagugustuhan. O baka bukas, o mamaya, hindi na niya ako gusto! "Hoy ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa diyan at mukhang nakakatakot? Itsura mo, Jane." Napabalikwas ako ng tingin kay Claris na ngayon ay gising at nag-aayos na ng gamit. Napatingin ako sa paligid at nakita kong lahat ay naghahanda ng umalis. Nag-dismiss na pala si Ma'am. Hindi ko manlang namalayan sa dami ng mga tumatakbo sa isip ko. "Wala ‘yun, Claris. Mauna na ko." Mabilis na tumayo si Carlo at saka naglakad palabas ng room. Hindi manlang niya ako tinapunan ng tingin. Nagalit ba siya? Bakit? Nagalit ba siya kasi ang tagal-tagal kong sumagot? Masyado lang naman akong nabigla sa sinabi niya kasi parang natupad yung pangarap ng bata kong puso. "Anong nangyari doon? Ano ba yung pinag-uusapan niyo, ha?" Mabilis akong nag-ayos ng gamit saka naghandang umalis. "Wala, Claris. Una na rin ako." Binilisan ko ang takbo para humabol kay Carlo. Nakita ko siyang palabas na ng gate kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo at hindi ko namalayan na may sasakyan palang palabas at muntik na akong masagasaan. Malakas na umalingawngaw ang busina ng sasakyan kaya naman sa gulat ay napaupo ako sa sahig. "s**t!" Dali-daling lumabas ang lalaki sa sasakyan at lumapit sa akin. "Hey, are you okay?" Tumingala ako sa lalaki saka tumango. Mabilis niya akong inabutan ng kamay para matulungan sana akong maitayo nang makita ko si Carlo sa tabi na iniaangat na ko. "m*******e! Nasaktan ka ba? May sugat ka ba? Okay ka lang ba?" Nakita ko ang pag-alala sa mukha ni Carlo. Nagulat ako dahil medyo may kalayuan na ang pwesto niya kanina kaysa sa kinalalagyan ko ngayon pero ang bilis niyang nakatakbo pabalik sa akin. "Okay lang ako." Humarap ako sa lalaki sa saka humingi ng pasensya. Tumango lang ang lalaki saka bumalik na sa loob ng sasakyan, mahina siyang bumusina para makadaan siya dahil hanggang ngayon ay nasa gitna parin kami ng kalsada at nakaharang sa gate. Mabilis naman kaming tumabi ni Carlo at mula sa gilid ay natanaw ko si Claris na papalapit sa amin. "Ayos ka lang ba? Bruha ka, bakit kasi madaling-madali ka? Ikaw din, Carlo. Iniwan niyo pa talaga ako." Nakasimangot sa harap ko si Claris. "Wala iyon, Claris. Jane, ayos ka lang ba talaga?" Baling sakin ni Carlo. Agad-agad naman akong ngumiti sakanya. "Oo, ayos lang ako. Pasensya na at pinag-alala ko pa kayo." Tumango si Carlo saka umambang aalis na. Mabilis akong nag-panic kaya naman wala ng hiya-hiya akong sumigaw kay Carlo. "Pumapayag ako, Carlo!" Saglit na napahinto si Carlo bago muling humarap sa amin. "Anong pumapayag? Ha, teka lang ha, preno tayo ano, ano ba ang nangyayari sa inyo?" Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Carlo saka lumapit sa akin at yumakap. "Thank you, Jane." Narinig ko ang pagsinghap ni Claris sa isang tabi. Nanigas naman ako, sa kauna-unahang pagkakataon ay nayakap ako ni Carlo! "Oh my God!" Napalakas ang tili ni Claris kaya naman agad na kumalas sa akin si Carlo para awatin ang aming kaibigan bago pa siya tuluyang gumawa ng eksena. Hinatak namin siya para magsimula ng maglakad palabas at saka pinagkwentuhan kung ano ba ang gusto niyang malaman. "Kayo na ba!?" Agad akong napaubo sa tanong niya. Napaka-advance naman ng utak talaga! Narinig kong tumawa si Carlo. Bigla naman akong nahiya. "Hindi pa..." Sagot ni Carlo kaya naman bigla nanamang napatili si Claris. Pambihira. "Hindi pa? As in hindi pa? Pero malapit na? Omg, umamin ka na talaga Carlo? Omg teka lang ha." OA siyang nagpaypay sa sarili niya. Naaaliw ako sa reaksyon ni Claris, Natutuwa akong masaya siya para sa amin. Pero hindi pa naman talaga. Gusto ko si Carlo, oo. Pero wala pa naman sa utak ko na magkaroon ng boyfriend. Hindi man strikto ang mga magulang ko tungkol sa bagay na iyan, pero, ayoko padin na pangunahan lalo pa at pakiramdam ko ay masyado pa kaming bata. Okay pa siguro na ienjoy namin ang mga oras na ganito. Naghahanda na akong mahiga nang makita ko ang isang text galing kay Carlo. Mabilis kong chineck ang laman ng message niya. Are you free this weekend? Aayain sana kitang lumabas ngayong Sabado. Binigyan ko nang pagkakataon ang sarili kong tumili, lumundag at magpagulong-gulong sa higaan tutal, ako lang naman ang nasa kwarto. Medyo pigil nga lang ang tili dahil baka sumugod bigla ang Mommy at Daddy dito sa kwarto at baka isipin pa kung napano pa ko. Agad akong nagtipa. Wala naman akong gagawin ngayong weekends. Sige. Sabihan mo nalang ako sa mga iba pang details. Ilang beses ko pang binasa ang text ko bago ito tuluyang sinend. Sinigurado ko munang hindi mahahalata na excited ako sa date namin. Date. May date kami ni Carlo. Agad na natuwa ang aking puso sa naiisip. Akala ko, imposible na mangyari na lalabas kami ni Carlo ng kami lang. Yung tipong, aalis kami dahil napagkasunduan namin at gusto namin makasama ang isa't-isa. Lalo pang hindi ko inaasahan na magkakagusto siya sa akin. Akala ko, hanggang kaibigan lang talaga. Akala ko, di niya ko makikita. Tinignan ko ang petsa. Napansin kong Martes palang pala. Ilang araw pa ang hihintayin ko para sa date namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para malibang ang sarili ko at hindi mabagot. Baka sa sobrang pagiging excited ko ay yayain ko na agad si Carlo at sabihing bukas nalang kami umalis. Hindi pwede iyon. Maaga akong dumating sa room kinaumagahan ng Miyerkules. Hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Ang daming tumatakbo sa utak ko. Umaandar na naman ang imagination ko sa kung ano na ang mangyayari sa amin ni Carlo pagtapos niyang umamin sa akin na gusto niya ako. Ang daming nakakakilig na bagay ang naiisip ko kagabi kaya naman halos anong oras na ko nakatulog kaya naman inaantok ako ngayon. Wala pang tao sa room kaya naman napagpasyahan kong matulog nalang muna. Naalimpungatan ako ng makaramdam ng iilang haplos sa aking buhok. Unti-unti kong minulat ang aking mata para lang makita si Carlo na nakangiting nagmamasid sa akin. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumalikod sa kanya. Nakakahiya! Baka mamaya nakangiti siya sa akin ng ganoon dahil may tulo ng laway sa bibig ko habang natutulog, o baka kaya naman, may muta ako o panis na laway. Bakit naman kasi ang aga niya? Nang masigurado kong okay na ang itsura ko ay dahan-dahan akong humarap sa kanya. Napansin kong nagpipigil siya ng ngiti kaya naman napasimangot ako. "Bakit ka ba tumatawa diyan..." Hindi na niya napigilan ang kanyang ngiti. "Bakit ang aga mong pumasok? Kanina ka pa ba dito?" Sumimangot ako lalo. Hindi niya naman sinagot ang tanong ko. "Hindi ako makatulog." Sandali siyang umarte na parang nag-isip. Pero bakit pakaramdam ko nang-aasar lang siya? "Bakit kaya? Hmm?" Lumapit siya sa akin kaya naman mabilis akong napaatras. Bakit naman siya lumalapit? Anong binabalak niya? Saglit lang. Hindi pa ko ready kung hahalikan niya ko... "Bakit ka lumalayo?" Umusog siya papalapit sa akin kaya naman lumayo ako ulit. "Bakit ka ba lumalapit? Diyan ka lang, wag ka ng umusog palapit." Ngumisi siya at muling umusog. Akmang lalayo ulit ako ng hawakan niya ang upuan ko para pigilan ako. Sinamaan ko siya ng tingin. Pumangalumbaba siya sa table ko. "Alam mo bang ang tagal-tagal na kitang gusto? Nahihiya lang akong magsabi kasi baka masira ang pagkakaibigan natin at baka madamay pa si Claris. Buti nalang, nagbigay ng tip sa akin ‘yun." Agad na kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Anong tip? Don't tell me... "Nagsabi sa akin si Claris bago ang pasukan na kumilos na. Kasi sigurado naman daw na papansinin mo ko. Hindi ka daw maiilang at hindi mo daw ako iiwasan." Unti-unti ay nagbabago ang pakiramdam ko. Mula sa masaya at kaunting kilig kanina, ngayon ay parang naiinis ako. Parehong kay Claris at kay Carlo. "Kasi sabi ni Claris, may gusto ka rin daw sa akin." Napahawak ako sa aking noo. Seryoso bang sinabi talaga ni Claris kay Carlo!? Pambihira! Yari talaga sa akin ang babaeng iyon kapag dumating na siya. Nakakahiya! Isa pa itong si Carlo eh. Tama bang sabihin sa akin yan? Sana kung alam na pala niya, sinarili niya nalang! Grabeng kahihiyan naman itong nararamdaman ko. Tumingin ako sa kanya ng masama nang may maisip na kakaiba sa sinabi niya. "So kaya ka lang lumapit sa akin kasi sinabi ni Claris na may gusto ako sayo? Gaano ka ba kasigurado na talagang may gusto ako saiyo? Sobrang confident ka naman sa sarili mo?" Sobrang pagkairita ang nararamdaman ko ngayon. Hindi lang para kay Carlo at Claris, kundi para din sa aking sarili. "H-Hindi naman sa ganoon, Jane..." "Edi ano pala? Kasi sa narinig ko sayo, isa kang malaking duwag. Para kang nandadaya. Kung may gusto kang babae, gagawin mo ang lahat para mapasayo siya ng walang hinihinging kapalit. Hindi yung sisiguraduhin mo munang may gusto sayo, para sureball na sasagutin ka. Major turn-off ka, Carlo." Sinilip ko ang aking relo at nang makitang may oras pa ay lumabas na ko. Sakto namang may iilang kaklase na ko na papasok kaya kahit narinig ko na parang susunod si Carlo ay madali ko siyang naiwala. Pababa na ako sa hagdan nang makasalubong ko si Claris. "Uy girl, saan ka pupunta? Malapit na ang time ah." Inirapan ko siya at nilagpasan. Badtrip din ako sa kanya. Bahala kayo. Dumiretso ako sa gate. Hindi nalang muna ako papasok. Wala pa namang mahalagang gagawin. One absent will not define my grade or standing. Natanaw ko ang guard na nagbabantay. Napahinto ako saglit at nagtago. High school pa lang ako at hindi pa pwedeng lumabas kung hindi pa out. Huminga ako ng malalim bago simulan ang naisip kong plano para makalabas. Dahan-dahan akong naglakad para makalapit sa guard. Mabuti nalang at lalaki ang guard na nagbabantay ngayon. Ito yung mabait na guard ng school, hindi tulad nung buntis na guard na kung makasigaw sa mga late ay akala mo siya ang nagpalaki. Hawak-hawak ko ang aking tyan at inihanda ang pang best actress kong pag-iinarte. "Hala, Ma'am, napano ka?" Medyo natatarantang sabi ng guard. "Kuya sobrang sakit po ng puson ko. Baka po pwedeng umuwi nalang po muna ako..." Saglit na napakamot sa ulo ang guard. "Eh, Ma'am, nagpunta ka na ba sa Clinic? Baka po mawala naman kapag nakainom na kayo ng gamot?" Kinagat ko ang aking labi. Mukhang hindi effective. "Kuya hindi na po ako makapunta doon. Medyo malayo po kasi sa room namin kaya dito na po ako dumiretso." "Hindi ko po kasi kayo pwedeng basta-basta palabasin eh. Kailangan po kasi na may refferal kayo galing clinic na pinapayagan kayong makauwi at magpahinga sa bahay ninyo." Patay. Paano ako nito makakalabas? Nawala sa isip ko na kailangan nga pala ng referral para makalabas. "Ah, sige po. Pupunta nalang po muna ako sa Clinic..." Pinagpatuloy ko nalang ang pagpapanggap at saka siya tinalikuran para magpunta sa Clinic. Baka mapaniwala ko yung nurse doon. There's no harm in trying. Nakakailang hakbang palang ako palayo sa guard house nang sumigaw si Kuya. "Ma'am ako na po kukuha. Maupo nalang po kayo dito." Lumaki ang ngisi ko. Napakabait naman talaga! Bago humarap ay ibinalik ko sa mukha ko ang pag-arte saka dahan-dahang naglakad pabalik sa kinaroroonan niya at umupo sa upuang inalok niya sa akin. Ilang saglit lang akong naghintay ay bumalik na ang guard at may pinafill-up na papel. Matapos iyon ay pinahintulutan na niya akong lumabas. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-arte hanggang sa makapara ako ng tricycle. Now, saan ako pupunta? Sinilip ko ang oras. Alas-otso palang ng umaga at nakakasigurado akong wala pa gaanong bukas na pwedeng pagtambayan. Kahit ang malapit na SM ay sarado pa. At kahit bukas man, hindi pa rin ako makakapasok dahil nakakumpletong uniform ako. Sa pagkakaalam ko, hindi pwedeng magpapasok ng mga high school ng ganto kaaga. Pwede pa siguro sa hapon o yung tipong malapit ng gumabi. Agad akong nagpara nang may nakita akong bukas na Starbucks. Dumiretso ako sa counter para umorder ng hot chocolate at isang tinapay. Matapos magbayad ay pumunta ako sa dulong parte ng Starbucks upang hindi gaanong maistorbo. Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. May iilang tao na rin sa loob. May isang grupo ng matatanda na seryosong nag-uusap tungkol sa kung anong bagay. Mga nagmeeting siguro. Sa kabilang banda naman malapit sa labasan, may grupo ng mga babae na naghahagikgikan habang panay ang sulyap sa isang lalaki malapit sa kanilang lamesa. Agad kong sinulyapan ang nag-iisang lalaking nakaharap sa kanyang laptop habang nagtitipa. Maya-maya ay sumisim ito sa kanyang kape. Nakita kong napatingin ito saglit sa grupo ng mga babae saka mabilis na bumaling pabalik sa kanyang laptop na parang walang nangyari. Pinakatitigan ko ang pamilyar niyang mukha. Siya iyong lalaki na muntik makasagasa sa akin kahapon. Masasabi kong may itsura nga ito kung kaya't hindi ko masisisi ang mga babaeng halos himatayan na ngayon sa kilig dahil sa tinapunan sila ng tingin. Halos magturuan pa nga sila kung sino ang tinignan nito. Napailing nalang ako. Napatingin ako sa aking cellphone nang mapansing umiilaw ito. Tumatawag si Mommy. Napalunok ako. Nalaman kaya nila na nag-cutting ako? Patay ako nito. "Hello, Mom..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD