Chapter 2

2666 Words
"Sierra, bakit parang hindi ko pa nakikita ang Malacanang?" takang tanong sa kanya ni Mystina habang magkakatabi sila ni Stellar sa bus. Bago pa siya makasagot ay biglang nag-preno ang bus. Muntik nang malaglag si Mystina sa sahig kung hindi pa ito nahila ni Stellar pabalik as upuan nito. "Shucks! Anong meron?! O.M.G! Rally ba yun ate?!" turo nito sa mga taong may dala-dalang placards at mga nagkakanda-putol na ang litid sa leeg kakasigaw. Inayos ni Stellar ang salamin at tumingin sa itinuturo ng kapatid, "Aba'y oo nga ano? Pano na yan Sierra? May alam kang ibang way para makarating tayo sa Malacanang o uuwi na tayo?" tanong sa kanya nito. Umiling siya at dali-daling tumayo at hinila ang mga kamay nito, "Hindi tayo uuwi, makakarating tayo dun on foot. Trust me!" sabi pa niya at nagsimula na silang bumaba ng bus. "MAKIBAKA, WAG MATAKOT! MAKIBAKA WAG MATAKOT!" "Ang mga hayop na corrupt na nagpapayaman lamang ay dapat tanggalin sa pwesto!" "TANGGALIN!" "Mga buwaya sa lipunan!" "BUWAYA!" Nagkakagulo ang mga tao at nagsusumiksik sa palibot ni Sierra. Sila Mystina naman at Stellar ay parang takot na takot at parang anu mang oras ay tatakbo na palayo. "Sierra, buti nakarating ka, kasama mo?" tanong sa kanya ni Rey sabay turo sa dalawa n’yang best friends na nag aamanamin na ng tahimik. "Oo, gusto nilang pumunta ng Malacanang kaya sinama ko sila, lalarga na ba tayo?" tanong niya dito. Tumango ito at binigyan ng tatlong placards, "Nag-iba ka na Sierra, nakakuha ka na ng kaibigan. Anyways, pupunta na kami sa Malacanang, pakipahawakan na lang ito sa dalawa mong kasama," sabi nito sa kanya, "I think makakarating tayo sa Malacanang in twenty minutes time pag walang pulis na nakaharang," pagkasabi nito niyon ay tumungo na ito sa unahan at nawala na sa paningin nya. Hinarap naman ni Sierra ang dalawa na naghe-hail marry na habang magkahawak ng kamay, "Oh eto tig-isa kayo," sabi niya sabay abot sa placards kila Stellar at Mystina. "Hail Mary, full of grace. The lord is wi--- ano 'to?" tanong sa kanya ni Stellar nang maipahawak na niya ang placard nito. "Hmmm... Patayain ang mga gagong pulitiko..? Sierra?!" gulat tanong ni Mystina sa kanya pagkabasa sa nakasulat sa placard nito, "Don't tell us..." nanlaki ang mga mata nito at gulat na nakipagtinginan sa kapatid. Ngumiti siya ng matamis at itinaas ni Sierra ang sariling placard na may nakasulat na "SALOT KAYO MGA PULITIKONG SINUNGALING!" sa taas ng kanyang ulo, "Gusto n’yo ‘di bang makarating sa Malacanang? Dun ang tapos ng rally na 'to kaya simulan n’yo nang maglakad, don't forget to shout okay?" paalala niya dito sabay munstra ang tamang paghawak ng placard. Ngumiti siya ng makita n’yang takot na itinaas ng dalawa ang mga placards na dala ng mga ito at lumakad na din kasunod nya. First time n’yang magsama ng tao sa rally na dinaluhan nya. Best friends pa niya... mukhang masaya ito. -0- "ISULONG ANG TAMANG PAG-BOTO!" sigaw ng naka megaphone. Almost ten minutes na silang nag mamartsa at halos nakikita na niya ang Malacanang. "ISULONG ANG TAMANG PAG-BATO!" sabay tugon naman ni Mystina na nasa kaliwa nya. Tiningnan niya ito ng masama at mukhang natakot naman ito, "ESTE PAG-BOTO PALA!" pagtatama nito sa sigaw. Tinanguan niya ito at lalong itinaas ang placard. Buhay na buhay talaga ang dugo ni Sierra pag nasa rally o debate! Gustong gusto niya ang may kinakalaban, lalo na kung pulitiko. Sino ba naman ang hindi mabubuhayan ng dugo? Lumingon siya sa kanan niya at laking gulat niya na payugyug-yug ng ulo si Stellar habang nakikinig ng music na parang walang pakialam sa paligid nito. Napapitlag ito ng sikuhin niya ito sa tagiliran, "Ouch! Ano ba yan?! Sierra bakit!? Ang taas kaya ng hawak ko sa placard!" sabi nito sa kanya sabay yugyug sa karatula na may nakasulat na, "MAMATAY ANG WALANG PAKIALAM". "Bakit wala ang focus mo sa rally! Ilabas mo ang sama ng loob mo! Mag-wala ka! Hayaan mong lumabas ang tunay mong nararamdaman!" suggest niya dito sabay nguso sa mga tao sa harapan nila na parang sinisilihan na nagwawala kaka sigaw. Tumarak ang mga mata nitong chestnut brown at bumuntong-hininga sabay ayos sa salamin, "Sierra, eto ang tunay kong nararamdaman! I'm bored. Mas nakakabuhay pa ng dugo ang makita si Kyle na nabubugbog ng pasyente kaysa dito!" explain nito sa kanya. "Aba! Tingnan mo si Mystina! May nararamdaman siyang energy, ‘di ba Mys..." hindi na niya natapos ang sinasabi ng dali-daling tumakbo palapit sa kanila ito na taas-taas pa rin ang placard, tila diring-diri. "Nakatapak ako ng tae! Kadiri! Ewwww!" taghoy nito sabay turo sa natapakang biyaya ng aso, "Ayoko na! Kakaewan! Ang init, ang baho, ang lagkit!" pagmamakaawa nito sa kanya. Tinitigan ni Sierra ang dalawang kaibigan at napahiya siya sa sarili niya kahit papano. Mukhang kaya lang nagtitiis itong dalawa na sumama sa magulong past-time niyang iyon ay dahil best friend siya ng mga ito. "Ok fine mag-mall na lang tayo," sukong sabi niya sa mga ito na napangiti naman sa galak. -0- "Magpagaling ka at pakinggan mo ang payo sa'yo ni Ma'am Stellar ha? Dapat ubusin mo rin ang pagkaing luto ni Chef Mystina para lumakas lalo ang katawan mo ng makasama mo na ang baby mo, okay ba iyon?" malumanay n’yang tanong sa dalagang nakahiga sa kama sa isang ward sa pavilion. Tumango naman ito at ngumiti, "Ang bait-bait n’yo po talaga sa akin Nurse Sierra. Pati po sila Ma'am Stellar at Chef Mystina. Sige po gagawin ko po lahat ng sinasabi n’yo para makasama ko na si baby," maluhaluhang sagot nito. "That's good Nissa. Balik muna ako sa Nurse's Station ha? Pahinga ka na," paalam niya dito at lumabas na siya sa kwarto nito. Bago pa siya makabalik ng station ay napadaan siya sa Psychologists Office. Doon nakita n’yang nakaubob si Stellar sa lamesa nito at natutulog. Tumingin siya sa relo at tama ang hula nya. Saktong ala una ng hapon. Napapaiyak na siya kaya minabuti n’yang umalis na sa kinatatayuan. Simula ng na discharge si Drei sa pavilion ay lagi na lang sinisigurado ni Stellar na simula twelve forty five hanggang quarter to two ay tulog ito. Malamang ay para makalimutan kahit papaano ang nakasanayang habbit nito na laging napunta sa kwarto ng dating kasintahan every one o' clock ng hapon. Sierra could only imagine the sadness and grief of Stellar noong nabigo ito. Na naging sanhi naman ng lalong paglaki ng pagkamuhi niya sa mga lalake. Lalakeng nangangako ng kasal at panghabang buhay na pagmamahal pero nauuwi lang din sa wala. Pabalagbag n’yang ibinagsak ang hawak na clipboard sa harap ng computer niya at nagsimula na siyang mag-type ng daily report. Walang ano-ano'y biglang nag-flash back sa utak niya ang mga katagang "Will You Marry Me?" na nakasulat sa buhangin at ang patpatin na lalaking natatakpan ng buhok ang kanang mata na katabi n’yang nakangiti. "s**t TALAGA!" ungol niya sabay ubob niya pagkatapos n’yang i-save ang report na dali-dali n’yang tinapos at parang alon sa dagat na dumating sa utak niya ang mga ala-alang iniiwasan pa n’yang balikan. -0- "Nakakainis talaga yang mga pulitikong yan! Mga duhapang at salot sa lipunan! Biruin mo ba naman? Pinalayas ang mga magsasaka para lang makapagpatayo ng shopping mall na kasosyo sila! Naman!" malakas na bulyaw ng dalagang si Sierra sa katabing lalaki isang maiinit na hapon sa canteen ng U.P Diliman. First Year College, second semester. Palibasa't U.P, given na lahat ng bata na nakakapagaral doon ay matatalino at alam ni Sierra na isa na siya sa mga iyon. She has the brains but no coins in her pocket. Kaya eto siya, pagod na pagod kagagaling sa pag-duty sa library kung saan tatlong oras siyang nagbabalik ng mga librong nagkalat sa mga shelves. Pagkalabas niya ay deretso na siya sa canteen kung saan naghihintay si Lycan sa dati na nilang upuan. Patpatin ito at parang isang ihip lang ng hangin ay lilipa rin na ito. Maputla ang pagkaputi ng balat nito pero matangos ang ilong at mapupula ang labi. Hupyak ang mukha nito at malalalim ang eyebags. Mukha itong emo dahil nakataklob sa kanang mata ang mahaba nitong buhok. Pero ang pinakagusto niya dito ay ang mata nito. Itim na itim. Parang malulunod ka doon pag tinititigan mo. Kaklase niya ito sa halos lahat ng minor subjects dahil irregular student siya. Ang nagsosolong nursing student sa klase ng mga polsci. Lycan Fortalejo ang buong pangalan nito at galing sa sikat na angkan ng mga government officials mula lolo hanggang sa tatay nitong senador ngayon, nanay na congresswoman, panganay na kapatid na mayor at mga titong konsehal, barangay officials at kung ano-ano pa na nakalimutan ata niya ng mga panahon na yon. "Ay, sorry Lycan, sorry! Peace tayo ha? Nakalimutan ko kasi na nasa gobyerno pala ang family mo. Sorry!" paumanhin niya dito. Ngumiti naman ito ng maliit at tumango, "Ayos lang yun Sierra, at least nakakalimutan mo na isa akong Fortalejo. Ayoko yung mga nakikipag-kaibigan lang sa akin kasi anak ako ng senador," malungkot na wika nito sabay turo sa papalapit na babae sa kinauupuan nila. "Hey Lycan, why don't you leave the poor saleslady here and have some fun with my friends back there?" tanong nito sa kasama sabay turo sa isang table kung saan nakaupo ang mga punong-puno ng mga "biniyayaan". Yung mga bata bang magaganda na ang hitsura, mayayaman pa at maiimpluwensya. Bali-balita sa school na may nakakapasok din naman doong hindi naman katalinuhan, may pangalan lang. Isa na doon itong si Everlyn Dumapidez, anak ng isang congressman. Sa halip na sumama ay umarte si Lycan na parang walang nakinig, "Sabi ko nga Sierra, sana hindi na lang ako galing sa ganoong estado para... excuse me?" asik nito kay Ebs na sumiksik kay Lycan habang ipinagngangalandakan ang mayaman nitong hinaharap na kitang-kita sa luwang ng damit. Halatang fake dahil malabsak ito at halatang may silicon, hindi tulad ng sa kanya, firm and surgical free. Malaki pero natural! "Lycan, hindi ko alam ang pinakain sa'yo ng pobre na yan pero I'm sure you will have fun with me more than with her..." malandi nitong sabi sabay akmang yayapusin si Lycan. Parang may katabing dumi ng tao si Lycan na lumayo dito, sabay hatak sa kanya. Tumakbo sila palayo kay Everlyn. Nagtatawanan sila ng makarating sila sa rebulto ng simbolo ng U.P. "Katakot, akala ko malulunod ako sa lalim ng cleavage nya. Haha," biro ni Lycan sa kanya sabay kamot sa ulo. Ngumiti ng matamis si Sierra dito at namaywang, "Ok lang yun. Sabi ng classmates kong lalaki na malulunod ka naman daw sa kaligayahan," Humagalpak siya ng tawa ng makita niya ang parang nasusukang reaksyon ni Lycan. -0- "Calling Ms. Sierra Mae Paz, calling Ms. Sierra Mae Paz, your plane is about to crash, I repeat, your plane is about to crash," isang boses ang nakinig n’yang natawag ng pangalan nya. Nanlambot si Sierra ng maprocess ng utak niya ang sinasabi nito. Magkacrash na daw ang eroplano niya... pero teka, hindi naman siya nakasakay sa eroplano... Mabilis n’yang minulat ang mata niya at nakita niya si Mystina na nakangiti sa kanya habang impit na tumatawa si Stellar sa tabi nito. Lumingon-lingon siya sa paligid at nakita n’yang nasa Nurse's Station pa rin siya. Nakatulog ata siya pagkatapos n’yang matapos ang daily report mga past four thirty. Sa halip na mag snack for thirty minutes, mas pinili na lang n’yang matulog hanggang labasan ng five para makapahinga... binangungot naman siya. "Hayop ka talaga Mystina! Akala ko mamamatay na ako!" galit na sabi niya dito sabay batok sa ulo nito, "Plane about to crash ka pa dyan! Bwisit!" sabi niya dito sabay tingala at buntong hininga. "Well Sierra, five na kasi at nasa-iyo ang susi ng ating tirahan. Kung di kita gigisingin ay hindi kami makakapasok ni ate sa house natin," paliwanag nito. Umiling naman si Stellar, "Mukhang naliligayahan ka sa panaginip mo. Tawa ka nang tawa. Parang ang saya-saya mo," wika nito sa kanya. Tinapik-tapik ni Sierra ang kanyang mga pisngi at hinagilap ang kanyang shoulder bag at tumayo, "Bangungot yon mga best friends. Bangungot. Nakakamatay na panaginip, tara na nga!" yakag niya sa mga ito na sumunod naman sa kanya. Nakakahiya. Tumatawa pala siya habang napapanginipan si Lycan. Kainis! "Excuse me, saan ang admin office nyo?" biglang may nagtanong sa kanya. Narinig n’yang napasinghap sila Stellar at Mystina sa lalakeng nasa harap niya ngayon. Clean cut ang buhok na itim na itim na parang sinuklay lang ng kamay. Parang ang lambot-lambot ng balat nitong namumuti na sa kaputlaan, parang hindi naarawan. Ang ganda ng tindigan at malapad ang dibdib. Mga matang nakakalunod sa kaitiman. Ang bait ng mukha nito. Parang hindi gagawa ng kabulastugan. May kausap ito sa phone at hindi sa kanya nakatitig ito. Nagpantig ang kanyang tainga. Ayaw niya sa mga taong bastos. Lalo na kung lalake ang mga ito. "Ser, punta kayo doon sa dulo ng daan sa kaliwa tapos kumanan kayo tapos derederetsuhin nyo. Nasa dulo ang office," sagot n’yang mabilis. "Thanks," yun lang at sumakay na ulit ito sa mukhang bago nitong BMW at pinasibad na iyon papunta sa direksyon na itinuro nya. Lumapit sa kanya si Stellar na nagtataka, "Sierra, bat dun mo tinuro ung lalake? Ayun lang ‘yun Admin Office natin, ‘di ba?" sabi nito sabay turo sa malaking white building na nasa kabilang kalye lang ng kinatatayuan nila. "Sinabi ko "office" yung matatagpuan niya doon, hindi ko sinabing "Admin Office" ang masusumpungan niya kundi..." "Women's Pavilion! Grabe, pagkakaguluhan siya ng mga nandon! Mababaliw kay fafa! Wagi ka talaga Sierra! Waging-wagi!" puri ni Mystina sabay apir sa kanya. Nakakunot naman ang noo ni Stellar sa kanilang dalawa, "Pasalamat ka Sierra out na tayo, kung hindi papatawan kita ng disciplinary action. Tara na nga, baka bumalik pa yun. Patay tayo," akit nito sa kanilang dalawa sabay nauna na itong lumakad palabas ng ospital. "Buti na lang best friend ko ang boss ko Mystina. Masesesante ako ng wala sa oras," sabi niya dito habang dali-dali ding sinundan nilang dalawa si Stellar, "Trip ko lang mang-trip sa mga bastos na tao... lalo na kung lalake!" ingos niya sabay taas ng kanyang small but pointed nose sa hangin. "Ayaw din ni ate sa mga bastos. Lalo na sa mga taong hindi natingin sa kinakausap. Imbyerna yan sa mga yun, lalo na't importante ang eye contact sa mga psychologists," sang-ayon naman ni Mystina sa kanya. "Girls, hit the bushes!" biglang sigaw na lamang ni Stellar sabay talon sa katabing talahiban sa kanan nito. Hindi na nagtanong sila Sierra at Mystina at sumuong na din sa damuhan at tumungo. Maya-maya pa ay bumalik nga yung sasakyan ni kuyang bastos. Bumaba ito at tila hinahanap sila. Napangiti si Sierra ng makitang galit na galit ito na palinga-linga. Safe na safe sila dito sa talahiban. Turo sa kanila iyon nila Dra. Laydia at Dra. De Leon. Pag daw may gustong takasan, tumalon lang sa talahiban. Ahas at insekto free daw yun at reliable place para sa mga empleyado ng N.C.M.H na hinahabol ng kung sino. "Ay, galit na galit si fafa. Panalo ka talaga Sierra!" pabulong na papuri sa kanya ni Mystina habang nakaupo sila sa damuhan. Umiling-iling lang si Stellar habang pinapanuod ang lalaking may tinawagan na naman sa cell phone, "Ang yabang talaga ng aura ng lalaking yan... teka... parang pamilyar ang mukha nya... san ko nga ba nakita yan... Artista ba Mystina?" tanong nito sabay kuhit sa kapatid. "Sa t.v ate. Nakita ko na sa t.v yan... pero hindi ko rin matandaan..." Maya-maya pa ay sumakay na din ito, sakay ng kotse na pinaharurot ng mabilis. "Sino kaya siya? He looks familiar..." isip na lamang ni Sierra sabay sunod sa magkapatid na palabas na ng gate ng ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD