Chapter Three

2373 Words
Naawang hinaplos ni Darren ang buhok ni Kyle. Malungkot ang bata. May namuo pang luha sa mata nito habang nagsusulat ng pangalan nito. Buhat kasi sa kinaroroonan nilang kuwarto nito ay dinig nila ang pag-aaway ng magulang nito. Naririnig niyang pinagtataluunan nina Claire at Renz ang tungkol sa obligasyon sa bata at sa usaping pera. May na dispalkong pera yata ng pera si Claire at ang hinahabol ay ang abogado kaya nangangalaiti sa galit. Inilabas niya ang kanyang MP3. Namili ng kanta. Sinalpakan sa tenga ng bata upang sa ganoon ay hindi nito marinig ang pag-aaway ng magulang nito. "Ang ganda ng music, 'di ba?" tanong niya na ngumiti at ginulo ang buhok ng bata. Musical instrument lang ng isang classic na kanta ang sinalang niya. Pilit na ngiti ang ginanti sa kanya ni Kyle. "Kuya Pards, bakit ganoon sila? Hindi ba nila ako love?" "Siyempre love ka nila! Siguro pareho lang silang pagod kaya mainit ang mga ulo kaya huwag mo ng intindihin ang pag-aaway ng Mommy at Daddy mo." "Narinig ko kasi ako pinag-aawayan nila." "No. Concern lang sila sa'yo kaya pinag-uusapan nila kung ano ang makakabuti para sa'yo." "Eh bakit nag-aaway sila?" "'Di ba nga sabi ko baka pagod lang sila kaya mainit ang ulo?" "Ganoon po ba." "Yes Kyle, kaya mag focus ka na lang muna sa lesson natin. Gusto mo bang mag color?" "Sige po!" Inilagay ni Darren sa harap ng bata ang colorbook at crayons. "Ayan, kulayan mo si Winnie the Pooh." "Okay. Gusto ko blue na Winnie." Ngumiti si Darren. Tahimik na lang na nakatingin sa batang nag concentrate na sa pagkulay sa naturang cartoon character. Parang hinaplos ng awa ang kanyang dibdib para kay Kyle. Kung tutuusin pala masuwerte rin siya dahil sa kabila ng payak nilang pamumuhay ay lumaki naman siya sa masaya at nagmamahalang pamilya. Bibihira lang niya makita na nag-aaway ang kanyang magulang. Kung magka ganoon man ay dahil lang sa mga simpleng bagay. Hindi rin nagkulang sa pag-aaruga ang mga ito para sa kanila ng kanyang ate. Bagay na kulang sa buhay ng musmos. Kung sana'y magising sina Claire At Renz sa pagkukulang ng mga ito at mapagtuanan naman ng pansin ang bata. Tumahimik na sa labas. Wala na siyang narinig na away. Tumingin siya sa kanyang relo. Lumagpas na naman pala siya sa oras ng pagtuturo. Hindi niya kasi maatim na iwan si Kyle habang nag-aaway pa ang magulang nito. "Time is up, Kyle! Kailangan mo ng mag dinner." "Yeheyy! Dito ka po ba kakain, pards?" "Sa susunod na lang, pards." "Pero babalik ka bukas 'di ba?" "Oo naman. Bakit ba lagi mong tinatanong 'yan?" "Natatakot kasi ako, Kuyang pards na hindi ka na babalik. Wala na akong friend." Malungkot na turan ng bata. "Don't worry, Kyle. Promise babalik si kuyang pards." "'Thank you po!" Hinawakan na niya sa kamay ang bata. Sabay na silang lumabas. Wala ng tao sa labas maliban sa katulong na agad na kinuha ang alaga at pumunta sa dining area. "Aling Meding, aalis na po ako." Paalam niya na bahagyang sumilip sa dining area. "Hijo, hindi ka ba kakain dito?" "Huwag na po. Saka na lang." "Kung ganoon maag-ingat ka." Tumango siya sa matanda. At nagpaalam kay Kyle bago lumabas sa condo unit na iyon. Wala siyang dalang bike pero mas pinili niyang maglakad dahil malapit lang naman sa kanila. Hindi pa man siya nakakalayo ay nakita niya si Renz sa bench na parti pa ng area ng Condo. May hawak itong beer can. Madilim ang mukha. Halatang problemado. Walang pag-alinlangan na lumapit siya dito. Mas mabuti ng ngayon na niya ito kakausapin hinggil sa anak nito kesa sa mawalan pa siya ng pagkakataon. Tumikhim siya ng makalapit sa abogado. "Darren, ikaw pala." "Yes po, sir." "Ano'ng atin?" "Kakausapin sana kita tungkol kay Kyle." Kumunot-noo si Renz. "Ano'ng tungkol sa anak ko?" tanong nito na inabutan siya ng isang beer in can na agad naman niyang tinanggap. "Kung sana mag-away kayo ni Claire, make sure na hindi maririnig ng bata. Si Kyle kasi ang labis na na aapektuhan lalo na at tungkol sa kanya ang pinag-aawayan niyo." Malalim na napabuntong-hininga si Renz. "As much as possible ganyan din sana ang gusto ko. Si Claire hindi mo makausap ng mahinahon, hindi niya iniisp ang mararamdaman ng anak niya basta mailabas niya lang sa'kin ang sama ng loob niya. Hindi ko maiintindihan kung bakit siya pa ang mas laging galit sa amin." "Sana pag-usapan niyo ng mainahon sir." "Renz na lang ang tawag mo sa'kin," wika ng abogado. "Sinusubukan ko, pero childish lang talaga si Claire. Mabuti na rin siguro na nakalaya ako sa kanya." "Ano bang pinag-aawayan niyo." "Some bullshit things! Ni re-reverse psychology yata ako, inunahan ako sa galit ko. Iyong nakadispalko siya ng pera aat ako ang sinisingil, walang problema iyon sa'kin e." Palatak ni Renz. "Pero ang tungkol sa pag-aalaga sa anak hindi ko maintindihan kung bakit mahirap iyon gawin para sa kanya. Just f*****g two days lang ang hinihingi ko para mag bonding sila ng anak niya pero hindi pa niya magawa!" Napailing si Darren sa narinig. "Malapit na ang balik niya sa Sweden. Gusto ko lang sana ay mag bonding sila ni Kyle dahil iyon ang makakapaligaya sa bata pero marami daw siyang appointment, bullshit right?" "Huwag niyo na lang hayaan na marinig lahat ng bata," tanging na sabi niya. "At isa pa pala, kailangan ni Kyle na atensyon at pagmamahal. Kung hindi iyon magagawa ni Claire, ikaw ang gumawa." "Gustuhin ko man pero hindi ko na magawa dahil sa sobrang busy ako." "Maglaan ka ng oras, gawin mo." Tapatitig sa kanya si Renz. "Okay, I will, salamat nga pala sa payo, pare. Salamat sa concern mo sa anak ko." anitong tinapik siya sa balikat. "Walang anuman, Renz." sagot niyang tiningnan ang maugat nitong kamay na dumapo sa kanyang balikat. Hindi niya alam kung bakit sa maliit na gesture na iyon ay ng abogado ay nakaramdam siya kaagad ng kakaibang sensasyon. Lumipat ang mata niya sa mukha ng katabi. Partikular na dumapo ang mata niya sa pagtaas-baba ng Adam's apple nito habang lumalagok ng beer. Lihim siyang napalunok. Lihim rin na pinilig ang ulo upang kaagad siyang makabalik sa kanyang diwa. "K-kailangan ko ng umuwi." "Hindi mo yata dala bike? Gusto mo bang ihatid na kita?" "Huwag na, kaya ko ng umuwing mag-isa." "Just wait here, pare. Kukunin ko lang ang kotse ko." "Huwag na - " "I insist. Isa pa ihahatid kita bilang pasasalamat na rin sa pagturo at pag-aalaga sa anak ko na sana kaming dalawa ni Claire ang gumagawa." Hindi na siya nag protesta pa. Ilang sandali pa ay iniwan na siya ni Renz dala ang basyo ng lata ng beer. Mga sampung minuto lang siguro siyang n naghintay nang huminto ang kotse nito sa kanyang harap. "Ano nga pala course mo pare?" tanong ng abogado habang lulan na sila. "B.S Psychology. Graduating na this march." "Kung ganoon congratualation in advance." "Thank you," aniyang pilit na tinatanggal ang pagka-asiwa. "With your handsome looks, tiyak maraming kang girlfriends." "Wala ni isa." "Ows? No'ng kaedaran kita pare, hindi sa pagmamalaki habulin ako ng mga babae. I may sound bad pero aminado kong nag-ta-take advantage ako sa kanila, siguro dala na rin ng kabataan. Pero wala akong pinagsisihan no'ng kabataan ko dahil nagawa ko ang lahat ng gusto ko." "Hindi kasi ako mahilig sa barkada." "Kung sabagay mainam nga 'yan para iwas sa gulo." "Tama," aniya. "Lumiko ka sa subdivision na 'yan." turo niya. "Malapit lang pala sa inyo." "Yeah. The fourth blocks." Pinahinto ni Renz ang kotse dalawang bahay ang layo sa bahay niya dahil iyon ang turo niya. Matapos niyang magpasalamat sa abogado ay tatanggalin na sana niya ang nakakabit sa kanya na seatbelt nang hindi niya matanggal sa sobrang higpit. "Sira na naman." Palatak ng abagado. Dumukwang para tumulong sa kanya. Lihim na nanigas si Darren nang gahibla na lang ang layo ng ulo ni Renz sa kanya. Nasasamyo na niya ang mabangong amoy ng buhok. In-adjust pa nito ng konti ang pagkakadukwang kaya mas lalo pa silang nagkalapit dahilan upuan mapapikit siya. "Darren?" Pukaw ng abogado. "I-I'm sorry, hindi kasi ako gaanong makahinga sa higpit ng seatbelt." ______________________ Lihim na naiinggit si Darren sa kaibigan niyang si Jake na sa mga sandaling iyon ay walang takot na nakikipag-holding hands sa nobyo nitong si Harold. Pero sa kabilang banda ay masaya rin siya sa nakkitang kaligayan sa mukha nito. Nasa isang coffee shop hindi kalayuan sa Universidad. Niyaya siya nitong magkape para ipakilala sa kanya ang nobyo nito na isang Manager sa bangko. At masasabi naman niya na mabait ang lalake. Nakikita naman niya sa mga mata nito na mahal nito ang kanyang kaibigan. Siguro blessing in disguise na rin na nag leaked ang litrato ng dalawa na naghahalikan. Bagama't nagalit sa umpisa ang magulang ni Jake ay natanggap rin sa kalaunan dahil hindi matiis ang nag-iisang anak. Sa umpisa lang naging usap-usapan sa University nila ang kaibigan. Pero humupa rin ang issue dahil noon pa may nagdududa na sa tuny na pagkatao nito. Pero mayroon hindi nakatiis na nagtanong sa kanya kung ano reaksyon niya nang makumpirmang bakla ang kaibigan niya? Tinanong siya kung nandiri ba siya o nagulat? Na guilty siya sa naging sagot niya. Paano niyang nagawang sumagot na nagulat lang siya na hindi man lang kumukurap? Ang totoo kasi gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano ka proud sa kaibigan. Nakamit nito ang tunay na kalayaan. Malaya na itong makakakilos na hindi iniintindi ang sasabihin ng mga tao. Samantalang siya, nanatiling duwag. "Darren, kung ako sa'yo magtapat ka na rin sa pamilya mo. Para mawala iyang batong nakadagan sa puso mo," sabi ni Jake. Kanina pa siya nito pinapayuhan na ipagtapat na ang lahat sa kanyang magulang. "Kilala mo ang tatay ko, Jake." Mapait niyang iling. "Pero habang buhay ka na lang ba magpapanggap, nagkukubli ha?" "Kung iyan lang ang paraan wala na akong magagawa." Bumuntong-hininga si Jake. Sinulyapan ang nobyo. "Buo ang kasiyahan, Darren, kapag nasabi mo na at natanggap ka ng pamilya mo, just like me and Harold." "Ang problema nga hindi ako matanggap ng tatay ko." "Subukan mo. Umuwi ka ngayon. Mahal ka nila, Darren. Hindi pwedeng hindi ka nila tanggapin." Napatitig siya sa kaibigan. "Okay, I'll try." "Good. Siya nga pala mauna na kami sa'yo, may pupuntahan pa kami ni Harold." "Sige, mag ingat kayo," sabi niya na hindi na nag abala pang sumulyap sa tumayong magkasintahan sapagkat nahulog siya sa malallim na pag-iisip. Ni hindi niya namalayan ang tuluyang pag-alis ng mga ito. Kung ipagtatapat niya ngayon ang tunay na pagkatao sa kanyang magulang, mas malaki ang porsyenteng itatakwil siya ng mga ito lalo na ng kanyang ama. Baka palayasin pa siya. Kaya ba niyang mag-isa? Kaya ba niyang buhayin ang sarili niya? At kapag nalaman ng lahat, ano posibleng reaksyon ng mga ito? Baka mas manaig ang pangngutya sa kanya. Napahilamos siya sa mukha gamit ang kanyang palad. Pagkaraa'y tumayo na siya at kinuha ang paper bag. Laman no'n ang sapatos na binili niya para sa kanyang ama na matagal na niyang pinag-ipunan. Mamahalin ang naturang sapatos. Matibay. Gusto niya kasi matagal ang pag-gamit ng kanyang ama. May nabuo na siyang pasya. Magtatapat siya ngayon sa kanyang magulang. Gusto niyang maibsan ang mabigat na pasanin sa kanyang dibdib. Gusto rin niyang makalaya. Umuwi siya sa kanilang bahay. Naabutan niya ang kanyang ina na nagluluto para sa hapunan kahit mag-a-alas singko pa lang ng hapon. Nasanay kasi ang magulang niya na alas-siyete pa lang ay nakakain na at nanonood na lang ng paboritong programa sa T.V. Kaya hindi siya nakakasabay sa hapunan dahil madalas siyang ginagabi. Lumapit siya sa kanyang ina. Nagmano. "Nandito ka na pala, Darren. Dito ka ba magha-hapunan?" Hindi niya sinagot ang kanyang ina bagkus ay niyakap niya ito. Napahagulhol siya ng iyak. "Aba! Darren, ano'ng nangyayari sa'yo?" Nag-aalang tanong ng kanyang ina na kinulong ang kanyang mukha sa mga kamay nito. "'Nay, hindi ko na kayang itago ang lahat!" "Ang alin?" Maang ang kanyang ina. "'Nay..." "Darren, ano? Huwag mo naman akon pakabahin ng ganito!" "'Nay, matatanggap niyo pa rin ba ako kahit sabihin ko sa inyo na iba ako?" "Hindi kita maiintindihan, anak?" "Nay, Bakla ako!" Nasindak sa narinig ang kanyang ina. Hindi makahuma. Sandaling natigilan. Nang makabawi ay napatingin Ito sa pinto ng kusina. Saka hinawakan siya sa dalawa niyang kamay. "Darren, sabihin mo nagbibiro ka lang! Aba, bata ka! Malalagot ka sa tatay mo kapag narinig ka." "Totoo ang sinasabi ko!" "'Nak, pwedeng tanggap kita. Pero hindi ang tatay mo, tiyak itatakwil ka niya!" Lumuluha na rin ang kanyang ina. "Kung kaya natin itago 'to sa iyong ama, gawin natin. 'Nak, ayaw kong magulo ang lahat." "Nay..." "Mahal na mahal kita, Darren, higit pa sa buhay ko. Pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng tatay mo. Siguradong hindi niya tanggap. Paano kung palayasin ka niya? Hindi ko kayang hindi ka makita, Darren!" "Sasabihin ko kay, Tatay! Buo na sa loob ko ang lahat!" "Ano'ng buo na sa'yo ang lahat, Darren?" Kapwa sila nagtitigan ng kanilang ina sa biglang sulpot na iyon ng kanyang ama. Nasindak ang kanyang ina. Mababakas ang labis na takot sa mukha habang tila nagmamakaawa ang mga mata nito na huwag niyang ipagtapat ang lahat sa kanyang ama. "Ah, wala, Ben. Ang tinutukoy ni Darren na buo na sa loob niya iyong pagsunod niya sa kanyang ate Daisy sa Canada pagkatapos niyang maka graduate. H-hindi ba, Darren?" Hindi siya sumagot. Nakayuko lang. "Darren, 'Di ba susunod ka sa ate mo sa Canada?" Tuluyan ng nalaglag ang balikat niya pero sinikap na kontrolin ang emosyon. "Opo, tama si inay." "Kung ganyan ang pasya mo, wala na kaming magagawa, Darren. Bagama't matanda na kami ng nanay mo, kaya pa rin naman namin mag-isa kaya huwag mo kaming alalahanin," sabi ng kanyang ama. Tumango na lang siya. Niyakap ang magulang kahit ang totoo ay may panghihinayang sa puso niya dahil na duwag na naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD