One

2041 Words
"Mr. Del Rosario, pwede ka bang mainterview?" tanong ng isang babaeng reporter na sinubukang harangin ang lalaking palabas ng building. Maagap naman itong hinawi ng isa sa mga bodyguard at sinubukang takpan ang camera ng cameraman na kasama nito. Maraming reporter ang naghihintay sa labas ng building at kung hindi tumulong ang mga security guards ay hindi nakayanan ng mga bodyguards ng lalaki na mailayo ito. "Sir, anong masasabi mo sa balitang binuksan ulit ng mga Alicante ang kaso laban sa'yo?" "Mr. Del Rosario, may itinatago raw silang ebidensya laban sa'yo, sa tingin mo nananakot lang sila?" "Sir, magigising pa ba ang asawa mo?" "Sir, totoo bang marriage for convenience lang ang kasal niyo?" Sunod-sunod ang tanong ng mga reporter pero hindi man lang huminto ang lalaki at dumerecho lang sa tinted na van.  Mula sa malayo ay tanaw ni Franz ang mga nagkakagulong reporter at ang pag-iwas ni Grayson Del Rosario sa mga ito. Nagpasya siyang umalis na rin nang makitang nakaalis na ang sasakyan ni Grayson. Franz looked at the guy sitting beside him na tahimik na nanonood before starting his car. "Mr. Del Rosario was stabbed three times and his wife was found in the street, only a few meters away from their house," basag ni Franz sa katahimikan. "Doon inabutan ng panganganak at unfortunately, she fell into coma. Based from the picture, pwedeng sabihing robbery nga dahil nasaksak yung lalaki, tumakbo sa labas yung asawa para humingi ng tulong at inabutan ng panganganak sa labas ng bahay. The baby didn't make it pero pinipilit ng pamilya ng babae na nakidnap ang bata but they can't prove their allegations. Sa tingin mo? Guilty kaya talaga si Mr. Del Rosario?" Napatingin si Zack sa kasama. "Binasura ang kaso laban sa kanya, 'di ba?" balik-tanong ni Zack sa anak ng amo. Recently graduate lang si Franz at bagong pasok pa lang sa opisina. He's smart pero dahil successful ang ama na may-ari ng security agency ay pressured ito na mapatunayan ang sarili. Highschool pa lang si Franz nang magtrabaho si Zack sa kanila kaya naging close sila ng lalaki. "I know. Pero may loophole e," halata na ang frustration sa mukha ni Franz. "Kung magnanakaw talaga iyon, bakit walang ibang fingerprint sa kutsilyo? Sabihin na nating gumamit ng gloves pero malabo pa rin e. Totoong nawawala 'yung sasakyan ng babae pero hindi naman nakitang lumabas ng oras na iyon. Base sa CCTV, umaga pa lang, umalis na. Kung tutuusin nga si Mr. Del Rosario dapat ang magsampa ng kaso if ever susundin ang ebidensya dahil mukhang 'yung asawa niya ang sumaksak sa kanya. Ang sabi naman ng pamilya, self-defense daw 'yung ginawa nung asawa niya kung ito nga ang sumaksak dahil papatayin niya at nakatakbo lang pero bakit tumawag pa sa kanya 'yung asawa pagkatapos tumawag sa police station, hindi niya lang nasagot. Ayon sa call record ng police, ang sabi nung asawa, please, save my husband. So, ibig sabihin lang noon, hindi siya galit sa asawa niya at imposible 'yung claim ng mga Alicante." Bahagyang napangiti si Zack, "So, ano sa tingin mo? Sino kay Grayson Del Rosario at mga Alicante ang nagsasabi ng totoo?" Saglit na nag-isip si Franz, "Wala." Kumunot ang noo ni Zack, "Bakit?" "May missing link. Pareho silang may itinatago," nahigit ni Franz ang paghinga. "Knowing the history of the Alicante and Grayson's family, mukhang idinidiin talaga siya ng pamilya ng asawa niya. Siya din naman mukhang ayaw mabunyag ang tunay na nangyari. Sarado ang cctv nung gabing iyon na noon lang nangyari." Napangisi si Zack. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Franz. "Wala. Private detective na private detective dating mo e. I'm so proud of you," tudyo ni Zack. Napasimangot si Franz at hindi napigilang magmura, "Kuya naman 'e. Tulungan mo naman ako. Kung bakit pa kasi tinanggap ni Daddy 'yung kaso. Pwede namang tanggihan ang mga Alicante. At ako pa talaga ang in-assign na private detective para mag-imbestiga kay Grayson Del Rosario. Para akong naghukay ng sarili kong libingan." Bahagyang tinapik ni Zack ang lalaki sa balikat, "Kaya mo 'yan. Malaki ang tiwala sa'yo ni Sir Franco. Usually, hindi inaassign ang ganyang case sa mga baguhan." Halata namang gumaan ang loob ni Franz. Nakarating na sila sa condo ni Zack. Hindi na bumaba ng sasakyan si Franz kahit inaya ni Zack na uminom muna ng beer. "Next time na lang, kuya. Gusto ko rin kasing tapusin 'yung report para maipasa ko na agad bukas." "Okay." Bago bumaba ng sasakyan ay may pahabol na bilin si Zack, "Bibigyan kita ng tatlong scenario maliban sa robbery. Una, posibleng tama ang mga Alicante. Grayson pre-meditated the murder of his wife pero nakatakas. Second, pwedeng ang asawa niya ang gustong pumatay sa kanya at palabasin na robbery kaya tumawag sa pulis. Alam mo na,para hindi siya mapagbintangan and three, lovers quarrel. Pwedeng nag-away sila at nasaksak ng asawa si Grayson. Crime of passion. Tapos nagsisi siya kaya nanghingi siya ng tulong. Alin sa tatlong iyon. Pero mag-ingat ka, parehong tuso ang magkabilang panig. Kung gusto mo, kakausapin ko si Sir Franco na bigyan ka ng kasama." "Huwag na," mabilis na tanggi ni Franz. "Kaya ko na ito." Aalis na sana si Zack pero tinawag ulit siya ni Franz. "Kuya..." Muling hinarap ni Zack ang kausap. "Kilala mo sila, 'di ba?" "Anong ibig mong sabihin?" "Si Hunter Saavedra at Grayson Del Rosario? I mean, kaibigan niyo ng girlfriend mo." "Sino nagsabi?" nagtatakang tanong ni Zack. "Si Daddy. Kaya mo ba tinanggihan ang kaso?" Nagkibit-balikat lang si Zack, "Hindi ko siya kaibigan. Pero mas mabuting na ring hindi na ako ang humawak. Unfair din kasi 'yon kay Grayson dahil kilala ko siya personally." "Sa tingin mo kaya niyang pumatay ng asawa?" Napangisi si Zack, "He can. But he will never do it." Pokerface na lumabas ng sasakyan si Gray at agad naman siyang sinalubong ng kasambahay nilang si manang Magda. Matagal nang namamasukan sa mga Saavedra ang matanda at ito lang ang pumayag na manilbihan sa kanya simula nang mamatay ang daddy niya. Ang iba, nagtangkang mag-reresign kung hindi kukunin ni Clarie, ang ate niya na ampon ng mga Saavedra. Kahit hindi sabihin ni Clarie, alam niyang takot sa kanya ang mga ito. Siguro dahil na rin sa nangyari sa asawa niya. Alam niyang kahit ibinasura na ang kaso, guilty siya sa mata ng iba. "Kumain ka muna, Gray," bakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda. Siguro nabalitaan ang nangyaring pagdumog sa kanya ng mga reporter sa Saavedra building kanina. "Ipinagluto kita ng paborito mong kare-kare." Tumango si Gray, "Salamat, manang. Magpapahinga lang muna ako." Hindi na siya pinigilan ng matanda. Gray never smiles. Mahal ang mga ngiti nito pero alam niyang mabait na bata ang lalaki. Isa siya sa naniniwala na hindi totoo ang ibinibintang dito. Gusto sanang umidlip ni Gray pero ayaw siyang dalawin ng antok so he decided to take a shower instead. Papasok na siya ng banyo nang mag-ring ang cellphone niya. "Hey," bungad ni Clarie. "I just called to see if you're okay. I saw you on T.V. You should really get a haircut, you know. Mukha kang addict e." "I'm fine," tipid na sagot niya. "What do you want?" Tumigil sa pagtawa ang babae, "I'm in town. Gusto mong magkita tayo?" "Next time na lang. I'm not in the mood to go out," walang ganang sagot ni Gray. "Gray," bakas ang pag-aalala sa boses nito. "The truth will come out. Huwag kang mag-alala. Nagsasayang lang sila ng pera. If you're really innocent, lalabas ang totoo." Hindi nakasagot si Gray. "Anyway, I'm on my way to the hospital. I wanna visit my sister. Isasama sana kita kaya lang baka magkita pa kayo ng pamilya niya." "Clarie..." "Don't worry, hindi nila makukuha sa atin si Hunter." Muling natahimik si Gray. Tila nakaramdam naman ang kapatid kaya nagpaalam na ito. Nahigit ni Gray ang paghinga bago pumasok sa banyo at ituloy ang balak na mag-shower. Kasabay ng paglagaslas ng tubig mula sa gripo ay ang pagbalik ng mga ala-ala ng nakaraan. "Grayson, right?" "Mr. Alicante," tinanggap ni Gray ang pakikipagkamay ng lalaki. Simon Alicante is the brother of the late Marcelo Alicante. Halos kasabay lang ding namatay ng daddy niya ang lalaki. Simon is the chief operating officer of Alicante inc., business partner ng Saavedra and member of the Blacksmith's council. "Naabala ba kita?" "Hindi naman. Coffee?" alok niya. Nakangiting tumango ang matanda. "No sugar. Dark, like my soul." Ngumisi lang si Gray sa biro ng matanda. "So, have you considered the proposal of your parents?" masiglang tanong ng lalaki. Inilagay ni Gray ang kape sa harap ng matanda bago sumagot, "I don't know, Mr. Alicante. Your niece is a great person. Kapatid ang turing ko sa kanya at ayokong masira iyon dahil lang sa pamana ng daddy. Kung kay Hunter talaga ipinamana ni daddy ang kumpanya, wala na kaming magagawa ni Clarie. Isa pa, pinamanahan naman kami at sa mata ng batas, anak pa rin ako sa labas. Hunter is still the legal child." Ngumiti si Mr. Alicante, "May girlfriend ka na ba, Grayson?" Hindi nakasagot si Gray. "I don't understand why you have to choose a woman like that, son," napailing si Mr. Alicante. "You're a Saavedra. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman ang tungkol sa kanya?" Nahigit ni Gray ang paghinga. "Do you love her? Nagamot na ba 'yung sakit niya?" Bahagyang naalarma si Gray pero hindi siya nagpahalata. "I forgot that I have a meeting to attend. Tsaka na tayo mag-usap Mr. Alicante." Natatawang napailing si Simon pero halatang hindi nagustuhan ang pagtataboy niya, "I can take her to the best doctor in the U.S., Grayson. Pumayag ka lang sa gusto namin." "I can take her to the U.S. too, sir. Baka nakakalimutan mong may pera din ang pamilya ko." "Alive?" may pagbabanta sa boses ng matanda. Nanatiling kalmado si Gray. "Well, you see, Gray. Ito na lang talaga ang pag-asa natin na ma-secure ang posisyon mo at ng pamilya ko sa council. Hahayaan mo bang masayang ang ipinaglaban ni Carlito?" "Ang pamilya niyo ang tagilid, Mr. Alicante. Kaya kung kani-kanino niyo gustong ipakasal si Hunter. Poor, Hunter. Sana lang hindi siya magsisi na sumunod siya sa inyo." Lalong natawa ang lalaki. "She knows better than to defy us." Bahagyang kinabahan si Gray. Hunter may be part of the Alicante family pero she didn't grow up with them. Katulad niya na iba ang pamilyang kinagisnan. Tumayo na si Mr. Alicante, "salamat sa kape, Grayson. I'm looking forward to my next cup of coffee. Hopefully, not in a wake." Grayson stayed calm. That's one of his strength. Hindi siya nagpapakita ng emosyon sa kalaban. "By the way, your girlfriend is really good in bed. I might take her to Bangkok on my next trip." Isang masamang tingin ang ipinukol ni Gray sa matanda. Tumawa lang ito bago naghanda sa pag-alis. "Marry my niece, Grayson and your girlfriend will be safe and well. But if not," nagkibit-balikat muna ito bago ituloy ang sasabihin. "alam mo na kung saan inilalagay ang basurang katulad niya." "I, Grayson Del Rosario, take you, Hunter Elris Jade Saavedra, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love and honor you and follow you until death," Gray looked at her habang binibigkas ang mga katagang iyon. But his face was blank. They both know it wasn't sincere. Maybe, only the last part. Hunter smiled at him as she recited her wedding vow. "I, Hunter Elris Jade Saavedra, take you, Grayson Del Rosario, for my lawful husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, in life and in hell, I mean heaven, until death do us part." Nagpalakpakan ang lahat. Most of the guests were not aware how fake the wedding was. That both the bride and the groom wanted to run away.  "I now pronounce you, husband and wife," nakangiting sabi ng pari. "You may kiss the bride." Tumalikod na si Gray at akmang aalis na nang maramdaman ang pasimpleng paghila sa kanya ni Hunter. "Gray," bulong ng babae. "we need to kiss." Napatingin siya sa babae na halatang napahiya sa ginawa niya kasabay ng mahinang pagtawa ng ibang mga bisita. Walang nagawa si Gray kung hindi bumalik sa harap ng altar. He removed her veil and stared at his new wife. Hunter gave him a smack kiss on the lips before facing the visitors and gave them a fake smile. Everything was a blur after that. Napapikit si Gray habang patuloy pa rin ang paglagaslas ng tubig sa shower. Maybe it was really wrong to marry her. Tinapos niya na ang pag-shoshower at nagtungo sa closet para kumuha ng damit. He decided to take a nap bago kumain. Nahihiya rin siya kay manang dahil nag-abala itong magluto. Ito na nga lang ang nagtiyatyagang katulong sa kanya. Nakapikit na siya nang tumunog ang cellphone. Hindi niya sana sasagutin iyon pero patuloy pa ring nag-riring kaya napilitan siyang bumangon. Again, it was Clarie. "Hello?" hindi niya maitago ang pagkairita. Ayaw na ayaw niya kasing naaabala sa pagtulog. "Gray..." Naalarma siya nang marinig na tila garalgal ang boses ng kapatid. "Clarie, what's wrong?" "S-Si Hunter..." narinig niya ang paghikbi nito. "C-come here..." Tila namanhid ang buong katawan ni Gray lalo na nang tuluyan nang napaiyak ang kausap. "G-gising na siya. Hunter woke up from coma."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD