Chapter One: First Day

1312 Words
John Paulo’s Point of View PUMASOK ako sa bagong silid na aking titirhan ng ilang taon. Sa pagpasok ko sa Saint Anthony University, umaasa ako na tuluyan ko nang makalimutan ang mga naganap sa nakaraan. Napatingin ako sa loob ng kuwarto sa dorm. May dalawang kama. May tao na nga sa loob, nag-aayos na ng gamit. Natigilan siya nang maramdamang may ibang tao sa loob. Napatingin naman siya sa direksyon ko. Napangiti naman siya sabay bati. Bumati naman ako pabalik. “Ako nga pala si Adrian,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. “John Paulo,” ang tugon ko naman. “Pero pwede mo akong tawaging Pau.” “Kinuha ko na itong kama sa kanan,” ang paalam niya. “Malapit kasi sa banyo. Nagigising kasi ako ng madaling araw, baka maabala pa kita sa pagtulog mo. Okay lang?” “Uhm, o-okay lang,” ang tugon ko naman sabay lapag ng bag ko sa kama. Hindi pa man siya nagtatagal sa kuwarto ay tumunog ang kanyang cell phone. Dumeretso naman siya sa veranda upang sagutin yun. “Hello, Nay?” “Pau, nakarating ka na ba?” ang nag-aalala niyang tanong. “Oho, narito na po ako,” ang tugon ko naman. “Nakilala ko na rin ang magiging roommate ko.” “Sana maging maayos ang pakikitungo ninyo sa isa’t-isa,” ang komento ni Nanay. Napangiti naman ako. “Mukha naman po siyang mabait,” ang tugon ko. “Sigurado ka bang okay ka lang na mag-isa diyan?” “Opo, kaya nga rin po ako dito mag-aaral,” ang paninigurado ko naman. “Huwag na kayong mag-alala, magiging maayos po ang lahat.” “Osiya, tawagan mo na lang ako kung may problema o kailangan ka.” “Opo,” ang huli kong tugon bago natapos ang aming pag-uusap. Muli akong bumalik sa loob upang ayusin ang aking mga gamit. “Pau,” ang pagtawag sa akin ni Adrian kaya napatingin ako sa kanya. “Anong course na kinuha mo?” “Education,” ang tugon ko naman. “English Major.” “Uy, pareho tayo ng kursong kinuha,” ang maligalig naman niyang komento. “Paniguradong pareho rin tayo ng mga klaseng papasukan. So, friends?” “Uhm,” ang tanging tugon ko. Hindi ko sigurado kung magandang ideya ang muling magkaroon ng isang kaibigan. “Bakit kailangan mo pang pag-isipan?” ang natatawa niyang tanong sa akin nang makita ang hindi kasiguraduhan sa aking mukha. “Huwag kang mag-alala, hindi ako nangangain ng tao. Wala rin naman sa mukha ko ang pagiging mamamatay-tao, hindi ba?” “Madalas, kung sino pa ang mukhang anghel, sila pa ang mapanakit,” ang seryoso ko namang tugon. Napanganga naman siya sa aking naging komento. “Teka, teka,” ang komento naman niya. “Hindi mo pa ako kilala, pero hinuhusgahan mo na agad ako.” Hindi naman ako umimik, bagkus ay pinagpatuloy ko naman ang pag-aayos ko. “Look, apat na taon din tayong magkakasama sa iisang kuwarto,” ang pagtutuloy niya. “Hindi ma mas makakabuti para sa ating dalawa na maging magkaibigan?” Natigilan ako sa sinabi niya. Ipinangako ko na magiging totoo na ako sa aking sarili. “Hindi ko sigurado kung magugustuhan moa ko bilang kaibigan,” ang tugon ko. “Well, that’s for me to decide,” ang komento naman niya sabay tupi ng mga braso niya. “Sa totoo lang, may pagka-weird ka. Halatang-halata ang trust issues mo sa ibang tao. Wala ka bang naging kaibigan?” “M-meron,” ang nauutal kong tugon. “Pero linayuan nila ako at hindi na rin kina-usap.” “Kasi?” ang sunod niyang tanong. Napabuntong-hininga naman ako. “Ayos lang kung ayaw mong sagutin.” “Kasi nalaman nila ang tunay kong pagkatao,” ang paliwanag ko sabay iwas ng tingin. “na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalake.” “Oh,” ang tanging komento niya. Muli akong napatingin sa kanyang mukha. “Anong oh?” ang tanong ko. “Ayos lang din naman sa akin kung ayaw mo sa mga katulad ko… pero pangako, wala akong balak gawin sa’yo.” “Talaga?” ang tanong naman niya. “Hindi ako ganun,” ang diin ko naman. “Asus, binibiro lang kita,” ang tugon naman niya. “Eh, ano naman ngayon kung ano ka? Wala namang kaso sa akin ‘yun.” “Hindi ba awkward sa’yo?” ang tanong ko. “Awkward?” ang pag-uulit niya sabay kunot ng noo. “Nope. Teka, yun lang ba ang inaalala mo kaya ayaw mong makipagkaibigan sa akin?” Tumango naman ako. “You were born that way,” ang komento niya. “So, friends?” Muli akong tumango bilang pagsang-ayon. Napangiti naman siya. Muli kaming napatahimik upang ituloy ang pag-aayos at pagkatapos nga ng mahabang oras ay natapos din ako sa paglalagay ng mga damit sa aparador at pag-aayos ng iba pang gamit. Nahiga ako sa kama dahil sa pagod sa biyahe. “Pau,” ang paggising sa akin ng isang boses. Pagmulat ko ng aking mga mata ay kaagad kong natanaw ang puting kisame. Napaupo ako at napatingin sa tumatawag sa akin. Si Adrian. “Mag-aalasais na, hindi ka pa ba nagugutom? Sabay na tayo.” Sakto namang tumunog ang tiyan ko kaya napatawa siya. “Nasagot ba nun ang tanong mo?” ang wala sa sarili kong tanong. “Oo,” ang pagkumpirama niya habang tumatawa. “Bumangon ka na muna diyan. Maghanap tayo ng makakain malapit sa Saint Anthony.” Kaagad naman akong tumalima. Bumaba ako ng kama at nagtungo ng banyo upang maghilamos. Nang matapos ay lumabas kami ng dormitory. “Bago ka lang dito sa lugar na ‘to, hindi ba?” ang tanong niya habang naglalakad kami. Sa aming kaliwa ay ang soccer field. May iilang taong naglalaro. Tumango naman ako. “Sige. Habang naglalakad ay ito-tour kita sa campus.” Habang naglalakad nga ay itinuturo ni Adrian ang bawat gusaling nadaraan namin. “Anong gusali yan?” ang tanong ko nang mapansin ang isang gusali sa kalayuan. Gawa ito sa salamin kaya naman kamangha-mangha itong tignan. “Ah, yan ang School of Business,” ang tugon naman ni Adrian. “Mostly, mga anak-mayaman ang nag-aaral diyan.” Napatango naman ako sa aking narinig. Hindi naman nagtagal ay nakalabas kami ng campus at nakahanap ng makakainan. Panay ang tanong sa akin ni Adrian tungkol sa sari’t-saring bagay. Nang naging kumportable ang pakiramdam ko ay nagsimula na rin akong makipagkwentuhan sa kanya. LUNES… Unang araw ng klase, suot ko ang aking uniporme. Isang long-sleeved na asul na barong. Mas mukha akong mag-aabogado kaysa magguguro. Palabas ako ng gymnasium kasama si Adrian pagkatapos ng freshmen orientation. Patungo kami sa una naming klase. Tirik ang araw kaya naman napaka-init. Hindi rin ako natutuwa sa suot ko ngayon. Kaagad namang napawi ang pagkainis ko nang makita ang suot ng ibang estudyante. Naka-amnerikana sila at necktie. Napangiwi ako sa aking nakita. “Adrian,” ang pagtawag ko sa kanya. “anong kurso ng mga estudyanteng naka-amerikana at kurbata?” “Business administration,” ang tugon naman niya. Naalala ko ang gusali ng School of Business. Nababagay nga ang uniporme nila. Ang gara nilang tignan. “Pau, tara na. Baka mahuli pa tayo sa klase.” Kaagad naman akong sumunod sa kanya paloob ng gusali ng School of Education. Tulad nga ng inaasahan ko, wala naman kaming ibang ginawa kundi ang magpakilala sa aming mga propesor at mga kaklase. Walang gana kong ipinakilala ang aking sarili samantalang si Adrian naman ay parang sasali lang sa isang reality contest. Sa pagpasok nga namin sa lecture room ay kaagad niyang nakuha ang atensyon ng ilang kababaehan. NATAPOS ang huli naming klase na wala na naman kaming masyadong ginawa. Palabas na sana ang lahat ng may estudyanteng pumasok kaya natahimik ang lahat. “Hello, I’m Somi,” ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Napakaganda niya. “I’m one of your seniors.” Ang galing niyang mag-English kaya napanganga ako. “You’re all English majors, right?” ang tanong niya. Lahat naman ay tumugon habang tumatango. “Well, I’m here to inform you that all English majors are required to attend our meeting at the SoE Auditorium today,” ang paliwanag niya sabay tingin sa kanyang wrist watch. “at five o’clock. I’ll see you there.” Nagsimulang magbulungan ang lahat nang makaalis si Ate. Napatingin naman ako sa aking orasan. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang oras. Ilang minute na lang bago mag-alasingko. “Sa tingin ko, kailangan na nating magpunta kung nasaan man ang auditorium,” ang sabi ko naman. Sabay naman kaming tumayo at lumabas ng lecture upang magtungo ng auditorium. Naroon na ang mga mas nakakatandang batch nang makarating kami at nasa harapan na nga si Ate Somi. Naupo kami sa bandang likuran at hinintay ang iba pang estudyante. “Okay, guys. Settle down,” ang anunsyo naman ni Ate Somi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD