Sana nga

3337 Words
"Umm guys, can you enlighten me about the Festival? Im curious. Bakit Wishing tree ang tema?" tanong ni Liliane. "Ah sa wakas may dumaang anghel." anya ni Jacob. Tila patama ang dating ng turan nito kay Janine, anupat sinamaan niya ng tingin si Jacob. This one is getting on her nerves. Konting-konti na lang at masasampal niya na ito, subalit nasa magandang mood siya ngayon para umusap kaya hindi niya ito papatulan. Huminga siya ng malalim, pinapakalma ang sarili. Naging maaliwalas agad ang kanyang mukha nang bumaling kay Liliane, "Well, hayaan mong si Jason ang magkwento sa iyo," Saad niya at luminga sa kakambal. "Huh, ako? Wait, why me?" wika ni Jason, nangungunot noo nang ituro ang sarili. "Syempre ikaw, kay top 1 ka man. Magaling sa reporting," diin ni Janine sa mala-bisayang tono. "Hay, oo na, oo na. Ako naman palagi 'e." Napabuntong hininga si Jason at tumikhim muna bago magpatuloy, "Ang Wishing Tree Festival. Nagsimula sa isang matandang alamat." ‘Wishing tree again? Wala na ba kaming pwedeng pag-usapan liban d'yan?’ untag ni Hanson sa sarili. Tila nawalan siya ng panlasa sa tinuran nito. Hindi niya na mailunok ang huling kinain at nagpaikot-ikot na lamang ito sa kanyang bibig. Ilang beses niya na ba 'to narinig? Hindi naman sa nagsasawa na siya o kung ano pa mang rason. Hindi rin siya namumuhi. Sadyang nag-iiba talaga ang pakiramdam niya tuwing maririnig ang tungkol sa festival. Hindi niya malaman ang dahilan. Sa isip-isip niya'y marahil ay dahil sa panaginip niya. Madalas kase niyang makita ang isang nagliliwanag na higanteng puno at nagkataong puno rin ang tema ng festival. Maging ang pagpunta sa Heritage House Museum ay hindi niya binalak, kahit na dinadagsa ito ng mga turista dahil sa taglay nitong tanawin. Nanatiling tahimik si Hanson at hindi na ginalaw ang pagkain, habang ang kanyang mga kasama'y tila mga paslit na nakaabang sa isasalaysay na alamat. Bagamat batid na nila ang kabuuan ng istorya ay interesado pa rin silang mapakinggan ito. "Ayon sa kwento, noong sinaunang panahon ay may isang mahiwagang puno na matatagpuan sa liblib na kagubatan ng bundok Nima." "Taon-taon, tuwing kabilugan ng buwan, ang punong ito ay nag-liliwanag. Mula sa mga ugat, tangkay at hanggang sa mga dahon. Pinaniniwalaan noon na sino man ang makakita sa punong ito ay maaaring humiling ng ano man. Kahit ano ang hilingin mo dito ay magka-katotoo." Sanaysay ni Jason. “Talaga,” anya ni Liliane, magkalapat ang mga palad. Tila nangisngislap ang kanyang mga mata. Parang paslit na nabighani sa hiwaga ng punong tinutukoy sa alamat. Umaasa na ito ay totoo. "At doon binase ang Wishing Tree Festival" panapos ni Jason. Sa pagtatapos nito ay tila may paklang gumuguhit sa lalamunan ni Hanson. Parang nababaliktad ang sikmura niya. He can't take this anymore. Kailangang may gawin siya upang mabago ito. "At ang kwentong ito ay pinasa-pasa mula sa mga matatanda. Nakadikit ito na sa kasaysayan at kultura ng bayan,” dugtong ni Janine, “kaya noong 1980's dineklara itong opisyal na Festival which is celebrated every march at itinatapat sa huling full moon katulad ng sa alamat." "Hindi lang iyon." garagal na sabat niya, seryoso ang mukha at ang mga mata'y tila tinging nakakapang-tindig-balihibo. Natahimik naman silang lahat at napatingin sa binatilyo. "Until now ay isang misteryo pa rin kung paano ito nag-simula. Maraming espekulasyon. May mga haka-haka na noon daw ay mayroong sinaunang pamayanan dito, pero, isang araw bigla raw itong naglahong parang bula at sinasabing dahil iyon sa mahiwagang puno. Walang nakaka-alam kung ano ang nangyari sa kanila pero-" naudlot ang pagsasalita niya nang sumabat si Jason, "Yan' ka na naman. Ang ganda-ganda ng kwentuhan biglang naging pang-horror movie." "Teka', ang akala ko ba'y ipapaliwanag natin ang lahat sa kanya." ika ni Hanson. "Next time na lang 'yan dahil baka ma-explode si Liliane sa too much information. Baka ma-over stock knowledge s'ya," Pilyong sabi ni Jacob. “Saka be realistic, magmove on ka na, tapos na po ang election." Nanlaki ang mga mata ni Hanson, "Realistic nga!" sagot niya. "Ang gustong malaman ni Liliane ay ang tungkol sa Festival at Heritage House," komento ni Janine. "'Yon na nga ang sinasabi ko. Alam niyo guys, pansin ko lang. Bakit lagi kayong kontra sa tuwing mag-sasalita ako. Ano ba'ng meron?" anya ni Hanson. Mukhang epektibo ang pagpapabago ng usapan. Ngayon ay kailangan niya ng harapin ang kahihinatnan nito. "Eh' kasi nga nakakatanda ang sobrang seryoso" sabay na sambit ng kambal at ni Jacob. "Kung hindi pang-horror nagiging drama. Kung hindi drama nagiging horror, 'yong comedy nagiging mystery. Kulang na lang tumanggap ka ng Award's Night 'e." bira pa ni Jacob. Umiling si Hanson, "Eh' kasalanan ko ba kung ganito ako." "Okey tama na 'yan." paningit ni Janine at sila'y nagpatuloy sa pagkain. Tila nakahinga naman ng maluwag si Hanson. Kahit papaano ay nakaligtas siya matapos batuhin ng pang-aasar ng kanyang mga kaibigan. Mabuti't hindi na humaba pa ang usapan dahil kung hindi ay tiyak na hanggang bukas ay kukulitin siya ng mga ito at pabirong bibirahin. "Pero may'ron bang Wishing Tree?" tanong ni Liliane. "Siyempre wala!” sagot ni Jacob, “Liliane, alamat lamang iyon and if that tree does really exist, then dapat matagal na akong nasa Paris." Natawa naman silang lahat sa winika ni Jacob, liban kay Hanson. Agad itong pinandilatan ng mata ni Liliane, “Oh, let me clear about the question. Sabi ko kung may nag-e-exist ba'ng matandang puno dito na pinangalanan ninyong wishing tree?” “Oooh...” All five of them said in unison. “Basag ka ano?” anito ni Janine. “Tssk, ako mababasag? Ha! No way.” “Okey, so since lahat naman ay pupunta 'e pag-usapan na rin natin ang ibang details now,” patuloy ni Janine, "so here's the plan, tomorrow magkita-kita tayo sa fountain sa Amusement park at exactly 7:30 am para pagdating ng 8 am ay pupunta na tayo doon." Namilog ang bibig ni Hanson, ‘What? but I didn't say na sasama ako sa inyo.’ "Teka' muna guys, sa pagkakaalam ko 8:30 ang bukas ng Heritage House, 'eh bakit ang aga naman natin?" Singit ni Jacob. "Dahil bukas na ang festival kaya sure akong mahaba ang pila sa entrace at maraming tao ang dadagsa doon." Tugon ni Janine. Naghimas ng baba si Jacob, "Ah, gan'on ba." "Ikaw Jacob, since ikaw naman ang laging late, makakarating ka ba ng maaga bukas?" tanong ni Jason. "Siyempre naman, ako pa! First time kong makapunta doon kaya dapat lang na hindi ako magpa-late." pagmamalaki ni Jacob. "Ano ikaw din?" saad naman ni Liliane. "Oo. Ang layo kase no'n. Nasa liblib pa at ang mahal ng singil sa entrance fee kaya hindi ako nakakabisita doon." "Okey first things first. We must inform our parents about this" anya ni Mike, "Just in case something happens to us at least our parents know where to look for." "Hmm, I see." Anito ni Liliane. "Agree ako dyan," segunda ni Janine. "I think hindi ako makakasama dyan." wika naman ni Hanson. May pagtataka namang gumala ang paningin ni Jacob at Liliane sa apat nilang kasama, "At bakit naman," sabi ni Janine, "hindi ba't kakasabi ko lang kanina-" "I didn't say na sasama ako." putol ni Hanson. "Oh come on, can you state your reason please." Tila nakuryente si Hanson sa tanong ni Janine. ‘I wish I can tell you my reasons but I don't think you will understand that.’ "Ngayon ko lang kase naalala na...." "Ang alin?" "Na may bayad ang entrance fee." sabi ni Hanson. Kailangan niyang iwasan ang lugar na iyon kaya ito na lamang ang naisip niyang dahilan. "I think mas maganda kung iba na lang ang puntahan natin bukas." "Ano?! Ay, no way. Hindi ako papayag diyan!" pag-salungat ni Janine. Napakamot sa ulo si Hanson, pangisi-ngisi, "Pero Janine, kulang ang budget ko para doon kaya iba na lang ang puntahan natin." "Huwag ka'ng mag-alala dahil kami na ni Jason ang bahala diyan." "Seryoso ka?" "Oo." Kaagad napasuntok sa hangin si Jacob, "Yes, kayo talaga ang the best sa lahat!" Napangiti ng mapait si Hanson, "Pero- baka magalit ang parents ninyo." "Actually, Hans, madaling mapapayag sina Mom and Dad. Konting drama lang keribels na, so tomorrow morning we will go to Heritage House Museum." tila pagmamalaki ni Janine. Nakangiwing ngiti si Hanson. Akala'y makakalusot ang dahilan niya pero hindi siya nagtagumpay. Mukhang mapipilitan siyang sumama sa barkada. "Dont worry Hans, ang isipin mo na lang na gagawin natin ito para sa isang kaibigan." patuloy pa ni Janine. "Tama siya." Sang-ayon naman ni Jason, "Kaya hindi ka dapat mahiya diyan. Tingnan mo na lamang si Jacob lagi nakatawa even na may problema." "'Yon oh! Correct ka d'yan my friend!" talima ni Jacob. "Kaya lang— 'wag mo siyang gagayahin at baka mapagkamalan ka ring baliw." "Uy, hindi naman gan'on my friend wag naman 'yon!" nakangusong wika ni Jacob. Gumuhit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at kumawala ang mga hagikhikan. "Hindi na ako makapag-hintay, excited na ako." wika ni Liliane. "Guys tandaan ninyo ang pinag-usapan natin 'wag ninyong kakalimutan." sabi muli ni Jacob. "Sus, nagsalita ang always late!" anito ni Jason. "Hoy, bagong-buhay na ito 'tol. Baka nga mamaya ikaw itong hindi sumama eh," "No worries, ako na ang bahala kay Jason kapag nagbago ang isip." Pangiting sabi ni Janine, sinasadyang asarin ang kakambal. "At ano naman ang gagawin mo kung sakaling hindi ako sasama aber?" Usisa ni Jason kay Janine. "E' di mag-poposas tayong dalawa tutal mag kambal naman tayo 'eh!" "E di' wow." naka-ngusong saad ni Jason at sabay nagsi-halakhakan ang lahat, maliban kay Hanson na tila napipilitang ngumiti, 'Masama ito.' Muling tumunog ang bell na siyang pasimula ng klase sa pang-hapon. Isang oras lamang ang launch break nila subalit hindi nila ito namalayan dala ng bukso ng pagkasabik. Hindi pa nila tuluyang nauubos ang kanilang pagkain nang magligpit sila ng mga gamit. Nilinis din nila ang lugar ng maigi upang walang makabatid na may nagtutungo doon. Dali-dali silang sumipat sa kani-kanilang mga silid-aralan. Hanggang 2 pm ang klase ng junior high at pagkatapos no'n ay magtutungo na sila sa kani-kaniyang club activities. Miyembro ng Science club sina Jason, Janine at Liliane habang sina Mike at Hanson ay nasa team Arnis. Wala namang pinagka-abalahan si Jacob sa mga sandaling iyon kundi ang tumambay at hintayin ang lima. Dumating ang dapit-hapon, oras ng uwian ng mga guro't estudyante ng VU. Walang naganap na training sa Arnis Team. Wala sila ibang ginawa kundi ang maglinis at magñagay ng dekorasyon para sa Festival bukas. Walang pasok ang lahat. Tamang-tamang pagkat medyo nanakit na ang katawan ni Hanson sa kaka-ensayo. Nagkita ang anim sa tapat ng building 8-1. Sabay-sabay nilang nilisan ang paaralan. Bawat isa ay may dala-dalang bike pero hindi nila muna ito ginamit. Naglakad na lamang sila hanggang sa marating ang isang kanto na tatlong kalsada sa iba't ibang direksyon. Dito na rin sila nagkahiwa-hiwalay ng landas. Nanatili muna si Hanson sa kanyang kinatatayuan, pinagmamasdan ang papalayo niyang mga kaibigan hanggang sa naging mallit na lang sila sa kanyang paningin. "Tayo na," yaya ni Hanson kay Mike at nagsimula na silang pumadyak ng bisekleta. Luminga si Hanson sa kanyang kaliwa habang binabaybay ang daan. Pinagmasdan ang unti-unting pagkubli ng araw sa likod ng bundok Nima. Animo nagkulay ginto na hinaluan ng pula ang paligid ng araw. Pinasadahan niya rin ng tingin ang kalangitan na may kakaibang kulay ng pinagsamang mapusyaw na kahel at dilaw. Kay gandang pagmasdan ang tanawin. Nakaka-relax. Nakakasaya sa pakiramdam. Sinabayan pa ito ng ihip ng hangin. Sa isip-isip niya'y malamang marami ang mapapatigil nito. Sa ganda ba naman ng panahon at magandang view, aba'y sinong hindi mabibighani —liban nga lang sa kanya. Nandilim ang kanyang mukha. May kurba sa kanyang mga mata at labi ngunit may bakas ng kapanglawan. ‘Kuya...’ Sa pagbanggit ng salitang iyon ay tila may tumutusok sa kanyang dibdib. Mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas mula noong huling magkita't magka-usap sila ni Tristan. Labintatlong taong gulang pa lang siya nun nang may isang grupo mula sa isang partikular na kumpanya ang nag-anyaya sa kanyang kapatid. Isang tanyag na kompanya na kilala sa larangan ng siyensya't teknolohiya. Lubos na humanga si Hanson sa kanyang kapatid dahil isa ito sa napili nilang imbitahan na magtrabaho sa kanila. Hindi naman ito kataka-taka sa kanya sapagkat si Tristan ang gumawa kay VD na isang pet robot. Mayroon itong software program na maaaring mag-download at mag-imbak ng data upang madagdagan ang mga kakayahan at kaalaman nito, sort of A.I that can learn on itself. Programmed to monitor his PTSD condition, kasama na ang manggising sa kanya. Tumutulong din ito sa ilang gawaing bahay and he records everything and store it on what he called Memsys or Memory System, gaya ng ginagawa ng mga CCTV. Kahanga-hanga hindi ba? Subalit hindi ito naging madali para makumbinse si Tristan. Sa una ay nagdadalawang-isip ito kung tatanggapin ba ang alok, pero dahil sa panunudyok niya ay napapa-oo ito na magtrabaho sa kumpanyang iyon. Ngunit ngayon, tila sising-sisi siya pagkat wala ng dadamay sa kanya, lalo na ngayong muli na namang sasapit ang gabi. Batid niya ang rason sa likod ng malikhaing gawa ni Tristan at iyon ay dahil sa kanyang kalagayan. Ito rin ang dahilan kung bakit iniwan sa kanya si VD upang kahit papaano'y maibsan ang nararamdaman niyang takot sa tuwing nagpa-panic attack, lalong-lalo na sa umaga. Subalit, hindi ito naging sapat. Sa tuwing sasapit ang dilim ay dinadalaw siya ng kanyang pangitain. Nakakalungkot isipin na hindi niya na kasama ang kinikilalang kapatid na si Tristan Sidis. Magkahalong takot at pagkabalisa ang kanyang nararamdaman ngayong muli na naman niya makikita ang dalawang mandirigma. "A dream that became a nightmare." Usal niya. Samantala, isang malakas na ihip ng hangin naman ang biglang dumaan sa kanya. Napagmasdan ni Hanson ang hanging iyon, tangay-tangay ang kakarampot na dahon. Tila nakadama siya ng kakaiba. Animo may nanahang malamig sa likod ng kanyang dibdib, dahilan upang siyang maharipang huminga. Maging ang bugso ng kanyang puso'y bumilis at nagsitayuan rin ang kanyang mga balahibo. Malimit namang binabayo ng malalakas na hangin ang lugar nila lao na't sa tuwing nalalapit ang summer at nasanay na siya sa ga'nong panahon, ngunit, bakit? Hindi maipunto ng binatilyo kung ano iyon, pero isa lang ang sigurado, mayroong hindi tama dito. Samantala, patuloy lamang si Mike sa pagpadyak ng bisekleta habang humuhuni ng paborito niyang awitin. Walang siyang kamalay-malay na naiiwan na pala niya si Hanson. Saka na lamang niya napagtanto na nag-iisa siya nang luminga sa gilid. "Hans?" Dagli itong huminto at luminga sa likuran at doon ay nakita niyang nakatingin sa kawalan si Hanson. "I S there something wrong, Hans?" Tanong niya habang lumalapit sa binatilyo. Tila hindi siya narinig nito kaya kinalabitan niya ito sa balikat. "Hey, Hanson wake up!" "H-huh? Anong-?" Nagtatakang sambit ni Hanson. "Anong ano, kanina ka pa'ng tulala diyan 'eh. May problema ba?" "Ah-eh wala, wala lang." Ngumisi lamang si Hanson upang hindi nito mahalata pero seryosong nakatitig sa kanya si Mike. Sadyang mahirap talaga itong kumbinsihin. "Ano ka ba, wala lang 'yon" wika muli ni Hanson sabay tapik sa balikat ni Mike, "Tara bilisan na natin." Dagdag niya at muling nagpatuloy. Naging malamlam ang mukha ni Hans habang binabagtas nila ang daan patungo sa kanilang bahay. "Wala lang 'yon siguro." sabi ni Hanson sa kanyang isipan. ‘I hope so.’ ### Sumapit ang kadiliman sa mundong ibabaw. Lahat ng tao ay mahimbing ng natutulog. Lahat ay nagpapahinga sa gabing payak, ngunit hindi para sa kanya. Lumalaim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Hanson. Kanina pa niyang pinagmamasdan ang puting kisame na nadidiliman dahil nakapatay ang ilaw. Mayroon namang konting liwanag na pumapasok mula sa bintanang bukas. Tahimik. Wala siyang ibang naririnig kundi ang orasan na patuloy lang sa pagtunog. Nagmistula namang lumulutang sa ere ang kurtina dahil sa hangin na tumatangay dito. Tumingin ang binatilyo sa kanyang kaliwa at nakita niya ang orasang nakapatong sa study table, "Alas onse na pala." Tinapunan niya rin ng tingin ang sahig at nakita ang mga nakasalansang papel, katabi si Mike na mahimbing ng natutulog. Malakas ang hilik nito na halos umalingawngaw na sa buong kwarto, ngunit hindi na ito isyu kat Hanson. Sa dalas pa naman nitong mag-overnight para mag-group study ay nasanay na siya sa ingay nito. Karaniwang inaabot sila ng madaling araw sa kaka-review. Pagsabay-sabayin pa naman ang pag-aaral at pag-a-arnis, pero ngayong gabi, himalang nakatapos sila ng maaga at dahil iyon sa wala silang training. Kahit bukas, sabado ay wala rin. Tapos na rin ang preliminary test kaya paghahanda na lang sa remedial ang ginagawa nila, na 'di hamak na mas madali kesa sa preliminary test. Malaking bagay para kay Hanson ang dalawang araw na pahinga mula sa pag-eensayo. Ilang buwan na rin kase silang subsuban sa training mula 2pm hanggang 5pm kapag weekdays at 8-4 naman tuwing weekend. Maging hanggang sa pag-uwi nila ay kinailangan nilang mag-ensayo. Magjo-jogging ng madaling araw o di kaya'y mag-warm up. Lahat ng ito ay bahagi ng paghahanda nila para sa darating na Palarong Pambansa. Dagdagan pa ng pag-aaral para sa scholarship program nila. Kailangan nilang magsipag dahil kung hindi ay mawawalan sila ng scholarship at maaaring matanggal pa sa team. Tumagilid si Hanson sa kanan at napabuntong hininga. Bahagya niyang kinagat ang kanyang mga labi. Inaalala hindi lamang ang mga panaginip kundi pati ang gaganaping Palarong Pambansa. ‘Siguradong sangkaterbang pangungutya na naman ang aabutin ko nito.’ ani niya sa sarili. Mula sa sulok ng kanyang isipan ay tila nakaririnig siya ng mga boses na umaalingawngaw sa loob ng kanyang ulo. ‘May sakit siya pero bakit siya hinayaang sumali?’ ‘May potensiyal pero hindi magamit.’ ‘Mahusay at kayang tapatan si Sarah pero hindi niya kaya.’ ‘Bakit siya sumali sa grupo 'eh wala naman siyang ginawa kundi ang manood ng laban?’ Agad-agad niyang inabot ang isa pa'ng unan at madiing itinaklob sa kanyang mga tenga. Maging ang kanyang mukha ay nasasakopan na rin nito. Pilit niyang iwinawaksi ang kaisipan sa ibang bagay. Pero hindi niya magawa pagkat nakatatak na ang mga salitang iyon. Sa isa't kalahating taon mula ng sumali si Hanson sa Arnis team, ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong lumahok. Hindi naman dahil sa mahina siya o kung ano pa man, kundi sa PTSD. Alam ng lahat ng mga kasamahan niya sa koponan ang tungkol doon. Ang Head coach, assistant coach, ang team Captain at ang vice captain, lahat sila, batid ang kalagayan ni Hanson, kaya minsan, tampulan siya ng panghuhusga at panunukso. Pinababayaan naman iyon ni Hanson. Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya. Sa katunayan, ang tanging dahilan kung bakit siya sumali sa grupo ay dahil nais niyang malampasan ang kanyang limitasyon, at siyempre para rin sa nakatatandang kapatid at ina-inahan. Nagsumikap siyang maging malakas upang mapagtagumpayan ang kanyang takot. Naging mabuti naman ang kinalabasan nito. Kahit papaano'y nakokontra niya ang kanyang trauma, liban nga lang sa panaginip. Subalit masakit pa rin. Mahirap para sa kanya ang harapin ang trauma, gayundin ang pagsusumikap niyang maging matatag at malakas dahil nahuhusgahan siya ng mga tao. Ipinikit na lamang ni Hanson ang kanyang mga mata, iniisip na mawawala rin ang lahat ng kanyang mga problema. Umaasa na baka nga; sana nga'y matupad. Sana hindi na siya dalawain ng panaginip. Subalit ano pa nga ba ang magagawa niya. Hindi niya maaaring diktahan ang mga bagay na nangyayari sa kanya. sa halip na makaidlip ay nagpabaling-baling siya. Haharap sa kabila, lilingon sa isa, babaluktot ang katawan at mag-iinat. Lunod na lunod na sa mga suliraning bumabayo sa kanya. Ano pa ba ang kulang? Dagli siyang bumangon nang paupo sa higaan at hinilamos ang kamay sa kanyang mukha, "Ano ba, Hans, kalma lang ha, kalma lang," bulong niya habang mariing ikinukuskos ang palad sa kanyang magkabilang sentido na pagkadakay ay inalis rin sa kanyang mukha. Nagpakawala siya ng hangin at tumindig. Lumapit sa study table kung saan may nakahandang isang pitsel ng tubig at isang basong nakataob sa maliit na platito. Kinuha niya ang pitsel at nilagyan ng tubig ang baso. Hinila naman niya ang drawer sa ilalim ng study table at kinuha ang tatlong maliit na bote. Trazodone, Prazosin at Paroxetine. Ang Trazodone ay ginagamit kapag may initial-sleep insomnia, lalong-lalo na sa katulad niyang may PTSD. Para sa bangungot ang Prazosin upang mas lalo siyang makatulog. Paroxetine is also used to treat patients with PTSD. Binuksan niya ito at naglabas ng tag-iisang tableta at ininom ng sabay. May limang minuto ang pagitan ng bawat gamot bago Matapos nito'y agad niyang nilagpak sa kama ang mabigat na katawan nang patalikod at napabuntong. Humarap din siya at napatulala sa kisame, naghihintay na umepekto ang nainom na gamot. Unti-unting namigat ang talukap ng kanyang mga mata, hanggang sa tuluya na siyang pumikit. Tila kibit-balikat siyang nagsawalang bahala. Bakas ng kapayapaan sa kanyang mukha. Siguro, sa pagkakataong ito'y hindi na sila magpapakita pa. Sana ganito na lang kapag matutulog na siya. ‘Sana nga.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD