CHAPTER TWO

2572 Words
Patakbo na ako papunta sa first period ko nang hapong iyon nang mahagip ng paningin ko sina Ms. Suarez at Propesor Masungit na masaya pang nagkakape sa 7-Eleven. Three minutes to go na lang no’n at time na for our class in Math in the Modern World. Nakaisip ako ng kalokohan. “Eula!” sigaw ng mga kaibigan kong nakapila sa elevator na nagse-service para sa eighth at ninth floor ng Technology Building. Dere-deretso kasi ako sa hagdanan. Saglit lang akong natigil para lingunin sila at sumenyas nang mauuna na ako paakyat. Mayamaya pa hindi lang ako ang tumatakbo paakyat sa eighth floor kundi pati na rin ang dalawa ko pang kaibigang sina Shayne at Keri. Pagdating namin sa classroom hingal-kabayo kaming tatlo. “Ano ba’ng drama ito, Eula? Ten minutes na lang sana at tayo na ang susunod sa pila sa elevator sa ibaba. Kainis naman, oo! Pinagpawisan tuloy ako,” maarteng sabi ni Keri. Inamoy-amoy pa ang kilikili. “Yikes! I smelled a bit na!” Hinawakan ko siya sa kwelyo ng blusa at inamoy ang leeg niya. “Anong a bit? Amoy bilasang isda ka na! Kadiri! Ang lansa mo!” Napahagikhik ang bruha. “Shayne, ang pabango! Dali!” utos nito sa isa pa naming kaibigan. Naglabas naman agad si Shayne ng lagi niyang dala-dalang Chanel No. 5. Winisik-wisik ito ni Keri sa leeg, pamulso, at sa buong mukha. Pati ako’y naambunan din. “Ano ba? Halos ipaligo mo na iyan, ah! Hindi mo ba alam na ang mahal-mahal niyan?” reklamo ni Shayne nang makita kong paano pinanggigilan ni Keri ang perfume niya. “Gusto ko lang makasiguro na mabangong-mabango tayong tatlo pagpasok natin sa room. Makuha man lang si Sir Maurr sa halimuyak nating tatlo!” “Naku! Asa ka pa. Iyong pinagpapantasyahan mong herodes ay nakipaglandian pa sa haliparot na Ms. Suarez sa 7-Eleven!” sabat ko. “Ows? Hindi nga?” halos ay sabay na sagot ng dalawa. “Yup. I’ve seen them with my two eyes. Nagkakape ang mga hinayupak sa 7-Eleven sa ibaba.” Nakita kong nagpalitan ng knowing look ang dalawa tapos ay sabay na humagikhik. Pinandilatan ko ang mga loka-loka. “Bakit?” sita ko pa. “Wala po, mahal na reyna,” sabay nilang pakli at nauna na sa akin sa Room 812. Nakasimangot akong bumuntot sa kanila. Dahil alauna bente pa lang ng hapon wala pang tao sa room liban sa isa naming kaklaseng first year na lalaki. Ito ang nagpagitang-gilas noong nakaraang meeting namin. Ang kauna-unahang napuri ni Propesor Masungit sa klase. He looked like a typical geek. Nakasuot ng makapal na salamin, tadtad ng pimples ang mukha, at may kapangitan pa. He glanced at our direction sheepishly. Nang magtama ang aming paningin pinamulahan ito ng pisngi. Napatirik ng mga mata ang dalawa kong kaibigan at bigla silang napahagalpak ng tawa. Siniko ko ang mga mahadera. Bastos lang ako sa katulad kong maangas pero hindi ako nang-aasar sa mga taong seryoso sa buhay at mukhang mahiyain. I ignored the guy and went straight to my favorite spot. Iyong malapit sa glass wall para tanaw ko ang pinapagawang building ng eskwelahan sa hindi kalayuan at siyempre pa ang mga billboards sa karatig-gusali. “Ano ba ang drama at nagmadali tayo sa pag-akyat, ha?” untag ni Keri. “Ganito kasi iyon. Mamaya pagdating ng eksaktong one forty-five, fifteen minutes after the start of the class, kailangan lumayas na tayo rito agad-agad. Iwan natin ang mayabang na lalaking iyon.” “Huh? Paano iyon? May quiz daw tayo later?” si Shayne naman. “Kaya nga! Kailangan ma-wise-an natin ang hunghang na iyon. For sure male-late iyon. Ang haba kaya ng pila sa ibaba. Tsaka nakikipaglambutsingan pa iyon sa malanding si Ms. Suarez.” “Ehem,” halos sabay na pakli ng dalawa. Nang pinaningkitan ko sila ng mga mata ay napahagalpak pa ng tawa. Tinukso na nila akong dalawa. Huwag ko raw sabihin na nagseselos ako kay Ms. Suarez. “Excuse me?!” Tumayo ako at akmang dadaklutin ko na sana ang buhok ng dalawa nang nagsidatingan ang maiingay na grupo ng mga freshman. Tinalikuran ko ang mga kaibigan at inilatag ko ang plano sa mga freshies. Hindi na ako nagdalawang salita. Excited pa ang mga ineng na isakatuparan namin ang plano. One-two-three-four-five! One forty five na! Yipee! Nagmadali kaming lahat na lumabas na ng classroom pwera na lang sa geek na iyon. Binalikan ko siya. Gamit ang hintuturo ay kinambatan ko siyang lumapit. Medyo nataranta ang kumag pero lumapit din. “Let’s go! What are you waiting for?” “Ah---wo---wouldn’t it be d-disrespectful?” “No! This is legit. Nakasulat sa student manual natin na maaari na tayong umalis sa classroom after fifteen minutes of the start of the class. Tingnan mo ang oras, o? One forty-six na!” May pag-aalinlangang sumunod sa akin ang lalaki. Nginitian ko siya nang ubod-tamis. Lalo itong nataranta. Natawa ako sa loob-loob ko. Siyempre, kahit na nilayasan namin ang Room 812, hindi naman kami lumayong tatlo nila Keri at Shayne. Dahil walang tao sa Rm. 815 ay doon muna kami tumambay. Pasilip-silip kami sa room namin para malaman kung ano ang reaksiyon ni Sir Masungit kapag nadatnan niyang wala nang tao ang classroom. Mayamaya pa nga, nakita naming lumitaw siya mula sa pintuan ng exit kung saan ang hagdanan. Halata sa hitsura na tumakbo lang ito mula sa ground floor papunta sa ikawalong palapag. May butil-butil pang pawis sa magkabila niyang sentido at humuhulas ang makinis niyang mukha. For a while ay na-mesmerized ako sa  hitsura niya. Matagal kong pinagmasdan ang matipuno niyang dibdib na nababakat sa kulay abo niyang polo-shirt. Mas mukha siyang modelo ni Ralph Lauren kaysa propesor namin sa Math in the Modern World. Bumalik lang sa kasalukuyan ang aking diwa nang maramdaman ang bahagyang pagsiko ng isa sa mga kaibigan ko. “Maawa ka naman kay Sir Maurr, Eula. Baka matunaw,” humahagikhik na tukso sa akin ni Keri. Pinandilatan ko siya at isinara ang pintuan.   ********** Iisa na lang ang estudyante kong naiwan sa classroom when I made it to my one thirty class. Tiningnan ko ang wristwatch at ako’y nadismaya. It was almost eighteen minutes past one thirty. May katwiran nga sila para umalis na. Kung bakit kasi nagpaka-gentleman pa ako at pinauna sa pila sa elevator si Ms. Suarez at ang kaibigan niyang faculty. Nawalan tuloy ako ng espasyo sa elevator. Hay, buhay. Nex time, I will have to be careful with time. “All right. You may go, too, if you want. Wala na tayong klase.” “Sir, paano po iyong quiz?” “Next time na lang.” Kinawayan ko na ang binatilyo nang magpaalam ito sa akin. Naupo na rin ako sa silya sa harapan ng classroom at nagbukas na lang ng laptop para ipagpatuloy ang sinusulat kong research article. Habang nagtitipa ng mga letra, naramdaman kong tila tumigil ang estudyante ko sa paglabas ng silid-aralan. Sinulyapan ko ito. Bumalik siya sa harapan ko. “Sir---uhm---please do not tell everyone I told you this---pero---ano po---. Kanina po ay hihintayin ka po naman talaga namin kaso lang po si ano po kasi ---iyong fourth year po---si Ms. Anai po. Minanduan niya po kaming lahat na umalis na pagka-ala una kuwarenta y singko.” Ms. Anai? Ah! That girl! Natigilan ako. Awtomatikong kumulo ang dugo ko but then I checked myself. Nasa policy ng school ang ganoong sistema. May karapatan naman ang mga estudyante na umalis kung naisin nila. Pero kadalasan sana’y hindi naman ginagawa iyon ng mga mag-aaral ko. Dito lang talaga sa section na ito kung saan naka-enroll ang babaeng iyon. Napakagat-labi ako. Ingat na ingat na hindi lumabas ang totoo kong reaksiyon. “It’s all right, Jay-Jacob, right?” Sumilay ang ngiti sa labi ng binatilyong nakasalamin nang makapal. Tuwang-tuwa na naalala ko ang kanyang pangalan. “Yes, sir! Opo! That’s my name po!” Kulang na lang ay maghand-salute siya sa tuwa. “All right, Jacob. See you again next meeting.”   **********   Naglalakad kami sa freedom park nang mahagip ng paningin ko sa isa sa mga lilim ng puno na malapit sa Science Building sina Propesor Masungit at Ms. Suarez. Tila may masaya silang pinag-uusapan dahil panay hagikhik ng malandi at may pahampas-hampas pa siya sa balikat ng feeling guwapo kong propesor. “Ano sa tingin mo? Virgin pa ba si ma’am?” bigla ay naitanong ko kay Felina. Nabilaukan si Tabatsoy ng sinisipsip nitong milk tea. Natalsikan pa ako ng naibuga niyang pearls. Kadiri!  “Ano ‘kamo? Virgin pa--- sino?” halos ay isigaw ng baboy. Pakiramdam ko biglang nawalan ng sound ang buong paligid namin at umalingawngaw sa buong freedom park ang tanong ni Felina. Halos lahat ng boys na naglalaro ng volleyball ay napatingin sa amin at napahalakhak. Narinig nila kami. Ang isa sa kanila’y nakisingit pa sa amin. “Sino’ng virgin, Felina? Si Eula?” humahalakhak na sigaw ni Drae (pronounced as ‘Drey’). Kaasaran ko ang halimaw. Team Captain ito ng basketball team ng eskwelahan namin. “Weh? Hindi nga?” halos sabay-sabay na sagot ng mga kabarkada ng damuho na kasama niyang nagba-volleyball nang mga oras na iyon. Tinaasan ko sila ng kilay at binigyan pa ng dirty finger. Lalong humagalpak ng tawa ang mga hinayupak. “Yeah, funny!” panggagagad ko sa malakas na boses sabay hila kay Felina patungo sa direksiyon ng chapel. Humahagikhik na nagpahila naman si Tabatsoy. Hindi na kami tumuloy sa Science Building kung saan sana ang klase namin. “Alam ko naman, Eula, eh! Hindi ba ako ang first kiss at first ano mo?” pahabol na sigaw ni Drae. Sinundan niya ito nang kung ilang thrust movement. Nagtawanan hindi lang mga kabarkada niya kundi ang halos lahat ng mga nandoon. Dumampot ako ng maliit na bato at hinagis sa kanya. Lumundag ang gunggong kung kaya dere-deretso ang bato at tinamaan ang hindi dapat tamaan. “Nakupo!” naibulalas ko. Napakagat ako ng hintuturo. Hindi ko na alintana na iyon din ang pinandampot ko sa bato. Paano kasi nakatingin na nang may talim sa mga mata ang nasapol ng hinagis ko. Pati ang malandi niyang kasama ay napasulyap din. Binigyan ko uli ng dirty finger si Drae na ngayo’y medyo bahag na ang buntot. Nakatingin siya kay Sir Masungit sa paraang tila humihingi ng paumanhin. Napayuko pa ito na tila sa isang Hapon sa harapan ng aming guro at narinig kong humingi ng dispensa. Hindi ko na narinig ang sagot ni Sungit dahil dali-dali na kaming umeskapo ni Felina.   ********** I cannot believed what I have just witnessed. Binastos siya ng halos isang team ng volleyball players pero imbes na mahiya lalo pang pinangalandakan ang kabastusan. Minsan, hindi ko na alam kung saan kumukuha ng kapal na mukha ang babaeng iyon. Ganoon na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Nang isinatinig ko iyon kay Mary tumawa lang ito. “Please don’t say that. You make it sound like you’re way too old than us. Kaunti lang naman ang itinanda natin sa mga estudyanteng iyon,” paalala sa akin ni Mary. “Yeah. But they act so childish---so juvenile!” “Well, students like them are behaving that way because it’s their only way to cope with academic stress. Kumusta naman ang babaeng iyon sa klase mo?” Biglang nag-flash sa isipan ko ang latest niyang ginawa sa class. At napailing-iling ako. Okay na sana sa akin iyong nilayasan nila ako pagkalipas ng fifteen minutes na hindi pa ako nadating ng klase. Ang kaso, nakita ko siya at ang dalawa niyang kasama na sumisilip-silip mula sa Room 815. Siguro tinitingnan kung ano ang reaksiyon ko sa ginawa nila. “O, bakit?” nakangiting tanong ni Mary. Tila nahuhulaan na raw niya ang class standing ni Ms. Anai. Maging sa klase daw niya noon sa Speech Comm ay halos nangamote rin ito. Buti na lang daw ay bumawi sa group project na isa sa mga naging summative assessments nila. “Sayang. She’s very pretty and lady-like but---” I stopped right there. Napansin ko kasing medyo natigilan si Mary sa sinabi ko. Pati nga sarili ko mismo ay nagulat din sa biglang namutawi sa mga labi ko nang mga oras na iyon. “What I mean is---” “Indeed! That’s true. Kung may finesse nga lang sana ang babaeng iyon ay malayo ang mararating. She’s indeed beautiful.” “Oo nga pala, may readings na ba ang Rizal na naka-upload sa canvas?” pag-iba ko ng topic. Ang canvas na sinasabi ko ay ang university website kung saan namin sini-share with students and our colleagues materials for our classes. Ginagamit din namin iyon bilang e-classroom. Doon kami nag-a-upload ng assignments ng mga students namin at nagpo-post ng mga announcements at kung anu-ano pa. “I think so. Nagtuturo ka rin ba no’n?” “Yeah. All right. I need to go to my class now bago na naman ako layasan ng mga estudyante ko. See you around.”   **********   “Hi Eula, babe!” bati sa akin ni Drae nang dumaan ako sa harapan ng chapel. Nakaupo sila ng mga kabarkada niya sa isa sa mga benches sa lilim ng isa sa mga puno na kaharap ng simbahan. Tumayo pa ang hinayupak at nilapitan ako. Gaya ng dating gawi, umakbay agad ito sa akin at nagkuwento kung paano raw siya titigan na parang gustong lapain ni Sir Sungit noong isang araw. Napangisi ako nang ma-imagine kung ano ang hitsura ni Professor Maurr Reidar Ricci Halvorsen, Ph.D. “Hi Eula! Hi Drae!” bati sa amin ng mga nakakasalubong na freshies. Ang tingin talaga nila sa amin ni Drae ay magsyota. May nagbulungan pang bagay na bagay daw kami. Si Drae lang daw kasi ang nababagay sa height ko at ganda. Kapwa kami napabungisngis ni Drae. “Ampanget mo kaya!” sabi ko nang magkatitigan kami matapos ang komentong iyon ng isa sa mga tagahanga namin. “Panget pero kinikilig ka?” panunukso niya sa akin. Siniko ko siya. Ganunpaman, hindi pa rin siya nagbitaw sa pag-akbay sa akin kahit na no’ng makasalubong namin si Propesor Masungit. Tingin ko hindi siya napansin ni Drae dahil sa akin siya nakatingin. Pero ako? Gosh! Ako? Ramdam ng bawat himaymay ko ang mga titig ni Sungit. Pakiramdam ko’y lalong umigting ang paniniwala niyang may something sa pagitan namin ni Drae. “Ano ba? Dumistansiya ka nga kahit kaunti!” asik ko kay Drae. Siniko ko pa siya. Nang hindi niya ako binitawan ay inalis ko na mismo ang pagkakaakbay niya sa akin. “Naks, umaarteng virgin! Sige na nga, naniniwala na ako!” At tumawa ang hinayupak. “Tigil-tigilan mo ako, ha?” babala ko habang dinuduro-duro siya, pero hindi ko rin napigilan ang sarili. Natawa ako sa ekspresyon sa mukha niya. “O siya. Mauuna na ako. At tumakbo na ako papuntang Education Building para sa klase ko sa isa pang general education class na hindi ko nakuha noong first year ko. Pasara na ang elevator nang dumating ako. Mabilis kong pinindot at diniinan ang up arrow para makahabol pa. Strict masyado kasi ang guro ko sa Filipino at kahit isang minuto lang ang late namin ay ina-absent niya kami. Kaya hindi maaaring ma-miss ko ang elevator na ito. Ilang pares ng mga mata ang nakatutok agad sa akin pagbukas ng naturang elevator. Isa na roon ang kay Propesor Masungit. Halos ayaw pang umatras ng damuho para pagbigyan ako ng kaunting espasyo. Pero kiber. Siniksik ko ang sarili sa harapan niya. I felt his chest on my back. At awtomatikong may gumapang na kuryente sa buo kong katawan. For the first time, nakaramdam ako ng something na hindi ko ever nararamdaman sa kahit kanino mang lalaking nadikit sa aking katawan. Kahit sa guwapong-guwapong si Drae. Hindi ko napigilan ang sariling lumingon sa kanya. Nagtama ang paningin namin. At sa unang pagkakataon ay nakita ko ang warmth sa kanyang mga mata na sa isang iglap ay napalitan ng icy cold stare. Kaasar! But I noticed something different in his eyes. May shade of blue na parang green ang gilid ng kanyang light brown eyes. Nakakalunod. Ang seksi ng dating! Grabe! Pakiramdam ko tuloy ay pinagpawisan pati ang aking hita. Ramdam ko ang mamasa-masa sa sugpungan ng mga ito habang halos nakasandal kay MAURR REIDAR RICCI HALVORSEN, PH.D. Pipikit na sana ako para namnamin ang ligaya nang bigla akong napadilat dahil umatras siya at muntik na akong ma-off-balanced. Nilingon ko siya at inirapan. No reaction ang bwisit! Grrrr!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD