Chapter 2

1854 Words
“Buti na lang hindi ko pinagta-tapon ‘yung mga plastic bags na naipon ko sa probinsya at dinala ko pa dito!” masaya kong sabi kay Mila na hindi magkanda-ugaga kaka-empake habang sobrang lakas ng ulan. Samantalang ako ay pa easy-easy lang. Lahat ng mga mababasang gamit ko ay tatlong beses kong binalot sa plastic bag sabay shoot sa maleta ko. Wala naman kasi akong masyadong gamit na dala kundi mga necessities lang talaga gaya ng wallet, ilang pares ng pambahay, corporate attire, kaunting panlabas na damit, tigi-iisang pares ng black shoes, rubber shoes at pambahay na sapatos, cell phone at credentials ko. Isa pa, maliit lang ang maleta ko at magaan kumpara sa size ko at weight. Haggard na humarap sa akin si Mila at nameywang sabay tinuro ang hagdan, “Hoy babae! Hindi mo ba nakikitang ilang oras na lang at matatagpuan na tayong patay sa pampang ng Pasig?! Bakit relax na relaxed ka pa dyan?!” demand nitong tanong. Napahikab ako sabay ngiti, “Sa tingin mo ba titigil ang baha ‘pag nag-panic at nagpaka-pagod ako dito? Hindi, ‘di ba? Kaya sa halip na mag-aksaya ka ng energy sa page-empake ng mga non-essential na gamit ay konti na lang ang dalhin mo at i-save mo ang lakas mo sa pag-akyat natin sa bubong” mahinahon kong paliwanag dito. Mukha namang natauhan ang aking roommate at hindi na inimpake ang ilang pares ng high heels, isang malaking make-up kit at ilang mga bag. “Oh, ‘di ba Mila? Ang dali huh? Oh, s’ya tara na at” naramdaman ko ang malamig na tubig baha na pinasok na ang kwarto namin, “Nandyan na ang tubig Mila... Don’t panic!” saway ko kay Mila na biglang yumapos sa akin at nanginginig na sa takot. Magka-akay kaming lumabas ng terrace at pinauna ko na s’yang umakyat ng hagdan paakyat ng bubong ng apartment namin. Luminon lingon ako at nakita kong sobrang taas na pala ng baha. Lubog na ang mga katabi naming mga bahay at buildings sa paligid namin. Ng makaakyat na rin ako sa bubong ay nag-tabi kami ni Mila sa ilalim ng malaki kong payong at tahimik naming pinapanood ang iba naming kapitbahay na nagsisi-akyatan na din sa kani-kanilang mga rooftop at bubungan. “Ryn, bat hindi ka man lang natatakot o kinakabahan?” mangiyak-ngiyak nitong tanong sa akin. Tiningnan ko ang aking katabi at hindi ko mapigilang mapa-awa. Ang pinaka-maganda at confident na Flight Stewardess na kilala ko maliban ka Maya ay ngayon ay takot na takot habang tinitingnan ang pataas na ng pataas na tubig. “Look Mila, ‘di ba lagi ko sinasabi sa iyo tuwing paalis ka ‘pag may flight ka na hangang hanga ako sa iyo dahil hindi ka natatakot lumipad? Think of it this way, ‘pag nag-crash ang eroplano mo I’m sure more or less wala ka ng pag-asang mabuhay. Pero sa baha na ‘to ang laki ng chance mo!” encouraging kong sabi dito sabay tapik sa payat nitong likod. Kumunot naman ang noo nito, “Huh? Paano naman lalaki yun?!” “Kahit kailan hindi ka lulutang sa hangin, pero sa training mo, everytime kang lulutang sa tubig!” Nagliwanag ang mukha ng roommate ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mukha nitong pagka-ganda-ganda, mala Shamcey Supsup ang tangkad at Venus Raj ang mukha kaya bentang bentang “Yaya sa Hangin” ika nga nya. Simula ng tumira ako sa apartment na ito ay nandun na si Mila. Biba ito, saksakan ng ganda at bait pero madaling mag-panic at stressed lagi, mga negative qualities para sa isang Flight Stewardess pero siguro natatakluban na ng physical assets n’ya ang emotional deficiencies nya. Maya-maya pa ay may nakita akong papalapit na lifeboat sa aming bubong. Niyakap agad ako ni Mila at nagsimula itong magtatalon at kumaway sa mga rescuers. Siguro likas na negative thinker ako kaya hindi agad ako nag-saya. Which turns out to be the right decision. “Isa na lang po ang kasya!” sigaw agad ng lalake sa amin. “ANO?!” galit na balik tanong ni Mila sa lalake na halatang sundalo dahil sa uniporme. Walang sabi-sabi ay initsa ko ang bag ni Mila sa lifeboat at malakas kong itinulak ang nang-gagalaiti kong roommate na alam kong hindi papayag na hindi ako sasama at siguradong magpapa-iwan. Napairit si Mila ng bumagsak s’ya sa mga bisig ng sundalo. Malakas na malakas ang ulan at hindi n’ya halata na umiiyak ako ng tuloy-tuloy, “Sige sir paandarin n’yo na yan!” Sumunod naman ang sundalo at nag-saludo pa ito sa akin habang si Mila naman ay hindi makaimik sa sobrang gulat. Ang ibang pasahero ay mangiyak-ngiyak na nakatingin sa akin habang papalayo ang lifeboat. “Ryn! Ryn!” paulit-ulit na sigaw ni Mila habang papalayo na ang bangka nito sa akin. Ang tangi ko na lang nagawa ay kumaway sa kanya. Grabe, hindi ko akalain na sa baha pa ako mamamatay. Papataas na ng papataas ang tubig at konti na lang at tuluyan nang lulubog ako sa aking kinatatayuan. “Tay, ang aga mo naman akong kuhanin! Na-miss mo siguro ako agad no? Wala siguro magluto para sa iyo dyan. Heh, wait ka lang at ipagluluto kita ng adobo pagkalubog ko dito ha?” nanginginig kong sabi sabay ngiti sa madilim na langit sa taas ko ng walang ano-ano ay may na stuck na nalutang na box freezer ng karne. Napakunot naman ang noo ko ng mabasa ko ‘yung logo sa gilid, “S.M HyperMarket Fresh Pork Meat Everyday” “Ano ito?! Joke?!” napangiwi kong sigaw, “Tatay naman! Sa dami naman pwede mong ipadalang kabaong, freezer pa ng mga karne ng baboy!” Teka... Pwede ko atang sakyan ito. No choice. I admit ayoko pang mamatay. May gusto pa akong gawin bago ako bawiin ni Lord. Sige. Larga kung larga. Itinapon ko ang maleta ko sa loob ng freezer na mukhang wala ng laman at saka ako sumakay. Akala ko nung una lulubog s’ya pero mukhang kayang-kaya naman ang bigat ko... teka, pang-baboy nga pala ito, syempre kaya ako! Nagsimula na akong anurin ng baha pero wala na din ako magagawa. Hinayaan ko na lang si God ang mag-dala kung saan man n’ya ako dalhin. -0- “Miss, buhay ka pa dyan?!” malakas na tanong ng isang lalaki at naalimpungatan ako. Ang sarap ng pagkakahiga ko sa sinakyan kong meat freezer. Pag-mulat ko ay nakita ko ang makulimlim na langit at mukha ng isang sundalo na parang takot na takot sa akin. Humikab ako at nagunat sabay tayo. Laking gulat ko ng makita kong napakadaming taong nakapalibot sa akin. Pagtingin ko ay mukhang nasa parteng Edsa-Boni ako. Mukhang natangay ako mula sa Barangka. May mga sasakyan pa ng ABS-CBN, GMA at TV5 na nagco-cover. Hindi ko alam kung paano magre-react kaya kinuha ko ‘yung maleta ko at tumalon palabas sa freezer. May mga naghiyawang mga tao at maraming nagpalak-pakan. Nagulat ako at nagsuguran ang mga reporters at maya-maya pa ay nag-ulanan ng mga tanong at nakatutok sa aking mga microphone. Nakita ko si Doris Begornia na talagang nakatitig sa akin. “Miss paano ka nakaligtas sa flash flood kagabi na kumitil sa daan-daang mga tao?!” mabilis nitong tanong. Hindi agad ako makasagot, “Ah, naiwan kasi akong nakatayo sa bubungan kasi hindi ako kasya sa lifeboat akala ko maghi-hintay na lang ako lumubog tapos may naanod sa tabi ko na freezer tapos sumakay na ako.” “Ganoon ba? Bakit ka natagpuang walang malay? Napahampas ba ang ulo mo habang matapang mong tinatahak ang ilang kilometro sa ilalim ng bagyong Pablo?” mabilis nitong follow-up question. “Ah, hindi po, nakatulog po ako. Nakaka-antok na eh” inosente kong sabi. Natigilan si Doris at napamaang na lang sa akin ang ibang mga reporters at crew ng mapahikab ako. -0-` “Hay... hindi na naman tanggap” malungkot kong sabi sa harap ng salamin habang nanghihilamos ako. Kakarating ko lang sa Perform Man Power Agency para mag-apply para maging clerk pero pagkadating ko pa lang ay nasabihan na ako na may nakuha na silang aplikante at syempre ng makita ko ang bagong hired ay maganda ito at sexy. Actually four months na ang nakakalipas simula ng binaha ako. Wala na akong contact may Mila at paubos na din ang pera kong inuuti-uti. Ilang buwan na lang at hindi na ako aabutang buhay dahil tumarak na ang mata ako sa gutom. Pagkalabas ko ng c.r ay nakinig ko na may babaeng nakanta. Ok naman ‘yung boses n’ya pero parang nasa rally ‘pag nadating na sa mataas na parte. “THIS GIRL IS ON FIYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!” Napangiwi ako at ang mga nakakasalubong kong empleyado ng agency. Nagkatinginan kami at nagkangitian. “Ok, that’s enough Ms. Lagrazon. Wala na bang iba?!” galit na tanong ng baklang nasa loob ng studio. Kinuhit ako ng isang empleyado at binuksan ang pinto, “Nakinig ko boses mo sa c.r miss. Bakit hindi mo i-try?” “Hah? Ako?! Tingnan mo nga katawan ko. Tingin mo ba tatanggapin ako dyan?!” gulat kong tanong ng pinagtulungan akong itulak ng mga nakasalubong kong empleyadon papasok. “Ms. Shamcey, pwede ba mag-try ‘yung isang aplikante sa office department? Maganda voice n’ya Ma’am nakinig ko sa c.r!” Pinagtinginan ako ng ibang aplikante. Grabe ang mga panlalait na sumunod. “Sya? Paano naman matutuwa ang mga customers kung pati sa stage may nakahain na ulam?” “God, ang taba naman nya!” “Is this some kind of a joke?!” “Disgusting!” “Baka mag-oink yan Ma’am!” “Ugh! Somebody call the butcher!” Tumaas naman ang kilay ni Ms. Shamcey at binweltahan ang mga nanloloko sa akin, “Mga tarantada pala kayo! Ang gagaling n’yo mang-okray eh mga wala naman kayong mga maibuga! Ang mga malalaki lang sa inyo ay ang mga peke nyong dibdib ang liliit naman ng mga utak nyo!” Akala ko dadalihin ako ni Ms. Shamcey pero ng humarap ito sa akin ay matamis itong ngumiti, “And you my voluptuous baby. Bakit hindi ka kumanta para sa akin? Kikita ako sa’yo, makakapag-abroad ka! Win-win, ‘di ba?” “Hah? Ina-aplyan ko po ay clerk, hindi singer sa abroad, Ma’am.” Tinikwas ni Ms. Shamcey ang buhok nito at tumawa ng pa-cute, “Oh c’mon my dahling! Mas malaki ang kikitain mo sa abroad at makaka-kuha ka pa ng mga yumminess na mga fafa! Winner ka! So, kumanta ka na! Any song or totoo ang mga nilait sa iyo ng mga babaeng ito, hmm?” Dito na nasaling ang pride ko. ‘pag hinahamon na akong patunayan ang sarili ko. Kinuha ko ang microphone at namili ng kanta sa tablet ni Ma’am Shamcey at plinay ang chorus nito. You’re all I need my dear, my one...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD