Chapter 2

1454 Words
Dilaw Collie Alvaro Dela Merced "'Nak. Gising na. Dios mi yong bata ka. Mala-late ka na niyan." Halos hindi ko maidilat ang mata ko. Inaaya pa ako ng kama at ng malamig na panahon upang umidlip at matulog. Idagdag pa ang boses ni Nanay na para akong hinehele.  "'Nay naman. Antok pa po ako." Sabay nguso ko habang nakapikit pa.  "Gusto mo bang papasukin ko iyong dalawa mong kuya para gisingin ka?" Mahihimigan sa tono niya ang malokong pagbabanta na dahilan upang mapabangon ako ng wala sa oras.  "'Nay naman. Gusto mo po bang baliin nang dalawang iyon ang katawan ko." Sabay wala sa sarili kong kamot sa ulo.  "Sige po Nay. Ligo lang po ako, susunod rin po ako kaagad." Sabay kuha ko ng mga damit sa aking drawer. "Sige anak." At lumabas na si Inay sa kwarto. Pumasok na ako sa banyo at isinabit sa isang espasyo ang gagamitin kong tuwalya at underwear. Binuksan ko ang gripo at tumulo na rito ang malakas na agos ng malamig na tubig. Napatingala ako ng wala sa oras at nagdasal. 'Patnubayan niyo po ako. At baka mamatay po ako sa lamig ng tubig... Amen'. Nang mapuno na ang balde ay hinubad ko na lahat ng saplot ko sa katawan at kita sa may kalakihan na salamin sa isang gilid ang maputi at hubo't-hubad kong katawan. Inilagay ko na ang tabo sa balde. At pumikit. "Aaah! " sabay nagtatalon ako. R. I. P sa lahat ng cells ko sa katawan na mukhang nagyelo na. Dios ko. Bakit kasi hindi pwedeng gabi na lang ang klase sa Naxus. Edi sana hindi ako nagdurusa sa sinumpang tubig na niluwal ng gripong ito. Kakainis!  Tamang hilod, sabon, shampoo at malinis na ako, banlaw at bihis. Agad na akong lumabas sa aking silid matapos kong maisuot ang itim kong uniform na may highlights na asul at itim kong pang ibaba na slacks at kulay puting shoes.  "Antagal mo naman bunso. Nagkaka world war seven na ang mga bulate ko sa tiyan, hindi ka pa tapos maligo," reklamo ni Kuya Keel Alvaro Dela Merced, ang pangalawang pinakamatanda sa aming magkakapatid. Siya ang pinaka bulakbol pero magaling iyan sa pagda drawing kaya Architecture ang kinuha niyang kurso, graduating na rin siya. Gwapo at may dimples sa kanang pisngi, matangkad at six footer, di tulad ko. Ang daya lang ng genes ni Kuya.  Ngumuso naman ako at nagsalita "Grabe ka sa akin kuya Keel! Hindi ka naman nabubusog kahit ilang kain pa ang gawin mo ano,"  pang-aasar ko na balik na ikinatawa naming pamilya Alvaro Dela Merced. Ngumuso lang si kuya.  "Barado ka roon kuya Keel," sabat naman ng pangalawang bunso na hindi nalalayo ang tanda kay kuya Keel. Siya si kuya Kees Alvaro Dela Merced. Gwapo pero may pagka nerd. Habulin ng babae at mga nagpi-feeling babae. Matalino at magaling magbasketball.  "Tama na iyan. Let's eat, masamang pinaghihintay ang grasya," bawal ni ate Chellten Alvaro Dela Merced. Panganay at nag-iisang tunay na babae sa aming magkakapatid na Alvaro Dela Merced. She's smart and at the same time ay tapos na ng kolehiyo. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho as a Finance Manager sa isang private company.  "Tama ang ate niyo. Maupo ka na bunsoy," utos naman ng padre de pamilya namin na si Cajin Dela Merced habang ibinaba na niya ang hawak niyang diyaryo at uminom ng mainit na kape.  "Tama ang papa niyo. Hali na at magdasal muna tayo bago kumain," sabi ni Nanay, ang pinakamagandang binibini este ginang na pala na nagluwal sa aming magaganda, cute at gwapong magkakapatid na si Kallain Alvaro Dela Merced. Sa kanila ako bilib dahil napaka Creative nilang magpangalan sa amin.  After naming pagsaluhan ang masarap na almusal namin ay inihatid na ako ni Papa sa school, sa Pastle High. Hindi man kami gaanong mayaman ay pilit na pinagsisikapan ni Papa at Ate na mapag aral kaming tatlo na nag-aaral pa upang makapasok sa isang prestihiyosong paaralan tulad ng Pastle High. Kaya hindi ako masisi kung minsan ay Grade Concious ako dahil nga ayaw kong ma-disappoint sa akin ang pamilya ko. Though hindi naman nila ako prine-pressure.  Matapos huminga ng pagkalalim lalim ay dahan-dahan akong naglakad papasok sa higanteng tarangkahan ng mayaman naming paaralan. Pagpasok ko pa lang ay matatanaw na ang higanteng estatwa ng isang babae na ang mga mata ay gawa sa dilaw na Diamond.  May tatlo ring Building ang River Gale High. Maganda at halatang pangmayaman ang nasabing paaralan.  Dati noong wala pa ang K-12 curriculum ay wala pa ang mga hanay ng school na ito. Kamakailan lamang nagkaroon ng dibisyon.  Sa totoo lang ay parang ayaw kong pumasok ngayon sa klase. Hindi ko naman kaklase si Nathelio dahil nasa Building Roy siya. Pero para sa aming dalawa. Masyadong maliit ang paaralan na ito. At sa mahabang muni-muni ay nagising ako at nagbalik ang aking ulirat ng hindi sinasadya ay may makabangga ako.  "Ay sorry Miss. Sorry." Yuko ko habang patuloy parin na nagso-sorry. Her brown tantalizing eyes met mine. Unti-unti niyang itinaas ang kanyang kamay at ipinikit ko naman ang aking mata. Malas, mukhang isang malakas na sampal, batok, o kung ano mang kabrutalan ang mararanasan ko. Pero nagkamali pala ako ng maramdaman kong hinagod niya ang aking ulo. "Okay lang iyon bata."Bigla naman namula ang magkabilaan kong pisngi at otomatiko akong napanguso.  "Hey! Hindi na ako bata." Tiningnan naman niya ako na may ningning sa mata at para siyang nakakita ng kyut na pusa. "Gosh! You're so adorable." Sabay yakap niya sa akin. Mukhang akala niya ay Grade 7 pa lang ako sa aking height. Haist.  "Mukhang okay ka naman Miss. Sige po una na ako." Sabay akma na ako na aalis ng hilahin niya ang strap ng backpack ko dahilan upang mahila niya ako pabalik.  "Not so fast kiddo, you should pay for this." Sabay turo niya sa dilaw niyang damit na namantsahan ng inumin na hawak niya. "Ha?" Sabay lunok ko ng laway. " Go to cafeteria with me. My treat," sabi niya na may ngiti. "Pero-" she cut me by waving her hand. "Or else. Pwede mo rin na bayaran na lang tong damit ko. Mga 25 thousand dollars lang naman ang presyo niya," then she sweetly smiled. Ano!? Josme mukhang kalahating milyon na ata ang presyo ng damit niya. "Sabi ko nga po sasama na ako e," suko ko na dahilan upang mag titili siya at yakapin ako ulit. "Okay tara na. By the way, my name is Cheriss Del Castillo. Half Filipina, half Mexican." Tumango naman ako. That explained her uncountable beauty, her height na six footer, medyo tan pero magandang balat, at ang wavy at mahabang buhok niya. "Collie na lang po ang itawag niyo sa akin." Sabay magalang akong ngumiti. Nagsimula na kaming maglakad patungo aa Cafeteria. "Drop that po or calling me Miss. Nakakatanda! And oh, you have a cute name my little Collie. Bagay sa kakyutan mo." Namula na naman tuloy ang mukha ko. "Ahhh. Hindi na ako bata. Don't call me little cute, adorable, baby, or kiddo." "Ooookay!" Sabay maloko niyang ngiti. At least kahit wala na si Nathelio sa tabi ko. I know na may nahanap akong bagong kaibigan. Na hindi ako tataluhin. Sa isang banda ay kita ko sa aking peripheral vision ko na kasama ni ex bespren ang kanyang ubod ng bait na syota niya, sounds bitter. Hinaharot siya ni Clarissa but he seems not on his mood at napabalikwas na lang ako ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya, oh geez. Baka akala niya e masyado siyang gwapo na patay na patay na ako sa kanya.  Nah, hindi naman ako ganoong tao. May isang salita ako. If he doesn't want me to be his friend. That's fine with me. On the first place ay hindi naman hanggang-hangga ay nandiyan siya sa tabi ko. Tama lang na ilaan na lang niya ang saksakan niyang kasaysayan na buhay sa gf niya. Clarissa was more than worth it than me.  Hanggang sa may makabangga akong matigas na bagay-rather matigas na tao na dahilan upang sumemplang ako at mapaupo sa pathway. Patawarin ako ng diyos pero napamura ako sa aking isipan. Ano bang nakain ko ngayong araw maliban sa saksakan na kabiteran at nagkaka disgarasya ako. Hindi ko mapigilan hawakan ang aking baywang na mukhang napuruhan sa pagkakabagsak ko na tumama sa sementadong daanan. Lumagatok pa, I know. Napapikit na lang ako ng mata at tumilapon sa mukha ko ang isang kulay dilaw ng panyo. Napahinga na lan ako ng maalim at dahan dahan na kinuha ang kulay dilaw na panyo upang alisin sa aking mukha. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Ate Cheriss that I answered with a nod. At may lumapit sa aking lalake na pamilyar. That handsome looks, ang mata niyang nakakalusaw, this face. Siya. Siya ang isa sa mga crush ko sa school. Na ngayon ay nakatingin sa akin-with worried face. Namamalikmata lang ba ako or nagdedeliryo. "Ayos ka lang ba? Pasensya na." Pati ang boses niya, pak na pak po. Ang husky. Nakakapanlambot. Swerte ata ang kulay na dilaw sa pagkakataon na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD