Chapter 3

1890 Words
Table Collie Alvaro Dela Merced Kita ulit sa aking peripheral vision na lalapitan sana ako ni Nathelio ng makita niya akong nabangga sa isang almost greek god like human. But knowing her angelic girlfriend ay hinila niya si ex ko, ex bestfriend correction, upang hindi na ako mapuntahan ni Nathelio. Well, hindi ko na iyon pakikialaman pa. I'm fine on how everything works without his presence. Muli ay ibinaling ko ang aking tingin kay Edmerald na seryoso paring nakatingin sa akin. My heart was almost fell ng hawakan niya ang aking waist at alalayan akong tumayo. Naramdaman kong naging kulay kamatis ang aking magkabilaang pisngi. And now, Cheriss was looking at me.. in a very malicious way. Kaya nga tinawag na malisya, kasi 'mali-siya' "Sigurado ka  bang okay ka na? " tanong ni Edmerald. Mio, I can live just hearing his voice. " Opo" sabay yuko ko. "Dahil nandito ka rin naman Rald. Why don't you accompanied me and my baby Collie on Cafeteria " sabay smirk ni ate Cheriss. Napabusangot na lang ako. " Yah, hindi na ako beybi! " singhal ko sa kanila. Na sigurado akong nagmukha lang akong katawa tawa. It's really hard for me to act like tough one. " Cute name... Baby Collie" sabay ngisi naman ni Edmerald dahilan upang mamula ulit ako. Gusto ko ng mag rosaryo. Siguradong susunugin ako sa impyerno sa mga tumatakbo sa isip ko. Tulad ng, kung si Edmerald Anthony Sori na ba ang poreber ko,ang nakatakda sa akin, ang my destiny ko tulad sa theme song ng my love from the star. Ang mais lang. I walk silently at pinakikinggan ko lamang ang tawanan at pagkakamustahan nila ate Cheriss at Edmerald. Base on how they talk on each other ay halatang close sila. Maybe they are couple or what. Bagay naman sila. They are both good looking. And also rich kids. Compare to me. Napaka pathetic ko talaga. Umupo na kami sa isang table. And being Edmerald, he's born gentleman kaya siya na lang ang pumila at kumuha ng aming breakfast, at kaming dalawa ni Ate Cheriss ang naghanap ng Table. Siniko naman ako ni ate Cheriss.  "Ikaw baby Collie. Umamin ka nga sa akin, crush mo ba iyang si Edmerald " para akong aatakihin sa puso sa sinabi niya. Oh gosh? Ganoon na ba ako kahalata? Nanlaki agad ang aking mga mata at mabilis ng iniwasiwas ang aking kamay at umiling. " Hindi ate Cheriss " kabado kong saad" Pramis" sabay taas ko pa ng kanang kamay. "Oh gosh! Don't call me Cheriss. For Christ sake! Masyadong kikay ang pangalan na iyon. Call me Riss" tumango naman ako. "At wala namang problema sa akin kung crush mo iyang mokong na iyan. Halatang nagseselos ka kanina little Collie" namula naman ang aking mukha at nag-iwas ng tingin. Grabe! Paano pa ako makakatanggi. Para siyang Detective kung makahuli sa ginagawa kong krimen. "Pero akala ko-" pinutol niya naman ang sasabihin ko. "I bet you thought that we're couple right? " sabay arte niyang nasusuka. "Collie. That jerk was my cousin kaya naman no need for you to act like a jealous wife" para naman akong nahiya sa mga pinag-iisip ko. "Sorry... Pero promise talaga! Wala talaga akong crush kay kuya Edmerald " pagpapatuloy ko sa pag arte na parang indenial na babae. " If you think na maniniwala ako sayo. Sorry then, but hindi. Collie don't worry. Sa atin atin lang itong sikreto mo. I will do my little Cupid mission. " sabay giggle niya. Ano ba itong pinasukan ko. Nagpatuloy pa rin ang pagiging persuasive ni Riss and she always insist that I have my little feeling for Edmerald na patuloy ko pa rin na hindi sinasangayunan. Nanalangin na ako ngayon pa lang na sa pagbabalik ni Edmerald mula sa pila nang Cafeteria ay itikom niya ang kanyang bibig. Kakakilala pa lamang namin sa isa't isa ay namomroblema na ako. Hindi na nga nagtagal at dumating na si Edmerald na dala ang isang malaking tray na naglalaan ng mga pagkain. He is smiling na dahilan upang lumitaw ang kanyang pantay pantay at pang toothpaste commercial na ngipin. "Here's your order my beautiful ladies" at halos atakihin ako sa puso ng kindatan ako ng ginoo. Gudnes! Napahawak ako sa puso ng wala sa oras. Heart, relax ka lang. Kalma. Ng maupo na siya ay bigla ulit siyang tumayo at lumuhod sa aking harapan. Now, lahat ng mga mata sa Cafeteria ay nakatutok sa akin. I am more than sure na tino torture na ako ng buhay ng mga fangirls ni Edmerald. Knowing their prince was kneeling in my side like I'm his princess. Naaapakan po iyung buhok ko. Inilihis niya ang aking slack at kinuha niya ang isang band aid mula sa kanyang bulsa. Ngayon ko lang napansin na may sugat pala ako sa aking toe. How did he know. "Paano mo nalaman? " nagtaaka ko ng tanong. " Right guess lang" sabay ngiti niya. Umaygas! Hindi na po ako makahinga. Siniko naman ako ni Riss at malisyosa niya akong tinitingnan. Kung alam niya lang ay para na akong malulusaw sa pinaghalong kilig at hiya na nadarama ko. Medyo napakagat labi ako at napapikit ng konti nang idampi niya ang isang bulak na may alcohol. Pero napalitan ng kilig ang hapdi ng inihipan niya ang aking sugat. Hindi ko maiwasang mag-ilusyon na sobra kong ganda sa lagay na ito. Sa totoo lang ay noong nasa Grade 8 kami ay naging super duper crush ko na si Edmerald. Maliban kasi sa isa siya sa mga star player ng School Varsity at sa angking kagwapuhan ay kilalang matalino at magalang na binata iyang crush ko. Epal lang talaga sa panahong iyon si Nathelio at lagi akong sinisigawan sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Edmerald. Kahit kailan talaga hindi iyon naging supportive sa mga natipuhan kong lalaki. Kung makapang bakod kasi akala mo may 'kami'. Nako, dati pa ay paasa na iyung lalaki na iyon. Speaking of the devil. Naramdaman ko kasi na parang may nakatitig sa akin. Yung pakiramdam ba na at ease kaya ako napalingon sa isang gawi at sa isang Table  hindi kalayuan sa amin ay nakita ko si Nathelio na galit na nakatitig sa akin at naka clench pa ang kamao habang hindi niya pinakikinggan ang gf niyang santa. Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi siya ang driver ng buhay ko kaya wa pakels. Hindi na ulit ako magpapauto sa galawang Nathelio Hernani. Ng mabalik ako sa wisyo ay tapos na pala akong gamutin ni Edmerald. Bwisit kasi na Nathelio na iyon. Hindi ko man na enjoy ng sobra ang pakiramdam na pinagsisilbihan ng isang prinsipe. Panira talaga sa buhay ko iyon. Ano ba kasing natipuhan ko sa lalaki na iyon? Maliban sa gwapo, may abs, swimmer.. Errr. Bakit ko nga ba siya pinupuri? 'Announcement for all Grade. All classes are cancelled because of an emergency meeting of school head and school teacher. Everyone can go home~thank you' saad ng isang babaeng boses mula sa speaker ng school cafeteria. Napakagat  na lang ako ng labi at hindi ko maiwasang magalit ng sobra. "ANG LAKAS NG LOOB NA MAGPAKLASE IKAKANSELA RIN PALA! ININDA KO IYUNG PANAHON NA GUSTO KO PANG MATULOG PERO INISTORBO AKO NI NANAY! TINIIS KO ANG LAMIG NG TUBIG PARA LANG MAKAPASOK. TAPOS GANUN LANG? " sabay hinga ko ng malalim. Late ko ng ma realise kung ano ang mga sinabi ko- scratch, mga sinigaw ko pala. Halos lahat siguro ng mga tao na nasa establishment ay nakatingin sa akin na kung saang bundok daw ako nanggaling. Ng ibaling ko ang tingin sa aking lamesa. Edmerald is looking at me like I was the most peculiar person in the whole world at ganung tingin ang pinupukol sa akin ni Riss. "Aww. Beast mode ang baby Collie natin" sabay kurot sa pisngi ko ni Riss. Nag nod lang si Edmerald. "Pasensya na. Tinuruan kasi ako ng Nanay ko na masama ang maglagay rito " sabay turo ko sa aking dibdib," ng kahit anong hinanakit. Baka raw sumabog ako" ngumiti lang ang dalawa at napailing. "Well, wala pa naman kaming matinong practice kaya. Collie. Can I invite you to a date" saad ni Edmerald ng mga salitang iyon. Namilog ang mga mata ko at napanganga ng kaunti, 'yung may poise. Date? Shocks. "Friendly date.. What I mean" bawi niya sa sinabi niya. Nako, baka isa rin itong paasa. Huwag naman po sana. "Sige" pagpayag ko, in fact wala naman akong ibang gagawin ngayon kung hindi tumunganga sa bahay. At least makakasama ko pa si Crush. Matapos pagsaluhan ang mga libreng pagkain ay diretso kami sa Parking lot ng School. Nalaman ko na may sarili palang sasakyan si Riss ganon din si Edmerald. So ako? Siguro commute na lang ako. "O? Saan ka pupunta baby Collie? " tanong ni ate Riss sa akin. " Aah. Magko commute na lang ako" sabi ko sakanya. "Nope" hindi pagsang-ayon ni Edmerald. "Ako ang nagyaya, so I am the one who's responsible for you. Sakay ka na sa sasakyan ko" the way he speak. It's honestly gentle. Napakagat na lang ako ng labi, unconsciously. "Hindi na. I can handle myself " sabay sincere ko na ngiti. Para rin sa akin iyon. I know na pwede ko ng i-take advantage iyon. But knowing me, baka magmukha lang akong tanga. God knows that handsome men makes me clumsy and done things not to be meant. " Isa" he said in a serious tone. Napalunok na lang ako when I'd notice how intense he  glared at me. "Aww. Baby Collie. Don't let your daddy get mad" "Sige na nga" baka ano pang masabi ng pinsan mo crush. Lalo pa akong malagay sa kahihiyan. Patnubayan sana ako ng ispirito ni Maria Clara. Aimen. Pumasok na ako, actually pinagbuksan pa ako ng pinto ng prinsipe na kasama ko. He's really born like a gentleman, tunay na maginoo. Umupo na ako sa shotgun seat. Pumasok naman siya sa kabilang bahagi at pinaandar na ang makina ng kotse and silently drive.  Hindi naging awkward either boring and buong ride namin. Edmerald seems really a funny and a kind man. Napaka perpekto naman ng lalaki na ito. I can't see any flaws on his personality. "Here we are" nakita ko na lang na nasa isa kaming hindi pamilyar na lugar. It's look like an hacienda. Tiningnan ko naman siya na may pagtatanong sa mukha. "Sa totoo lang. Riss was recently studied at California for the last two years. At alam kong miss na miss na niya ang hacienda. So, nandito tayo. Magho-horseback riding kami. " paliwanag niya. Napatango na lang ako. Now I know, kaya pala may accent si Riss kahit nagtatagalog siya ng diretso. " Ganun pala. Sige manunuod na lang ako. Hindi kasi ako marunong e" nahihiya kong paliwanag sakanya. "Not at all. Kasama kita sa isang kabayo. I will be your knight in a shinning handsome face" sabay tawa niya. Napangiti na lang ako at medyo feeling close na tinapik ang dibdib niyang, matigas. "Hangin " sabay iling ko na may ngiti sa labi. " Hindi ba totoo? " sabay nguso niya na parang bata. Hindi ko maiwasan talaga na matawa sa kakulitan ng lalake na ito . " Sige na nga" he chuckled at ginulo ang buhok ko. "Tara" Matapos ang masayang oras na kasama ko ang mga bago kong kaibigan ay hinatid na ako ni Edmerald sa isang branch ng  Black Cyara, para itong seven eleven style na store. Pumasok ako sa establishment at kumuha ng ice cream sa freezer. Matapos noon ay pumila na ako sa isang kahera at isang cute na gay ang naka assign doon, nagbayad na ako at umupo sa isang Table malapit sa glass wall. "Pwede ba akong maupo" habang nasa kalagitnaan ako ng pag devour ko sa aking ice cream ay nilapitan ako ng least expected person na gusto kong makita sa araw na ito. Sinusumpa ako ang Table na inuupuan ko, why? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD