THE NEWCOMER

2095 Words
ALTHEA’S POV Kasalukuyan akong nasa biyahe patungo sa paaralan kung saan ako mag-aaral. Nakasakay ako sa kotse na pagmamay-ari ko ngunit ang nagmamaneho nito ay ang aming family driver. Tahimik lamang akong nakaupo sa backseat habang nakatuon sa daang aming tinatahak ang aking buong atensyon. It’s the second day of school. I failed to attend my classes yesterday because of an emergency‚ so obviously‚ it’s my first day today. Nang malapit na kami sa aming destinasyon ay agad kong kinuha ang atensyon ng aming family driver na si Mang George upang hindi na niya ituloy pa ang kaniyang pagmamaneho. “Mang George‚ kindly stop the car at the sidewalk‚” malumanay kong sabi kay Mang George na agad naman nitong sinunod. Maingat na ipinarada ni Mang George ang kotse sa gilid ng kalsada. “Sigurado ka ba‚ anak? Nasa isang kilometro pa ang layo ng paaralan mo‚” nagtatakang wika ni Mang George na ininguso pa ang gate ng Eminent University na tanaw mula sa aming kinaroroonan. Agad ko namang kinuha ang mga gamit ko na nasa upuang katabi ko bago ko hinarap si Mang George. “Don’t worry‚ Mang George. I can manage‚” nakangiti kong sagot bago ako tuluyang lumabas ng kotse dala-dala ang lahat ng gamit ko. Nang makababa ako ng kotse ay kaagad na akong nagsimulang maglakad palayo kay Mang George at sa kotseng kaniyang kinaroroonan. Pero mayamaya lamang ay bigla niya akong tinawag nang nasa unahan na ako ng kotse. “What is it‚ Mang George?” nagtatakang tanong ko kay Mang George ngunit diretso lamang ang tingin ko sa kalsada. Bahagya ko na lamang na nilakasan ang aking boses upang magawa pa rin niya itong marinig kahit medyo magkalayo na ang aming distansya sa isa’t isa. Iniiwasan kong may makapansin sa akin na nakikipag-usap sa drayber ng isang mamahaling kotse. Mahirap na. Mauuwi sa wala ang gagawin kong pagpapanggap. Sa halip na makipagtaasan ng boses si Mang George at pasigaw rin akong kausapin ay pinaandar niya ang kotse palapit sa akin. Kaya magkapantay na kami ngayon at sinasabayan ako ni Mang George maglakad dahil pinabagal niya ang takbo ng kotse. “Anong oras at saan ba kita susunduin mamaya‚ anak?” masuyong tanong ni Mang George na tila ba tunay niyang anak ang kaniyang kausap. Bigla naman akong napaisip sa tanong ni Mang George. Saan nga ba? “I’ll just text you‚ Mang George‚ when and where to pick me up‚” sagot ko na lang sa kaniya dahil kailangan ko na talagang magmadali. Ayokong pumasok kung kailan marami na ang estudyante dahil ayokong maging sentro ng atensyon ng lahat. “Sige‚ anak. Mag-iingat ka‚” nakangiting bilin ni Mang George na ginantihan ko lang din ng isang matamis na ngiti saka niya pinaandar ang kotse palayo. Nang tuluyan nang makalayo ang kotseng minamaneho ni Mang George ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad patungong Eminent University. Nang nasa gate na ako ay nabaling sa akin ang atensyon ng lahat. Kani-kaniya sila ng bulungan na hindi ko alam kung bulong pa bang matatawag gayong rinig ko naman. “Eww. She sucks!” “Such a nerdy girl.” “She’s so baduy!” “Is she living in a forest ba kaya she’s not updated with the trends?” “Bro‚ ang pangit. Hahaha!” “I’m so nagtataka how come that she’s been able to pass all the requirements needed. She’s so cheap kaya! Like duh!” “Pre‚ ngayon naniniwala na akong nagmula nga ang tao sa unggoy. Haha!” “Haha! Oo nga. Kamukha niya si King Kong. Tingnan mo nga iyong buhok niya. Parang hindi nasuklayan nang ilang taon.” Tsk. Kung makapanglait‚ wagas! Kung titingnan nga ay mas mukha pa akong tao sa kanila. E sila akala mo clown sa kapal ng makeup. Saka anong King Kong? Sila nga riyan‚ ang lalaki ng butas ng ilong. No offense. I’m just being honest. Yeah‚ maybe they were right that I am a nerd and I have no sense of fashion but they were exaggerating. Yes‚ I’m wearing an eyeglasses but I’m not ugly just like what they are saying because I’m blessed to have a gorgeous face. I have a fair skin‚ a heart-shaped face‚ arched brows‚ hazel brown almond-shaped eyes‚ Greek nose and pinkish thin lips. Yeah‚ I can be considered a nerd because of my looks and because I am holding lots of books. But what can I do? I prefer books over computer. Mas nakakapagpokus kasi ako sa pag-aaral o pagbabasa kapag libro ang hawak ko at hindi gadget. Sa oras kasi na mobile phone ang hawak ko ay hindi ko talaga maiwasang matuksong mag-browse ng internet at maglaro ng educational apps sa phone ko. One more thing‚ I’m not cheap. I am the only heiress to one of the most well-known families in this city. But no one knows that aside from my family and our closest friends. I am hiding my true identity for some reason and that is to avoid plastic creatures‚ gold digger and social climber. Why? Simply because I hate them. Hindi ko sila gustong makasalamuha dahil sila iyong mga tipo ng tao na lalapitan ka lang para magpalakas ng kapangyarihan o impluwensiya at para sabihing ka-level mo sila. May iba naman diyan na kakaibiganin ka para lang sa pera. Kaya mas mabuti pang magpakamanang na lang ako at magpanggap na mahirap kaysa makisalamuha sa mga taong gawa sa purong plastik. Mabuti na lang at may mga panuntunan dito sa unibersidad na sinusunod ng mga estudyante. Hindi sila pwedeng basta na lang makapam-bully kaya hanggang bulungan na lang sila na rinig ko naman kahit gaano pa iyon kahina. Ang mga panuntunang iyon ay ako mismo ang nagpatupad. And I was able to do that because I am the owner of this private school. It was a gift from my parents for my 18th birthday which is exactly two months from now. Hindi ko na lamang pinansin ang mga tao sa paligid ko kahit gustong-gusto ko na silang patulan at ipamukha sa kanila na kabaliktaran ako ng pinagsasabi nila tungkol sa ‘kin. I went straight to the ABM Class-A room with my head held down to avoid their gazes. When I reached our classroom‚ I immediately went to the vacant seat at the back near the window. Then I opened one of my favorite books. Pinalipas ko ang oras sa paghihintay sa aming unang klase sa pamamagitan ng pagbabasa ng isa sa mga nobelang palagi kong dala. Ito’y may dyanrang pinaghalong fantasy at mystery. Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pagbabasa ay ramdam ko ang mga titig ng aking mga kaklase na para bang isa akong trespasser na naligaw sa kanilang silid-aralan. Ngunit hindi ko na lamang pinansin ang kanilang mga nagtatakang tingin at itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa pagbabasa. Makalipas lamang ang ilang minuto ay bigla akong may naramdamang presensya na paparating at alam ko kung sino ito kahit hindi ako mag-angat ng tingin. Kaya naman ay maingat kong isinara ang librong binabasa ko at ibinaling ko sa harapan ang aking tingin. “Good morning‚ class!” masiglang bati ng aming guro na mukhang nasa mid-30s na. “Good morning‚ sir!” we answered in unison. “I heard we have a new student here. Is it you‚ girl at the back?” tanong ni sir na nasa akin na ang atensyon. Ngumiti na lamang ako nang tipid bilang sagot. Ayoko sanang magpakilala lalo na’t matapos nito ay samut-saring komento ang matatanggap ko. Ngunit wala akong magagawa dahil isa ito sa mga katungkulan ng isang estudyante—ang ipakilala ang kaniyang sarili sa kaniyang guro at mga kaklase. “Kindly introduce yourself in front‚” utos sa akin ni sir kaya agad akong naglakad papunta sa harapan kahit labag ito sa aking loob. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong tingnan ang mga kaklase kong ang sasama ng tingin sa akin na akala mo ay may nakakahawa akong sakit. “Althea Gwyn Rose Gutierrez‚ seventeen years of age‚” tipid kong pagpapakilala dahil hindi ako iyong tipo na pabibo na maging hobby at motto nila sa buhay ay sinasabi. “That would be all‚” dagdag ko nang mapansin kong parang nag-aabang pa ang mga kaklase ko ng susunod kong sasabihin. Hindi ko na hinintay pa na muling magsalita si sir. Agad na akong bumalik sa upuan ko bago pa man may magtanong ng kung ano tungkol sa pagkakakilanlan ko. “Gutierrez pala ang apelyido mo. How are you related to the Gutierrez family who founded this school?” nang-uusisang tanong ni sir. Tsk! Sabi na nga ba at may magtatanong ng iba pang detalye tungkol sa pagkakakilanlan ko. ‘Sorry‚ sir‚ but I can’t tell you the truth. Not yet‚’ I thought to myself. “We’re not blood-related‚ sir. It’s just a mere coincidence I think‚” walang ganang sagot ko. Napatango-tango na lamang si sir sa sinabi ko pero ramdam at alam kong marami pa siyang gustong itanong. “Excuse me‚ sir. Is this the classroom of Grade 11-ABM A?” a blue-eyed guy with a hazel brown hair asked. Sa unang tingin ay aakalain mong foreigner ang lalaking bagong dating dahil sa mga mata nito‚ matangos na ilong at maputing balat na mamula-mula pa. Pero sa paraan ng pananalita niya ay kaagad mo ring matutukoy na Pilipino rin siya at wala siyang dugong banyaga. “Ito nga. Ikaw ba iyong late na nag-enroll?” tanong naman ni sir sa lalaking bagong dating. “Yeah‚ it’s me‚” the guy answered in a cold voice. Kanina pa wala kina sir ang atensyon ko. Abala ako sa pagbabasa pero naririnig ko pa rin ang usapan nila kahit malayo sila sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Nang minsan namang tanungin ko sina mommy tungkol dito ay sinabi lang nila na dahil marahil ito sa pagiging espesyal ko. At kung anumang ibig sabihin nila sa salitang espesyal‚ iyon ang hindi ko alam. All I know is that my senses are much heightened compared to others. I’m just wearing an eyeglasses to make my pretension more convincing. “You may now come in and introduce yourself‚” sir instructed the newcomer. Nag-angat ako ng tingin at sakto namang naglakad papasok ang lalaki upang ipakilala ang kaniyang sarili. “Kaiden Morin‚ eighteen‚” pagpapakilala ng lalaking bagong dating na parang napipilitan lang. Ni hindi man lang niya nagawang ngumiti kahit pilit. “Mr. Morin‚ you may sit beside Ms. Gutierrez‚” sir said before starting the lesson for today’s class. Itiniklop ko na ang librong binabasa ko at itinuon ko na lamang ang atensyon ko kay sir upang makinig sa aming talakayan. At habang nakatuon ang buo kong atensyon sa harapan ay naramdaman ko ang pag-ugong ng upuan sa tabi ko. And if I’m not mistaken‚ it’s the newcomer. Nakapokus lamang ang buo kong atensyon sa kung anumang tinatalakay ni sir tungkol sa marketing subject namin nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. And I know it’s him because I can feel his presence and every movement that he makes. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at hinayaan ko na lamang siya dahil mawawala lang ako sa pokus sa talakayan kapag pinansin ko pa ito. Hanggang sa matapos ang pagtuturo ni sir ay nakatitig lang sa akin ang katabi ko sa hindi ko malamang dahilan. ‘Ano bang trip ng isang ito? May stiff neck ba siya kaya hindi niya magawang tumingin sa harap?’ inis nang tanong ko sa aking sarili. Sa inis ko ay mas pinili ko na lamang na lumabas dahil wala pa naman kaming sunod na klase. Pumunta ako ng hardin para doon ipagpatuloy ang pagbabasa ko ng libro. Hindi ko kasi magagawang makapagbasa nang maayos habang may mga matang nakatingin sa akin sa malapit. And that’s the disadvantage of my heightened senses. Nang marating ko ang hardin ay tahimik lamang akong nagbasa ng aklat sa ilalim ng isang malaking puno sa hardin. Ngunit bigla akong napatigil sa pagbabasa nang bigla akong makaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba. Bigla ring lumakas ang ihip ng hangin at nagsiliparan ang mga ibon na tila ba may hindi magandang mangyayari. Hindi maganda ang kutob ko. Parang may hindi tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD