bc

After Death (TAGALOG)

book_age18+
298
FOLLOW
1K
READ
age gap
independent
inspirational
others
drama
tragedy
twisted
bxg
abuse
lonely
like
intro-logo
Blurb

Luto. Linis. Hugas ng pinggan. Paglalaba.

Ilan lang yan sa pang araw araw na trabaho ni Patricia. Isang all around chichay. Aakalain mong katulong nga talaga siya, pero hindi. Anak siya ng isang OFW at lumaki siya sa poder ng Lola. At habang lumalaki siya, dinadagdagan din ang mga gawaing bahay niya. Hindi lang iyon, sinasaktan na nga siya physically, binabatohan pa siya ng masasakit na salita.

Bilang isang seventeen years old na teenager, hindi niya nakayanan ang pangaalipusta. Isang payapang araw at tahimik na hapon, umalingawngaw ang isang sigaw sa bahay ng pamilya Gabrielle. Nakitang nakasabit sa kisame, wala ng buhay at nakatirik ang mata ng dalagang si Patricia.

Kapag ang isang tao ay nagpakamatay, saan ito mapupunta?

Naniniwala ka ba na may buhay pagkatapos ng kamatayan?

chap-preview
Free preview
Kabanata Uno
Pagkatapos magluto ni Patricia ng hapunan, inaya na niya ang kanyang lola, papa, at ate para kumain. Nakaayos na ang mesa, nakahain na ang ulam at kanin, ang mga plato, kutsara at tinidor ay handa ng gamitin. "Nay, pa, ate! Kain na tayo," sigaw niya para marinig siya ng mga ito. Unang lumabas ang kanyang ate na maghapong nakakulong sa kwarto at babad sa internet. Umupo kaagad ito sa pwesto at parang kargador na kumain. Sumandok siya ng kanin at inilagay sa sariling plato, gutom na din siya dahil nakalimutan niyang kumain ng tanghalian sa sobrang abala sa paglalaba. Tinikman niya ang sabaw sa nilutong ginisang gulay, tama lang ang lasa at masarap. Magkasunod na pumasok sa kusina ang kanyang Lola at Papa. Umusog kaagad siya para bigyan ang mga ito ng pwesto sa maliit nilang mesa. "Ang tagal mong nagluto! Eh, sobrang dali lang naman nitong lutuin!" reklamo ng kanyang ate na may pagkain pa sa bibig. 'Kung ikaw na lang kaya ang nagluto?' gustong isagot ni Patricia. Pinili niyang manahimik at magpokos sa pagkain. Kilala niya ang kapatid niya, hindi ito nagpapatalo kahit mali ang pinaglalaban nito. "Pwe! Ano ba itong lasa ng luto mo?! Sobrang alat!" Padabog na binitawan ng kanyang lola ang kutsara. "Hindi mo ba tinikman yan ha?! Boba ka talaga! Ilang beses ko ng sinasabi sa’yo, ayaw ko nang maalat! Gusto mo na ba akong mamatay, ha?!" "Tinikman ko naman, Nay. Tama lang naman ang lasa," malumanay na sagot niya. "Sinisigawan mo ba ako ha?! Anong tama lang?! Gusto mong ibuhos ko sa ‘yo ‘tong ulam?!" Buntonghiningang tinapos niya ang pagkain. Nakakadalawang subo pa nga lang siya at ramdam niyang gutom pa rin siya pero nawalan na siya nang gana. Natural na malaki ang boses ni Patricia, kaya sa tuwing nagsasalita siya ay para talagang sumisigaw siya. Tumayo na siya at nilagay sa lababo ang pinggan. Nanghihinayang siya kasi paborito pa naman niya ang ulam. "Papakainin ko lang ‘yung mga pusa," sabi niya. "Isali mo na yung alangang aso ng ate mo," mahinahon na utos ng papa niya. Tumango lang siya at naghanda ng pagkain para sa alaga nila. "Isang kutsara ng kanin lang, ah! Ang dami mong pinapakin sa mga ‘yan eh hindi naman inuubos! ‘Yung mga manok lang ng kapitbahay ang nakikinabang! Aba, ang mahal ng bigas ngayon! Alalahanin mong hindi tayo mayaman at sapat lang para sa atin ang kita ko sa palengke! Ikaw naman kasi, Raul! Bisyo mo na lang ang inaatupag mo, wala ka nang naibigay sa akin pangkonsumo diyan sa mga anak mo! ‘Yung asawa mo, hindi pa nagpapadala, tinakasan ka na yata!" "Nag-iipon nga ako pambili ng motor ko, Nay." "Nag-iipon ka pala?! Akalain mong may natitira pa pala sa sweldo mo pagkatapos mong waldasin sa sigarilyo?!" Lumabas si Patricia sa kusina patungo sa likod ng bahay nila. Sinalubong kaagad siya ng apat na pusa, isang lalaki at tatlong babae. Ang isang babaeng pusa ay matanda na kaya pinangalanan niya itong Lola. Nilinis niya ang kainan ng mga ‘to pagkatapos ay nilagay doon ang pagkain na sapat para sa kanila. Hindi siya nakinig sa kanyang Lola at pasimpleng dinagdagan ang pagkain ng mga pusa. Kahit sa labas ng bahay ay rinig na rinig ang boses nito na nanenermon. Pagkatapos niyang pakainin ang mga alagang pusa at aso, bumalik siya sa loob ng bahay. Tapos na ang ate niyang kumain at wala na ito sa kusina, iniwan nito ang pinggan na pinagkainan sa mesa. Kinuha niya ang timba para mag-igib ng tubig. Wala kasi silang gripo dahil walang linya ng tubig sa lugar nila. Pinuno niya ang malaking balde ng tubig para hindi siya magpabalik balik sa poso. Tapos nang kumain ang papa at lola niya. Niligpit niya ang mga pinagkainan ng mga ito at nilinis ang mesa, saktong pagharap niya para ilagay sa lababo ang maruruming pinggan ay doon naman ang pagsipa ng lola niya sa alagang pusa na buntis. Hindi niya namalayang lumabas pala ang lola niya. "Nay!" gulat tawag niya. Dali-dali niyang nilagay ang mga pinggan. Ang lababo kasi nila ay nasa gilid lang ng pinto palabas kaya kitang-kita niya ang pangyayari. "Huwag niyo namang sipain ‘yung pusa! Hindi mo ba alam na buntis ‘yan?!" Hindi na napigilan ni Patricia ang boses niya, nagaalalang nilapitan niya ang pusa, kinalmot siya nito sa pag-aakalang sasaktan din niya ito. Nagkasugat siya ngayon sa kamay at dumudugo nang kaunti. "Anong akala mo sa akin?! Katulad mong boba?! Hindi pa ako nawawala sa katinuan para manipa ng pusa ano!" depensa ng lola niya. "Ang galing mo! Ni hindi ko nga inaano ‘yang pusa, gagawan mo ako ng kasalanan!" Hindi sumagot si Patricia. Nakatingin lamang siya sa kawawang pusa pero nakikinig siya sa mga sinasabi ng lola niya. "Bakit?! Sino bang nagpalaki sa ‘yo?! Mas mahal mo pa ‘yang pusa! Kaya ka bang buhayin niyan, ha?! Eh pera ko nga pinapakain mo sa mga ‘yan, eh!" Ano bang pinagsasabi ng lola niya? Concern siya sa pusa dahil buntis ito! Tapos sasaktan niya pa! At ngayon pinapasa sa kanya ang sisi! "Hindi ako bulag. Nay. Nakita kong sinipa mo siya. Ano bang ginawa niya sayo at sinasaktan mo?" Hindi niya na mapigilang sumagot, pero pinanatili niyang kalmado ang sarili. At hindi pa nga tapos ang pangyayari, dumagdag naman ang ate niya. Galit na galit itong lumabas galing sa kusina at dinuro siya. "Putangina! Hoy Patricia! Ikaw ba nagpakain sa aso ko, ha?!" "Bakit ba, Porcia?!" sabat ng lola niya. "Boba talaga ang babaeng yan! Hindi ginagamit ang utak! Sabing tapos ko ng pakainin ‘yun, eh! Nasaan ang utak mo?! Binenta mo?!" Hindi na maintindihan ni Patricia ang mga nangyayari. Kanina pa sumisikip ang dibdib niya sa mga sinasabi nila sa kanya. Nanatili siyang tahimik, pilit winawaglit sa isipan ang mga boses nila. Pagod na pagod na siya. Pagod na siyang umintindi at magpa alila. Palagi na lang ganito ang nangyayari, wala ng katapusang kalungkutan. Iiyak na naman siya mamaya kapag tulog na ang lahat. Lagi naman, eh. Lagi naman siyang umiiyak tuwing gabi. Dinuro siya ng kapatid niya sa noo at diniin ang daliri nito. Napaatras siya sa ginawa ng ate niya at kahit masakit sa loob ay hindi siya lumaban o nagsalita. "Wala kang silbi. Honor ka ba talaga sa skwela ha? Bakit ang bobo mo pagdating dito sa bahay? Baka umaasa ka lang sa kopya, ah! Bobo talaga!" Pinagdidiinan nito ang daliri sa noo niya. Nabitawan niya ang pusa at tumabok ito palayo. Gustong-gusto na niyang umiyak. Labanan ang sarili niya at mag wala. Pero kapag ginawa niya iyon, mas magiging malala ang sitwasyon. Mas mapaparusahan siya. Hindi titigil ang mga ito hangga’t hindi siya masisira. Nakakapagod. Paulit ulit na lang. Wala nang bago sa buhay niya. Ganito na lang palagi. Lord, bakit mo ako pinapahirapan nang ganito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.8K
bc

NINONG II

read
619.8K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook