2

1880 Words
Hinilamos ni Jaime ang twalya sa kanyang mukha upang punasan ang kanyang mga pawis. Tatlong oras na silang nagtetraining. Nalalapit na rin kasi ang unang laro nila para sa taong ito. Senior na sila, isang taon pa nang internship, graduate na sila. Hindi na rin sila makakasali sa mga laro kapaga fifth year na sila. Kaya ito ang pinaka mahalagang laro sa buhay niya. Iniisip niya, hindi naman niya plano ipagpatuloy sa pagiging propesyonal na manglalaro ang pagbabasketball. Pero tinatawag niya itong passion. Masaya siya tuwing hawak niya ang bola. Masaya siya tuwing pumapasok ito sa ring. At masaya siya sa tuwing masaya ang team dahil nanalo. Para sa kanya sapat na yun para pagpursigihan ang paglalaro. "Nagawa mo na ba yung case presentation?" bungad sa kanya ni Giovannie. Naghubad ito ng pang itaas sabay punas ng katawan nito. Kinuha nito ang tumbler sa bench sabay lagok sa gatorade na lama nito. "'Di pa nga eh," saad niya. "Ikaw ba? Ang haba kasi, ngayon lang rin ako nagka-case ng HIV," paliwanag niya pa. Sa kurso kasi ni Jaime na Physical Therapy, kailangan nilang magbigay ng mga dapat gawin sa tuwing may pasyente silang inaalagaan. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na mabigyan siya ng case na tungkol sa HIV. Tinatanong kung nasaang stage na ito kung babasehin sa sintomas, ano ang pinaka naapektuhan sa katawan ng tao, paano ito nakukuha, at ano ang dapat gawin para hindi ito lumala. Madalas naman nilang gawin ito, ngunit komplikado kasi ang case na ito, hindi pa siya ganoon ka-pamilyar dito. "'Di pa rin. Gawin nating sabay," nakangiting sabi nito. "Ano bang case mo?" "Osteoporosis, medyo madali lang naman. Tulungan na lang tayo, nasa dorm mo naman libro ko." Nagsuot ito ng tuyo na dami. "Doon na lang rin ako matulog sa dorm mo," saad nito. "Sige," tugon ni Jaime habang tumatango. Napakunot ang noo niya nang may napansin siya. "Wala ka bang lakad ngayon?" panakaw siyang sumulyap dito, binabasa ang ekspreson nito. "Wala naman. I got tired with practice din eh, I want to rest," paliwanag nito. Napakibit balikat naman si Jaime. "Mga 'tol, gusto niyo maghapunan sa labas?" pagyaya ni Bartolome habang naglalakad papunta sa kanila. Katabi nito si Trevor at Marcus. Tumingin naman si Jaime kay Giovannie na nakatingin din pala sa kanya. Tumango ito kaya ngumiti si Jaime. "Sige, unli wings ba?" matawa-tawang sabi ni Giovannie. "Ilang linggo na yung huling unli wings natin eh. Sakto walang practice bukas, sarap," turan nito habang minamasahe pa ang tyan. "Gago 'tol, kakamiss, arat. Doon tayo sa dati, alam ko ganitong oras wala masyadong nakain doon eh," nasasabik namang sabi ni Marcus. "Nalulugi sa inyo yung resto na 'yon dahil sa inyo eh," matawa-tawa namang pang-aasar ni Trevor. "Awit 'tol, ilan nga ulit yung huling kinain mo don?" natatawang tanong ni Jaime kay Giovannie. "Trenta 'tol," pabulong na tugon nito. Nagtawanan ang lahat."Masisisi niyo ba ako? Ang laki ko kayang tao, malaki rin tangke ko sa tyan," pagdepensa nito sa sarili. "Tawang tawa 'tol, eh ikaw?" nakatingin naman si Bartolome kay Marcus. "Tweny-eight," tugon naman nito na nakangiti. Sabay-sabay ring nagtawanan ang lahat. -|-|- "'Tol, ang mode of transmission ng HIV ay pakikipagtalik, pagsalin ng dugo gamit ang dugong positive sa HIV,  nanay na may HIV na nanganak kaya naging positive din ang anak, paggamit ng parehas na injection na positibo din dito. Hindi ka naman pala magkakaroon nito kapag naghalikan lang kayo eh," paliwanag niya kay Gio. "Kapag hindi ka uminom kaagad ng gamot para sa HIV, maaaring lumala ito at magkaroon ng ibang mas malalang sintomas o magdulot ng AIDS. Madaming sintomas katulad ng pagkalimot, pneumonia o pagpunta ng pagkain sa baga, at iba pa." Nilahad niya lahat nang ito habang nakatitig sa harapan ng laptop niya. Nakadapa siya habang tinitipo ang bawat nalalaman niya sa Word File upang masagutan ang mga katanungan sa case report niya. "Ang alam ko din kakaiba ang strand ng HIV kaya nahihirapan silang makakuha ng lunas para dito," dugtong naman ni Gio. Nakaharap naman ito sa libro nito. "Tama ba? Ang alam ko kasi mabilis na nakakapag-adapt 'yan." "Walang sinabi dito sa libro pero ang pagkakaalala ko na sabi ni Doc, oo eh," sagot niya dito habang patuloy na nagtitipo. "People with HIV can still live a healthy lifestyle dahil there's a stage during its incubation period wherein the symptoms are still not visible, parang person without illness lang rin," saad ni Gio. "Wait." Napatigil si Jaime. Tumayo siya mula sa kama at lumapit kay Gio. Hinawakan niya ito sa mga balikat at sinilip ang ginagamit nitong libro. "Anong reference 'yan?" tanong niya dito. Pinakita sa kanya nito ang libro kung saan sinasabi ang iba't ibang sintomas ng sakit na ito. "Galing 'no? Kaya ikaw lagi ka magpatest lalo na't sobrang active ng s*x life mo," marahan niyang pinalo ang balikat nito. "I just had one last month," paliwanag naman nito sa kanya. Nakatitig parin sa libro. "Ikaw rin magpatest ka even if you're not having s*x. To break the stigma," dugtong pa nito. Tumingin ito sa kanya sabay kindat. "Sure, samahan mo lang ako," nakangiting tugon niya dito. "Anyway, meron ba dyang recommendations sa exercises na pwede sa kanila?" Binasa ni Jaime ang ibang bahagi ng libro. "Here," sabi nito habang tinuturo ang isang table kung saan nakasaad ang mga pwede ehersiyso para sa mga taong may HIV. "Hindi naman porket may HIV na, they can't do the usual things, they are still capable." Tumango si Jaime. "Right," pagsang-ayon niya dito. "Send the reference to me para makopya ko, thanks." Bumalik na siya sa kama at muling dumapa at tumapat sa kanyang laptop. Pumunta siya sa email niya at kinuha ang reference na ibinigay sa kanya nito. Ilang minuto pa ang nakalipas, natapos na ni Jaime ang case report niya kaya humanap din siya nang para naman kay Giovannie na osteoporosis. "Hey, I saw a journal that you can use here, I'll send it to you." Minessage niya sa f******k nito ang link. "Aight, thanks," pananalamat naman nito sa kanya. At dahil nandon na lahat ng hinahanap ni Gio para sa case nito, napagdesisyonan ni Jaime na magfacebook muna. Kasagsagan ng pagtawa siya sa isang meme nang biglang magpop-out ang message ni Monica sa kanya. Napakunot naman siya nang noo. Hi, Jaime, how are you? panimula nito. Nagdadalawang-isip si Jaime kung tutugunan niya ito. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Bartolome, na may gusto daw itong si Monica sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung paano tutugon. Ilang beses niya nang nakasama si Monica sa mga inuman at out of town nila pero hindi pa niya ito nakaka-usap ng lubusan. Sinagot niya na lang ito para 'di naman siya pag-isipan nito ng masama. Ayos lang naman Mon, I just finished my case report, hbu? Pagkapindot niya ng send message kaagad siyang tumayo. Dumiretso siya sa bathroom at naligo. Sumayad sa maputla niyang balat ang maligamgam na tubig. Dahan-dahang nasanay ang katawan niya sa temperatura nito hanggang sa nanuot ito sa kalamnan niya. Bumuntong hininga siya habang nilalasap ang bawat agos ng tubig sa katawan niya. Sobrang nakakapagod talaga ang training nila, pero nagpapasalamat siya dito dahil maganda ang hubog ng katawan niya. Nang makapagsabon at banlaw, kumuha siya ng brief at boxer sa drawer niya at isinuot ito. Isinabit niya ang twalya sa sabitan sabay labas ng bathroom. "Hoy!" pagsaway niya kay Giovannie habang may tinitipo ito sa laptop niya. Nang tumingin ito sa kanya nagtagal pa ang pagtitig nito sa kanya, bago ngumisi. Dali-dali siyang naglakad patungo dito. Umusog ito para bigyan siya ng mauupuan. "Anong ginagawa mo?" "Wala," patay malisya nitong tugon na may nakalolokong ngiti. "Anong wala?" Nang nakatinging na siya sa laptop niya, nanlaki ang mata niya dahil kinausap nito nang husto ni Monica gamit ang account niya. "Tang ina?" Narinig niya ang halakhak nito. Binasa niya ang pinagsasabi nito. Monica: May case report pala kayo? Am I interrupting you? Me: No way, never kang naging interruption. Monica: Really? :) Me: Yep, I was thinking of chatting you nga eh. :D Monica: Why naman? Haha Me: I'm interested to know you more. Monica: Wow. Monica: Well, me too. Monica: Sorry, do I sound desperate now? Me: No, of course not. That's only normal considering that we both have mutual feelings for each other. :) Monica: Haha, you're so cute talaga Jaime. Me: You're cuter Mon. :) "Tarantado ka, Gio?" pasigaw na turan ni Jaime. Kumuha siya ng matigas na unan sa kama sabay hampas sa mukha ni Gio habang tawang-tawa  ito sa ginawa. "Sobrang tang ina mo, gago, ba't mo pinaasa?" paulit-ulit parin ang hampas niya dito. "Wala lang 'yan, and I'm pretty sure Mon won't bother," saad nito. Sinubukan nitong kunin ang unan mula kay Jaime ngunit naalis agad ni Jaime ang unan sa palad nito. "Of course, she would, she obviously likes me!" sigaw niya dito. Tinigil na ni Jaime ang pagpalo dito ngunit binigyan niya ito ng patulis na tingin. Tumugon ng emoji na nagba-blush si Monica sa kanya kaya hindi alam ni Jaime kung ano ang itutugon dito. Sasabihin niya ba ang totoo? Pero magmumukha lang na pinagtitripan niya si Monica at ayaw namang maging ganon ang tingin nito kay Jaime. Pero kapag pinagpatuloy niya ang ganitong usapan, mas lalong aasa ito na may gusto talaga si Jaime dito. Gustong sapakin ni Jaime sa mukha si Gio dahil hindi maganda ang biro na ginawa nito. Naglabas siya ng naiiritang tunog para malaman ni Gio na hindi siya nagbibiro. "Okay, okay, sorry," seryosong pagpapaumanhin ni Gio sa kanya. Lumapit ito sa kanya sabay himas sa braso niya. "I am friends with Mon, I can tell her," pagbibigay suhestiyon nito. "No, 'wag mo na lang sabihin sa kanya. Magmumukha lang na pinagtitripan natin siya. Ako na bahala," tugon niya dito. Mas magandang si Jaime na mismo ang kumausap dito kaysa sa iba pa manggaling na ibang tao ang gumamit ng account niya. "Hindi ko na tuloy alam irereply. Tang ina mo kasi eh." "Wag na, ‘tol." Bumuntong hininga si Jaime. Siguro kung mahaba pa ang araw, buong araw niya ipapaguilty si Gio sa ginawa nito. Ngunit dinapuan na ng antok si Jaime at mukhang pagod na rin ang kaibigan niya. Ilang minuto pa ang nakalipas, tahimik na silang dalawa. Hindi na siya nagreply kay Monica dahil natatakot siyang baka mas humaba pa ang usapan at isipin pa nitong may gusto talaga siya dito. "'Tol, tapos kana ba sa case mo?" tanong ni Jaime kay Gio, nakatitig ito sa cellphone nito at nagtitipo.  "Oo," tugon nito sa kanya. "Bakit?" "Medyo inaantok na rin ako eh, tulog na tayo." Tumango ito. "Okay," nakangiting tugon nito. Pinatay na nila ang mga laptop nila at binuksan ni Jaime and dim light sa lamesa niya. Hinubad na ni Gio ang damit nito hanggang sa nakaboxer na lang ito. Humiga ito sa tabi ni Jaime. Yakap-yakap ni Jaime ang hotdog na unan niya at hanggang bewang ang kumot na nakatalukbong sa kanya. Nakatingin siya sa pader habang ang likod niya ay na kay Gio. Nakapikit na si Jaime nang tawagin siya ni Gio. "'Tol sorry kanina ah," ika nito. Alam naman ni Jaime 'yon at kanina pa niya ito pinatawad. "Ayos lang 'tol. Madali namang malusutan 'yun, wag mo na isipin, matulog kana. Good night," aniya. Mas lalo niyang hinigpitang ang yakap sa hotdog niya. Unti-unti na siyang hinehele ng lamig ng hangin sa kwarto. "Good night." Dahan-dahan ang naging paghinga ni Jaime. Parang lumulubog siya sa kalambutan ng kama niya hanggang sa nakatulog na siya. Kalagitnaan ng gabi nang maramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng mahigpit mula sa likuran ngunit hindi niya ito inalintana dahil mas lalong sumarap ang tulog niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD