1- Boyfriend

1482 Words
I feel exhausted. I'm so tired and sleepy but I still have to be attentive. Mahirap na, baka mamaya may isugod ulit dito sa emergency room. Tapos na dapat ang duty hours ko, pero napa-overtime ako kasi wala pa akong karilyebo. Fourteen hours and counting! I'm really tired. Buti kung hindi ako night shift? Gusto ko nang matulog! Night shift ako, pero ito't malapit na mag-lunch break gumagawa pa rin ako ng charts para sa mga bago naming patients. “Maja, kaya mo pa ba? Kaunting tiis na lang beh ha, darating na rin si Seigie—my darling. Uwi ka na agad pagdumating na siya.” Sabi ni Trixie, sabay haplos sa ulo ko. Pang umaga siyang nurse, pero naabutan pa ako. Nahalata niya siguro na sobrang pagod na ko kaya niya ko nilapitan. Day off kasi ng isa naming kasama. Kaya half ng duty hours nito, ako ang sumalo. Parang nakalitaw na nga ulo ko sa sobrang antok! Malapit na akong maging Zombie kung maglakad. I sighed and continued taking down notes on the charts. Ang hirap talagang maging nurse sa isang public hospital. Kulang na kulang na nga sa sinasahod at benipisyo, kulang pa rin sa man power. Kaya marami ang nangingibang bansa dahil sa kalagayan ng mga tulad naming nurses dito sa ating bansa. Pero kahit na hirap ako at kakarampot lang na sahod ay never ko naiisip na mangibang bansa. Kontento na ko sa buhay ko dito sa munting bayan namin…ang Mabaysay. Marami akong masasaya, malulungkot, nakakaasar, at nakakabaliw na memories dito. Marami rin akong maiiwan na mga taong mahalaga sa 'kin dito. Ayoko ng gano'n. At isa pa, I love my job! Naks! Dakila! “Mga bakla! Nandito na ang sobrang ganda niyong friendship!” impit na tili ni Segundo Baldero Jr. a.k.a. ‘Seigie’ pero mas gusto niyang matawag na Shekainna stamina mina e e e waka waka e e… ready, sing! I rolled my eyes as he approached us. “Baks, ‘sobra’ lang…walang ‘ganda’ wag kang assuming.” Sabi ko sabay ngisi sa kanya habang pina-finalize ko ‘yong mga charts ng mga pasyente. “At wag kang tumili! Pagagalitan na naman tayo nila Doc.” “Awts! Ang hard mo beh! Maganda ka lang ng mga one-fourth sa 'kin eh...” napa-pout na sabi nito habang nakapilantik ang mga daliring ini-scan ang mga charts na ginawa ko para ma-review niya. Sila kasi ni Trixie ang makakasama nila Doc sa pagra-rounds mamaya. “Seigie, my darling!” ani Trixie sabay yakap at halik sa pisngi ni Seigie. Para namang masusuka sa pandidiri si Seigie habang kinakalas ang mga braso ni Trixie at marahas na pinahid ang pisnging hinalikan nito. “Yaks! Kadire kang hitad ka! Niyuyurakan mo na naman ang puri ko!” maarteng sabi ni Seige. Mas humigpit naman ang pagyakap ni Trixie sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na nilalamutak na ni Trixie ang mukha ni Seigie. Diyos ko po! Pasintabi sa mga makakakita! Pinigil ko namang matawa dahil halos himatayin ‘yong bakla sa pagpigil sa sariling wag tumili at sobra ang self-control nito na wag sapakin si Trixie. “Gosh, lovebirds…get a room!” I hissed while fixing my things. Wala namang kaso sa ginagawa nila. Kaming tatlo lang naman sa emergency room. Nailipat na namin sa mga ward ‘yong patients namin kanina at wala pa ring mga bagong pasyente. Kaya kahit magharutan ‘tong dalawang ‘to, ay okay lang. Wag lang silang papahuli! Isa pa, sanay na sanay na ako sa eksena nilang ito. “Help! 911 help! Niri-rape ako ng kadiring babaitang ‘to!” impit na tili ni Seigie at sinusubukang kumawala sa yakap ni Trixie. “Ano ka ba Seigie darling? Walang tutulong sa'yo...tayo-tayo lang naman dito, aalis na rin si Maja. And it will be you…and me...alone.” ani Trixie habang nakadantay ang magkabilang braso nito sa leeg ni Seigie, at sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t isa. “And I’ll assure you, you'll enjoy every single thing that I will do to you…” “B-baks…w-wag…v-virgin pa ko…” kanda utal at napapalunok pa si Seigie at namumutla pa ito. Napailing na lang ulit ako habang natatawa. Wala talagang patawad si Trixie. Hindi talaga ito titigil hangga't di naitutuwid ang daang pinaniniwalaan ng mahal niyang si Seigie. Matagal-tagal na rin silang ganito, since college pa. “Oh, pa’no guys? Alis na ko ha? Enjoy kayo! Ninang ako ha?” biro ko pa sa kanila. “Ingat ka beh!” ani Trixie. Narinig ko pang tinawag ako ni Seigie habang palabas na ako ng emergency room. Pagkalabas ko ng ospital, nagulat pa ko nang may humarang na Fortuner sa harap ko. “Yow there, pretty lady! Hop in!” ani ng naka-shades na driver ng kotse. Napakunot ang noo ko. Ako ba ang tinutukoy ng lalaking to? Bahagyang nakababa lang kasi ang tinted na bintana ng kotse nito at isa pa, hindi ko makita ang mata nito kung saan ito nakatingin at kung sino ang kinakausap ng lalaking to. Nagpalinga-linga ako sa paligid ko, pero wala akong nakitang tao—meron naman pero nasa malayo sa 'kin. “A-ah…sir? Ako po ba ang pinapasakay ninyo?” kinabahang tanong ko. “Uh-huh, double-time pretty miss. Hop in, because I don’t have all day! Magchi-check in pa tayo sa hotel!” Juskolord na purple! Napagkamalan pa yata akong nag-i-extra service! Pero teka? Ang aga naman yata? Diba dapat gabi? Isa pa, di naman pokpok lane dito ah…nasa tapat pa ko ng ospital at naka-uniform pa naman din ako! “Hoy mister! Di mo ba matiis kalibugan mo at tirik na tirik pa ang araw naghahanap ka na ng init ng katawan! Try mo kaya hintaying mag-gabi para sulit naman ang lamig ng panahon sa init ng katawan na hinahanap mo?! Isa pa, hindi ako pokpok! Nasa tapat ka ng ospital, mali ka ng lugar na napuntahan! Kita mo ‘tong uniform ko? Nurse ako! Nurse!” galit na sigaw ko sa kanya. Wala akong pake kung pinag-titinginan na ako ng mga taong nakarinig sa mga sinabi ko. Hayop na to? Di nalang mag-maryang palad! Masakit na nga ang ulo ko dahil sa puyat…mas pinapainit naman dahil sa manyak na taong ‘to. Napaatras ako nang biglang bumaba ang driver ng kotse at napatanga na lang ako. Towering before me was the most paid local and international singer-actor. His skin was glimmering tan under the sun, it was as white as snow before as I remember. His coffee-brown dyed hair was perfectly messed and it adds up on his s*x appeal. In a slow-motion effect, he wears off his shades revealing his chestnut-brown chinky eyes...eyes like mine. And a smirk was shown on his seductive lips, as he intently glares at me. Iyong feeling na nanood ako ng commercial? ‘Yon nga lang hindi sa T.V. kundi personal! Ito ‘yon! “Ano bang pinagsasabi mo Majalina Labuan? Iyan ba ang epekto sa’yo ng kawalan mo ng sapat na tulog? Tsk!” Napakurap-kurap ako. “Kuya Keith?!” I feel relieved. Shit! Koraknez! as in ‘kuya’ ang sikat kong pinsan—na mukha namang abnoy kaya di ko alam kung bakit pinagkakaguluhan? “No other than!” sabay pose nito na pang-model ang dating. Tapos bigla naman itong tumawa ng malakas. “Nakakatawa ka talaga alam mo ba ‘yon?” natatawa pa ring sabi nito. “Pagkamalan mo ba naman akong naghahanap ng bente-bente?” I glared at him. Sarap tirisin! “Iiihhh! Kasi naman, para kang abnormal?! Di na lang ibaba 'yonh windshield, para nakita ko ‘yong mukha mo! Naka-shades ka pa man din! Mas lalong di ko nakita mukha mo! Tinatawag mo pa akong miss! Tapos sabi mo pa na magchi-check in tayo sa hotel! Ano sa tingin mo ang iisipin ko?” Nagkibit-balikat lang ito. “Wala lang…para cool!” sabi nito. Haist…abnoy talaga! Hindi matinong kausap. Natatawang napailing ito at iginiya ako pasakay sa kotse niya. At mabilis din itong sumakay at pinausad ang sasakyan. “Pinapasundo ka sa 'kin ng mommy mo, baka raw nag-overtime ka pa kaya wala ka sa bahay ninyo nang umalis sila nila mommy papuntang Hinamok Island, para maagang makapagcheck-in.” “Anong gagawin nila do’n?” takang tanong ko sa kanya. He made a long pause. He stares at me with that 'i-petty-you' look in his eyes. And made a deep sigh. “Hay naku…malala ka ng talaga...tsk!” He glared at me. “Nakalimutan mo na ba? Ikakasal ka na mamaya!” Ano daw? “A-ano?!” It took me a long time to digest what he said to me. Ako? Ikakasal? Pano? Saan? Bakit? Sino ang groom ko? Shit! Agad ko namang binatukan si Kuya Keith ng maalala ko na. "Pakyu ka kuya! Wala naman akong boyfriend!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD