(1) Start of Family Friendship

583 Words
“Mom, the princess is there!” natutuwang turo ng batang Heever sa batang babaeng naglalaro sa swing. Bumitaw ito sa ina niya at dali-daling lumapit dito. “Princess!” tawag niya rito. The little girl of age four looked around to see kung siya ang tinatawag ng batang lalaki. “You!” turo sa kanya ng batang lalaki. Her forehead creased. “My name is not princess!” bulyaw niya rito then stuck her tongue out bago tumakbo papunta sa mama niya na nasa function hall. Nasa clubhouse sila dahil may gathering ang mga homeowners ng subdivision nila. They call it family day. Ginaganap ito every quarter para magkakilala naman ang bawat residente. Karamihan kasi sa kanila ay mga negosyante at hindi madalas napipirmi sa lugar nila. “Heever!” tawag naman ng ina niyang si Sheena at humabol rito. “Mom, I saw the princess,” saad nito at pilit na kumawala sa ina para habulin ang batang babae. Natatawa naman itong sumunod sa anak. “I didn’t say your name is Princess. I said you are a Princess!” narinig niyang saad ni Heever sa bata habang ito nama’y nagtago sa likod ng ina niya. Kilala niya ang ina nitong si Mrs. Nicasia Randall dahil nagkadaupang palad na rin sila noong unang lipat ang mga ito sa subdivision nila “Pasensiya na kayo, Mrs. Randall, medyo makulit kasi itong anak ko.” Nahihiya niyang saad dito. “It’s okay.” Nakangiti namang tugon ng isa saka hinila ang anak na nagtatago mula sa likuran. “What makes you think that Zachia is a princess?” malambing na tanong ni Nicasia sa guwapong batang lalaki. “Are you her mom?” tanong naman ng bata sa halip na sumagot. “Yes,” nakangiti namang tugon ni Nicasia. “So you’re the queen?” namimilog ang matang tanong ulit nito na ikinatawa ng dalawang ginang. “Pasensiya ka na ha kasi ang akala niya prinsesa yang si…” napatigil sa pagsasalita si Sheena at tiningnan ang cute na batang babae na nakahawak sa kamay ng ina nito. “Zachia,” pagtutuloy naman ni Nicasia “Yes, Zachia, beautiful name,” Komento ni Sheena at nginitian ito bago itinuloy ang pagpapaliwanag.  “Yun nga kasi nakita namin siya kahapon na naka-gown at may crown pa. Tapos sa castle daw kayo nakatira so he thinks na Prinsesa siya.” Paliwanag nito sa kaharap. Napatawa naman ang ginang at ginusot ang buhok ng batang Heever. Kasabay no'n ang paglapit ni Javer, ang asawa ni Sheena, habang akay ang apat na taong gulang nilang anak na babae na si Shiela. Sumunod namang dumating si Zach at agad na hinalikan sa pisngi ang anak saka nakipagkuwentuhan sa mga ito. “I heard you own the best construction firm in the country, Mr. Randall, baka gusto ninyong mag-bid para sa ipapatayo naming bagong hotel in four months time?” tanong ni Javer kay Zach. “Drop the formalities, Zach na lang. Javer, right?” natatawa namang sagot ng isa. “Yes, so what can you say?” “Sige, I’ll send the best engineer in our firm,” sagot nito sa kaharap. “The best talaga?” natatawa namang tugon ng isa. “Of course, yung kapatid ni misis,” Zach chuckled at inakbayan ang asawa saka hinalikan sa ulo. “Ikaw talaga!” natatawa namang hinampas ni Nicasia ng mahina ang dibdib nito. They all laughed.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD