Chapter 1: Tingin

1062 Words
“Therese, nandyan na si Logan,” sabi sa akin ni Clea kaya naman agad akong tumayo sa upuan ko. “Ay wait, maayos ba itsura ko?” Tanong ko sa kanya. Sinuklay-suklay ko pa ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. “Oo. Go na! Labas ka na doon,” sabi niya at tinulak pa ako. Tumakbo na ako palabas at nakita ko naman si Logan na papalapit na. Hindi ko mapigilan na ngumiti habang nakatingin sa kaniya. Diretso lang ang tingin niya sa daan kaya naman hindi niya pa ako napapansin. Nang makalapit siya ay agad akong humarang sa pinto. “Good morning, Logan,” bati ko sa kaniya, abot-tainga pa ang ngiti ko habang hinuhuli ang mga tingin niya. Ngunit, unti-unti rin naglaho ang ngiti ko nang lagpasan niya ako at dumiretso sa upuan niya. Napanguso na lang ako. Kung titignan mo si Logan, napakabait ng mukha, maamo ang mata, may matangos na ilong at napakaganda ng labi. Kaso, ang ugali naman ay napakasungit. Pero ayos lang, crush ko pa rin siya kahit gano’n siya. Dumating na ang art teacher namin kaya nagsi-ayos na kami ng upo. Nilabas ko na ang art materials ko. Nag discuss lang saglit ang teacher namin tungkol sa lesson namin ngayon at pagkatapos ay nagpagawa siya ng activity. Hmm..ano kaya ang pwedeng i-paint? Tinignan ko si Logan at nag uumpisa na siya. Wala na akong nagawa kundi simulan nalang ang pagpipinta. Bahala na kung ano kalabasan nito. “Beth and Logan, go to the principal’s office later,” sabi ng teacher namin. What?! Napahilamos ako sa mukha ko. Bakit kaya kami pinapapunta sa office? May nagawa ba kaming kasalanan? Nandito na kami ngayon sa principal’s office ngunit wala pang tao. Pero okay na din ‘to para masolo ko si Logan. Minsan lang mangyari ‘to kaya dapat sinusulit talaga. Napansin ko lang na kanina pa tumitingin sa akin si Logan. Kada tumitingin ako sa kanya ay nahuhuli ko din siya na nakatingin sa akin. OMG! Is this the first sign? ‘Yung mahuhuli ko siya na laging nakatingin sa akin dahil may gusto siya sa akin. Tinignan ko ulit siya at ngayon naman ay naka ngiti na siya. Shocks! Di ko na keri ‘to. Napakagat na lang ako sa labi ko para mapigilan ang ngiting dulot ng kilig ko kay Logan. Bigla naman may dumating at sinabing bumalik nalang kami mamayang hapon dahil wala ngayon ang principal. Naglalakad na kami ngayon pabalik sa room at ramdam ko pa rin na tinitignan ako ni Logan. Narinig ko naman na nag tawanan ang ibang mga estudyante na nadadaanan namin at lahat sila ay nakatingin sa akin. “Eww. Look at her face.” “It’s so dirty.” “Pare, tignan mo yung mukha niya!” “Ang epic pare.” “HAHAHAHAHA” Huh? Ako ba yung pinag-uusapan nila? Narinig ko din na tumawa ang katabi ko. “Logan, bakit kayo tumatawa? May nakakatawa ba?” Tanong ko sa kanya. “Pumunta ka sa CR at humarap sa salamin para malaman mo,” sabi niya at nauna na sa paglalakad. What?! Anong meron? Mabilis akong tumakbo papunta sa CR at nagulat ako nang makita ang mukha ko. Punong-puno ito ng black paint. Kaya ba sila nakatingin sa akin kanina? Kaya ba nila ako tinatawanan dahil sa mukha ko? “Uy, Beth! Anyare sayo? Bakit nakasimangot ka dyan?” Tanong ni Clea na kalalabas lang sa cubicle. “Clea, bakit hindi mo sinabi sa akin na ang dami ko palang pintura sa mukha?” So, ito rin ba ang dahilan kung bakit tingin ng tingin si Logan sa akin kanina? Haist. Umasa ako. Akala ko ayun na yung first sign. 12:00 PM Lunch na namin at nandito kami ngayon sa cafeteria. Dapat kami lang talaga ni Clea ang sabay na kakain kaso sumama na rin ang dalawa pa naming kaibigan na sina James at Sindro. “Bakit naman naisipan niyo na sumabay sa amin?” Tanong ni Clea sa dalawa. Madalas kasi na sa ibang table sila kumakain kasama ang mga babae ni James. Playboy kasi yan. Napipilitan lang si Sindro na samahan si James dahil kinukulit siya nito. “Yan kasi si James kung ano-ano sinabi dun sa babae kaya ayan pinalayas kami,” sabi ni Sindro na natatawa. Si James naman ay nakasimangot lang. “Tsk! Wag ka ngang maingay. Kumain nalang tayo,” inis na sabi ni James kaya pati kami ay natawa na rin. Nakita ko si Logan na naghahanap ng table. Tatawagin ko na sana siya kaso naalala ko yung nangyari kanina. Nakakahiya. Nakakainis naman! Bakit kasi hindi ako tumitingin sa salamin bago lumabas eh. Umasa tuloy ako. Akala ko pa naman first sign na yun. “BETH!” Napatigil ako sa pag-iisip nang sabay-sabay akong sinigawan ng mga kaibigan ko. “Ha? Bakit?” Tanong ko sa kanila. “Tinatanong ka ni Sindro kung ano gusto mong kainin,” sabi sa akin ni Clea. “Hala, Sindro ako nalang,” nakakahiya naman kung siya pa bibili ng pagkain ko. “No. Ako na bibili. Treat ko,” sabi niya at nginitian ako. Ilang beses niya na akong nililibre. Mukhang hindi ko siya mapipigilan kaya pumayag nalang ako. “Sige na nga. Kahit ano nalang. Thank you.” Dumating na yung mga pagkain namin. “Sin, thank you ulit ah,” sabi ko sa kanya. “Wala ‘yun,” nakangiti niyang sabi. “Ehem. Madaya. Ehem. Bakit siya lang nilibre mo?” Tanong ni James. “Tumigil ka d’yan! Sayang lang pera ko pag nilibre kita,” sabi niya at sumimangot lang ulit si James. Nag simula na kaming kumain. Si James naman ay kung ano-ano kinukwento tungkol sa mga kalokohan niya. Naramdaman ko naman na may nakatingin sa akin at tama nga ako. Nakatingin sa akin si Sindro. Iniwas ko nalang yung tingin ko. Pero naiilang talaga ako eh. Bakit ba siya nakatingin? Ayaw ko pa naman na may nakatingin sa akin habang kumakain. Buti sana kung si Logan nalang yung tumingin sa akin ng ganyan. Uminom muna ako ng tubig at ramdam ko pa rin yung tingin ni Sin. Dahil sa sobrang pagkailang ay naibuga ko yung tubig na nasa bibig ko. “HAHAHAHAHAHAHAHAHA” Tumingin yung ibang estudyante sa amin dahil sa malakas na tawa ni James. Nilapitan ko naman si Sindro na pinupunasan yung mukha at damit niya. “Sin, sorry. Hindi ko sinasadya. Sorry talaga.” Tinulungan ko siya sa pagpupunas. Hindi ko talaga sinasadya. Tingin kasi siya nang tingin sa akin, eh. “Okay lang. Buti nalang hindi juice yung ininom mo,” sabi niya sa akin na natatawa din. Next time nga sasabihan ko siya na wag ako tignan lalo na pag kumakain. Dobleng kahihiyan na tuloy nararamdaman ko ngayon. ---  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD