Chapter 2: New Classmate

1218 Words
#1. Pag nahuli ko siya na laging nakatingin sa akin. X  “Beth, ano yan?” Tanong sa akin ni Clea at inagaw ang mini notebook ko. “Hoy! Akin na nga yan!” Sigaw ko sa kanya pero pinagpatuloy niya pa din ang pagbabasa. Natatawa naman niyang binalik sa akin ang mini notebook ko. “Seryoso? Gumawa ka pa talaga ng listahan ng signs para malaman mo na may gusto sayo si Logan?” Tanong niya sakin na parang hindi maka paniwala. Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano naman masama? Malay mo may gusto rin siya sa akin.” Inakbayan naman niya ako. “Hay naku, Beth! ‘Wag masyadong umasa, ikaw din ang masasaktan. Si Logan yan! Si Logan na mahirap lapitan at suplado. Buti sana kung si Sindro yan. Baka nagawa niya na agad lahat ng nasa list mo,” sabi niya sa akin. “Tsk! ‘Wag ka ngang ganyan! Ang nega mo masyado. At bakit naman si Sindro? Magkaibigan lang kami no’n,” sabi ko sa kanya at binasa ulit ang signs. Pero paano nga kung hindi talaga ako gusto ni Logan? Sino naman kaya ang gusto niya? O may nagugustuhan ba siya ngayon? Haist! First sign palang pero may ekis na. “Good morning, students. May bago kayong kaklase,” anunsyo sa amin ng adviser namin na kakapasok lang. Kasunod naman niya ang isang magandang babae. “Introduce yourself, Ms. Manriquez.” Ngumiti ‘yung babae at naglakad patungo sa gitna ng klase. “Good morning. I’m Krisha Jane Manriquez. Nice to meet you all,” pakilala niya. Napakasweet ng boses niya, dinaig pa ang candy sa ka-sweet-an. Ultimo ang mukha ay napakaamo. Kaya naman naririnig ko ang mga bulungan ng mga kaklase kong lalaki sa likuran ko. Pinag-uusapan nila kung gaano kaganda ‘tong transferee. “Ms. Manriquez, you can sit beside Mr. Montecillo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng adviser namin. Sinundan ko ng tingin si Krisha habang papalapit siya sa pwesto ni Logan. Napahigpit ang hawak ko sa ballpen ko dahil sa inis at inggit. Habang naglalakad siya ay nakasunod din ang tingin ng mga kaklase kong lalaki. Ang ganda naman niya kasi talaga. Mahaba ang buhok, maputi, at balingkinitan ang katawan. Nang maka upo na siya sa tabi ni Logan ay binati niya ito. “Hi, I’m Krisha and you are?” Tanong niya kay Logan habang nakalahad ang kamay. Jusko! Logan, ‘wag mong kakamayan ‘yan. Selos na selos na ako dito, oh! “Logan,” sagot niya. Napapikit na lang ako at yumuko sa mesa ko nang makita kung paano nagdikit ang kamay nilang dalawa. Ganiyan ba talaga kapag maganda? Pinapansin ng lahat? Maging si Logan na snob at hindi mo makakausap ay pinansin siya. Mabilis na lumipas ang oras. Tumunog na ang bell, hudyat na lunch break na namin. Agad akong lumapit kay Logan para ayain sana siya na sabay na kami mag lunch. “Logan, sabay na tayo mag—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may biglang sumingit. “Umm..Logan, pwede mo ba akong samahan sa cafeteria? Hindi ko pa kasi alam kung saan yun eh.” Tanong ni Krisha habang naka hawak pa sa braso ni Logan. Bakit kailangan may paghawak? Kung kanina ay nagugustuhan ko pa ang pagiging mahinhin ng boses niya, ngayon hindi na. Masyado nang pabebe, eh. “Sure,” sagot ni Logan at tumingin muna sa akin bago sila lumabas ni Krisha ng room. Oh my God! Napakabilis naman ata pumayag ni Logan. Kapag ako ang nag-aaya halos tumagal ng ilang minuto bago siya mapapayag. Hahabulin ko na sana sila pero pinigilan lang ako ni Clea. “Tayo nalang ang sabay mag lunch. Hayaan mo na ‘yung dalawa,” sabi sa akin ni Clea. Bumuntong-hininga na lang ako. “Hmm...okay.” Pag pasok namin sa cafeteria ay kitang-kita ko agad kung gaano kalaki ang ngiti ni Krisha habang kasama si Logan. Mukhang may pinag-uusapan sila na nakakatawa. Si Logan naman ay binibigyan lang siya ng kapiranggot na ngiti. “Clea, busog pala ako. Ikaw nalang kumain. Pupunta muna ako sa library,” paalam ko at tumakbo na palabas. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko nalang siya pinansin. Hindi ko kakayanin na nandoon ako habang nakikita kung gaano kasaya ‘yung crush ko sa piling ng iba. Pag dating ko sa library ay agad akong naupo sa isang sulok at yumuko. Bakit ganoon? Bago pa lang Krisha dito pero napansin na agad siya ni Logan. Samantalang ako, ilang taon na akong sumusunod kay Logan pero hindi niya ako pinapansin. Bihira ko rin siya nakakasabay kumain. Hindi pa kami nakakapag tawanan na tulad ng ginagawa nila ni Krisha kanina. Talaga bang wala akong pag-asa sa kanya? Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya nag angat ako ng tingin. “Bakit ka nandito?” Tanong ko kay Sindro. Pinakita niya naman sa akin ang isang libro. Nasa library nga pala kami kaya malamang ay magbabasa siya. “Ikaw? Bakit nandito ka?” Tanong niya sa akin. “Magbabasa,” tipid kong sagot sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang noo ko. “Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. “Baka kasi nilalagnat ka. Kailan ka pa natutong magbasa ng libro at mag punta dito sa library?” Biro niya sa akin kaya hinampas ko sa kaniya ang hawak kong libro. Ang kapal pa naman. “FYI, marunong po ako magbasa at may paa ako kaya nakapunta ako dito,” sabi ko sa kanya. “Hampas agad? Buti sana kung yakap, tatanggapin ko talaga yun.” “Anong sabi mo?” Tanong ko sa kanya dahil parang may binubulong siya. “Ang sabi ko ay ipagpatuloy mo lang yan pagbabasa mo,” natatawang sambit niya. Binuksan ko naman ang hawak kong libro pero halos wala akong maintindihan sa binabasa ko. Oo inaamin ko na! Wala akong hilig magbasa. Pag may pinapabasa nga sa amin, umaasa lang ako kay Clea eh. Sinasabi niya lang sa akin kung ano yung mga nabasa niya sa libro. Lumipas ang ilang minuto, nakatitig lang ako isang page ng libro at walang maintindihan kahit isa. Paano ba naman ay si Logan ang naiisip ko. “Logan, paabot naman ako no’n.” Agad akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Krisha. Naglakad ako hanggang sa makita ko siya sa section ng mga English books. Napasimangot ako nang makita si Logan sa likod niya. Hanggang ngayon magkasama pa rin sila. Buti pa siya sinasamahan ni Logan. Eh ako nga halos hatakin na si Logan para lang sumama sa akin kaso ayaw talaga. Lumapit naman ako sa kanila. “Ehem.” Humarap naman sila sa akin. “Hi, Beth. Nandito ka rin pala. May kasama ka ba?” Tanong niya sa akin. “Hindi, anino ko lang ‘to,” pamimilosopo ko sa kanya habang nakangiti ng peke. Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni Sindro. “Hi, Krisha,” bati ni Sindro kay Krisha at tinignan niya lang si Logan. Tignan mo ‘tong kasama ko. Balak din yatang humarot. “Hello. Ikaw pala kasama ni Beth. Mukhang close na close kayo ah,” sabi niya at ngumiti na parang nang-aasar. “Krisha, ito na yung book na pinapaabot mo,” singit ni Logan at inabot ang isang libro. Nginitian naman siya ni Krisha. “Thanks, Logan. Ang bait mo talaga. Hindi ko alam kung bakit sinasabihan ka ng iba na masungit eh hindi naman,” ani Krisha. Ikaw, Krisha, napakapabebe mo talaga. Hindi ko alam kung bakit nabaitan ako sa ‘yo kanina eh hindi naman pala talaga. Napairap na lang ako. Hinila ko na si Sin bago pa ako mainis nang todo kay Krisha. Matangkad naman siya pero kailangan ipaabot pa kay Logan yung libro. Nakakagigil! ---  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD