Prologue: Ang Pulang Pisi

255 Words
Isang gabi noong unang panahon, isang bata ang pauwi na nang makakita siya ng isang matandang lalake, si Yue Xia Lao. Nakatayo siya sa ilalim ng ilaw ng buwan. Ipinaliwanag niya sa batang lalake na siya ay nakakabit sa kanyang nakatakdang mapangangasawa sa pamamagitan ng isang pulang sinulid. Ipinakita ni Yue Xia Lao sa batang lalaki ang batang babaeng nakatakdang maging asawa niya. Dahil musmos pa lamang at wala pa siyang interes sa mga ganoong bagay, pumulot siya ng bato at ibinato sa batang babae bago tumakbo palayo. Maraming taon na ang lumipas, ang batang lalaki ay naging isang matipunong binata. Dumating ang panahon na ang kanyang mga magulang ay ipapakasal siya sa isang dalaga. Sa gabi ng kanyang kasal, hinintay siya ng kanyang asawa sa kanilang silid-tulugan, na may takip sa na tradisyunal na belo sa kanyang mukha. Nang iangat niya ito ay laking tuwa niya nang makita ang kagandahang taglay ng kanyang napangasawa. Masasabi niya na ito ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa buong nayon. Gayunpaman, nakasuot ang babae ng isang adorno sa kanyang kilay. Tinanong niya kung bakit niya ito sinuot. Tumugon ang babae na noong bata pa siya, isang batang lalaki ang bumato sa kanya ng bato, naiwan ang isang peklat sa kanyang kilay. Ito ang naging dahilan kung bakit tinatakpan niya ang kanyang kilay. Napagtanto ng lalaki na ang babae, sa katunayan, anag parehong batang babaeng ipinakita sa kanya ng matandang lalakeng si Yue Xia Lao noong kanyang pagkabata. Sila nga ay konektado ng isang hindi nakikitang pulang sinulid ng kapalaran.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD