Prologue

266 Words
Namulat ako sa paniniwalang hindi patas ang mundo. Bagaman lahat ng tao ay may kanya-kanyang kakayahan, hindi lahat ay may mataas na lebel ng kagalingan. May mga natural na pinagpala at mayroon ding bagaman hindi natural na magaling ay nagsusumikap pa rin upang makamit ang nais nilang kahusayan. “Angeli, may assignment ka na?” Mula sa pagkakahalumbaba ay napaangat ako ng tingin sa nagtanong kong kaklase. Kung may mga natural na magagaling at may mga nagsusumikap, mayroon din namang mga hindi pa nga sumusubok ay sinukuan na ang pagpapabuti sa sarili, o kung sumubok man ay hindi naman sapat ang ginawang pagkilos dahil sa nabuong pananaw na mas madali ang umasa sa iba. Kagaya ko. Ngumiti ako. “Syempre… wala!” sabi ko. “Pakopya?” Ang mga salitang ito ang naging pundasyon ng aking pagiging estudyante. Mga salitang kaakibat ng gawaing iniasa ko sa isang taong pinagpala at nagsusumikap… gawaing akala ko ay ayos lang dahil ni minsan, hindi ako nakarinig ng reklamo mula sa kanya. Pero nagkamali pala ako. "Ang pinaka ayoko sa lahat ay ‘yung mga taong nangongopya, nandaraya at nanloloko." Hindi pala lahat ng ‘okay lang’ ay okay lang talaga. Hindi porket hinahayaan ka ng isang tao sa isang bagay ay aabusuhin mo na. "Gusto mo bang sumama sa akin?" Ang pandaraya at panlalamang sa kapwa ay hindi tama. Hindi lang sa mga bagay na may kaugnayan sa eskwelahan kundi pati na rin sa ibang aspeto ng buhay. Pero hindi ko inakala na dahil dito, maraming magbabago, maraming maaapektuhan, maraming masasaktan, at maraming… mamamatay. "Papatayin ko kayong lahat.” Akala ko, ayos lang na mangopya. Akala ko rin, ayos lang sa kanya. Pero sabi nga nila... Maraming namamatay sa maling akala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD