Chapter 2

2382 Words
Kabanata 2 Malalim ang bawat paghinga ng dalaga habang humahaplos sa mainit nitong balat ang mga palad at labi ni Steel. Jesus, she looked hotter when she parted her lips in pure submission to the raging fire that's consuming the both of them. Wala pa ngang ginagawa ang dalaga para mapaligaya siya ngunit sapat na ang makitang nasasarapan ito sa ibinibigay niya. Ang bawat pagkiskis ng magaspang na palad ni Steel sa hita, sa mayayaman nitong dibdib, maging sa gilid ng baywang ng dalaga ay umaani ng napakasarap sa taingang ungol at paghigop ng hininga. Steel was liking how her body was responding to his touch, at kahit kailan ay hindi pa siya nagnasa sa isang babae nang ganito katindi. Umangat siyang muli para angkinin ang malambot na mga labi ng dalagang ayaw magpakilala sa kanya. He sucked, licked, and branded her lips as his, as if he was really entitled to claim her as his possession. Pero wala na siyang pakialam kung may karapatan ba siya o wala. Hindi niya na kaya ang matinding kalasingan sa sarap ng kanilang palitan ng halik lalo na at gumaganti ang dalaga ng may kaparehong tindi ng pagnanasa, at gustong-gusto iyon ni Steel. "f**k, why do you taste so damn good?" He whispered before licking the edge of her ear but she just answered his question with a sweet and lusty groan. Sumabunot sa kanyang itim na buhok ang kamay ng dalaga habang siya ay abalang paulanan ng mapupusok na halik ang leeg at panga nito dahilan upang muli lamang itong umungol. "Ohh God. Hmm..." Parang musika iyon sa pandinig ni Steel. Muling naglakbay ang mga labi niya patungo sa mga labi nito. Damn it. He just can't get enough of her lips. Bakit ba ganito iyon kalambot at kasarap? Pakiramdam niya ay hinahalikan pa lamang niya ito ay lalabasan na siya. What's so special with this woman anyway that he felt jealous just by thinking that other men already had a taste of what he was savoring at the moment? Nakakabaliw mag-isip, pero mas nababaliw siya sa makamundong pagnanasa para sa dalaga. Mas lalo tuloy siyang naging agresibo. Hinawakan niya ang kanang dibdib nito at piniga dahilan para impit na naman itong mapaungol. Good. Really good. Gusto niya kung paanong matinding nakasara ang mga mata ng dalaga, at mas gusto niyang madamang basang-basa na ang p********e nito para sa kanya. Steel clutched her short jett-black hair and sucked her earlobe before he exhaled erotically. "Call my name, baby, and I promise I'll make you remember it forever." Umarko ang likod ng dalaga nang haplusin niya ang tagiliran nito hanggang sa tuluyang bumaba ang palad niya sa pagitan ng mga hita nito. "Ohh! Stilyan..." Umukit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Steel dahil sa narinig. Para bang isa iyong permisong kanina pa niya hinihintay para tuluyan nang malasap ang langit kasama ang dalagang sinisiguro niyang hahanap-hanapin ng diwa at katawan niya. "f**k!" Steel groaned when he heard the loud knocks on his door. Mapait pa ang mga mata niya at napakasarap ng kanyang panaginip ngunit naisturbo lamang siya ng taong panay ang katok sa kanyang silid na akala mo ay nasusunugan na sila. Tinungkod niya ang mga braso sa malambot na kama at inangat ang itaas na katawan. "Who the hell is that?!" Inis niyang sigaw. "Moron, we need to go! Unless you want the Kueva team to reach your house first then it's fine with me—" "Okay, okay!" Putol niya sa kapatid na si Sancho bago niya hinilamos ang palad sa kanyang mukha. "I'd kill you once we're back in Sagada." Mahina na lamang niyang bulong habang nagtatagis ang bagang sa inis bago umalis ng kama at tinungo ang banyo. Fuck his delicious dream. Magtitiis na naman siya sa malamig na tubig para lang maibsan ang pangungulila ng katawan niya sa dalagang laman lagi ng isip at panaginip niya. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, matindi pa rin ang epekto nito sa kanya, lalo na nang makita niya ito kahapon. Steel clenched his jaw and shut his eyes as the cold shower dripped down from his head to his naked body when he remembered her again. Nasa byahe siya kahapon patungo sa pent house ni Krei Ducani nang maipit siya sa trapiko. Iyon ang kinaiinis niya sa syudad kaya nga halos hindi na niya iniiwan ang bahay niya sa Sagada, pero mapaglaro talaga ang tadhana. Muli na naman niyang nakita ang babae, at sa pangalawang pagkakataon, umiiyak na naman ito nang masilayan niya. Kung hindi lang niya pinigilan ang sarili na bumaba ng sasakyan at sumugod sa taxing sinasakyan nito na aksidenteng tumapat sa kotse niya, baka nagkandaloko-loko na ang lahat. Hindi pa pwede. Magtitiis pa muna siya. Kaya pa naman niya at isa pa, umaayon ang lahat sa plano nila ni Sancho. He can't mess up. Masyadong mahalaga ang nakataya sa pagkakataong ito at hindi niya pwedeng isangkalan ang plano dahil lang ganoon siya kasabik na mahawakan ang babaeng bumaliw sa kanya ng limang taon. Hinagod niya ang basang buhok pababa sa kanyang batok bago siya marahas na bumuga ng hangin. Damn it. If only Jelyne was aware of the hell he'd been through for the past years... Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan niyang mag-ingat sa bawat galaw niya kung hindi ay masisira lang ang lahat. "f**k this." Tiim ang bagang niyang mura nang madama na naman ang pamilyar na init dala ng pag-iisip niya sa babaeng iyon. And just like the usual, Steel found himself putting an end to his misery on his own, while thinking about the woman he's finally going to meet face to face later, this time, not in the middle of the road, crying, and drunk. MASAKIT na ang puwetan at likod ni Jay nang tuluyan nilang marating ang Sagada. Ilang beses na rin siyang nakarating sa napakagandang lugar na iyon noon, ngunit ni minsan ay hindi pa rin iyon pumalyang pamanghain siya. From its beautiful sceneries to the foods the place could offer, tanggal ang pagod niya sa napakahabang byahe mula Quezon City. "Britney, magbabanyo lang ako. Pakisabi mo na lang sa mga kasama natin kapag bumalik na sila rito. Baka biglang dumating ang pinadalang susundo sa atin eh." Bilin niya sa bading na PA na ipinasama sa kanila. Sandaling tumigil sa pagtipa sa cellphone niya si Britney. Nakaupo ito sa nakabukas na pinto ng van na ginamit nila patungo ng Sagada at ngayon ay naka-park sa harap ng gasoline station na sinabi ng kanilang head na si Ma'am Let. "Sige, Jay." Simple nitong sabi saka siya nginitian at kaagad na ring bumalik sa pagkalikot sa cellphone nito. Hindi na siya nagsalita ulit at kaagad nang pinuntahan ang banyo ng gasolinahan kung saan sila huminto sandali habang hinihintay ang tawag ng susundo sa kanila. Medyo nairita pa nga siya dahil maaari naman silang tumigil muna kahit sa isang kainan lang pero malinaw ang sinabi ng susundo sa kanilang nagpakilalang Keeno. Dito raw nila siya hintayin. Kahit pa alas tres pa lang ng hapon nang marating nila ang Sagada ay dama pa rin ni Jay ang panunuot ng lamig sa katawan niya. Humikab siya at pinagkiskis ang mga palad bago tuluyang tinulak ang pinto ng banyo upang ayusin ang sarili niyang halatang nahaggard na sa byahe. Ewan ba niya pero parang may nagtutulak sa kanyang dampian ng pulang lipstick ang nanunuyong labi dala ng lamig, at iyon nga ang ginawa niya bago inayos ang trench coat niyang kulay pink. Habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin ay hindi nawala sa isip niya ang sinabi sa kanya ni S. Arsenov nuong nakaraang araw. Malinaw iyon at hindi naman siya kinulang sa tulog para mag-ilusyon lamang na sinabi talaga nitong "Now dry your tears, Jelyne" bago nito pinatay ang tawag. Ang nakakapagtaka pa ay para bang nakikita siya nito habang sinasabi sa kanya iyon ni S. Arsenov. Ang weird. Huwag niyang sabihing may psychic ability lang siya at nadama niyang umiiyak ako kahapon. Jay shrugged the thought away when another woman entered the lavatory. Niligpit na lamang niya ang make up niya at pinasok ulit sa bag niya. Sakto namang nag-ring ang kanyang phone at rumehistro rito ang numero ni Keeno. "Hello? Nandito na po kami sa gasoline station." Bungad niya rito. "Okay. Please tell your driver to take you to Hamarada Building. That's just a few blocks away from the gasoline station. Pasok na lang kayo sa building pagdating niyo. My assistant will be waiting for you on the ground floor." SINUNOD naman nina Jay ang instruction ni Keeno. Pinarada ng kanilang driver ang van sa harap ng sinabing building saka nila tulong-tulong na binitbit ang mga gamit nila papasok sa matayog na gusali kung saan sila sinalubong ng magandang babaeng naka-corporate attire. "From Kueva magazine?" The blonde woman asked. Bakas sa mga mata nito ang pagiging half foreigner na ikinatunganga ng dalawang kasamahan niya. Siya na ang tumango. "Yes. Keeno instructed us to go here." Muling ngumiti ang babae bago inialok ang kamay. "My name is Hayris." Kinamayan niya ito. "This way, please. Mr. Ducani is already on the helicopter pod." Nanlaki ang mga mata ni Jay. "D—Ducani?" Hayris slightly nodded her head. "Ang boss ko ang personal na maghahatid sa inyo sa lugar ni Mr. Arsenov. Please follow me." Biglang nangati ang mga kamay ni Jay na kapain ang kanyang cellphone at tadtarin ng text ang kaibigang si Saki. Siguradong maglulupasay ito sa inggit sa oras na malamang makikita niya nang harapan ang isa sa mga lalaking pinagpapantasyahan nito. The Ducani brothers were famous for being listed as four of the most sought after bachelors in the country, but their names remained unknown to most people. It was also hard to tell which is which, nor what their names really are. Not that they're quadruplets, but because their identities were too priceless. Hindi iyon tinatago, ngunit ang mga taong nakakahalubilo lamang nila nang madalas ang nakakaalam kung sino-sino sila. Kahit nuong kumalat ang larawan nilang apat na nakuhanan sa Greece, wala pa ring nakapag-sapubliko ng pangalan nila. Ang bunsong si Keios lang naman ang madalas makita sa telebisyon dahil pinasok nito ang larong football at isa na ngayon sa pinakakilalang football star sa Asya. They took the elevator up to the highest floor. Nang bumukas ang pinto nito ay humampas kaagad ang malamig na simoy ng hangin sa mukha nila. Hinangin ang mahabang buhok ni Jay at nanuot sa kanyang katawan ang lamig na dala ng malakas na hangin, ngunit nang makita niya ang lalaking nakatayo sa tabi ng chopper, halos malaglag ang kanyang panga. So Saki wasn't really overacting? Jusmiyo kay guwapong nilalang naman pala talaga ni Keeno Ducani. Siguradong mamamatay sa inggit si Saki pag nagkataon. Giniya sila ni Hayris palapit sa chopper kung saan pinagmasdan lamang sila ni Keeno at mahinang tinanguan na animo'y walang balak makipag-kamay man lang. Hindi naman iyon inintindi ng mga kasama niya. Si Britney ay nauna nang sumampa sa loob ng chopper. Hanga siya rito dahil kahit na bading ito ay pilit nitong pinigil ang sariling magtitili sa harap ni Keeno. Pinanlakihan na lang din niya ng mata ang PA nang mawala sa kanila ang atensyon ni Keeno at dinukot ang cellphone sa bulsa ng kanyang itim na slacks. Nang makapasok si Britney ay inalok siya nitong aalalayan habang nakaalalay sa likod niya si Roldan, ang photographer nila. Si Glenn naman ay abala pang kausapin ang sekretarya ni Keeno, halatang nagpapalipad-hangin dahil sa lapad ng ngisi. Iniabot ni Britney ang kamay sa kanya ngunit nang akmang sasampa na siya ay biglang tumikhim si Keeno saka ibinalik sa bulsa ang kanyang cellphone. "I apologize, Miss Salmiero but I'm afraid you're gonna have to wait for the next chopper. I'll give your team a lift to Hacienda fleur De Liz but don't worry, my friend is on his way here as we speak to pick you up." Anito sa baritonong tinig. Umawang ang bibig ni Jay. "Hindi ako sasabay sa mga kasamahan ko? Bakit gano'n?" Puno ng pagtataka niyang tanong. "Sorry. Mr. Arsenov just sent me a message. He said he's not comfortable that you'll be flying with me." Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito bago sumampa sa pwesto ng piloto at sinimulang paganahin ang makina ng chopper. "Just wait for Mr. Arsenov! He'll pick you up himself!" Pasigaw na nitong sabi bago tuluyang umangat ang chopper sa ere at iniwan sila ni Hayris. Gulantang at puno ng pagtataka niyang pinanood ang papalayong chopper ngunit bago pa man siya makabawi, unti-unting bumaba sa kanilang harapan ang isa pang chopper. Napapikit si Jay sa lakas ng hangin at ang buhok niya ay tumabon sa kanyang mukha kaya hindi na niya napanood ang paglabas ng sakay ng chopper. Nabibingi siya sa lakas ng ingay ng sasakyang panghimpapawid at humahapdi ang mga mata niya sa lakas ng hanging dulot ng elesi nito. Naramdaman na lamang niyang may humahawi sa kanyang buhok, at nang imulat niya ang kanyang mga mata, halos mahigit niya ang kanyang hininga nang matitigan ang berdeng mga matang matiim na nakatitig sa kanya. Jay's eyes widened in surprise as she stared at the man standing half a foot away from her. From his dark hair, his thick brows, long lashes, perfectly angled jaw and nose, sexy lips, up to his emotionless green eyes, she cannot be mistaken. Kilala niya ito! "M—Mr. Arsenov?" Unti-unting kumurba ang isang sulok ng mga labi nito sa paraang halos ikatakas ng lakas niya. "Why don't you call me by my first name? Don't tell me you've already forgotten what it is." Tila nanunuya nitong ani. Napalunok siya nang makita ang pagkislap ng mga mata nito. Hindi na halos siya makagalaw at nang binuka niya ang bibig at walang salitang lumabas, tumaas ang kilay ng lalakeng kaharap bago muling nagsalita. "Oh, so I'm that easily forgotten, huh?" Bigla nitong hinatak ang kanyang ulo at nilapat ang mga labi niyang ikinabayo ng dibdib niya. He sucked, licked, and branded her lips the way he did before in front of Keeno's secretary for goodness' sake! At ang nakakahiya pa'y sumara ang mga mata niya at umalpas ang impit niyang ungol sa pagitan ng kanilang biglaang halikan! Halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ni Jay nang tuluyan siyang pinakawalan ng lalake. Nang imulat niya ang mga mata ay nasalubong niya ang kumikislap sa pagnanasa nitong mga mata. He rolled his tongue on his lips before he smirked at her. "There. Nadyavam se, che osvezhikh pametta vi." Anito sa mapanuyang tono bago siya tinalikuran at tinungo ang chopper. What the hell did that supposed to mean?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD