bc

The Next Big Thing

book_age16+
833
FOLLOW
2.6K
READ
family
inspirational
single mother
drama
comedy
bxg
office/work place
another world
first love
chubby
like
intro-logo
Blurb

Babala: Ang istoryang ito ay Rated SPG. Maaring maglaman ng masasarap na pagkain, katabaan, mantika at over confidence na hindi naaangkop sa mga seksi at feeling seksi! Striktong gabay ng mga Chefs at Dietitian ang kailangan! Subo Pa Gaga!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Miss sorry wala na pong vacant position” bungad agad sa akin ng empleyado ng realty company na tumawag sa akin kahapon lang. Kumulo agad ang dugo ko at nagtaasan ang mga kilay ko, “Paano mawawalan ng vacant position eh kakatawag lang sa akin ng supervisor kahapon?!” galit na tanong ko dito. Nagulat ata sa reaksyon ko ang empleyado, bago pa ito makasagot ay lumabas ang isang lalake na naka-corporate attire at mukhang nakinig ang sagutan namin ng pobreng empleyado. “What is the problem here?” pa-importante nitong tanong habang tinitingnan ako. Grabe si Sir. Porke mataas lang ang position ay ang lakas na makapang-mata sa akin. Kung hindi lang ako sanay sa ganito ay baka tumungo na lang ako, “Sir kayo po siguro ‘yung tumawag sa akin kahapon. Naka-schedule po ‘yung interview ngayon.” Mukhang natigilan ang lalaki tapos hindi agad s’ya nakasagot sa akin, “I—I’m sorry miss but I don’t recall contacting someone for interview today. Baka na scam ka lang.” Tumaas lalo ang mga kilay ko. Grabe talaga ito, hindi siguro nabasa ‘yung resume ko ng mabuti.  Psychology graduate ako at alam ko ang hitsura ng hindi magaling mag-sinungaling sa t.h. Sasagot sana ako pero may biglang tumigil sa harapan ng office na sasakyan. Infairness, mamahalin s’ya huh? Chevrolet Cruze at brand new! Mas nakakaloka ang bumaba ng sasakyan. Mala Jesse Mendiola ang dating, Maria Mercedes ang peg!   Hindi ko malaman kung outfit for interview o para sa show ng pole dancing ang suot ni ate. Hindi ko din malaman kung Clorox ba o Glutha ang inintake n’ya para pumuti at higit sa lahat, hindi ko magets kung bakit kailangang mag shades eh sobrang kulimlim naman. Sensual itong ngumiti sa kausap ko at ibinaba ang shades. Sisigaw sana ako ng alien dahil halos wala ng puti sa mga mata n’ya sa laki ng green contact lens na parang may nagtumpok ng wasabi sa mga mata nito. Ramdam ko ang bigat ng mukha n’ya sa kapal ng foundation at hindi ko masabi kung bakla s’ya o binabae dahil sagala edition FULL BLAST MODE ang make-up nito. Tsaka ko lang nasigurado na babae ito ng umimik na ito na parang may sumasakal dito. “Breathless” mode. “Sir, I’m Divine Ayala. I just received your phone call early this morning about the H.R position. I hope I have dressed properly for the interview” sexy nitong imik sabay spread ng above the knee nitong pulang dress na may slit pa sa gilid at plunging neckline na kakulay na kakulay din ng mukha nito. Cream. May skin tone pala na cream, kala ko sa Persian cat lang yun... Tumaas baba ang Adam’s apple ni Sir at tumango agad, ang mga mata ay hindi maalis sa dibdib ni ate, “Oh no. I mean it’s fine. Please come in to my office” nagmamadali nitong bukas ng pinto. Nang napatapat sa kinatatayuan ko si ate ay lumingon ito ng saglit sa akin, akala ko nga bubuka ang bibig nito at sasabihin ang mga katagang “MY PRECIOUS” pero nagkamali ako. Tiningnan lang ako nito mula ulo hanggang paa, itinias ang kanang kilay at nag-chest out ng mabilis at inirapan ako sabay sunod kay Sir Manyakels. Bumuntong hininga na lang ako at napailing.   Hindi na kayang bilangin ng mga galamay ko sa katawan ang dami ng instances na nangyari ito sa akin nung pagka-graduate ko pa lang six months ago. Lagi na lang merong mas maganda sa akin, in all aspects hah?   I mean, ‘yung mas maganda sa akin physically... well, if you must know, mataba ako, overweight ika nga. Hindi naman ako kapangitan, pero sabi nga nila ‘pag mataba ka, chances are, mas mapapansin sa iyo na mataba ka kesa sa mukha mong acceptable naman. Next, mas maganda ‘yung background sa akin, financially, di-hamak na mas mayaman. Scholarly, hindi hamak na galing sa At-neyoh and De L-Salle.   Sa credentials lang ako nahabol. Wala akong grade below eighty-four noong grumaduate ako. Consistent deans lister ako at wala akong back subjects. Kahit nga p.e ko, ninety plus lahat ng grades ko pataas considering the fact na obese ako. Nasungkit ko din lahat ng awards sa lahat ng setting ng ojt ko at kung ano-ano pang academic awards. Pero ano silbi nun kung wala naman akong ganda? “Ah... Miss... sorry ha?” biglang sabi sa akin nung empleyado. Napatingin naman ako sa kanya. Napansin ata na natulala ako at malayo ang iniisip. Naawa ako sa hitsura nito, mukhang guilting-guilty. Ngumiti ako ng matamis at tumango sabay nagsinungaling, “Naku wala ‘yun ate!” masaya kong sagot dito sabay tawa kahit mangiyak, ngiyak na ako sa loob. May mga nagsasabing nakakadala daw ang ngiti ko, nakakapagpa-kalma... sayang lang at ‘pag naharap ako sa salamin, hindi ko mapa-kalma ang sarili ko. Mukhang gumana kay ate ang aking smile at napangiti narin ito, “Ganun talaga ang boss ko, nung dumating yan dito ang kinukuha agad ay either maganda at sexy o ‘yung mukhang madaling kulbitin. Sayang hindi mo naabutan ‘yung branch head na tumanggap sa akin.” “Ganyan talaga ang buhay ate. Malaki ang advantage ng mga magaganda kesa sa matatalino in many ways than one. O, sya, una na ako ha, good luck!” masayang paalam ko dito sabay talikod at naglakad na ng palayo. Para lang akong nasa scene ng isang movie o libro. Naglalakad sa gitna ng daan. Kasabay ang madaming tao. Tulala, habang makulimlim ang langit at syempre walang payong na dala (makakalimutin eh).   Bata pa lang ako, naipamulat na sa akin ng tatay ko ang katotohanan. Unang beses pa lang akong pinagtulungan, sinabihan na agad n’ya ako na ang mundo ay hindi kasing ganda at say ang napapanuod ko sa t.v. Sabi ni Tay, kadalasan pa nga daw ay mga mapang-husga at panlabas lamang ang tinitingnan.   Naalala ko pa nga nung maging salutatorian ako nung grade six na hindi s’ya masyadong natuwa kasi sobra daw akong mag-aral. Gusto n’ya relax lang ako at hindi n’ya ako pinaghahanapan ng matataas na grade. Sabi ko naman dun na lang ako babawi sa grades. Kung ano ang kinulang (or to be accurate, sumobra) sa aking hitsura ay idadaan ko na lang sa pag-aaral. May sasabihin pa sana si tatay noon pero hindi na lang ito umimik. Lumipas ang mga taon at naka-graduate ako ng high-school, salutatorian ulit ako at sinabitan ako ulit ng mga medal ng tatay ko. Pero gaya ng dati, hindi rin ito lubos na naligayahan kahit pinapakita nito na proud na proud sya. Tumitig lang sa akin ito na parang naawa. Hindi naman ako nagagalit sa kanya. Alam kong may dahilan kung bakit ganun ang reaksyon n’ya sa tuwing magdadala ako ng mga awards at medals sa bahay. Lumaki kasi akong walang nanay at s’ya lang ang inaasahan ko na pupuri sa akin. Lagi naman nitong dini-display ang mga awards ko pero kasabay nun ay mga paalala na wag ko daw pwersahin ang sarili ko at wala daw akong dapat patunayan sa iba. Psychology ang kinuha kong course ng nag-college ako. Dito na kami nag-away. Gusto n’yang kunin ko ay education kung saan sigurado daw ako may trabaho pagka-graduate ko. Sabi ko naman gusto kong maging katulad n’yang psychologist. Noon ko lang nakitang tuluyang maubos ang pasensya ni tatay. Nakakakilabot at nanlamig ako habang nakatitig s’ya sa akin habang sinasabing mahihirapan ako ‘pag ‘yun ang kinuha kong course. Syempre, dala na din siguro ng inis at teen angst ay hindi ako nagpatalo. Dumaan ang apat na taon at as expected, nakaranas ako ng panloloko, panlalait, panlilibak... (teka, parang magkakapareho naman ata ng meaning ‘yung tatlong ‘yun ah?) at kung ano-ano pang mga masasakit na salita ay narinig ko na. Pero sabi ko sa sarili ko, gagalingan ko na lang sa pag-aaral. At tumaas ng tumaas nga ang grades ko. Hindi man highest sa klase pero isa ako sa dalawang nangunguna.   Nagmana ako sa tatay kong hindi competitive at kuntento na akong pangalwa sa isa kong kaklase kaya naman kahit anong tsismis na binabato sa akin o kaya ay mga sinusumbong na kung ano-ano sa kaklase kong nangunguna sa akin ay hindi nito pinapansin dahil alam nitong wala akong pangarap lamangan sya. Sa mga O.J.T naman ay ako naman ang naguna. Kahit hindi kami nag-uusap ni Leslie (hindi n’ya tunay na name) ay alam kong walang masamang iniisip sa akin. Napatunayan ko ito ng sinadya nitong babaan ang performance nito sa mga O.J.T para ako naman ang mag-shine. Nung grumaduate kami ay Magna c*m Laude s’ya samantalang academic excellence naman ang nakuha ko.   Ang nakakalungkot lang ay pumanaw na ang tatay ko bago pa man n’ya ako makitang umakyat sa stage o samahan akong mag martsa.   Dahil sa nasa ibang bansa na lahat ng mga kamag-anak namin at wala s’yang kapatid at patay na din ang lolo at lola ko ay solo akong lumakad. Masakit, pero kailangan dahil walang kwenta ang lahat ng pinaghirapan ni tatay kung hindi ako makaka-martsa. Tsaka ko lang nalaman kung ano ang gusto n’yang sabihin sa akin noon pagkasabit n’ya sa akin ng mga medals nung graduation ko ng grade six... Nabasa ko ang sulat n’ya na nakatago sa aking kwarto na alam n’yang tyak na makukuha ko ‘pag grumaduate ako. Nakasangat sa folder kung saan nakalagay ang birth certificate ko. “Kahit matalino ka anak, kahit may utak ako noon, hindi pa rin sapat iyon. Dahil dito sa atin, panlabas lang kadalasan ang tinitingnan, hindi kung ano ang nasa loob. Kaya anak, wag kang magpakahirap mag-aral, sapat na ang makapasa ka. Gusto ko sanang ma-enjoy mo ang oras mo habang bata ka dahil pagka-graduate mo malalaman mo na hindi awards at grades mo ang titingnan nila kundi ang panlabas mong hitsura. Pero wag ka mawawalan ng pag-asa at isipin mo na ang Diyos ay kayang gawing posible lahat ng imposible. Basta’t maghintay ka lamang.” Ilang beses kong paulit-ulit na binasa ang sulat ni tatay. Kung nakinig lang sana ako noon. Hindi sana ako nakakaranas ng ganitong hirap. Akala ko pag-graduate ko madali na ang lahat dahil matalino ako. May utak ako.   Ang kailangan sa negosyo ay utak... Pero mali ako... Ang GUSTO sa negosyo ay ganda at mukha. Kahit pa sa mga trabahong hindi naman pang-display. Nabasa ko nga sa net ang isang Registered Nurse, nagtitinda sa bangketa. May mga tao na swerte at maraming tao ang minamalas, gaya ko ngayon na inabot na ng ulan at basang basa na. Buti at nakalagay sa resealable plastic ang cellfone ko at nasa plastic envelope naman ang mga papeles ko kaya feel na feel ko magpakabasa sa ulan at mag emote. Ang lamig... October na kasi at nasa kalagitnaan ng typhoon season kaya sunod sunod ang mga ‘pag ulan at pagbaha.   Ng maiisip ko ‘yung baha part ay nagmadali na akong mag-lakad pauwi at itataas ko pa ‘yung mga gamit ko sa apartment na nire-rentahan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.1K
bc

That Professor is my Husband

read
505.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
177.2K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
454.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook