Chapter Two

1771 Words
Lihim na pinagmamasdan ni Darren ang daddy ni Kyle na seryosong nakaharap sa laptop nito habang may hawak na papeles sa kamay. Magkasalubong ang kilay nito na tila ba masusing pinag-aaralan kung ano man ang ginagawa nito. Nakapuwesto ito sa living room kung saan kita lang mula sa dining area na kinaroroonan niya. Maraming kinukuwento sa kanya ang si Kyle ngunit wala siyang maiintindihan ni isa sapagkat ang atensyon niya ay nakatutok sa daddy nito. Ayaw naman niyang magpahalata kaya manaka-naka lang siyang sumusulyap kay Renz. Napakagwapo nito sa suot na simpleng plain white shirt at blacks long pants. Ang bango nitong tignan. Tila kay sarap nitong yakapin at amuyin. Kung may karapatan lang siya ay malamang nilapitan na niya ito upang haplusin ang pagkakasalubong ng kilay at pagkakakunot-noo habang nagbabasa ng papeles. Ang sabi ng yaya ni Kyle ay ganoon daw ka-workaholic ang abogado na maging sa bahay ay bitbit nito ang trabaho. Ni hindi nga nito sumabay sa dinner bagkus inuna pa ang pagharap sa laptop at papeles nito. "'Kuya Darren!" "Y-yes, Kyle?" tanong niya na pinilig ang ulo. Kung hindi pa nagsalita ng malakas ang bata ay hindi pa nito mapupukaw ang atensyon niya. "Ang sabi ko po, kainin mo na ang nilagay kong fried chicken sa plate mo." Noon lang niya napansin na ang malaking piraso ng manok sa pinggan niya. "Thank you, little boy." "Kain ka po ng marami, kuya." "Opo. At saka bilisan rin natin ang pagkain dahil gabi na at kailangan pang umuwi ng kuya Darren mo." "Okay po, pero babalik ka ba ulit bukas" "Yes." "Promise?" "Promise." Tinaas pa niya ang isang kamay na tila nanunumpa. "Yeheey! Hihintayin po kita, Kuya Darren." Nakangiting ginulo niya ang buhok ng musmos. At muling pasimpleng sumulyap sa daddy nito. Bumuntong-hininga siya. Hindi tama itong nararamdaman niyang atraksiyon para kay Renz. Tinanggap niya ang pagkatao niya kahit buong tanggi pa siya noong umpisa. Pero pinangako niya sa sarili na hindi dapat lumalim pa ang nararamdaman niya sa katulad niya ang kasarian sapagkat alam niyang kasalanan. Walang katugon. Walang kasiguraduhan kung saan patungo ang relasyon. Hindi nga ba't pinangako pa niya sa sarili niya na kung hangga't kaya pa niya mamuhay ng normal o maitago ang pagiging bading ay gagawin niya? Kaya ngayon pa lang ay dapat na niyang putulin ang nararamdaman niyang atraksiyon. Nang matapos na sila ni Kyle sa pagkain ay naghanda na siya sa kanyang pag-alis. Tinakpan niya ng hood ng jacket ang kanyang ulo at naglagay ng earpiece sa tenga na may classic na kanta. Ganoon na ang madalas na nakagawian niya. Maraming mga babae na gusto kung paano siya pumorma. Mukhang misteryoso daw lalo na't tahimik rin siyang tao. Ang hindi alam ng mga ito ay sinadya niya maging aloof upang walang makapansin sa pagiging bading niya. Ang kaibigan lang niya na si Jake na tulad niya ay bisexual din ang nakakaalam ng tunay na pagkatao niya. Pinagkatiwala niya sa kaibigan ang kanyang sekreto sapagkat alam niyang naiintindihan nito ang struggles niya dahil pareho sila ng kalagayan. Pero recently ay nag leaked ang inpormasyon na isa itong bakla nang makita nang kumalat ang picture nitong nakikipaghalikan sa isang macho dancer sa isang gay bar. Hindi pa siya nakakapasok sa isang gay bar. Hindi kasi siya mahilig sa night life. Mas gugustuhin pa niyang manatili sa bahay kung walang klase at magbasa ng mga mystery or sci-fi books. At isa pa gusto niya ang tahimik at matinong buhay. Pero hindi naman siya ang tipong perpekto. May bisyo din naman siya. Naninigarilyo siya paminsan-minsan. Hawak ang kamay ng ni Kyle ay lumapit sila sa Daddy nito. Pero kapwa sila napatda at nagkatinginan ng bata nang makitang nakasandal na sa head rest ng pang-isahan na sofa si Renz. Nakatulog ito. Sumenyas sa kanya ang bata na manahimik upang hindi na magising ang ama nito. "Sabihin mo na lang sa daddy mo na umuwi na ako at hindi na ako nagpaalam pa sa kanya dahil tulog pa siya." Pabulong na sabi niya sa bata. "But wait lang po muna dito ha, may kukunin lang ako." Pagkasabi na iyon ng bata ay tumakbo na ito at pumasok sa isa pang silid sa condo unit na iyon. At pagbalik nito ay may bitbit na itong kumot. Parang hinaplos na bagay ang kanyang puso nang makitang tinakpan nito kumot ang daddy nito. Tinulungan pa niya ito sapagkat mabigat ang kumot para sa maliit ng katawan nito. Nabigyan si Darren na pagkakataon na malayang mapagmasdan ang natutulog na single dad na abogado. Mahimbing ang tulog nito. Mairinig pa ang mahinang paghilik nito. Halatang pagod. Napalunok siya habang nakatuon ang mata sa pilik mata ng natutulog. Mahaba at makapal iyon na hindi pangkaraniwan sa typical na filipino. Sa palagay niya ay may dugong banyaga si Renz. Idagdag pa sa patunay ang matangos na ilong nito at ang maputing kutis nito. Tisoy ito sa madaling salita. Lumipat ang mata niya. Napadako sa labi nito. Pilit niyang tinatakwil sa utak ang ideya na madampian ng halik ang labing iyon. Tila gusto niyang suntukin ang kanyang sarili. Wala pang tatlong oras na nakilala niya ang tao para makaramdam siya ng ganoon, for God's sake! "Kuya Darrren, uwi ka na po?" untag ng bata sa kanya. "H-huh?" "Kuya Darren, laging tulala." Napahawak siya sa batok. "I'm sorry little, natutulala ako kasi iinisip ko kung ano na naman klalaruin natin bukas para hind ka mabagot." "Huwag na pong little boy ang itawag mo sa'kin, pwedeng pards na lang?" Mahinang humalakhak si Darren. "O, siya pards sabihin mo na lang sa Daddy mo na umuwi na ako at hindi na natin siya ginisinh. "Ok po, pards!" ________________________ ISANG linggo na si Darren na nagtuturo kay Kyle. Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng kahungkagan. Hindi pa kasi niya nakikita si Renz simula nang unang araw niya sa pagtu-tutor. Hindi niya ito matyempuhan. Minsan nga ay sinasadya pa niyang sumubra sa oras ng pagtuturo sa bata sa pagbabakasakaling madatnan pa siya ng daddy nito ngunit bigo siya. Pasimple na nga siyang nagtanong sa pards niyang maliit kung lagi bang late umuwi ang daddy nito. At nahabag siya sa naging sagot ng bata. Madalas raw na nakatulugan na lang nito na hindi pa rin dumadating ang daddy nito. "Tapos na pagtuturo mo, hijo? Aba'y dito ka na maghapunan," wika ng yaya ni Kyle nang mapusakan siya nito na sinisilid na sa bag ang kanyang gamit sa pagtuturo. "Huwag na po, Aling Perla. Sa bahay na lang po ako kakain." "Marami pa naman ang niluto ko, hijo." "Sa susunod na lang po, baka magtampo kasi si mama na ilang dinner ng hindi ako nakakain sa mga luto niya." "Ganoon ba hijo." "Aling Meding, maaga niyo na pong pakainin ng dinner si Kyle. Inaantok na kasi siya, nakakatulugan na nga niya ang pagtuturo ko. Baka makatulog po na hindi nakakain." "Naku huwag kang mag-alala sa batang 'yan, ako ang bahala sa kanya." Ipapaghahanda ko na siya ng dinner ngayon." "Sige po." Nilingon niya si Kyle na noo'y nakaupo sa kama nito habang may hawak na tablet. Namumungay na ang mata nito. "Pards, uwi na ako, balik na lang ako bukas." "Ingat ka po, pards," sabi ng bata na humihikab. Sabay na silang lumabas ni Aling Meding sa kuwarto ni Kyle. Matapos magpaalam sa matanda ay tinungo na niya ang pinto ngunit bago pa niya mahawakan ang doorknob ay nang bumukas iyon. Iniluwa doon ang taong ilang araw ng inaasam na makita. Si Renzo. Ngunit hindi ito nag-iisa sapagkat may maganda at seksing babae na umaalalay dito. Lasing ito at halos hindi na makaagapay. Gumilid siya para magbigay daan sa dalawa. Wala naman nakakatawa ngunit panay ang bungisngis ng mga ito habang magkadikit ang noo at kulang na lang ay magtukaan Napatingin siya sa pinto ng kuwarto ni Kyle. Nag aalala siya na baka biglang lumabas doon ang bata at makita ang naturang eksena. Ngunit naging alisto naman si Aling Meding, pumasok ito sa kuwarto ng bata para malamang siguraduhin na hindi makakalabas doon si Kyle. "Good evening. Aalis na ako, Sir." Bahagya lang siyang sinulyapan ni Renzo at hinawakan nito sa batok ang babae. Sinibasib ng halik. Napayuko siya. Hindi niya kayang tingnan ang ganoong klaseng tanawin. Tahimik na lang siyang lumabas sa Condo Unit na iyon. Mabigat ang loob. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa pag-asam na baka katulad rin niya ang abogado.. Nang makauwi si Darren ay naabutan niya ang kababata niyang si Anne na nakatayo sa harap ng bahay nila. May hawak itong box na malamang cake na naman ang laman. Vocal ang kababata sa pagppapahiwatig na gusto siya nito. Maging ang pamilya niya ay boto dito. Tinutulak siyang ligawan ito. Kung pwede lang turuan ang puso ay walang pag-alinlangan niyang gagawin. But not Anne, hindi niya ito kayang lokohin. Ayaw niya itong masaktan sa huli. Nang makita siya nito ay agad na umaliwalas ang mukha nito. Agad nitong tinawid ang distansya nila at agad na lumambitin sa braso niya. "Bakit gabi ka na? Kanina pa kita hinihintay." "Sorry, Anne. Nagtutor pa kasi ako." "Gutom ka na ba? Halika ka na sa loob, ipaghahanda kita ng pagkain." Hinila na siya ni Anne. At home na ito sa bahay nia. Araw-araw ba naman na nandoon ito. Ilang blocks lang kasi ang layo ng bahay nito kaya madali lang dito na pumunta sa bahay nila. "Gabi na, Anne. Umuwi ka na. Ihahatid kita." "Pero ipaghahanda muna kita ng pagkain, tulog na kasi sina tita at tito." "Kaya ko na ang sarili." "Pero..." Sumimangot si Anne. "Huwag na matigas ang ulo. "Sige na nga!" Nagmamaktol na nagpatiuna ng naglakad ang kababata. Tahimik lang siyang nakasunod sa likuran nito. Sanay na siya sa mga tantrums nito. At kapag masama na ang modo nito ay pinipili niyang huwag ng salubungin at manahimik na lang. Sanay na siya na kinabukasan ay ito na naman ang kusang lalapit sa kanya na may maaliwalas na mukha. Nang marating nila ang bahay nito ay pumasok itong pumasok sa gate at padaskol na sinara. Napakamot na lang siya sa batok. Pagkuwa'y nagsimula ng humakbang pabalik sa bahay nila. "Darren!" Napalingon siya sa tawag ni Anne. Nakita niyang patakbo itong lumabas ng gate. Lumapit sa kanya. at walang kaabog-abog na kinintalan siya ng halik sa pisngi. "Goodnight." anitong matamis na ngumiti bago patakbo ulit na bumalik. Kumaway pa ito sa kanya sa kanya baggo tuluyang pumasok sa loob ng bahay ng mga ito. Hindi mahirap mahalin si Anne. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap ng mga lalake. Pero kung sana natuturuan lang ang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD