Invitation

2905 Words
"Hey, what's up man?" Agad napabalik sa reyalidad si Hanson nang basagin ng boses na iyon ang kanyang pagmumuni. Napaangat siya ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Mike, nakatingin sa kanya, "are you alright?" Tanong nito. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo pre'. Baka pwedeng i-share mo naman sa amin ang blessings." Pagbibirong sambit ni Jacob. "Naku! 'Wag mo nang asahan 'yan dahil ang sasabihin lang niya ay wala, pero ang totoo meron." Sarkastikong sabat ni Jason. "Ah hindi...wala lang ito.," Pasinungaling ni Hanson. ‘As if namang maniniwala silasa paliwanag ko.’ “Oh ‘di ba tama ang hula ko!” Agad na binatukan ni Jacob si Jason, “Pa’nong hindi tatama 'e sa araw-araw mo’ng nakikita at naririnig ‘yan sa kanya,” banat niya. Kagyat namilog ang mga mata ni Jason, labas ang ngipin, “Ikaw Jacob na haliparot ka, kanina pa ha, nangigigil ako sa 'yo!” sabi niya habang nakahawak ang mga kamay niya sa leeg nito. Nagsawalangkibo naman si Hanson. Hindi pinansin ang dalawa at ipinukaw ang atensyon sa kanyang kamay na abalang tumutuktok sa armchair. Nilapitan naman siya ni Janine, hila-hila ang upuan. Naka-pangalumbaba. Hugis kurba ang mga mata't bibig nito habang minamasdan siya nang may pang-uusisang. Nagsalubong ang kilay ni Hanson, "Bakit ganyan ka makatingin?" Ngumisi lang si Janine sa kanya, "Wala lang." panandalian itong nanahimik bago muling magwika, "So huhulaan ko... umm, iniisip mo ba 'yong... crush mo?" Agad inilayo ni Hanson ang kanyang mukha, "Anong pinagsasasabi mo diyan?!" Sabi niya. Namumula ang pisngi at nangulubot ang mukha. Akala niya'y kung ano na ang sasabihin nito. "Sus! Kunwari ka pa! Alam naman namin na mayroon ka’ng crush dito no' ayaw mo lang aminin," anya ni Janine. "Bistado ka na," nakangising sabi ni Jacob, taas-baba ang kilay. "Tssk bahala nga kayo diyan!" Mariin ni Hanson. "'Yan 'oh! 'Yan ang tunay na may sikreto, mahilig magtago." bulas ni Jacob at nagpatuloy sa mala-tulang bigkas habang nakaangat ang kamay, sinesenyasan si Hanson na umupo na, "pero maupo ka muna pre' at baka bigla ka'ng tumangkad." "Hindi na, magpapatangkad na lang ako." erap niya, pero naupo naman siya at dumungaw sa bintana. Tinapikan siya sa balikat ni Jacob, "Biro lang 'yon p're. ang seryoso mo kasi kanina 'e." "Hay, the silence is so deafening," pag-iiba ni Mike ng usapan, "What do you guys think he would be doing right now if he was here?" Bahagyang napangiti nang mapait si Hanson, "Hmm, I think he will still do that,” sabi niya, “always thought of something that will make everyone happy. I wish he was still here." Nanilim ang mukha ni Hanson. Tila nag-iba ang atmospera ng paligid. Ang kaninang maingay at masayang kwentuhan ay nawala. Namimikit-mikit naman ang mga mata ni Janine na para ba'ng pinipigilan nitong maluha. Inabotan naman siya ni Jason ng panyolito na kanya namang tinanggap at ipinahid sa mukha. "Ano ba 'yan!" singhal niya at tinuro si Hanson, "pinaluha mo ako Hans!" Sa pagkakataong iyon ay may nangingilid na luha sa mga mata ni Janine. Napamaang ang lima sa sinabi nito. Wala namang ginagawang masama si Hanson pero bakit siya ang pinagdidiinan? O trip lang nitong ituro siya. Lumihis lang ng paningin si Hanson sa halip na patulan ang drama ni Janine, baka magatungan lang. Batid naman niyang napaka-iyakin nito. Mababaw ang luha. Konting drama lang ay hahagulgol na. "Pa'no ba naman kase 'eh made of stone ang puso niya," tukoy ni Jacob kay Hanson. Napangiwi naman siya sa winika nito, "Pusong bato talaga?" Tinatapik-tapik ni Jacob ang balikat ni Janine, sinusubukang patahanin, "Tama na, 'wag ka ng umiyak." Sabi nito at kinuha ang tumbler mula sa kanyang bag at ipinatong sa armchair ni Janine, “Oh ito. Sa iyo na iyan nang humupa 'yang kadramahan mo.” Tila may hinuha si Hanson sa kakaibang gawi ni Jacob. Hindi naman ito ang tipong magpapatahan. Sa katunayan, ito pa nga ang madalas magpa-iyak kay Janine kapag nasosobrahan ng biro. Sa hinuha ni Hanson ay tiyak na may kapilyohan ang gagawin nito. Hinawakan naman ni Janine ang tumbler. Iinom na sana pero agad nagsalubong ang kanyang kilay nang madama niyang wala ng laman ito. Kunot-noo siyang napatingin ng masama kay Jacob, "Ano ito?! Bakit walang laman?!" "Ano pa ba, 'e 'di pansalo sa mga luha mo," natatawang wika ni Jacob. Biglang nagsihalakgakan ang lahat sa sinabi nito. Tumigil naman ang luha ni Janine at napalitan ng pamimilog ng mga mata at bibig. Nakatawang aso naman si Hanson habang nakikita ang reaksyon ni Janine na hindi makapaniwala sa biro ni Jacob. "Sinadya ko talaga iyan para hindi masayang 'yang luha mo," Patuloy pa ni Jacob, "hindi mo ba alam na 3% lang ang fresh water sa buong mundo." Nakangiwi ang isang bahagi ng labi ni Hanson. Ito rin kase ang sinabi ni Jason kanina at inulit lamang ni Jacob. "At ano naman ang kinalaman ng luha ko sa 3% na 'yan hah?!" Panaas ni Janine. "Eh malay mo maging fresh din-" "OH SO GUSTO MONG IPAINOM KO SA 'YO ITO HA!" biglang putol ni Janine sa nagsasalita pa'ng si Jacob. Kaagad itong tumayo at gigil na gigil ang mukha habang hawak ang tumbler na akmang ipupukol sa ulo ni Jacob. Hinarangan naman ito ni Jacob gamit ang kanyang mga kamay nang pa-ekis, "Hindi na uy! Maalat na yan ‘eh!" Sabi nito. Tila ang lumbay ni Hanson ay nawala. Maging ang atmospera ay nagbalik sa dati nitong sigla. Sa pakiwari ni Hanson ay sinadya ni Jacob ang magpatawa ngayon. Samantala, umalingaw ang bell sa buong Vicentian University, hudyat para sa pasisimula ng klase. Kaagad tumigil ang dalawa. "Hay naku, ang bilis naman ng oras." Hinayang ni Jacob. Napaisip si Hanson sa mga salitang iyon ni Jacob. 'Talaga ba Jacob? Ang sabihin mo nabo-bored ka lang sa section niyo!” puna ni Janine. "Okey, nag-bell na. Balik na kayo sa room niyo, kita kits na lang mamayang breaktime." ani ni Jason. Tumayo sina Liliane, Jacob at Janine at humakbang patungo sa pintuan "Ah, Liliane 'yong pagkain pala namin mamaya ha!" Pahabol ni Jason. Nasa pintuan na si Liliane nang pasaglit itong tumila at luminga sa kanila nang may ngiti, "Okey," sabi nito sabay talikod at naglakad palabas. Lumapit naman si Mike kay Hanson at may ibinulong sa kanya, “I think there's something between them.” Kaagad kumurba ang labi ni Hanson sa narinig at napaisip ‘Hhmm Mukhang bagay naman. One is strict and the other is clusmy. Not bad huh. Tiyak na sasakit ang ulo ni Jason nito kapag nagkataon.’ Hindi mapigilan ni Hanson ang matawa sa kaisipang iyon. Ang makita ang dalawa sa kanyang mga kaibigan na magkasama ay bago sa kanya. Sa nakikita ni Hanson sa hinaharap ay tiyak na ang pag-uusapan nila ay tungkol naman sa kung sino ang magiging huling single o ang unang magpapakasal. 'Hay... kay bilis nga naman ng buhay.' Luminga si Jason sa kanila at napataas ng kilay, "Anong pinagbubulungan ninyo diyan?" Napa-iling na lamang si Hanson. Ayaw niyang ipabatid dito ang sinabi ni Mike dahil tiyak na mag-iinit ang ulo nito, "Wala, may nakita lang kaming lovebirds." Nagsalubong naman ang kilay ni Jason. Hindi niya mawari ang tinutukoy ng kaibigan. Ilang sandali pa'y dumating ang Guro na siyang magtuturo sa unang subject. Dagling tumahimik ang lahat habang naglalakad ito patungo sa gitna at saka ipinatong ang dala nitong gamit sa mesang nasa harapan. Nag-kusa namang tumayo ang mga estudyante at sabay-sabay silang nagsi-bigay bati, "Magandang umaga po, Sir." "Magandang umaga rin sa inyong lahat, magsi-upo na kayo." Utos ng Guro. Naupo naman silang lahat at pagkatapos ay nagsimula na itong magturo. Dumaan ang tatlong subject, dumating na ang oras para sa break time. Nagmamadaling makarating sa cafeteria ang grupo ni Hanson, umaasang may maabutan pa. Naunang nakarating si Liliane sa lugar habang nakasunod sa kanya ang iba pa. "Hala,” sambit niya nang sumilip sa bintana ng cafeteria. Pansin ni Hanson ang himutok nito anupat dumungaw na rin siya. Mula doon ay kita niya ang loob ng cafeteria, halos hindi na mahulog sa karayom sa dami ng mga estudyanteng kumakain. Mayroong limang cafeteria ang Vicentian University ngunit dahil sa dami ng mga mag-aaral ay kadalasang napupuno ang mga ito at hindi na sapat para sa lahat. Ito na ang huling cafeteria na pinuntahan nila. May naiisip namang solusyon si Hanson. Medyo peligroso nga lang pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Hindi niya pwedeng ibatid kung saang lugar iyon pagkat alam niyang hindi sila papayag. "Alam ko na kung saan tayo pwedeng pumwesto," sabi niya at nauna sa kanila lumakad. Napatingin naman sa kanya ang lahat. Nagkorus ang lima, "Saan?" Huminto si Hanson at luminga sa kanila, "Basta sumunod na lang kayo," ani niya at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan naman siya ng kanyang mga kasama hanggang sa marating ang isang gusali. Pumasok sila doon at nilandas ang pasilyo papuntang hagdanan. "Hans, anong ginagawa natin dito sa 10A?" Usisa ni Jason sa kanya. "Basta." Kumulubot ang noo ni Jason sa itinugon nito, "Basta? Anong basta?" "Basta." "Basta nga daw 'eh. Hindi ka ba nakikinig ng tagalog, Jason," banat ni Jacob. Nagpantig ang tenga ni Jason, "Ikaw, Jacob, kanina ka pa ha! Siguro kinulang ka sa vitamins kaya ka ganyan o sadyang hindi ka pa nakapag-agahan kanina." “Oh bakit ikaw, hindi ka ba nagutom?” ganti ni Jacob. “Hindi.” "Ulol! Three hours have passed and you didn't feel hungry at all? Aba'y ang tindi naman ng tiyan mo p're. Ako nga kanina pa'ng gutom ikaw pa kaya... saka 'di mo ba alam na kaya nga inimbento ang breaktime at recess kase nga nakakagutom mag-isip." Umerap naman si Jason, "Hahaha... utot mo." Napapikit si Hanson habang naririnig ang walang kabuluhang pagtatalo ng dalawa. Iritable man sa pandinig ay hinayaan na lamang niya sila. Walang kwenta rin naman kung aawatin niya ang mga ito at paagkatapos ay magbabangayan na naman. Pagod lang sa lalamunan ang aabutin niya. Binagtas nila ang hagdanan pataas hanggang sa marating ang pinakadulong pintuan. Unang lumapit dito si Hanson at pinihit ang doorknob. Nang ito'y kanyang buksan ay bumungad agad sa kanila ang nakasisilaw na liwanag. Humakbang sila palabas habang hinaharangan ng kanilang mga kamay ang kanilang mga mukha. Hindi nag-tagal ay naging malinaw ang lahat. Kaagad namilog ang kanilang mga mata't bibig. Namamangha sa tanawing ngayon lang nila nasilayan. "Ano?! Seryoso dito talaga, sa top floor ng 10A?!" Wika ni Jason. Tungo lamang itinugon si Hanson. Ang 10A ang pinakamataas na gusali sa VU, mayroon itong limang palapag at nakalaan ang gusaling ito para sa grade 10. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ito ni Hanson para magpahangin at magrelax. Tahimik ang lugar at mahangin. Tanaw pa mula doon ang bundok Enigma. Subalit, sa kasamaang palad ay ipinagbabawal na ito ng unibersidad dahil sa panganib na dulot ng kawalan ng harang o bakod sa mga gilid nito. Nababasa naman ni Hanson sa mukha ni Jason ang pagka-disgusto. Hindi naman dahil sa ayaw sa lugar, kundi ayaw lang nitong may nalalabag na panuntunan. Laging stick to the rule si Jason. "Wala naman tayong pagpipilian saka kanina pa tayo palakad-lakad. Naikot nga natin ang buong campus sa kahahanap. Kita mo naman puno na lahat. Besides, walang makakaalam na pumunta tayo dito. Kung ipagpupumilit naman nating makihati ng pwesto sa bench or groto 'e siguradong pagtri-tripan tayo ng mga Gangster-wanna-be. Bawal na ring tumambay sa Narra dahil magkakalat lang daw ng basura," Paliwanag niya. "Tama siya," talima ni Jacob, "Isa pa, san' ka naman lulugar doon, sa bubong?" Tumanaw si Jacob sa malayo, naniningkit ang mga mata. Pagkatapos ay muli siyang bumaling kay Jason, "sa bagay, bubong na nga ito. Roof top e'. he he he." Bumuntong hininga naman si Jason, "Okey fine, whatever. Ano nga naman ang magagawa ko." "Guys! Tingnan ninyo dito!" Tawag pansin ni Janine. Malapit sa gilid at nakasilay sa malayo. “Janine, h'wag masyadong lumapit sa gilid at baka mahulog ka,” suway ni Hanson. Lumapit naman sina Jacob, Jason at Liliane sa kinatatayuan nito, "Wow! Ang ganda ng view," sambit ni Liliane. Napasapo sa mukha si Hanson, 'Anak ng tokwa. Ang hirap talagang magsuway ng makukulit.' Mula sa kanilang kinaroroonan ay tanaw nila ang Bundok Enigma na balot sa matingkad na kulay luntian. Animo mga bulak naman sa paningin nila ang mga ulap na nakapaikot sa tuktok ng bundok. Sumulyap lamang si Hanson sa tanawing iyon, "Ayusin na natin ito guys nang makakain na tayo," sabi niya at bumaling sa bentilasyong malapit sa pintuan. Luma na ito't kalawangin na. Mukhang wala pa'ng balak ayusin ng VU ito. Lumapit si Hanson sa bentilasyong iyon. Tinanggal ang tabing at mula doon ay inilabas niya ang makapal na tela at tolda. Nagsilapit ang lima sa kanya. "Aba, talagang pinaghahandaan 'ah," wika ni Jacob. "Actually, madalas akong tumambay dito mula noong grade seven. Dito ako nagpupunta sa tuwing kailangan kong magpahupa. Parang therapy na rin ito para sa akin. " paliwanag ni Hanson, "So since wala namang mapwestuhan 'eh dumito muna tayo." "Ah, okey." sambit ni Jason, tila naunawaan nito ang ibig sabihin ng binatilyo kaya hindi na siya nagtanong pa, maging ang lima'y gayundin. Nagtulong-tulong sila sa pagsasa-ayos ng tolda. Itinali nila ito sa iba pang bentilasyon upang mag-silbing pananggalan sa araw. Inilatag naman nila ang malapad na tela upang maging sapin. Matapos nito ay kanya-kanya silang naglabas ng kanilang mga baon at sama-samang nananghalian. Simple at masasarap ang baon ng bawat isa na sinamahan pa ng mga tawanan at kwentuhan habang kumakain, animo'y hindi sila nauubusan ng mga istoryang ihahayag at ng mga biruang walang humpay. "Guys, anong balak ninyo nitong darating na bakasyon?!" Biglang tanong ni Liliane habang sila'y kumakain. Sa bakasyon? Untag ni Hanson sa sarili. Gumala ang paningin niya sa kanyang mga kasama, tahimik. Napapaisip kung ano ang gagawin nila sa bakasyon. "Ako, wala eh' kayo?" Dugtong ni Liliane. "Ayy!" Biglang bulalas ni Janine kasabay ng isang malakas na palakpak. Dagling nabalahaw si Hanson na katabi nito, maging si Liliane ay napasamid na katabi rin ni Janine, "Janine naman," Anang ni Liliane habang nauubo at napapahawak sa dibdib, "h'wag naman biglaan, aatakehin ako sa 'yo eh." "What, did you forget something?" Tanong ni Mike. "Bukas na yo'ng Festival!" Anya ni Janine. "Festival?" Kunot noong sambit ni Liliane na tila ngayon lang niya narinig. "Oo, ang 160th Wishing Tree Festival," sabi ni Janine, tila mga bituing nagniningning ang kanyang mga mata habang nakangiti, "guys, ano kaya kung lumabas tayo." Kumulubot naman ang mukha ni Hanson at napatingin sa dalagita, gayundin ang apat. "Guys, tapos na ang fourth preliminary exams kaya wala na tayong gagawin sa weekend and tomorrow is Saturday. Bukas na gaganapin ang wishing tree festival— so bakit hindi tayo gumala." Patuloy niya. Napailing si Hanson sa suhestyon. 'Galaan? Sa festival?' Bahagya siyang yumuko at itinuon ang atensyon sa kamay niyang tila naglalaro habang pinapaikot ang hawak na kutsara. 'Sasama ba ako o hindi? Will it be OK for me if I choose to come along? What happens if my illness get triggered? Baka makaabala lang ko sa kanila?' "Janine, may gagawin pa ako mamaya." sagot ni Jason kay Janine. "Ako maglalaro ng Xbox." segunda naman ni Jacob. Napaangat ng tingin si Hanson sa tugon ni Jason. Bumaling din siya kay Jacob na katabi nito. 'The undeniably duo.' Si Jason na always priority ang pag-aaral at si Jacob na mahilig magdahilan kapag nagdadalawang isip o ayaw niya. Except na lamang kung may makukuha sila sa pagsama nila. 'What a nice partner in crime. KJ as always.’ Tila naglahong parang bula ang ngiti ni Janine, “Grabe, mga kill joy talaga kayo,” sabi nito at bumaling kay Liliane, “Ikaw Lil, 'wag mo sabihing may gagawin ka rin.” "Ha! Naku Lil' sigurado akong mag-i-stalk lang 'yan sa crush niya." Natatawang sabat ni Jacob, sinasadyang pikunin si Janine. Sinimaan ito ng tingin ni Janine, "Alam mo ikaw na Jacob ka, Jacob ka talaga." Inis na sabi nito sabay umerap at bumaling kay Liliane, "Ano, Lil?" "Aaah, wala naman akong gagawin bukas. And since bago lang ako dito, so why not. Gusto ko rin namang libutin ang Sitio Pinagpala." Sagot ni Liliane. Umaliwalas ang mukha ni Janine. Lubos na ikinatuwa ang pagpayag nitong sumama sa kanya, "Good," Sabi niya sabay tapik sa balikat ni Liliane. "That's great. Tamang-tama dahil pupunta tayo sa pinakasikat at pinakabonggang Heritage House." "Heritage House?!" korus na sabi nina Jason at Jacob. Kumulubot ang noo ni Janine sa reaksyon ng dalawa, "Oh bakit ganyan ang tingin ninyo?" "Ah' hindi naman. Naalala ko lang, nasira pala 'yong xbox ko." Pangisi-ngising sambit ni Jacob. "Ako gagawin ko na ang research ko mamaya." Segunda ni Jason. Bahagyang ngumisi si Hanson sa itinugon ng dalawa. ‘Eh?! Aba'y isa itong malaking Himala.’ Napasapo si Janine sa noo at tumingala, "Wow naman 'sing lakas ng isip niyo ang panahon, bigla-biglang nagbabago! Anong nakain ninyo ba't nagbago ha?!" Agad niyang nilingunan si Mike na abala pa sa pagkain, "At ikaw Mike, kahit hindi mo sabihin alam kong sasama ka!" tinapunan din nito ng tingin si Hans, "isa ka pa Hans." Napasamid si Mike sa pagbuntong sa kanya ni Janine habang si Hanson naman ay naglapad ng noo, "What me?" "Grabe! Para kayong mga tuko, hindi mapaghiwalay! Dinaig niyo pa kami ni Jason!" Patuloy pa ni Janine. "Uh, Janine," tawag ni Mike kabado at takot na takot sa dalagita. Nanlalaki na naman ang mga mata ni Janine nag luminga uli kay Mike, naka-taas ang kaliwang kilay, "Ano?!" Tila atrasado naman ang dila ni Mike, "Please calm down. You don't have to be angry." "No I'm not. Nag-iinit lang ang bangs ko, ang sakit ninyo sa anit, 'yong hair ko lumalagas na because of you. And you know what, kahit hindi ka na magsalita 'e alam ko na. Sinabi ko na 'di ba," saad ni Janine sa malataray na tuno. ‘Pero wala pa akong sinasabi at bakit parang nilalahat mo yata,’ Anya ni Hanson sa sarili. Samantala, tila hindi naman makasabay sa kanilang usapan si Liliane. Nakatingin lamang ito sa kanila, walang ideya sa kung anong pinag-uusapan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD