bc

The Prophecy

book_age12+
86
FOLLOW
1.7K
READ
HE
decisive
prince
neighbor
princess
drama
mystery
highschool
superpower
war
like
intro-logo
Blurb

Isang propesiya ang kinatatakutan ng lahat na maganap. Propesiyang nagsasaad ng kakila-kilabot na katapusan sa sandaling ang kadiliman ay hindi mapigilan.

Isang natatanging babae lamang na siyang itinakda ang makapipigil ng kanilang kinatatakutang katapusan. Ngunit kapalit pala ng kalayaan at kapayapaang inaasam ng lahat ay ang sarili niyang buhay.

Handa niya bang isakripisyo ang kaniyang sariling buhay alang-alang sa mga minamahal niya at sa mga umaasa sa kaniya? O mas pipiliin na lamang niyang mamuhay nang normal malayo sa mundong talagang kinabibilangan niya?

Tatakasan ba niya ang kaniyang kapalaran o buong tapang niya itong haharapin at buong puso niyang tatanggapin ang kapalit ng kalayaan at kapayapaang hinahangad ng lahat?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Paumanhin po‚ mahal na hari‚ mahal na reyna‚ ngunit may nais pong kumausap sa inyo‚” nakayukong wika ng isa sa mga pinagkakatiwalaang tagapagsilbi ng palasyo. “Patuluyin siya sa kaharian‚” sagot ng hari sa baritonong boses na ngayon ay nakaupo sa trono habang katabi ang kaniyang minamahal na reyna. Ilang saglit lamang ay may lumitaw sa kanilang harapan na isang babaeng nakasuot ng puting kapa. Nakayuko ito habang nakasuot ng isang puting kapang may talukbong na tumatabing sa kaniyang mukha. Bigla namang napatayo ang reyna sa nasilayan at agad na nagtanong. “Anong maipaglilingkod namin sa inyo‚ mahal na gabay?” malumanay at magalang na tanong ng reyna sa babaeng tinawag niyang gabay. Agad na nag-angat ng tingin ang tinawag na gabay ng reyna at ipinahayag ang kaniyang pakay. “Pumarito ako upang sambitin ang nakasaad sa propesiya‚” wika ng gabay sa napakagandang tinig na kahit sino ay maaakit at mahuhumaling. “Anong nakasaad sa propesiya?” kunot na kunot ang noong tanong ng hari. Maging ang kaniyang mga kilay ay salubong na rin. Ngayon pa lamang sila nakarinig ng ulat patungkol sa propesiya sa loob ng mahabang panahon kung kaya ganoon na lamang ang naging reaksiyon ng hari. May lihim namang nakikinig sa kanila habang nakatago sa isang sulok nang hindi nila namamalayan. Biglang nagliwanag ang katawan ng gabay at kasabay nito ay ang pagpapalit ng kulay ng kaniyang mga mata—mula sa pagiging kulay abo ay naging purong puti ito na may nakasisilaw na liwanag. “Isang prinsesa ang isisilang‚ Nakatakdang pamunuan ang nasasakupan. Tunay na makapangyarihan Higit kanino man. Dahil sa pambihirang kapangyarihang taglay‚ Inggit at galit ay mabubuhay Sa puso ng bawat nilalang Na sa mundong ito’y nabibilang. Kaniyang taglay na kapangyarihan‚ Magiging mitya ng kaniyang kamatayan At magiging sanhi ng kaguluhan Sa buong kaharian. Isang kayamanang dapat na pakaingatan Hindi dapat mapunta sa kamay ng kasamaan Upang hindi maganap ang nakakakilabot na katapusan‚” wika ng gabay sa nakakakilabot na tinig. Hindi na mababakas ang nakahuhumaling niyang tinig kani-kanina lamang. Para na itong ibang tao habang isinasaad ang nakasulat sa propesiya. Matapos sambitin ng gabay ang nilalaman ng propesiya ay bumalik na sa normal ang kulay ng kaniyang mga mata. Nawala na rin ang liwanag na bumabalot sa kaniyang buong katawan. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ng reyna na nababalot na ng labis na kaba at takot dahil sa maaaring sapitin ng kanilang minamahal na kaharian. “Inyong magiging anak ay pakaingatan upang ang nagbabadyang katapusan ay maiwasan‚” pagbibigay babala ng gabay. Sa halip na mabawasan ang kaniyang pagkabahala ay mas lalo lamang nilukob ng takot ang reyna sa kaniyang narinig. “Ngunit higit na pagtuunan ng pansin ang mas nangangailangan upang galit at inggit ay maiwasan at hindi pagsimulan ng kaguluhan‚” dagdag pa ng gabay. Magtatanong pa sana ang reyna dahil hindi nito lubos na naintindihan ang huling sinambit ng gabay ngunit unti-unti nang naging puting paruparo ang katawan ng babae at mabilis itong nagsiliparan palayo. Dahil sa mga sinabi ng gabay ay agad na napahawak ang reyna sa kaniyang sinapupunan kung saan nakapaloob ang kanilang magiging tagapagmana. Nanghihinang napaupo sa trono ang reyna at bakas sa mukha nito ang pangamba para sa kanilang magiging anak na isisilang na sa mga susunod na araw. “Hindi... Hindi ito maaari‚” nanginginig na sambit ng reyna. Agad namang nilapitan ng hari ang kaniyang asawang reyna at mahigpit na niyakap upang ito’y aluin. Ngunit dahil sa ginawa ng hari ay nakadama ng labis na galit ang kanina pang nakamasid sa kanila dala ng inggit at poot. “Huwag kang mag-alala‚ mahal kong reyna. Hinding-hindi natin hahayaang malagay sa bingit ng kamatayan ang ating munting prinsesa‚” sambit ng hari at masuyong hinalikan sa noo ang kaniyang asawa na hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang mga narinig mula sa gabay. Hindi na natiis pa ng kanina pang nakamasid sa mag-asawang hari at reyna ang nakikita niyang senaryo. Minabuti na lamang niyang umalis sa lugar na kaniyang pinagtataguan at magtungo sa isang lugar na walang ibang nakakaalam upang simulan na ang kaniyang hakbang sa pagsasakatuparan ng matagal na niyang plano.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook