2

521 Words
CHAPTER TWO   [Ella]   "Pasensya na kung wala ako sa tabi mo ngayon, Ella.." Isang tinig ng boses ang aking narinig. Napahinto ako sa aking paglalakad at dahan dahan kong nilingon ang taong matagal ko nang hinihintay. Ang taong iniwan ako nang walang dahilan.     Pagkatapos ng ilang taon ay nasilayan ko ulit ang gwapo at mala anghel niyang mukha. Unti-unting pumatak ang mainit na likido mula sa'king mata kasabay nang malalakas na hikbi.     "C-chester.." Halos mapaos kong tawag sa kanya. Ni hindi ko kayang ihakbang ang paa ko papalapit sa kanya.     Kahit nanlalabo ang mga mata, nakita kong lumapit siya saakin. Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay na pumalibot saakin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit, na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Gumanti ako ng yakap at ipinalig ang ulo sa balikat niya.     "Pasensya na...wala akong magawa.." Bulong niya saaking tenga.     Humiwalay ako sa yakap at tinignan siyang mabuti. Naniniguro akong siya ba talaga itong kaharap ko. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga.     Halo-halong emosyon ang namumuo saaking puso. Gusto kong maiyak, gusto ko ring magalit, gusto ko ring matuwa pero ang maiyak lang ang natatangi kong magawa. Blangko ang isip ko, wala akong masabi. Para akong nakakita ng multo at tila naparalisado ako.       "Pasensya na kung bigla akong nawala.." Pangatlong beses niyang sinabi sakin.     "B-Bakit mo a-ako iniwan?" Bakit mo kami iniwan ha?!       "H-hindi mo ba alam kung paano mo akong p-pinag alala?" Umiwas siya ng tingin. Hindi siya sumagot. Tila wala siyang balak magpaliwanag o kahit na magsalita tungkol sa pag alis niya.       "Sumagot ka!" Sigaw ko sa kanya.     "Ella.." Nanahimik ako. "Kailangan ko ng umalis." Giit niya at bigla nalang ulit akong iniwan at nawala na para bang bula.     ------------   "Mommy! Wake up! Mom!" Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakita kong tila nagaalala ang mukha ni Cath habang nakatingin sakin. Umayos ako ng upo at tinignan ang orasan. 7:38 PM. Gabi na pala at di ko namalayang nakaupo pala ako sa upuan ko sa opisina. Wala narin sina Mama, hindi man lang ako nakapagpaalam.     "What is it, Baby?" I asked.     "Y-you're crying." Sagot nito at niyakap ang  kulay violet na teddy bear na hawak niya. "Nalungkot p-po tuloy kami ni T-teddy." She pouted.     "Pack your things na. Uuwi na tayo. Mag si-cr lang si mommy ha?" Tumango siya at dumiretso sa kwarto.     Huminga ako ng malalim at pilit na pinigilan ang luha ko. Calm down, Ella.     Ngunit masyado atang mabigat ang naramdaman ko sa paniginip ko kaya't bumuhos nanaman ang walang sawang likido sa mata ko.     Ano ba naman kasi?! Akala ko kasi totoo na e! Akala ko magkakasama na kami ni Chester! Akala ko mapapakilala ko na sa kanya si Cathelyn pero mali ako. Dahil panaginip lang ang lahat.     "M-mommy..w-why are you crying?" I saw Cathelyn na may teary eyes na. Umiling ako at ngumiti.     "I'm not crying baby. Napuwing lang si Mommy. Let's go na?" She nod. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Tinext ko si Alleina na siya na bahala sa opisina at uuwi na ako.     Bago ako lumabas ng opisina. Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili. This is my 75th time that I cried because of him. At alam kong madadagdagan pa yan.   Chester...please come back...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD