Chapter 1

1234 Words
Shade Collie Alvaro Dela Merced Napapabuntong hininga na lang ako habang tinatahak ang walang katao taong daan patungo sa Village na tinitirahan ko. Kung pwede lang sigurong magreklamo ang strap ng aking bag ay kanina pa nito ako sinigawan dahil sa sobrang higpit ng pagkaka hawak ko rito. Hindi niya naman ako masisisi. I am really dumbfounded right now. Nang makapasok na ako sa kulay Sky blue namin na gate ay pumasok na ako sa aming tahanan. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng isang pitsel ng tubig at isinalin sa baso upang uminom. Matapos kong mapawi ang uhaw ko ay nilapitan ko si nanay at nagmano. "Kaawaan ka ng Diyos anak. Musta ang araw mo? " tanong sa akin ni Nanay na mukhang busy sa panghihiwa ng mga rekados para sa hapunan. " Ayos lang naman po Nay. Wala naman pong bago. Nag aaral pa rin" simple kong pagpapahayag at pilit itinatago ang emosyon ko. "Hindi mo ba pinagod ang sarili mo anak? " tanong ni inay na bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. " Nay. Hindi po. Huwag niyo naman po akong binebeybi. " sabay nguso ko na ikinatawa niya. Pinunasan niya ang kanyang kamay at linapitan ako upang halikan ang aking noo. Palibhasa ay kasing taas ko lang si Nanay sa tangkad na five flat. " Alam mo naman anak na ayaw ka namin na napapahamak. " mahihimigan sa tono niya ang pangamba. " At ayaw naming dalawa ng Papa mo na maulit muli iyon. Hindi namin kakayanin anak" sabay yakap sa akin. Hays. Palibhasa ay bunso ako kaya ako ginaganito ni Nanay. "Naiintindihan ko Nay. Inaalagaan ko naman po ng mabuti ang  sarili ko. Magbibihis lang po ako sa kwarto" at dumeretso na ako sa aking silid. Matapos kong mahiga ay tinkpan ko kaagad ng unan ang aking mukha. Doon naglandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Panira naman kasi ng araw ang best friend ko. Akala ko sa loob ng halos anim na taon ay kilala na namin ang isa't isa. Pero hindi pa pala. I have a friend named Nathelio. Gwapo at varsity player 'yang bestfriend ko sa school  which is the Pastle High, the most prestigious school on the whole world. Grade seven kami noong unang nagkakilala . And because of both adik kami sa Dota ay naging close kami. He's really famous kaya kataka-takang sumasama siya sa isang tulad kong average type person. Idagdag mo pa na alam niya na isa akong bakla. Pero lagi niyang sinasabi na he never looked on gender, appearance o kung ano mang flaws ng isang tao. Always, ang ugali pa rin daw ang mas matimbang. Pero hustisya naman. Paniniwalaan pa ba niya ang Girlfriend niyang sa una't sapul ay hindi na niya ako pinakisamahan ng mabuti. Plastik talaga ang babae na iyon! Clarissa, the current girlfriend of Nathelio ay sikat din sa Campus. Hindi mapagkakaila na bagay sila. They are both popular, may itsura, matalino, sports minded. Halos isa sila sa mga tinitingala na tao sa School. Ano ba namang laban ko sa babae na sabi nga sa kanta na nasa kanya na ang lahat, pwera ugali. Isa pang ico-confess ko. I secretly admiring s***h loving Nathelio. Bakit nga ba hindi. Ang bait bait niya sa akin, sweet, overprotective, caring, seloso and so on. Motibo na akala ko ay gusto niya rin ako. Pero na friend zone lang ako. Magbuhat noong linigawan until naging sila ni Clarissa ay naging extra na lang ako sa buhay niya. Etchapwera na lang daw kung Etchapwera. Ni hindi ako nagrereklamo sa tuwing hindi niya ako sinisipot sa usapan. Ni hindi ako nagrereklamo sa tuwing hihiram siya ng payong para lang mapayungan ang gf niya habang ako na may-ari nang payong basang basa sa ulan. Ni wala akong sinabi na  isang salita sa tuwing iniiwan niya ako dahil kailangan ng moral support ni Clarissa. Tapos kaninang  umaga. "Collie naman. Babae si Clarissa. Paano mo naman nagawa sa kanya iyon. Sana naman sinabihan mo na lang ako na nagkukulang ang oras ko sayo kaysa sa sinaktan mo pa siya" bigla nitong kompronta sa akin. Nasa Canteen ako noon. Kakukuha ko palang ng in-order ko  at akmang maghahanap ng bakanteng lamesa. As always, magmula ng magka jowa ang sanggang dikit ko ay nagso solo flight na lamang ako sa school. Tapos ngayon, habang pinag titinginan kami ng napakaraming estudyante. "A-anong sinasabi mo? " nauutal kong tanong. Parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga. " Huwag ka ng magpatay malisya Collie! Sabi ni Clarissa sinaktan mo raw siya! Ano ba naman yan!" para akong nanliit sa sinabi niya. Now I know. He never trusted me. "Ganyang ba kababa ang tingin mo sa akin" sabay walang emosyon na titig sa kanyang mata. "I never thought na ganyan pala kababaw ang pagkakakilala mo sa akin Thelio" pagbabanggit ko sa kanyang palayaw, meaning seryoso na ako. Dahilan upang mapagitla siya. "Sige. I will take the whole responsibility. Fine sinaktan ko siya. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. But please. After you humiliated me in  front of these students. Alamin mo muna ang totoo. " sabay lapag ng pagkain sa lamesa. Nakakawalang gana. Namalayan ko na nagwawala na pala ang mga bulate sa tiyan ko ng dahil sa gutom. Hindi pa ako nagtatanghalian. Siguro kapag nalaman to ni Nanay ay masesermonan na naman ako. Tumayo na ako sa pagkakahiga sa kama at nagbihis na ng puting manipis na sando at short. Nagsuot din ako ng hoodie na jacket. Malamig na rin kasi sa labas lalo na at Ber month na. "Nay. Tambay lang ako sa malapit sa open space. Magpapahangin lang po" pagpapaalam ko kay Nanay na nanonood ng palabas sa Telebisyon. "Bakit anak? Wala bang hangin sa kwarto mo? " " Nay naman. Tatambay lang ho ako" maktol ko sabay nguso. "Kilala na kita anak. Alam kong may problema ka. Pumupunta ka lang naman doon kapag masama ang loob mo. Sige anak, ibuhos mo lang yan. Laging tatandaan. " " Huwag mong kimkimin ang nasa loob mo. Baka sumabog" paalala niya. "Opo Nay " Bago ako pumunta sa Open Space ay nagtungo muna ako sa Seven Eleven upang bumili ng Sea food cup noodles. Mabuti na lang ang cup noodles hindi ako iniiwan. Makapag endorse nga. Umupo ako sa isang malaking bato at tanaw ko mula rito ang bundok sa Open Space. Kung isasalaysay ko kung gaano kaganda rito. Words aren't enough though. Kaya nga sabi ni Nanay ay dito ako pumupunta kapag masama ang loob ko. Kasi pakiramdam ko ang gaan ng puso ko sa lugar na ito. Huminga ako ng pagkalalim lalim at bumwelo upang sumigaw. "NATHELIO! MAKAKA MOVE ON DIN AKO SAYO! MAS HAHANAP AKO NG HIHIGIT PA SAYO! TANDAAN MO YAN! MAGSAMA KAYO NG GF MONG MUKHANG BEAUTY QUEEN! PERO PANG SIX FEET UNDERGROUND ANG UGALI! BUSET" Hingal na hingal akong natapos ng may ngiti sa labi. Ako lang naman si Collie Alvaro Dela Merced. Isa akong Dela Merced kaya kakayanin ko lahat lahat. Darating ang panahon na masasabi ko sa sarili ko na tapos na. I won't feel the pain anymore. Pero naagaw ang atensyon ko ng may mag park na kotse hindi kalayuan sa akin . Sa itim na kotse na iyon ay bumaba ang isang lalake na nakasuot ng Business Suit. Halos hindi ako makahinga ng dahil sa pisikal niyang kaanyuan. Siya na siguro ang literal na kahulugan ng kagwapuhan. Sa sinag ng buwan ay kita ang kulay tan nitong balat. Ang buhok nitong naka clean cut. Ang katawan niyang isusugal ko ang pusa ko masiguradong batak iyon. At lalo pa akong nawindang ng alisin niya ang shade niya at magtugma ang aming tingin. He just seriously stare at me. Hanggang sa namalayan ko na lamang na nakasakay na siya sa kotse at nakaalis na. May kakaibang bagay akong naramdaman sa aking dibdib. Ano 'yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD