CHAPTER ONE

2039 Words
MAURR REIDAR RICCI HALVORSEN, PH.D. Pagkabasa namin ni Keri sa pangalang sinulat sa whiteboard ng binastos kong lalaki sa 7-Eleven, nagkatinginan kaming magkaibigan. Nakaawang ang mga labi namin pareho pero ako ang napalunok nang kung ilang beses. Gusto kong himatayin. Ganunpaman, kailangan kong panindigan ang pagsisiga-sigaan sa loob ng klase or else masisira ang reputasyon ko sa mga kamag-aral. “You’re dead, Eula!” pananakot pa ng p*ta. Dinukot ko ang sign pen sa bulsa ng berde kong jogging pants at tinutok ko sa pagmumukha niya. “Eh, kung patayin muna kita?” anas ko. Nagngingitngit. Ilang beses ko pang winasiwas iyon sa harapan niya. Gigil na gigil ako. Sa halip na matakot, napahagikhik si Keri. Aba, aba. Hindi ako siniseryoso ng haliparot!  Dinampot ko ang libro sa accounting ng katabi ko at ipanghahambalos ko na sana sa bruha nang maramdaman kong may lumapit. Shocks! Nakatayo na sa harapan ko si MAURR REIDAR RICCI HALVORSEN, PH.D. “Sir, yes, sir!” At nag-hand salute pa ako. Kunwari’y upong militar na agad. Ang mga kaibigan ko sa hindi kalayuan ay sumesenyas na sa aking umayos daw ako, pero hindi ko talaga napigilan ang sarili. Kusang lumabas ang ganoong reaksiyon ko, eh. Ano’ng magagawa ko? “You’re not funny, Miss---what’s her name?” Binalingan niya ang mga kaklase ko. Parang choral group na sabay-sabay na binigkas nila ang buo kong pangalan. YOLANDA YSADORA ANAI (pronounced as anay). Bahagyang nalukot ang puno ng bibig ni MAURR REIDAR RICCI HALVORSEN, PH.D. na tila ngumiti, pero pinigilan lang. “Okay. Pagtawanan mo’ng apelyido ko.” Balang-araw magiging middle name din iyan ng mga anak mong hayop ka! Pero siyempre, sa akin na lang iyong huli kong sinabi. “Name shaming someone is not part of my character. I’m not you,” sagot ni Propesor Mahaba Ang Pangalan saka tumalikod na sa akin. Siya na tuloy ang kunwari’y hahantingin ko sana ng sign pen. Pigil na pigil ang paghagikhik ng mga kaklase namin dahil sa ginawa ko. Hindi iyon nakaligtas kay Propesor Masungit. Bigla ba naman itong humarap uli sa amin. Nabitin tuloy sa ere ang kamay kong may hawak ng sign pen. He guessed what I was doing. He gave me a stern look. Napahalukipkip pa. Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko ang galit niya. No’n lang ako natakot nang todo. Kaso nga lang mas matimbang pa rin ang pride ko. Ayaw kong madungisan ang pagkakakilala sa akin ng mga kaibigan kung kaya pinanindigan ko na ang kawalanghiyaan. “Sir, I was about to ask---how do you pronounce your second name? Ray-dar? Re-i-dar? Ra-dar?” “Loka-loka! Hindi ka ba nakikinig kanina habang nagsusulat si sir? Sabi nga niya, Raydar!” “Ikaw ba si, sir?” sagot ko kay Shane. Diniuro ko pa ng sign pen. “Your classmate was right. Were you not listening when I was saying my name?” “Sowie, sir,” nakangisi kong pakli. Nagpa-cute. Lalo niya akong tinitigan nang matiim. “You know what Ms. Anai? I hate saying it, but sometimes names reflect the owner’s character. I hope and pray I’m wrong. I will be very happy if later I’ll find out, I’m wrong.” Aba, aba ang hinayupak! Sinabi na niya kaninang hindi siya nagne-name shaming, ah. Ano iyon?Hipokrito! Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya kung kaya reresbak na naman sana ako, pero nagtaas na si Propesor Mahaba At Maarte Ang Pangalan na ayaw na raw niyang marinig ang boses ko. Hihingi sana ako ng suporta sa mga kaeskwela pero mukhang wala na silang pakialam sa akin. Nakatutok na sila kay sir na ngayo’y nagpapaliwanag na ng course description ng klase namin. Wala akong nagawa kundi manahimik muna. May oras ka ring bwisit ka! Matapos ang mahaba-habang paliwanag kung tungkol sa ano ang klase naming Math in the Modern World, may bigla na lang kumatok nang tatlong beses sa pintuan at dumungaw ang isang magandang babae. Si Ms. Mary Beth Suarez. Dati naming guro sa Speech Communication. Isa si Ms. Suarez sa bata-batang guro ng unibersidad at isa rin sa biniyayaan ng hindi lang magandang mukha kundi maalindog ding pangangatawan. Very popular si Ms. Suarez sa mga estudyanteng lalaki kaya nga nang makita ng mga male classmates ko anino pa lang ni Ma’am Suarez, napa-ooh na ang mga manyak. “Maurr! Sorry to interrupt your class. May extra wyteboard marker ka?” “Oh, hey, Mary. Yeah, of course. Wait a sec. I’ll just get it from my table. Why don’t you come in?” nakangiti pa niyang paanyaya sa dati naming guro. “Huwag na. Dito na lang ako sa door mo, Maurr.” Hus! Ang landi naman ng babaeng ito. Hoy! May letter ‘u’ sa salitang guro. Huwag ka sanang makalimot. Napatingin ako sa palda niyang hapit na hapit sa katawan. Susko, Lord! Kaikli! Lagot ka sa akin mamayang bwisit ka. Ite-tweet ko ang outfit mong pang-bar hopping kaysa panturo sa unibersidad! Natigil lang ako sa pagsasabunot kay Ms. Suarez sa isipan nang siniko ako ni Keri. “Ano ba’ng kinikibot-kibot ng bibig mo riyan? Nasapian ka na ba?” At humagikhik ang bruha. Siya tuloy ang pinandilatan ko. Makaraan ang ilang sandali, binigyan  na kami ng babasahin ni PROPESOR MAURR REIDAR RICCI HALVERSON, PH.D.  Nagreklamo agad ako. “Wala na bang may ihahaba rito, sir? Thirty pages lang? Sus! Chicken! Sana ginawa n’yo nang sixty pages!” sabi ko. Tumingin lang siya sa akin as if I do not exist. Then, he looked at my classmates. “I’ll tell you a story guys. There was a girl I’ve known in high school who acted like a gangster in school. Many were in awe of her toughness. I was one of them. I thought, ‘Wow. If only I can have even just half of her bravado---her strength, her courage...Then, one day, her parents came to school. Her mom to be exact. That was because she did something in school and she was sent to the guidance office. Upon seeing her mother, she almost fainted. Later that day, we found out that her bravado---her toughness was just a defense mechanism. She was just doing it to cover up for her problems at home because in their home she was emotionally abused.” “Ouch! Parinig, sir? I’m sorry to disappoint you. That’s not my story.” Ngumisi pa ako. Pinakita ko sa kanya na hindi ako guilty. Hindi ako tulad ng babaeng kinukwento niya. Busog kaya ako sa pagmamahal ng mama ko---ng mga magulang ko. Hind naman siya sumagot sa akin. But I expected my classmates to somehow support my claim. Nang balingan ko sila, nakatingin na sila sa akin na tila naaawa. “Hoy! Hindi ako kulang sa aruga!” “If you need a shoulder to cry on, Eula, you must remember I’m always here for you,” sabi ni Shane. “Ang bwisit na ito! Sipain kaya kita riyan?” asik ko sa kanya. Napailing-iling si Sir Mahaba Ang Pangalan at tumalikod. May sinulat na naman siya sa whiteboard. Nanggigil na ako sa kanya. Bwisit siya! Nagtanim siya ng doubt sa utak ng mga kaklase ko! Pero habang matagal na nakatalikod si sir, napadako sa pang-upo niya ang atensyon ko. No’n ko lang napansin na well-endowed si Propesor Masungit doon. Maumbok! Hmn. Ano nga ang sabi nila sa lalaking maumbok ang pang-upo? Yes! Juicy! Tinig ni Ruffa Mae Quinto ang narinig kong boses na nagsalita ng “Yes, juicy!” kung kaya napahagikhik ako. Napatingin sa akin si Keri. “What’s funny?” tanong nito. “Wala.” “Ano ba? What’s funny nga?” pangungulit nito. “Apelyido ko.” At lalo akong humagikhik. This time hindi na ako pinansin ni sir.   ********** “How’s your first day at work, son?” salubong sa akin ni Mom pagdating ko ng pad ko sa Legarda. “Tiring,” pakli ko sabay alis ng pagkakasukbit ng knapsack sa likuran. Binaba ko ito sa sofa at dumeretso na sa kusina. Pagkakuha ko ng malamig na malamig na San Miguel beer bumalik na ako sa sala at sumalampak sa tabi ni Mom. “I told you. Students in the Philippines are different. Many are a bit immature. You will surely have a lot of challenges here. That’s for sure.” Napangiwi ako nang makita siyang nagtaktak ng upos ng sigarilyo sa ash tray sa center table. Ang alam ko kasi’y tumigil na ito sa paninigarilyo niya. Pinuna ko agad iyon. “I can’t help it. I’m stressed out.” “Don’t tell me you and Dad are arguing over something again.” Iisang tao lang naman kasi ang nagpapa-stress sa kanya. Iyon ay walang iba kundi ang ama ko. “That motherf*cker wants to stay in the Philippines for good! Uuwi-uwi na lang daw siya ng Iceland para magbakasyon. Isipin mo iyan? He prefers this Godforsaken country over his na mas maayos, mas malinis, mas komportable! At kasalanan mo ito! Ninyo ni Annete!” Nangunot ang noo ko. Bakit naman namin naging kasalanan iyon? In the first place, ke sa Iceland o sa Pilipinas kami maninirahan, nakabukod na rin naman kami sa kanila. “Convince your dad to move back to Iceland, please?” “Uhm, I forgot. I have a lot of readings to do. Ask Annete to do that for you. She’s way more charming. And Dad loves her more.” Pagkasabi ko n’yon tumayo na rin ako. Ininom ko sa kitchen table ang beer at pumanhik na rin sa kuwarto. Lihim kong winish na sana bumalik ng hotel niya si Mom. Huwag niya sanang abusuhin ang hospitality ko. She cannot stay that long in my pad. Nag-aamoy usok ng sigarilyo ang paligid na siyang pinakaayaw kong malanghap sa lahat.   ********** “Ang tapang mo, girl! Dinig namin nagbanggaan na kayo ni Professor Halverson!” nagtititiling salubong sa akin ng isa sa mga kaibigan ko sa Comm Arts. Si Felina. Mataba si Felina pero oozing with confidence. Pakiramdam niya kasi sa sarili alter ego siya ni Catriona Gray. Ganoong-ganoon ang projection niya. Kapag pumapasok nga ito sa klase ay ruamrampang pang Miss Universe. Kung si Catriona ay minsan lang naikot sa Lava walk niya, si Felina’y dinalawa niya. Asan ka pa? “Feeling guwapo ng hinayupak!” nanggigigil na sabi ko. “Guwapo naman kasi. Aminin!” Sumilay ang ngiti ko sa labi. Inalala ko ang makinis na kutis ni Sir. Ang ganda ng features no’n, in fairness. Mukhang may halo. Mestizo kaya iyon? Baka half? His name sounds foreign, too. “Taga-saan kaya iyon? Kakaiba ang pangalan, eh,” pasimple kong paghingi ng impormasyon. “Dinig ko from somewhere in the North Pole.” At humalakhak si Felina. “Baka kababayan ni Santa Claus. Who knows. Pero totoo ba talagang matalino? Dinig ko kasi’y super talino niya, eh.” “Sus! Overrated. Nagpapapatol nga sa estudyante ang hinayupak. Sukat ba namang hiyain ako sa harap ng mga kaklase ko?” At kinuwento ko sa kanya ang first day namin sa Math in the Modern World. Tawa nang tawa si Felina. Sayang nga raw at nakuha na niya ito noon. Kung hindi raw sana, nag-enroll na siya sa class ko dahil mukhang exciting. “Exciting ka riyan!”   ********** Nag-slow down ako sa paglalakad papasok sa campus nang makita ko na naman ang impertinente kong estudyante sa harap ng Admission Building. Looking at her from afar, mukha naman siyang lady-like. May finesse kung manamit kahit na school’s P.E. uniform lang ang suot. Maayos din ang mukha. Unlike other students, hindi ito makapal mag-make up. Bahagyang blush on nga lang at lipstick ang nakikita ko sa kanya. At ang pinaka-striking sa lahat, ang kilay niyang halatang natural. Walang bahid ng eyebrow liner. Kahit saang anggulo tingnan, isang kapita-pitagang babae ang makikita ninuman sa pisikal niyang anyo pero sa oras na magsalita’y akala mo istambay sa kanto. How come? I pretended I didn’t see her. Nilampasan ko siya nang pumunta akong Education Building. “Sir Maurr! Hey, Sir Maurr!” Napalingon ako. Ang kasama ng bastos na babae. Pilit kong inalala kung saan ko ito estudyante. “Hi, Sir Maurr! I’m Felina po. Felina Elisa Santos.” At inunat pa niya ang kamay para makipagkumusta sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Mukha namang naiiba siya sa kasama, eh. “Are you one of my students?” tanong ko. “Oh no, sir! How I wish I am!” At humagikhik itong kilig na kilig. Ang kasama naman niya’y humalukipkip at kunwari pang napatirik ang mga mata. “Ah, okay,” sagot ko. At nagpaalam na. “But Eula here is your student, sir!” pahabol na wika ni Felina. “Hoy! Ano ba? Bwisit kang baboy ka!” narinig kong asik nito sa kaibigan. Lumingon ako sa kanila at pinasadahan ko ng tingin ang kaibigan niya. In my most serious voice, I replied, “Yeah. I know.” And I gave Felina’s friend a cold look. Ang sama talaga lagi ng tabas ng bibig ng babaeng iyon. Hindi lang bastos sa guro. Nang-ba-body shaming pa. I will never have a girl like you. Never! Natigilan ako sa naisip habang papasok ng Educ Building. Wait. Did I really tell myself that? Pinilig-pilig ko ang ulo. No! I should stop thinking about her!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD