2- Eight years

1819 Words
"Duques, what's the status of the target?" I heard my commander over my left piercing. It is an enhanced Bluetooth earphone designed by our intel. It's more like an earring than an earphone. "Still the same Boss Quin...he never left his room," I said as I adjusted the lens of my baby—my marksman rifle. "Do you have clear shot?" "Negative Boss." I felt the numbness of my body. Walong oras na akong nakadapa sa makipot na kwarto ng abandunadong building tapat sa building na pinagtataguan ng most wanted terrorist sa South Africa. Three months na namin siyang minaman-manan. Mula pagkaapak pa lang niya dito sa Pilipinas, nakatutok na agad kami sa kanya. His country wants him to be dead. Isa itong bomb terrorist na nagpapasabog ng mga establishments at commercial buildings sa buong South Africa. Layon nito na lipulin ang lahat ng mayayaman at mga negosyante sa kanyang bansa at sa ibang panig ng mundo. At unti-unti na itong nagpapakilala sa mga karatig-bansa. He's one of the most wanted bomb terrorists throughout the world. The South African people warned the whole world of his existence. Nagkataon na nagtago ito sa Pilipinas. Too bad for him. Wrong move! Our team was specialized in capturing and terminating high valued criminals and terrorists that make our country their scape haven. We were soldiers under a secret private organization. We were well-trained and very dangerous soldiers. We were licensed to kill bad people. We got orders directly from our bosses without knowing their true identity, and through Boss Quin—ang aming captain commander—ang kinakausap nila. Dahil nga sa sekreto kaming mga sundalo ng isang orginisasyon, kaunti lang kaming mga meyembro ng aming grupo. At kaunti lang din ang may alam sa existence namin. Tanging ang mga nakatatas lang sa'min ang may alam sa team namin. Kahit nga ang mga pamilya namin ay walang alam dito. Ang tanging alam lang nila ay mga normal lang kaming mga sundalo. May alam din ang gobyerno, pero ayaw nilang makialam sa’min dahil unang-una, nakikinabang din sila sa’min. At hindi lang sa pagyayabang…mahirap na kalaban ang aming grupo. "Gato, can you make a way for us to get in?" Boss Quin asked Tenten. "Ah-rmm...sure boss! Basta may clearance si Tim sa area. I don't want to fly because of the explosions!" natatawang sabi ni Tenten. I heard something on my earphones. It seems like he's munching something on his mouth. Teka, kumakain ba 'tong kolokoy na 'to? Tatlo lang kami ngayon sa misyon. Uh-huh, as in tatlo lang. Kayang-kaya na namin pataubin ang may isang-daang kalaban kasama na ang leader nila. Yabang ba? Pero sa totoo lang, mas kaunti lang kami, mas madali at mas matagumpay ang magiging resulta sa misyon na 'to. Dahil sa kaunti lang kami, hindi nila kami matutunugan. "Husain, have you cleaned up the mess?" "Ah...just a minute boss. This pretty baby here is a little bit complicated," pabulong na sabi ni Tim. "Oy! For the first time...nahihirapan ang bomb maniac!" asar ni Tenten kay Tim. "Magtigil ka Tentenenen! The position of the bomb is complicated, not the bomb itself! Kaunting galaw lang nito, sabog ang mukha mo!" Tenten laughed. "Bakit mukha ko lang ang sabog? Bakit di ka kasali?" Tenten was still laughing. "Dapat nga mas mauna pang masabugan ang mukha mo kaysa sa 'kin!" "Sa sobrang guwapo ko kasi, mahihiya ang bombang 'to na patamaan mukha ko!" pang-aasar ni Tim. But we all knew that he's confident enough, to detonate the bomb. He's the expert with that matter. "Tsk! Sabihin mo lang kung weak ka na Timoteo—" "Pwede ba? Ang ingay ninyo? Bilisan n'yo na nga diyan at nangangawit na ko dito!" I cut off Tenten whatever he was saying. They are buzzing my earphones. Nakakairita lang! Kaya ko pa naman talaga, excited lang akong tapusin ang mga buhay ng mga hayop...di joke lang! Excited akong tapusin na ang misyon namin. Hindi naman ako serial killer para maging uhaw sa pagpatay. Ayoko lang kasi sa lahat ang mga taong baluktot ang mga pinaniniwalaan at idinadamay pa ang mga inosenteng tao sa kanilang mga kabaliwan. "Tsk! Ang sungit mo talaga mach! Manang-mana ka—" "May problema ka Gato?" Tenten was cut-off again. This time, by Boss Quin. "No Boss!" Tenten giggled. Parang bakla lang...tsk! "Heck ya...got ya, baby!" Tim said with glee. It's our signal. It means he detonated the last bomb. We're clear to shoot all the men alive without making anything explode. We don't want to have any casualties on our side. Lalo na't tatlo lang kami ngayon. Ang lungga kasi ng mga terorista ay punong-puno ng mga bomba at kung ano-anong patibong. Pero na detonate na lahat ni Tim. It's showtime! "Okay, team...show me what you've got!" "Heck yeah!" we said in unison. Nakikinita ko na sa isip ko na pare-pareho kami ng ngisi ng mga kasama ko. Under the view of my lens, I saw Tenten jump off the wall. And with a fast shift of his moves, two men were down. I smirked. Nagpapasikat si kolokoy, kala mo action star na nakikipagbugbugan sa mga kalaban. Biglang nagkagulo na ang mga tao sa baba ng building. Hanggang sina Tenten at Tim ay sabay na nakikipaglaban. Bugbugan dito, barilan do'n. "f**k! Nagugutom na tuloy ako sa ginagawa natin! Hayaaa!" Tenten was shouting. I flinched a bit. Nagka-static kasi ‘yong earphones ko dahil sa sigaw niya. Parang sira ulo lang talaga 'tong si Tenten...nag-ala Jackie Chan ba naman! I sighed. "Lagi ka namang gutom mach! Wag kang magreklamo diyan!" pasigaw ding sabi ni Tim. "At your back...you idiot!" Bago pa man makaharap sa likod niya si Tenten para barilin ang kalaban, napaputukan ko na ito. Headshot! I smirked. "Got ya, baby! Watch your back, you morons. Hindi na kayo mga bata para bantayan ko pa!" sabi ko sa kanila. "Whatever!" Tim and Tenten said in unison. At nakipaglaban pa rin sila sa mga kalaban. Parang hindi maubos-ubos ang mga kalaban nila pero hindi man lang makaporma ang mga ito sa mga kasama ko. Nakita ko sa binocular ko na hindi pa rin lumalapit ang target sa bintana para sa clear shot ko. Napapalibutan pa rin ito ng mga bantay. Nawawalan na ko ng pasensya. Kailangan kong gumawa ng paraan. I want this to be done. "Yow guys! Baka gusto niyno ng bagong playground? Our little one's hiding on his pants," sabi ko. Alam kong kuha nila Tim ang sinabi ko. I saw them run through the corridors as they aim and fire their guns on their opponents. Nakaalalay lang ako sa galaw nila. Pero alam kong kaya nila ang lahat ng iyon kahit hindi ako tumulong sa kanila. As they fade on my sight, I saw a commotion inside the hive of the termite. Unti-unting umaatras ang target. Oh yeah...a little bit more dumbass! Kasabay ng pagbubukas ng pinto ng kwarto, ay ang sunod-sunod na pag-atras nito hanggang sa mapasandal ito sa gilid ng bintana. I smirked before I pulled my trigger. I got the target, shot on his head. I did the same on his men. Just a few seconds, they were all down. "Clear..." I said with a grin on my lips. "Hooow yeah! C-clear!" hinihingal na sabi ni Tenten. Napailing na lang ako nang makita ko pa silang nag-apir ni Tim. Mga sira-ulo talaga! "Good job team! Mission accomplished. Now, back to the camp." "Yes, Boss!" "s**t! Nakakapagod talaga..." hinihingal pa ring sabi Tenten. "Oh akala ko ba gutom ka lang?" tanong ni Tim. "Yon din..." natatawang sagot ni Tenten. "Oy Bee! Kain muna tayo diyan sa mamihan two blocks from here. Nakakaramdam na rin ako ng gutom," ani Tim. "Whatever moron...see you at eighteen hundred." Then I cut off my line with them. Ang gulo kasi nila. Nakakairita lang talaga mga boses nila, pati na rin mga pagmumukha! I safely disassembled my rifle and fixed my things and put it on my traveler's bag back. Nagpalit na rin ako ng damit at nagpunas ng sarili dahil dumikit na sa katawan ko lahat ng dumi at pawis. I made sure that I will look like a natural civilian, more like a traveler. I bet Tenten and Tim will do the same too. Bawal kasing ipaalam sa iba ang mga trabaho namin. Para na rin iyon sa kaligtasan ng lahat, lalong lalo na sa aming pamilya at sa aming mga sarili. As I walked down, my phone rang. I read on my phone's screen. Keith Labuan's calling. Labuan... Eight years ko ng hindi naririnig o nababanggit yan. I felt my tongue thicken and felt again this heavy feeling on my chest. I answered the call. "Yeah?" bungad ko sa kanya. That's the only thing I could say. Nag-aalangan pa kasi ako kung kakausapin ko siya o hindi. "Hey bro! uhmm...you see? I know you'll be a bit busy with your work..." Malumanay na sabi ni Keith. Kumunot noo ako. Kailan pa nababading ang isang 'to? "Direct to the point you, ass...you know how my time counts!" I hissed. Not true, may time pa talaga ako sa ganitong phone call. It's just that... I sighed. He cleared his throat. "Ah...kasi may alumni home coming tayo mamaya. May performance number ako at ang grupong DADZ...do you know them?" Sikat kasing singing-artist ang best friend ko. Yes, this ass is my best friend from pre-school up to now. "You idiot, how will I not know them? Kasali sa grupong 'yan si Aiana, ‘yong pinsan ko!" naaasar na sabi ko sa kanya. He chuckled. "Oh...sorry my mistake! Nakalimutan ko. Magpinsan nga pala kayo," he said, still chuckling. "Oo nga pala, kasali din pala sa grupo si Andra na ex-girlfriend mo, na niloko mo, na best friend ng pinsan mo." I clenched my teeth. Minsan talaga, gusto kong kalimutang magkaibigan kami ng abnoy na 'to. "Ex ko na first love mo..." I stated. Bahala siya kung maasar siya sa 'kin. He cleared again his throat. "A-anyways...you should come. Panoorin mo sana kaming magperform ng live. Alam ko namang hindi mo rin kami napapanood sa T.V." he said. "And anyway, we're on the way to Hinamok Island. Doon ang venue daw." "We?" kumunot-noo ako. "Yeah...kasama ko si Maja, sinundo ko siya sa ospital. Galing siyang fourteen hours duty, wala pang tulog. She's silently killing herself—" "Oh shut up Kuya!" I gasped. That voice... I felt my heart skip a beat. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Narinig kong parang nalaglag ang telepono ni Keith. Then a sweet voice spoke on the line. "Ah...Bee...will you—" "I will not come." I cut her off whatever she was saying...I don't care. Then I ended the call. My heart was beating so fast. Mas mabilis pa ang t***k ang puso ko ngayon kaysa kanina no'ng nasa misyon ako. Eight years have been passed. The beat of my heart's still the same. Masakit pa rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD