Chapter Four

1691 Words
Hinintay ni Darren na makalabas muna ng classroom ang lahat ng kaklse bago rin lumabas. Pero nagulat siya nang nasa pintuan pa lang siya ay may humarang ng dalawang dalagita sa kanya. Oo, sa tantya niya ay mga dalagita kung pagbabasehan ang bubot pang katawan lalo na't may kaliitan din ng mga ito. Ngingiti-ngiti ang dalawa sa kanya na tila nahihiya. "Hello po, Kuya, kami na naman po ito. Pasensya sa kakulitan," wika ng isa na medyo chubby ngunit may magandang mukha at kutis. Napakunot-no siya. Nagtagpo na ba ang landas nila dati? Pilit niyang piniga ang memorya para lamang mapahawak sa batok nang ganap na makaalala. Bakit nga ba niya nakalimutan ang dalawang ito na nasa harap niya samantalang ang mga ito ang nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo nitong huling taon niya sa koliheyo? Sa pagkakaalam niya ay freshmen ang dalawa. Hindi lang niya alam ang kurso. Simula ng unang semestre ay wala ng ginawa ang mga ito kundi kulitan siya. Na attract daw ang mga ito nang makitang nagba-basketball siya sa sport league ng kanilang University. Lagi siyang pinapadalhan ng mga loveletters at kung ano pa mang mga regalo. Nawaglit lang sa isipan niya ang dalawa dahil nitong mga huling buwan ay hindi na nagkakasangga ang landas nila dahil naging busy na siya sa pag-O-OJT at sa pagtu-tutor na rin. "Para nga pala sa'yo, Kuya." Binigay ng kasama ng chubby ang loveletter. Nakayuko. Tila matutunaw sa hiya. Bumuntong-hininga siya. Kinuha ang loveletter. "Salamat para dito, pero sana ito na iyong huling bigay niyo sa'kin ng loveletter." "Hala! Bakit Kuya?" sabay pang sabi ng mga ito. "Dahil mga bata pa kayo. Gusto ko mag-focus muna kayo sa pag-aaral." "Pero crush lang naman." angal ng chubby. "Oo, pero nakakasagabal na sa pag-aaral niyo. Baka nga hindi pa kayo pumasok sa klase niyo para mabantayan lang ako." "Pero - " "Huwag na kayong umangal pa, tama ang Kuya Darren niyo." Napalingon siya sa nagsalitang iyon. Si Anne. Lumapit sa kanya at walang babalang pinulupot ang kamay sa kanyang beywang. Matamis ang ngiti nitong nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa dalawang nabiglang dalagita. "Anne." Napiling si Darren. "At saka may girlfriend na ang Kuya Darren niyo." "Sino?" Ngumisi si Anne. "Ako," anito na kinintalan siya ng halik sa pisngi. "Kaya, tama na ang pagpapa cute niyo girls sa boyfriend ko." "Totoo ba, Kuya?" Naiiyak na tanong ng chubby. Naramdaman ni Darren na kinurot siya ng kababata sa braso. Nakuha niya ang ibig nitong palabasin. She wanted to help him to get rid of those girls. Kung sabagay pabor sa kanya ang lahat. Pero iyong kiss? Kung pwede lang sabunutan ang kababata niya. Tumango siya sa bilang sagot. "Yes." "I hate you, Kuya! Sana sinabi mo ng maagapa pa lang na may girlfriend ka na pala!" Walk out ang dalawang dalagita. At nang sila na lang naiwan ay bumunghalit ng tawa si Anne. "Nakakatuwa ang dalawang 'yon." "Huwag mo silang pagtawanan, Anne." "Opo, Pastor Darren. But wait!" Nag ningning ang mata nito. "Pwede bang totohanin na lang natin ang lahat?" Umiling siya. Hindi uubra sa kanya ang hirit na iyon ng kanyang kababata. Hindi niya ito sinagot. Bagkus ay bumira siya ng lakad pero mabilis siyang hinabol nito at muling pinulupot ang kamay sa kanyang beywang. Sa totoo lang, disaster para sa kanya nang mabalitaan na nag shift ng kurso ang kababata at nag transfer sa University nila. Mabuti pa nga iyong dalawang teenager, masaya na kapag nagbibigay ng loveletter sa kanya. Pero itong nakapulupot sa kanya. Hindi tinatablan ng hiya kahit ilang beses na niyang ni-reject. "Ano ba ang ayaw mo sa'kin, Darren? Maganda naman ako, sexy at saka maraming nagkakagusto sa'kin? Ano pa ba kulang sa'kin?" "You're beautiful and perfect, Anne." "So, bakit hindi tayo pwede?" 'Dahil bakla ako! Dahil nagkakagusto ako sa katulad ko ang kasarian!' Gusto niyang isigaw sa kababata. Ngunit pinili na lang niya na maglakad ng mabilis. "Darren, wait!" "Mag-c-CR ako, huwag mong sabihin na papasok ka rin sa panlalaking CR?" "Okay, I will wait for you here." "No, bumalik ka na sa Gym, 'di ba may practice pa kayo para sa cheerleading?" "Break time namin. So, I will wait for you here." Pinal na sabi ni Anne. Bumuntong-hininga na lang si Darren. Iniwan niya ito. Pumasok sa CR. May tao roon. Ang kaklase niyang si Ken na kilala bilang basagulero sa University nila. Pumuwesto siya dalawang urinals ang layo dito. At bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang nang masulyapan na nakatingin sa kanya si Ken partikular sa bagay na inilabas niya sa kanyang pantalon. Nang matapos ito ay naramdaman itong humakbang ito papalapit sa kanya. At pumuwesto sa kanyang likuran. Naramdaman niya ang hininga nito sa kanyang batok. "Ano'ng ginagawa mo, Pare?" tanong niya na mabilis tinapos ang pag-ihi. "Gusto kitang tikman, Pare." Nanlaki ang kanyang mata sa narinig. Bago pa siya makakilos ay naramdaman niya ang labi ni Ken na dumampi sa kanyang batok. Nakaramdam siya ng pangilabot. Bagamat ganito siya ay hindi siya hayok sa laman. Hinawakan pa siya sa braso ni Ken at pilit na pinaharap dito kaya hindi na niya napigilan ang pag-igkas ng kamao papunta sa mukha nito. "s**t! Pare!" Mura nito nang sumasadsad sa sahig ng CR. Sapo nito ang duguang labi. "Bakla ka ba, Pare?!" "Bakit, ikaw ba hindi?" Balik na tanong nito. May nakakalokong ngiti. Bumangon ito. "Marunong ako umamoy ng mga katulad mo, Pare.Kung gusto mong makatikim ng libre, pwede kong i-volunteer ang katawan ko sa'yo." Nandilim ang mata niya. Hinawakan ito sa kuwelyo at binalya sa pader. "Pare, huwag mo akong isali sa ka-demonyohan mo!" "Believe me, Darren. Sooner or later, matitikman rin kita." Maang si Darren. Hindi makapaniwala sa narinig. Ibig bang sabihin bisexual din si Ken? Mahirap paniwalaan lalo na't matapang at barumbado ang imahe nito. "Go to hell Ken!" Aniya na tinalikuran ito. Lumabas siya sa CR. Sinalubong pa siya ni Anne pero dinaanan lang niya ito. Tuloy-tuloy lang siya. Hindi siya huminto kahit tinatawag nito ang pangalan niya. ______________ Hindi maka concentrate si Darren sa pagtuturo kay Kyle. Hindi matanggal sa utak niya ang nangari kanina. Tila nararamdaman pa rin niya ang halik ni Ken na dumampi sa batok niya. At nabibigay iyon ng kilabot sa kaibutaran niya. Pakiramdam niya ay na harassed siya. Pero wala siyang pwedeng mapagsabihan o mapagsumbungan dahil sino maniniwala sa kanya? Malamang baka pagtawanan pa siya. Mahirap ang kalagayan ng mga katulad niyang bisexual sa lipunan. Walang boses. Walang hustisya. Kung magmahal man ay kadalasan walang katugon. Kung may papatol man, siguradong nanloloko lang. Pinapahalagan kung may ibinibigay. Wala na siyang naituro sa bata. Basta na lang niya ito pina drawing ng kung ano. Tuliro masyado ang utak niya kaya hindi niya namalayan ng pagpasok ng isang tao sa kuwarto ni Kyle. "Behave ba naman ang baby ko?" Sumikdo ang puso niya sa boses na iyon ni Renzo. Pareho silang napalingon ng anak nito. Tinakbo ito ni Kyle na agad na humalik sa pisngi nito. Himala yata na maaga itong umuwi. Hindi ito naka amerikana na madalas nitong sinusuot bagkus na black Lacoste polo shirt lang ito at pantalon na maong. Ang gwapo nito sa kasuotan nito. Tila ba bumata ito sa edad at tila kay bangong tingnan. "Daddy, tingnan mo ang drawing ko," sabi ni Kyle na hinila ito papunta sa study table kung saan nakaupo rin siya. "Ang galing naman ng anak ko." Puri ni Renzo. Napayuko siya. Ayaw niyang isipin ng abogado na hindi siya nagtuturo sa bata at puro pagpapadrawing na lang pinapagawa niya. Matyaga siya at masigasig siya sa pagtuturo, nagkaton lang talaga na masama ang timplada niya dahil sa nangyari kanina lang. "Kulayan natin, Daddy," sabi ni Kyle. Pagkatapos ay binalingan siya nito. "Pards, tulungan natin si Daddy sa pagkulay." "Sige," aniya na kinuha ang blue crayon pero sa pagkabigla niya ay iyon din ang dinampot ni Renzo kaya hindi sinasadya na naghawak sila ng kamay. Ngunit saglit lang iyon dahil tila libo-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman nila kaya napapasong binitawan nila ang kamay ng isa't-isa pati ang crayons. Nailang siya bigla. Sumulyap sa abogado na noo'y tila natuliro habang napahawak sa sintido. Tila ba may hindi ito naiintindihan sa nangyari. "Daddy?" Pukaw ni Kyle. Maging ang bata ay nagtaka sa inakto nila. Renzo cleared his throat. "I'm sorry baby, sige ano gusto mong kulay ng Dolphin?" "Blue po." Agad na dinampot ni Renzo ang crayon at mabilisan na kinuluyan ang nasabing drawing. Nang matapos ay agad itong tumayo. "Sige anak, kayo na muna bahala ng tutor mo tumapos niyan, may gagawin pa si Daddy." "Pero Daddy! Mamaya na please! Kulayan muna natin 'tong lahat, please? Water color naman." Sumulyap ang abogado sa kanya. Patay malisya naman siyang kumibit-balikat. Ayaw niyang mahalata nito na apektado siya sa pagkakadaiti pa lang ng mga kamay nila. "Pagbigyan mo na ang anak mo," ani ko. "Okay." Muli itong umupo. Ilang sandali pa ay nawili na silang tatlo sa pagkulay. Kumalat na ang water color sa study table dahil manaka-naka'y binibiro ni Renzo ang anak nito sa pamamagitan pagpahid ng brush sa mukha. At agad naman gumaganti si Kyle. Napangiti siya sa pagkukulitan ng mag ama. Noon lang niya nakita ang genuine na ngiti at halakhak ng bata. At natupad rin ang gusto niyang mangyari: ang makitang nakangiti si Renzo. Hindi pa kasi niya itong nakitang ngumingiti. Madalas seryoso ang mukha nito. Nawala ang ngiti sa labi niya nang pati nilagyan na rin ng water color sa mukha ng mag ama. Gusto niyang mailang pero hinila na siya ni Kyle dahil hinahabol na ito ni Renzo. Ang pagguguhit ay nauwi sa paghahabulan. Napuno ng tawa nila ang kuwarto ng bata. Nang mapagod sa ay napaupo na lang silang tatlo sa maliit na kama ni Kyle. Humihingal sa pagod. Napano ng kaligiyahan ang puso niya habang nakatingin kay Renzo na noo'y nakatingala sa galaxy effect na kisame ng bata. Pigil niya ang sarili na haplusin ang butil ng pawis sa gilid ng noo nito. Kung sana'y hindi na matapos ang sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD