1

1784 Words
Three years after... Tahimik na pumasok si Jaime sa loob ng kanyang dormitoryo. Init na init na siya. Kanina pa siya naglalakad at nagcocommute para asikasuhin ang bago nilang lilipatan na condo unit sa Quezon City.  Malapit na rin ito sa unibersidad niya kaya aayusin na niya rin ang kontrata sa dorm niya at kukunin ang deposit. May isang buwan pa siya dito. Babalik na kasi ang nanay niya mula sa Singapore kasama ang nobyo nito. Wala naman siyang kapatid. Dalawang taon matapos pumanaw ang papa niya, napagdesisyunan nilang ibenta ang bahay nila sa Maynila at bumili ng mas maliit na pwedeng pandalawahang tao. Hinubad niya ang pang itaas na damit bago isarado ang pinto at buksan ang ilaw. Napatalon siya sa kinatatayuan niya nang makita niya si Giovannie na nakahiga sa kama niya. "'Tol, paano ka nakapasok dito?" nagtatakang tanong niya dito. Pinanatili niyang nakatitig lang sa mukha nito dahil wala itong saplot kundi ang boxer lang nito. Nagcecellphone ito at mukhang naglalaro.  "Your mom gave my mom your spare key, ngayon lang binigay sa akin ni mama," paliwanag nito. Napabuntong hininga naman si Jaime. Bakit nga ba hindi niya naisip na mangyayari 'yun? "Okay, kanina ka pa ba nandidito?" tanong niya dito. Hinubad na niya ang pantalon niya, binuksan ang dim light sa lamesa sabay upo sa kama niya. Hindi maalis ang mga mata ni Gio sa nilalaro. Hindi na nagulat si Jaime na nandidito si Gio dahil lagi rin namang nadidito ito bago pa umalis at bigyan ng spare key ng mama niya ito. Minsan nga napaiisip si Jaime na mas gusto pa nitong maging anak si Gio kaysa sa kanya. "I just got here actually," saad nito. Pinatay na nito ang cellphone sabay bangon. "It's so hot outside 'no? Tang ina. I need to take a shower tuloy." "Ginamit mo nanaman sabon ko?" nandidiring tanong niya dito. "Oo naman," walang hiyang tugon naman nito. Naparolyo ng mata si Jaime at napatingin siya sa suot nitong boxer. "And are you wearing my boxer?" "Why? What's wrong?" patay malisya pa nitong tugon sa kanya. "Wala." Bumuntong hininga siya. Humiga na siya sa katabi nitong espasyo. "Sus," saad nito. Humiga na rin ito sa tabi ni Jaime. Nagdidikitan ang hubad nilang mga braso ngunit hindi ito inalintana ni Jaime. Parang kapatid niya na kasi itong si Giovannie. Madalas lagi silang magkasama. Magkaibigan ang mga magulang nila. Kaya mula pagkabata, hinding-hindi na ito napaghihiwalay. Parang pinag-usapan pa yata ng mga magulang nilang kung kailan mabubuntis dahil isang araw lang ang pagitan ng kaarawan nila kaya sa bawat kaarawan, sabay na sila naghahanda. Ilang minuto silang naging tahimik na magkatabi. Naging tahimik lang si Jaime habang yakap-yakap ang unan sa tabi niya at si Gio naman ay muling binuksan ang cellphone at naglaro. Hinatak ni Jaime ang kumot dahil lumamig bigla sa kwarto, naramdaman niya pa ang pagsayad ng buhok sa binti ni Gio sa binti niya. "Wala ka bang pupuntahan ngayon?" pagbasag niya sa katahimikan. Tulala lamang si Jaime, pinagmamasdan ang kakinisan ng pader. Nakakapagtaka naman kasi talaga kung bakit alas tres ng hapon nandidito ito ngayon sa dorm niya. Madalas kasama nito si Jizelle, girlfriend nito. Mukhang nabasa nito ang nasa-isip ni Jaime. "Jizelle and I broke up." Napaupo bigla si Jaime sa kama at napatitig nang nagtataka kay Gio. Hindi na pala ito naglalaro, nakatitig ito sa kisame habang nakaunan sa mga kamay nito. "Huh? You've been together for a year," tuluy-tuloy niyang tugon dito. "May nangyari ba?" tanong niya dito ng nagtataka, gustong malaman kung anong nangyari.  Hindi parin makatingin sa kanya si Gio. "She cheated on me," maikling tugon nito. "What? That sucks!" ika niya. Hindi makapaniwala si Jaime sa narinig niya. Umusog siya malapit kay Gio, at hinawakan ito sa braso. "Are you okay?...wait...that's wrong, of course you're not okay." tanong-sagot niya sa sarili niya. "No, it's fine. I'm okay, it's no big deal." "What are you saying? She cheated on you. " Niyuyugyog niya ang katawan nito. "Ito na nga ba sinasabi ko eh. You cheated on Cheska and now the tables have turned." "Chill, I fell out of love with her anyway," paliwanag nito. Doon napatahimik si Jaime. Lahat ng ito ay inaasahan ni Jaime dahil alam niyang ganito si Gio. Kapag nagsawa na si Gio, ititigil na nito. "What," hindi patanong na sambit niya, nagulat. Humiga na lang ulit siya ngunit sa pagkakataong ito, nakaharap siya kay Gio. Binalot nanaman sila ng nakakabinging katahimikan. Hinding hindi maiintindihan ni Jaime kung bakit na lang ganoon ang epekto nito kay Gio, parang walang nangyari. At ang hindi maganda nitong gawain na papapalpit palit ng girlfriend. Si Samantha, ang huling naging girlfriend ni Jaime, bumalik ng Cebu at doon nag-aral ng medisina. Ito lang ang naging girlfriend ni Jaime at naging sila sa loob ng dalawang taon bago nito tinapos ang kung anong meron sila. Hindi niya katulad si Gio na bawat taon ibang babae ang kasama, gusto niya lang kung sino ang una, siya rin ang sa huli niya. "'Tol are you awake?" tanong nito sa kanya. "Hmmm.." tugon niya dito. "Pwede ba akong magtanong?" Kakaiba ang tono ng boses nito. Alam ni Jaime na hindi lang ito bastang tanong. Iba ang boses nito sa tuwing nagiging seryoso, mas lalong lumalalim. "Sure, ano ba 'yon?" Hinigpitan niya ang yakap sa unan niya. "What if you learn that one of our friends is gay? What would you do?" Napatigil sandali si Jaime dahil nabigla siya sa tanong nito. "Ba't mo naman natanong 'yan?" Nagtataka niyang tanong dito. Ano nga ba gagawin ni Jaime? "I'm just curious." Napakibit balikat ito. "Marami naman akong kaibigan na bakla o myembro ng LGBT, katulad ni Trevor. Pero kung may mag come out ulit..." napatigil siya. "...of course, I would accept him." walang pagdadalawang-isip na tugon niya dito. Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Okay." Ngumiti si Gio sa kanya bago nakawin ang unan na yakap yakap niya. Hinayaan lang ni Jaime ito. Kinuha na lang niya ang hotdog na unan na naka-ipit sa binti niya at ito ang niyakap. "Okay? Bakit? May nag-comeout na ba sa'yo ulit sa mga kaibigan natin?" tanong niya habang hinihigpitan ang yakap sa hotdog. "Wala naman, ang dami na kasing mga nagca-come out recently." "Oo nga eh, pansin ko din," tugon niya dito. Naalala niya si Trevor na nag-come out sa kanila bilang bisexual. At ngayon may boyfriend itong mas matanda sa dito. Noong una, hindi makapaniwala si Jaime dahil hindi mo mahahalata na magkakagusto ito sa kapwa lalaki. Itinuro narin naman sa isang subject nila sa school ang tungkol dito kaya mas lalong naging bukas ang pananaw niya tungkol dito.  Hindi na lang napansin ni Jaime, unti-unti na siyang nilamon ng antok at nakatulog. -|-|- "Ilan ba bibilhin mo?" tanong sa kanya ni Bartolome habang naglalakad sila papunta sa Toby's para bumili ng basketball socks. "Dalawa lang 'tol, nawawala kasi yung isang pair ko. Kulang gagamitin ko for training," paliwanag niya dito. "Sabagay, para iwas laba narin." Nagpatuloy lang sila sa pagkekwentuhan tungkol sa basketball. Dapat kasama ni Jaime ngayon ay si Giovannie pero bigla itong may lakad. Dalawang linggo na ang nakalipas nung usapan nila tungkol sa pag-come out. Simula din nun, may mga lakad ito na hindi alam ni Jaime kung saan. Hindi ito katulad ni Giovannie dahil noon, para siyang twitter nito na kung ano ang gawin ni Gio, dapat alam ni Jaime. Hindi naman palatanong si Jaime dahil ayaw naman niyang tumapak sa lugar kung saan hindi naman nararapat. "Ayos 'to ah," ika ni Bartolome nang makita ang napili ni Jaime. "Solid 'no? Ganda pa nung tela. Sakto sale," saad niya. "Oo 'tol, bili na rin kaya ako 'no?" "Bumili kana, 'di na daw sila sale bukas eh." Sinamahan niya itong mamili kung saan niya nakita ang nakuha niya. Nang makapili na ito, binayaran na nila ang napili nila at umalis. "Tol, naalala mo si Monica? Trip ka pala 'nun," sambit nito sa kanya. "Huh? Kanino mo naman nalaman 'yan?" tanong niya dito. Marami siyang naririnig na nagkakagusto sa kanya pero hindi parin talaga siya interesado. Hinihintay lang niyang bumalik si Samantha. "Kay Marcus 'tol, tawang tawa nga ako kasi pinormahan niya 'yun tapos sinabihan siya na ikaw pala gusto," matawa-tawang kwento nito. "Huh? Gago," natawa siya. "Hindi ko naman trip si Monica 'tol," paliwanag niya dito. "Alam naman ni Marcus 'yun, ayaw lang tanggapin." Natawa silang sabay. "Saglet lang pre ah, ihi lang ako." "Sige hintayin kita dito."  Tumambay si Jaime sa labas ng isang coffee shop. Binuksan niya ang cellphone at nag-browse muna sa **.  Napag-isip-isip niya.  Maganda naman si Monica, bakit niya nga hindi makitang pwede maging girlfriend ito? Hindi niya lang siguro talaga type.  Pumunta siya sa profile nito at inisa-isa ang mga picture. May picture itong naka ngiti sa baba ng Eiffel tower, meron namang naka two-piece at nakababad sa araw, at meron ding picture ng kwarto nito na may mga nakadrawing sa pader. Aesthetic kumbaga. Nang nakita niya kung sino ang mga nagfa-follow. Nakita niyang fina-follow ito ni Samantha. Nagdalawang-isip pa siya kung pupunta siya sa wall nito o hindi. Ngunit nakalaban niya ang sarili niya at mas piniling lubayan muna ito. Hindi pa ito ang tamang oras. Pinatay ni Jaime ang kanyang cellphone at ibinulsa ito. Nang malingon-lingon siya, nanlaki ang mata niya nang makita niya ang nasa loob ng coffee shop. Si Giovannie. "Anong ginagawa 'nun dito?" Halos mapatalon si Jaime nang biglang bumungad si Bartolome sa tabi niya. "Di ko rin alam 'tol, pero mukhang may kasama," saad niya. Hindi sila makikita nito dahil maraming tao sa coffee shop. Nasa kabilang dulo ito habang naka harap sa pader. Kaharap ni Gio ang isang lalaki na hindi mainagan ni Jaime dahil nakatalikod ito sa kanila. "Kilala mo ba 'yon?" tanong sa kanya ni Bartolome. "'Di nga eh," maikling tugon niya dito. "Tara 'tol," yaya nito sa kanya na lumapit kay Gio. Akma na sana itong gagalaw ngunit pinigilan niya ito. Kumunot naman ang noo ni Tolome.  "Ayaw mo ba puntahan?" "'Di na."  Napakibit balikat na lamang si Bartolome.  Nagyaya nang umalis si Jaime kaya sinundan naman siya nito. Hanggang sa naghiwalay na sila sa sakayan at nakarating na si Jaime sa kanyang dormitoryo. Hindi parin mawala sa isip niya kung sino ang kasama ni Giovannie. Napagdesisyunan niyang tanungin ito. 'Tol, asan ka kanina? tinext niya ito. Hindi mapakali si Jaime kaya sinundan niya ng isa pa. 'Di mo na ako sinasamahan ah. dugtong niya dito. Hinintay niya itong magreply. At nang manginig ang phone niya, binuksan niya kagad ito. Nasa bahay lang ako 'tol, nagpatulong lang si Mama. 'Di bale sasamahan kita sa susunod. Bahay? Eh sino yung nakita nila kanina? Ba't kaya nagsisinungaling 'to sa kanya? Ganun ba? Sige ayos lang 'tol. Naiwan mo pala dito sa dorm yung notes mo para bukas. saad niya pa. I'll go there tomorrow morning, sabay na tayo pumasok. Hindi ka ba punta dito ngayon? tanong niya dito. Hanggang ngayon ba nasa coffee shop pa rin ito? 'Di na muna. See ya Hindi na nagreply si Jaime. Marahan niyang inilapag ang cellphone sa maliit na lamesa sa tabi ng kama niya. Hindi maalis sa isip kung bakit ngayon nagsisimulang magsinungaling si Gio sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD