Chapter 1

2123 Words
Kabanata 1 "CONGRATS, Jay! You're finally rocking things. I'm happy for you!" Niyapos siya nang mahigpit ni Misaki. "Basta ha? Oh, huwag mo nang pakawalan ang trabahong 'yan. Sayang ang pagkakataon." Bilin nito nang maghiwalay sila at umayos ng upo sa kanya-kanyang silyang inuokupa sa Double Bee Sweets and Cafe. Matamis na kumurba ang sulok ng mga labi ni Jay. She raked a few strands of her newly dyed mahogany brown hair towards the back of her shoulders. Pagkatapos ay hinaplos niya ang nguso ng tasa ng kanyang espresso gamit ang dulo ng kanyang hintuturo. "Syempre hindi ko na ito pakakawalan, Saki." Bumuga siya ng hangin bago siya maayos na sumandal sa silya. "They offered me bigger. Mas madali akong makakaipon dahil sa magiging pasahod sa akin ng Kueva. Medyo pressured lang talaga ako. Alam mo naman? Iba ang reputasyong meron sila and I am more than lucky they still accepted my application sa kabila ng eskandalo--" "Not another word about that." Sumama ang timpla ng mukha ni Saki. Mataray siya nitong inirapan bago nagpangalumbabang ininom ang frappe niya. "Nanggigigil lang ako kapag naaalala ko ang nangyari sayo, pati na rin ang hayop na ex mo. The nerve of that guy!" "Oh, tama na." Peke niyang nginitian ang kaibigan. "Ang mahalaga sa akin ngayon ay mas mabilis akong makaipon." "Eh bakit kasi hindi ka na lang mag-asawa ng mas mayaman pa sa pamilya mo? O kaya yung pulitiko. A lot of guys are still hitting on you despite your past. Isa pa, wala na tayo sa kapanahunan ng baro't saya. May tatanggap at tatanggap pa rin sayo ikaw lang ang may ayaw sa kanila." Saki flipped her wavy platinum gray hair. Naiinis ito panigurado kasi alam niyang hihindi na naman ako. "Saki." She sighed heavily. "Alam mo naman kung bakit ayaw kong gawin yan, eh." "Urgh." Umarteng nandidiri ang kaibigang may panginig-nginig pa ng katawang nalalaman. "Please lang. Hindi totoo ang himala, Jelyne." Nginitian na lang niya ang kaibigan na alam niyang naaalibadbaran kapag ganoon na ang nagiging takbo ng usapan. Hindi niya masisisi si Saki. It was the only friend who sticked by her side when her life suddenly turned into a complete failure. Ang dating malawak na bilog ng mga kaibigan niya, sa isang iglap ay nalagas at si Saki na lang ang naiwang nagtatanggol sa kanya noong mga panahong hindi na niya kayang tumayo nang mag-isa. "Oo nga pala. When will you visit Saharah? Baka naman puwede akong sumama?" Tanong ni Saki. "Bago ako umalis para sa first assignment ko sa Kueva." "Ohh." Mapanuyang tumaas ang kilay ni Saki. "Hindi ako inosente pagdating sa mga bali-balita tungkol sa mga nafi-feature sa magazine na iyan. Sino ang ini-assign sa iyo? Is it Croft? Enoc perhaps?" Napahugot ng hangin si Saki saka nanlaki ang mga mata. "Don't tell me it's the Ducani brothers? Good Lord, Jay. Kung ang magkakapatid na Ducani ang na-assign sayo, ora mismo magreresign na ako sa trabaho para mag-apply na alalay mo. Imagine seeing those magnetizing Ducani's. Baka magka-swimming pool ang paligid ko sa oras na makita ko sila ng personal." Humahagikgik itong ikinangisi ni Jay. There goes my dear friend again with her kahalayan. Natatawa tuloy siyang napailing nang maalalang nagpunta si Saki nuon sa labas ng Ducani Empire para lang i-deklarang ipinagdasal na niya sa labing limang simbahan na ikasal siya sa isang Ducani. Pinakalma niya ang sarili bago tinupi ang mga braso sa tapat ng dibdib. "May I remind you, Miss Misaki Akashi na hindi ang kaguwapuhan ng mga lalaking pantasya ng bayan ang fini-feature ng Kueva kung hindi ang mga kakaiba at nakakamanghang mga tahanan nila. We take a peek on their inspirations for the designs, at ang lifestyle nila ay halos bonus na lang sa mga mambabasa. And sorry to burst your flirty bubble pero wala sa nabanggit ang naka-assign sa akin." Nangingiting tugon ni Jay. Sumimangot si Saki. "Then who? At naku. Alam ko namang maiilap ang mga asawa ko. Si Keios lang naman ang madalas laman ng balita." "Mga asawa talaga?" Naiiling siyang natawa. "Anyway, si S. Arsenov ang ini-assign sa akin." Nagsalubong ang mga kilay ni Saki ngunit alam ni Jay na hindi dahil sa iritasyon. Her friend was curious, so was she. "S. Arsenov? Is that for real? You mean the faceless painter, S. Arsenov talaga? Talagang talaga?" Hindi makapaniwala nitong tanong. "Yep." She popped the p. "So yeah, Miss Akashi. Our magazine is not about the hunks." "But most of your subscribers are women, Jay. Alam na natin ang meaning no'n." "Still, hindi malaswa ang litrato ng mga kalalakihang nafi-feature doon." Depensa niya. Alam niya iyon dahil mahilig mangolekta ang roommate niya noon ng mga issue ng Kueva. "Hay, Jay. Men in complete tux ensemble or business suits are more mouth-watering. Bonus na nga lang kung magpakita sila sa magazine niyo kahit dibdib lang." Tugon ni Saki bago maingay na sinipsip ang paubos na niyang frappe. "And I bet that mysterious S. Arsenov had past the super high standards of Kueva to be featured. Never. You heard me? Never na sa dalawang dekadang matayog na tumatayo ang magazine na iyan, na nag-feature sila ng pangkaraniwang kaguwapuhan lang." "At paano mo naman nasabi?" Ngumisi si Saki. "You wanna see every single issue? Be my guest." "Dios ko, Saki." Nahilot niya ang kanyang ulo. "Tantanan mo ang panghahalay sa mg kalalakihan sa isip mo." Humalakhak si Saki. "I'll try." "MALILIIT na gagamba, umakyat sa sanga. Dumating ang ulan at tinaboy sila." Humagikgik ang bata nang simulan ni Jay ang actions ng nursery rhyme. Sinubukan siyang kopyahin ng bata pero sa tuwing hindi nito nagagawa nang maayos ang action ay humahagikgik ito dahilan para tumaba ang puso ni Jay. "Maliliit na gagamba palaging masaya." Pagtapos ni Jay sa kanta. Pumalakpak naman si Saharah bago dinampot ang mga manika niya. "Ate Jelyne, am I as pretty as my barbie?" Tanong ng bata habang nakatingin sa kanya ang bilugang berde nitong mga mata. Jay smiled and kissed the top of the child's head. "Of course, baby. Mas pretty ka pa nga sa kanila eh." Humagikgik si Saharah. "Bola mo ako ate Jelyne." "Hindi kita binobola, baby. Pretty ka. For sure kapag nag-aral ka na, ikaw ang pinaka-pretty sa inyong lahat." Kumindat siya sa bata. Saharah smiled before shee bowed her head. "Sabi ni mommy teacher Chinny will teach me here. It means I won't get to wear the uniforms you showed me." Bakas ang lungkot sa tinig ng bata. Parang piniga ang puso ni Jay. Matalinong bata ito at kahit pa apat na taon pa lang, naiintindihan niya ang mga bagay-bagay. Sinapo niya ang baba nito at inangat ang ulo bago siya yumuko at pinagkiskis ang tungki ng kanilang mga ilong. "Wag ka nang ma-sad. Gusto mo kausapin ni ate si Mommy at Daddy?" Lumiwanag ang ekspresyon ng bata. "Gagawin mo, ate? Baka magalit na naman ang mommy?" Sumimangot ito. "Hindi na, ate." Jay sighed. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ni Saharah at inipit sa likod ng tainga nito. "Wag kang mag-alala kay ate. Brave naman si ate tsaka hindi naman kami mag-aaway ulit. Si ate kasi ang mali no'ng nakaraan kaya nagalit si mommy pero this time kakausapin ko siya nang maayos, okay?" Pilit na ngumiti ang bata bago tinango ang ulo. "Okay." Hinapit na lamang ni Jay ang bata para yakapin bago niya ito binuhat patungo sa kusina kung saan niya ito ipaghahanda ng meryenda habang wala pa ang mommy at daddy niya. Kailangan niyang makausap ang mga ito tungkol sa pag-aaral ni Saharah. "YOU ARE BEING unfair to Saharah, Ma. She deserves to be out there. She deserves to have friends and to be in a normal school." Giit ni Jay nang hindian siya ng ina pagkatapos niyang sabihing ipasok sa normal sa eskwelahan ang bata. Pabalang na itinapon ng ina ang mamahaling bag sa kama nilang mag-asawa bago nakapamaywang na binalingan si Jay at tinaasan ng kilay. "Para ano? Para pagpyestahan ng mga taong walang magawa kung hindi makialam sa buhay ng iba?" Umismid ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "At para matulad siya sa iyo? Wala nang ibang ginawa kung hindi bigyan kami ng kahihiyan? Hindi pa ba sapat ang mga nagawa mo noon? Ang mga perang nagastos lang sa wala dahil mas pinili mo 'yang pangangati mo? Oh ano ba ang napala mo? Hindi ba tinarantado ka lang ng Roco na iyon?" Napababa siya ng tingin nang ipaalala na naman ito ng ina. "Tama na, Ma." "Oh, ngayon ay tama na? Akala ko talaga may utak nag bata ka eh. Akala ko kagaya ka ni Janaya. Kung buhay lang ang kapatid mo, siguradong wala kang mukhang maihaharap sa kanya dahil kakambal ka niyang naturingan pero wala kang kwenta." Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. "T--Tama na po." Her mother hissed. "Palibhasa ay mana ka sa tatay mong hindi alam gamitin ang talino sa tama." Padabog siya nitong iniwan at nagtungo sa walk-in closet nito. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sakit na kayang idulot sa kanya ng ina. Dapat nga ay sanay na siya. Magmula maliit pa siya ay ganito na siya nito kung ituring. Mas lumala lang noong mangyari ang eskandalo tungkol sa kanya limang taon na ang nakararaan. Nanginig ang labi niya nang magsimula nang magbadya ang kanyang luha. Dali-dali niyang tinahak ang daan palabas at hindi na nagpaalam pa kay Saharah para hindi nito makitang iiyak na naman siya. Pigil niya ang hininga habang palabas ng bahay ng mga magulang. Sumakay siya kaagad nang may dumaang taxi at sinabi ang address niya. Nang tuluyan nang umusad ang kotse at lumabas sa main highway, hindi na niya napigilan ang maiyak. Panay ang kanyang pagpungas sa traydor niyang mga luha. Minsan ay hindi na niya nais pang bumalik sa lugar na iyon. Kung hindi lang niya mahal ang ama at si Saharah, nagpakalayu-layo na siya sa pamilya niya. Family was supposed to lift you up, but why is hers dragging her down even when she can no longer get up? Hanggang kailan ko ba pagbabayaran ang nagawa ko? Humugot siya ng malalim na hininga at muling tinuyo ang luha. Ilang minutong nanatiling nakatigil ang sasakyan dahil sa bagal ng trapiko kaya naman kahit nakakahiya sa driver, niyapos na lamang niya ang sarili habang nilalabas ang sama ng loob. Mahirap kapag mugtong-mugto pa rin ang mga mata niya pagdating sa bahay na inookupa niya. Siguradong mag-aalala na naman ang landlady niya. Nasa kalagitnaan siya ng pagmumukmok nang marinig niya ang ringtone ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa kanyang bag ngunit kumunot kaagad ang nuo niya nang makitang unknown number ang tumatawag. Sinagot niya ang tawag at tinapat sa tainga habang pinupunasan ang pisngi. "Hello?" She heard the person on the other line took in a deep breath. "Jelyne Salmiero?" Napaawang ang bibig niya nang marinig ang malalim ngunit may lambing na tinig ng lalaking nagsalita sa kabilang linya at binanggit ang buong pangalan niya. Bakit ganoon? Bakit parang ang ganda-ganda bigla ng pangalan niya nang ito ang tumawag? Tumikhim siya at pinakalma ang sarili. "S--Speaking. Who's this?" There was a moment of silence on the other end of the call, pero alam niyang naroon pa ang lalaki. Nakakarinig pa siya ng ingay ng mga busina at tunog ng stereo kaya alam niyang walang problema ang linya. Mayamaya ay muli itong nagsalita. "This is S. Arsenov. Kueva management provided me your phone number to discuss some necessary things before we invite you to my home." S. Arsenov? S. Arsenov? Holy pancit canton mukhang tama ang baliw na si Saki sa hinala! Boses pa lang ang guwapo na! Sinuway niya ang sarili at pinunasan ang natitirang bakas ng luha sa pisngi niya. "Bakit po sa akin, Sir? Ako lang po ang susulat ng article at magka-conduct ng interview. Hindi ho ba dapat ay kay Ma'am Let kayo makipag-usap kung mahalagang bagay at tungkol sa Kueva?" "I need to speak to you directly because they said it's gonna be your call." Nagsalubong na nang tuluyan ang mga kilay niya. "My call? Anong ibig niyong sabihin, Sir?" "I'm inviting your team to stay at my house for a couple weeks. You see, my house is really important to me and I want to make sure that you will be familiar with every corner, every detail of it to come up with an article that will give justice to it. Hindi ako naniniwalang mapupukaw kaagad ang atensyon ng isang tao sa isang tingin lang." Tila may laman nitong sabi. Nakagat ni Jay ang ibabang labi. Team. Ibig sabihin ay siya, ang photographer, isang mula sa management department, at isang PA. Iyon lang...at ang mga kasama niya ay pawang mga lalake. Iyong PA ay bading lang. Gayunpaman, mas inaalala niya ang unang assignment. She needed to show off. Kailangang mapatunayan niyang hindi nagkamali ang Kueva na binigyan siya ng mga ito ng pagkakataon. Nilunok niya ang natitirang inhibisyon bago muling nagsalita. "Okay po, Sir. We'll do what you want." "Great." The man sighed. "Now dry your tears, Jelyne." A/N: Taas paa ng mga kapanalig ni Saki! (Nangunguna ang awtor. Rrrr!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD