Chapter 3: Burger and Juice

961 Words
Malapit na ako sa gate ng school namin nang makita ko si Logan kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya. “Good morning, Logan. Sabay na tayo pumunta sa room,” bati ko sa kanya. “Morning.” Napangiti naman ako dahil binati niya rin ako. “Morning lang? Walang good?” Tanong ko sa kanya. Tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sakin. “Nakita kasi kita kaya walang good,” aniya at nag lakad na ulit. “Mauna ka na sa room. May pupuntahan pa ako,” dagdag pa niya at tuluyan ng tumakbo palayo. Iniwan na naman niya ako. Pero okay lang dahil nakapag-usap naman kami ngayon. Masaya na ako roon dahil minsan lang naman mangyari ‘yon. Nagtungo na ako sa room namin. Pagpasok ko ay kinawayan agad ako ni Sin. “Good morning,” bati ko sa kanila. “Mukhang masaya ka ngayon ah,” puna sa akin ni Clea. “Nakasabay ko kasi si Logan papasok tapos nag-usap kami,” sabi ko sa kanya habang nakangiti. “Sus, yun lang pala. Nasan na siya ngayon?” Tanong niya ulit. “May pupuntahan pa daw siya eh. Pero alam mo ba?” Tanong ko sa kanya. “Hindi ko pa alam.” “Diba pinatawag kami sa principal’s office noong isang araw?” “So, masaya ka pa kahit pinatawag kayo?” “Magkakaroon daw kasi ng art camp at kaming dalawa ni Logan ang ipapadala doon. Clea, kinikilig ako kasi tatlong araw din kaming magkasama,” kwento ko sa kanya. Hinampas-hampas ko pa siya dahil sa kilig. “Seryoso?! OMG! I’m so happy for you!” sigaw niya na parang kinikilig din. Minsan talaga hindi ko maintindihan ‘tong babaeng ‘to eh. Minsan naiinis siya tuwing lapit ako nang lapit kay Logan tapos ngayon naman tuwang-tuwang siya. Natigil kami sa pag-uusap nang dumating si Logan, at ang mas nakakainis ay kasama na naman niya si Krisha. Siya ba yung pinuntahan ni Logan kaya hindi siya sumabay sa akin? 11:30 AM Nakaka antok naman. Kanina pa namin hinihintay ‘yung English teacher namin pero wala pa rin. Pumasok naman yung class president namin at pumunta sa harapan. “Guys, hindi raw makakapasok si Sir Quizon,” anunsyo niya sa amin. Nag-ingay naman ‘yung mga iba kong kaklase. May 30 minutes pa bago mag lunch break kaya naisipan ko muna matulog. “Clea, matutulog muna ako. Gisingin mo nalang ako pag lunch break na,” sabi ko kay Clea na nagbabasa ng libro. “Ah sige.” 1:00 PM Nagising ako nang may maramdaman akong tumatapik sakin. Pag-angat ko ng tingin ay nagulat ako dahil nasa harap ko ngayon yung pinaka strict na teacher namin. “Hala, Ma’am Raymundo sorry po. Hindi ko po namalayan na—” “Ang ayoko sa lahat ay yung natutulog sa klase ko. Kakausapin kita mamaya bago umuwi,” sabi niya sa akin at bumalik na siya harapan. Napahilamos na lang ako ng mukha. Lagot na naman ako nito. Pagkatapos ng klase namin kay Ma’am Raymundo ay inaya ko agad si Clea sa CR. “Bakit hindi niyo ako ginising kanina?” Tanong ko sa kanya. “Ginigising ka kaya namin kaso tulog mantika ka talaga,” aniya. “Kinakabahan tuloy ako. Ano kayang gagawin sa ‘kin ni Ma’am Raymundo?” Kinakabahan kong tanong sa kanya. Inakbayan naman niya ako. “Wag kang mag-alala. Baka kakausapin ka lang no’n. Bakit kasi antok na antok ka kanina? Nag puyat ka ba?” Tanong niya sakin. “Hindi naman.” Maaga nga akong nakatulog kagabi eh. “Tsk! Tara na nga. Balik na tayo sa room.” Lumabas na kami ng CR at naglakad pabalik sa room. Napatingin naman sakin si Clea nang tumunog yung tiyan ko. “Hindi ka pala nag lunch. Gusto mo bang pumunta muna tayo sa cafeteria?” Tanong niya sakin. Oo nga pala. Kaya pala nagugutom ako ngayon kaso baka naman biglang dumating yung teacher namin pag nagpunta kami sa cafeteria. “Mamaya nalang,” Sabi ko sa kanya. Pag pasok namin sa room ay nagulat ako sa nakita ko. “Aray!” Sigaw ni Clea dahil nahampas ko siya sa braso. “Hehe. Sorry!” Kinikilig kasi ako. Nahuli ko si Logan na naglalagay ng pagkain sa table ko. Kinuha ko yung mini notebook ko sa bulsa ko. Sign #2: Pag binigyan niya ako ng pagkain. “Clea, tignan mo ‘to!” Pinakita ko kay Clea yung listahan at nanlaki din ang mata niya. Lumapit ako sa table ko at tinignan si Logan na nakaupo na rin. Tinignan ko naman yung pagkain na nasa plastic. Wow! Burger and Juice. Favorite ko pa naman ang mga ‘to. “Ang bait talaga ni Logan. Hihi.” “Wow! Beth, mukhang masarap yan ah,” sabi ni James at sinubukang agawin yung burger kaso biglang dumating yung teacher namin. “James, sit down!” Umupo naman agad siya kaya natawa ako. 4:00 PM Nandito ako ngayon sa gym ng school namin. Inaantay ko si Sin kasi may practice siya ng basketball. Naalala ko naman yung binigay na pagkain ni Logan. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ‘yon. Hindi na malamig yung juice pero okay lang dahil galing naman ‘to kay Logan kaya iinumin ko pa rin. “Masarap ba?” Tanong ni Sin. Kakatapos lang pala niya mag practice. “Oo naman. Favorite ko kaya ‘to,” wika ko at kumagat ulit sa burger. Ngumiti naman siya. “Buti naman nagustuhan mo. Nag dalawang-isip pa nga ako kanina kung anong pwedeng bilhin na pagkain para sayo. Buti nalang ‘yan yung nabili ko. Favorite mo pala yan.” Dahil sa sinabi niya ay muntik ko na naman mabuga yung juice na iniinom ko. Buti nalang napigil ko. “Akala ko mabubugahan mo na naman ako eh.” Natatawa niyang sabi sakin. Pero ano daw? Siya bumili nitong burger at juice? Ibig sabihin ay sa kanya pala galing ‘to at hindi kay Logan? “S-sayo galing ‘to?” Tanong ko sa kanya. “Oo. Bakit?” “Akala ko kay Logan. Hehe. Thank you pala,” nahihiyang sabi ko sa kanya. “Kay Logan? Bakit mo naman naisip na kay Logan galing ‘yan?” kunot-noong tanong niya. Umiling na lang ako at ngumiti. Akala ko talaga galing kay Logan. Asang-asa na naman ako. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD