bc

S.M.S Book 2 (Paalam)

book_age16+
40
FOLLOW
1K
READ
confident
drama
comedy
bxg
witty
office/work place
another world
weak to strong
nurse
like
intro-logo
Blurb

Isang nars si Sierra sa National Center for Mental Health at malayo na rin ang narating ng kanyang magulong buhay. Pero bakit kung anong layo ng narating niya ay hinahabol pa din siya ng nakaraan na parang alon na nabalik sa pampang ng kanyang mga alaala?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sierra, anak sumunod ka na dito sa New York! Solo ka na lang dyan sa Pilipinas, why don't you stop fooling around and get your life started?" Napabuntong-hininga si Sierra habang kausap ang kanyang makulit na ina sa cell phone. Nangungulit na naman ito sa kanyang sumunod na sa pamilya niya sa States. Doon naka base ang software company ng kanyang Papa. Sa tatlong magkakapatid, siya ang bunso at ang solong babae. Sa lahat din ng mga anak ay siya lang ang hindi kumuha ng business course. Gusto n’yang mag-work sa hospitals at makatulong, pero ang nakatawag ng pansin sa kanya ay ang job offer sa kanya sa National Center for Mental Health bilang nurse sa private pavilion ng ospital. First week pa lang niya gusto na n’yang sumuko, mag-empake at pumunta na sa Amerika. Unang-una, hindi niya nakaya agad ang amoy. Sumunod na ang mga bayolenteng pasyente at pangatlo ang daily reports. Buti na lang at dumating bigla ang mga bago n’yang katrabaho. Ang magkapatid na sila Stellar Mari at Mystina Denisse Maranan. Nakaboard-mate pa niya ang mga ito. Sa una mas nakasundo niya si Mystina na bagong chef supervisor sa kitchen na sobrang ingay, moody at prangka. Si Stellar naman ay medyo seryoso sa trabaho pero hindi nag-tagal ay nakuha n’yang sakyan ang ugali nito at nagkasundo-sundo na silang tatlo. Silang dalawa ni Mystina ang kusa nang nagpapasaya sa buhay ni Stellar pag nagiging boring na ito. Lalo na nang magkaroon ng problema ito sa pasyente. "Sierra, kawawa naman ang ate ko..." naalala pa n’yang wika sa kanya ni Mystina habang pinapanuod nila si Stellar na binibigyan ng psychological tests ang pasyenteng si Drei, "Bawal ma-in-love sa pasyente sila ate... pero masisisi mo ba sa kanya kung talagang minamalas siya?" problemadong tanong nito as kanya. Bukod sa kaibig-ibig na ang foreigner na binata ay required pang sundin ni Stellar ang bawat kapritso nito... at sa kamalasan ng pobreng kapatid ni Mystina, ang napili nitong kapritso ay mahalin si Stellar. Dati, wala siyang pakealam sa mga tao sa palibot nya. Nabubuhay siya sa motto na walang pakealaman. Gusto n’yang tumanggi kay Mystina noon ng humingi ito ng tulong pero um-oo din siya sa huli. At hindi niya namalayan ay nagiging tunay na concerned siya dito. Salamat pa nga sa dalawa n’yang naging best friends at mas naging effective nurse siya. She started to care more about her jobs and welfare of her patients. At dumating nga sa point na lumusong at nagbungkal pa nga siya ng basura para kila Stellar at Mystina na naging mga babaeng kapatid na matagal na n’yang pinangarap noon. Wala siyang naging kaibigan sa U.P dahil masyado siyang naging aktibo sa mga rallies at human rights debates. Actually, kahit anong rally na may kinakalabang masasamang tao o hangaring masama ay pinupuntahan at sinusuportahan nya. "Are you even listening Sierra?!" galit na tanong ng Mama niya sa kabilang linya. "Yes Ma! Look, I have a job here. I am supporting myself without your help back there. Ako nga rin ang nagpatapos sa sarili ko! I can live by myself! I'm nineteen for God's sake Ma!" pilit n’yang paliwanag dito. "Why don't you take vacation here for awhile? Kahit saglit lang! Almost four years ka na naming hindi nakikita ng papa at ng mga kuya mo!" pakiusap nito sa kanya. Napaismid si Sierra sa phone. Hindi siya ganun katanga para hindi matunugan ang plano ng mga ito. Pag-dating niya sa Amerika ay tyak na hindi na siya papauwiin dito sa Pinas. Kaya hindi siya aalis sa home base niya kung saan alam niya ang pasikot-sikot ng bawat eskenita. Noong mag ma-migrate ang family nila four years ago ay pilit siya nitong isinasama pero hindi siya pumayag kaya iniwan siya nito sa Manila. No food, no house, no money. Akala ng mga ito ay within two days ay magpapasundo na siya. Fat chance. Humanap siya ng part-time job at matutuluyan sabay nag-entrance examination sa U.P. Nakapasa siya at nakapasok. Natuto siyang mag-tipid at mag cost-cutting para matustusan ang mga pangangailangan sa school at iba pang expenses. Working student na siya sa school, nag-papart-time pa siya sa isang ukay-ukay bilang saleslady. Sa awa naman ng Diyos ay nakatapos siya with flying colors. Walang umattend ng graduation nya. siya na mismo ang nag-sabit sa leeg niya ng mga awards at tumayo ng solo sa stage. Tanda ng pagiging independent nya. Ni hindi man lang siya binisita ng kanyang pamilya maliban sa panaka-nakang tawag sa kanya. "Sorry Ma, I can't. I love my work here and I love my new friends here. Ang saya din palang magkaroon ng makakaramay sa buhay at dumamay sa problema ng iba kahit hindi mo kadugo at hindi ka iiwanan basta basta," pasimpleng patama niya dito. "Baka mga gold-diggers at social climbers ang mga yan!" Napatingin siya kay Mystina na busy sa pag-susulat ng mga lulutuin nito bukas sa pavilion, samantalang si Stellar ay nakadikit na halos ang ilong sa ginagawang psychological report. Nakilala niya ang pamilya nito at sigurado siyang hindi gold digger at social climber ang dalawang tagapagmana ng apat na gasolinahan at pitong ektaryang taniman ng mais at niyog. Sa higit na limang buwan nilang pagsasama ay nalaman n’yang balak pang mag-abroad ng mga ito para mabili sa mga magulang ang isang gasolinahan. Pinalaki na galit ang mga ito sa pera, lalo na si Stellar. "I don't think so Ma. Kilala nila ako bilang solong babaeng nabubuhay para sa sarili nya. They are the Head Chef and Deputy Psychologist sa ospital," proud n’yang pakilala sa mga position ng mga ito. "Dapat hindi ka nagtitiwala basta-bas..." "I've survived for four years without all of you Ma. Head Nurse ako sa ospital at marunong akong tumingin ng pagkatao ng iba dahil psychologist ang isa sa dalawa kong best friends. I can take care of myself and don't worry. Kung may mangyari man sa akin, hindi na ako kargo de konsensya n’yo dahil tinakwil n’yo na akong lahat. Bye and I hope this is the last time I will talk to any of you. Good riddance!" Inoff niya ang phone nya, tinanggal ang battery, kinuha ang sim at initsa iyon sa nagbabagang uling kung saan nag-babangi ng tuyo si Mystina. "Maalala mo kayaaaaaaaaaaa... ang sumpa mo sa akiiiiin?" sintunado nitong kanta. "Na ang pag-ibig mo ay... sadyang diiiiiiiiii magMamaLIIIIIWWWW... nai---ARAY! Ang sakit ha?!" reklamo sa kanya ni Mystina ng binato niya ito ng tsinelas sa ulo. "Tigilan mo nga ako! Ang sama ng mood ko ngayon," paalala niya dito sabay hila sa upuan at bumuntong hininga. Tumingin sa kanya si Stellar at inayos nito ang salamin sabay ngumiti ng matipid, "Hindi pwedeng kumain ng tuyo ang masama ang mood..." sabi nito. Napatayo siya at namaywang, "Aba! Maghapon na akong laway na laway dyan sa hinayupak na tuyo na yan! Wag n’yo nang ipagkait sa akin! Inaway ako ng Mama ko!" pakunwaring paiyak n’yang pagmamakaawa sa dalawa. "So pag inaway ng Mama may tuyo na? Ganoin? Ang mga taong pasal sa gutom talaga ate kung ano-ano naidadahilan, makakain lang." sabi ni Mystina sa kapatid nito na napatawa sa hitsura n’yang sabukot. "Libreng pagkain para sa mga tao, libreng edukasyon at libreng pabahay para sa..." Hindi na natapos ang commercial ng pinatay niya ang t.v, "Kung sinabi niya na may libreng tuyo iboboto ko siya!" inis na angil niya sa t.v sabay upo at pinatarak niya ang kanyang mata, "Matapos kong sabihin kay Mama na hindi kayo social climbers at gold diggers at pinagmalaki ko sa mapangmata kong ina na Head Chef at Deputy Psychologist kayo, ipagdadamot n’yo sa akin ang tuyo!" malungkot na taghoy niya sa dalawa. "Parang hindi tayo sabay-sabay lumusong sa basurahan at namaho! Parang hindi ko kayo nilibre ng pamasahe pau--- YAY THANK YOU!" putol niya sa kanyang litanya ng biglang hainan siya nito ng tuyo na nasa ibabaw ng mainit na kanin. Sunod-sunod ang subo niya sa kanyang pagkain. Kahit ano atang ipaluto mo kay Mystina, kahit pa gaano ka-cheap at kamura ay mag-lalasang mamahaling gourmet dish. "Dahan-dahan sa pagkain Sierra. Malayo pa ang akinse. Hindi ka namin madadala sa ospital pag bigla kang nabulunan dyan. Wala na kaming pera," sabi sa kanya ni Stellar na nag-simula na ding kumain sa tabi nya, "Sierra? Uy, dahan-dahan!" wika ulit nito ng hindi niya binagalan ang pagkain. "Wag mo yang alalahanin Ate Stellar! Head Nurse yan! Pag natigakan yan, siya na mismo ang mag fifirst-aid sa sarili nyan! Ganyan kagaling ang baboy na yan," nakinig n’yang sabi ng best friend niya na umupo sa tapat nilang dalawa, "Oh, eto pa. Mukhang gutom na gutom ka pa," bigla itong nagpatong ng tuyo na parte nito sa kanyang pinggan. Pasimple ding ipinatong ni Stellar ang isang isda sa gilid ng kanyang plato. Napa-angat siya ng tingin at nakita ang dalawa na nagsimula ng kumain. Tig-dadalwa lang sila ng isda. Adose ngayon at ubos na ang nasweldo nilang tatlo noong katapusan kaya tuyo lang ang inuulam nila. Nag-bayad kasi sila sa tuition ng pag-aaral nila sa F.E.U. Nag-dodoctoral sila ni Stellar samantalang culinary naman ang kinuha ni Mystina. Tipid-tipid kumbaga sila ngayon. Pero eto, nakuha pa ng magkapatid na ipalamang sa kanya ang mga parte nito. "Wag ka na mag-eexpect ng abuloy sa lamay mo Sierra ha?" sabi ni Mystina na hindi nag-aangat ng tingin habang nakain. "Yang tuyo na yung limos namin sa pagkamatay mo," sabi nito sabay ngisi. Napatawa naman si Stellar, "Nag-iipon kasi kami ng good-deeds points kay santa clause para regaluhan niya kami ng house and lot sa pasko," sabi nito sabay inom ng tubig, "Kaya kung iniisip mo na pagmamagandang loob yan ay nagkakamali ka Sierra, nagkakamali ka!" Bigla na lang siyang humalakhak ng malakas. Napaubo naman ang dalawa na napatawa narin habang nakain. Hindi siya makapaniwalang nakakuha siya ng ganitong mga kaibigang. Ang apat na taon na lumipas na namuhay siya ng solo ay worth it ng matagpuan niya sila Stellar at Mystina. Akala niya nakalimutan na n’yang makipagtawanan at lumigaya pero eto. Kahit tuyo lang ang ulam ay parang nag-pyepyesta sila sa kasiyahan. "Don't talk when your mouth is full!" siko sa kanya ni Stellar. "Hindi naimik yan ate, natawa yan kaya pwedeng may laman ang bibig nya!" sabi ni Mystina sabay lagok ng tubig, "Bilisan mo ang kain Sierra at ng makapagdayag na ako!" tumayo na ito at pumunta na sa lababo kung saan inilubog na nito sa planggana ang tubig, "Nakakapagtaka talaga kay Sierra ate ay kahit anong unti ng kjnakain niyang baboy na yan ay pagkatagal-tagal namang matapos! Kasura!" reklamo nito sa kanya. Mukhang tapos naring kumain si Stellar at akmang iiwan siya nito sa hapagkainan ng hawakan niya ang braso nito, "Wag mo akong iwan Stellar! Hindi ako magkaka-asawa!" "Hindi ka naman talaga magkaka-asawa kasi walang papatol sayo kahit ano pang pamahiin ang sundin mo! Get your tuyo-filled hands off me!" sigaw nito sabay takbo papunta sa kapatid at malakas na bumulong dito, "’Di ba kumakanta din habang nagluluto si Sierra? At ngayong napagligpitan na siya ng mesa ay tiyak na ang hindi na yan mag-aasawa! Tayo na ang nagwagi! Tayo lang ang happy! All together now," sabi nito sabay formation ang dalawa at tinarak ang mga mata habang nakakamas ng mga kamay na parang may hawak ng melon at tumingala, "TUWAHAHAHAHA-TUWAHAHAHAHA!" malakas na tawa nito. "TUWAHAHAHAHA-TUWAHAHAHA!" sabay dito ni Mystina na parang ewan, "TUWAHAHAHAHA-TUWAHAHAHA—uhu-uhu-EHEM!" biglang napaubo ito at tumalsik sa mukha ni Stellar ang isang butil ng kanin galing sa bibig nito. Nanlaki ang mata ni Stellar at sinimulan nang sakalin ang kapatid na halos tumulo na ang laway kakatawa. Napailing na lang si Sierra at inenjoy ang "show" ng dalawa. Tulad ng pagpapasaya niya sa mga ito pag badtrip ang magkapatid sa kani-kanilang buhay ay eto naman ang dalawa na kung ano-ano nang katangahan ang ginagawa mapaligaya lang siya. Sinubukan n’yang magpasaya ng ibang tao at talagang marunong ang Diyos. Pag siya naman ang nangangailangan, ay eto sila Stellar at Mystina, handang magpakatanga tumawa lang siya. -0- "INNNNNNNOOOCEENNNCIOOOOOOOOOOO!!! Anak ka naman ng impakto! Bakit ang binili mo ay iodized salt! Alam na alam mo naman na bato ang kailangan ko! BATO ANG IPINABILI KO! Isa pa ha?! Isa pa at ipupukol ko itong kawa ko sa ulo mo ng ma-reformat! Puno na ata ng virus! Ano bang nagawa kong mali at minalas ako dito sa...." nakinig na lamang ni Sierra ang malakas na palakat at ang kasunod na madramang hinaing ni Mystina sa mundo habang nag-hahanda ng pantanghalian nila para sa araw na iyon. Nagtawanan naman ang apat na lalake n’yang kasama sa Nurse's Station sa gitna ng building ng pavilion. Parang hindi na kumpleto ang araw ng mga ito pag hindi nakinig ang walang sawang panghihiyaw ni Mystina sa mga food-tech na katrabaho nito sa kusina. Hindi nauubusan si Mystina ng ilalait sa mga ito. Laging fresh ang bruha sa mga salita na pang-aalispusta. "Kyle, nalinis na ba yung room 31?" tanong niya sa pinakapandak na Bouncer Boys nya. Tumango naman ang lalaki na pagkalaki-laki ng katawan pero nuknukan naman ng bait, kahit ata langaw at langgam ay hindi nito maatim patayin, "Yes Ma'am! Malinis na malinis na po!" sagot nito sabay saludo. "Ma'am o.k na po ba si Ma'am Stellar?" tanong sa kanya ni Nate, ang pinakagwapo sa kanyang mga boys pero ang pinaka Mama's boy. Oras oras ay katext ang nanay, lagi pang may maluto, "Masyado po atang sumeryoso sa trabaho," puna nito sabay turo sa kanyang best friend na may kausap na pasyente. Bumuntong-hininga na lang si Sierra, "Sa lahat ng mga na broken-hearted, and that is to say na broken-hearted sa walang kakwenta-kwentang lalake sa walang kakwenta-kwentang dahilan na kung makaiyak ay kayang palubugin ang daan sa EDSA, si Stellar ang pinaka-genius sa kanila," proud n’yang sabi. Oo, umiyak si Stellar, pero after that, nag-move on ito. Pero dala ang alaala ng kahapon. The best way to move on is to walk forward but while carrying the lessons and sweet memories of the past as trophies and Stellar exceeded her expectations. Itunuon ang oras sa trabaho at pag-aaral, hindi sa pag-susunog ng mga alaala ng nakaraan, "Daig niya ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move-on boys. Ang lakas pa rin ng galit ko sa damuhong yon!" malakas n’yang sigaw. Medyo lumayo ang kanyang mga kasamahan sa takot. "Bitter is better Sierra. Parang si ate, bitter siya, but she is even better now than before! E ikaw, parang gusto mong ipa-salvage ang ex mo. Nakakahilakbot!" sangat ni Mystina na ngayon ay may tulak-tulak na food cart na naglalaman ng lunch ng mga pasyente, "Hoy! Naturingan kang nurse, pero kung maka-kuha ka ng pagkain sa cart ko para kang P.G.T! As in Patay Gutom na Tao, ilayo mo yang madudumi mong kamay at baka ma-virus ang ulam ko. Ako masisisi!" saway nito sa kanya ng kumuha siya ng karne sa isang plato sabay palo sa kanyang kamay. Eksaheradang umaray si Sierra matapos maisubo ang karne, "Sige Mystina, bilisan mo na yang pagtutulak mo, may pupuntahan tayo!" "Saan?" "Basta, sumama na lang kayo ni Stellar! Pwede naman mag-early out ngayon... MA"AM STELLAR AWOOOOOOOOOOOO!" tawag niya sa naglalakad na deputy psychologist pabalik sa opisina nito. Hindi pwedeng sa pangalan lang ang tawag niya dito pag nasa work sila. Technically, mas mataas ang posisyon nito kaysa sa kanya. Si Mystina naman ay nasa auxiliary department kaya kahit hindi ito mag Ma'am ay ok lang dahil ang bossing nito ay nasa admin building. Hindi siya under ng mga doktora at psychologists dito sa pavilion. "Shhh! Wag kang humiyaw Sierra! Alam mo naman na hindi pa nakain ang mga pasyente! Pag nag-wala yan ay ikaw ang ipapain ko sa mga yun!" saway sa kanya nito sabay tingin sa mga kwarto, "At ikaw naman Mystina, dalian mo na ang pag-hahatid ng pagkain, pasal na pasal na sa gutom yung mga pasyente!" taboy nito kay Mystina na naghikab at nagsimulang itulak ulit ang kanyang cart at nagsimula ng mag room to room. "Ano ba iyon Sierra?" balik tanong sa kanya nito. "May pupuntahan tayo Ma'am malapit sa Malacanang," sabi niya dito sabay empake ng kanyang mga gamit, "Hindi pa kayo nakakapunta ni Mystina doon, ‘di ba?" alam niya ito dahil madalang pumunta ng Manila ang Tayabasin na ito. Napaisip ito pero tumango din, "Ok. Makapag sight-seeing na din siguro, what time tayo aalis?" tanong nito at tumingala sa orasan na nakasabit sa likod nya. "Pagkatapos ng rounds ni Mystina Ma'am." "Fine. Ayusin ko lang gamit ko, dito ko na rin hihintayin ang kapatid ko," at umalis na nga ito sa harap niya at dumertso na sa opisina ng mga psychologists. "Yes! Hindi pa niya nagta-try na magsama ng friend sa mga gigs nya. Well, wala naman talaga siyang friends na matatawag before pero tyak na masaya ito!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
609.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

His Precious Property

read
615.5K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.8K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook