Chapter 3

2060 Words
Kabanata 3 BUONG byahe patungo sa bahay na pagmamay-ari ni Stilyan ay halos hindi na huminga nang maayos si Jay. Napakalapit naman kasi nila sa isa't-isa, at sa tuwing tatagilid nang kaunti ang chopper, napapaurong sila sa isa't-isa dahilan upang magtama ang kanilang mga braso. Natatakot siyang mapansin nito ang pamumula ng mukha niya sa tuwing dumadampi ang katawan nito sa kanya. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa mapusok nitong paghalik nang wala man lang pasabi, heto naman sila at nakakulong sa maliit na espasyo at hindi man lang nag-uusap. But on a second thought, Jay was thankful that Stilyan kept his mouth shut. Nag-aalala kasi siyang dalawa lang ang puwedeng dahilan bakit bubuka ang bibig nito. Either it's because he's going to kiss her again and suck the life out of her intimately, or he'll shoot her with questions she wasn't ready to answer yet. Bakit kasi bigla na lamang itong bumulaga sa buhay niya? Parang noon lang. May lahi yatang kabute ang guwapong ito. Tumikhim siya sa naisip. Kung masabihan naman niya ito ng kabute, parang siya naman ay hindi katulad ng bula na bigla na lamang naglaho. Kung sabagay ay hindi siya masisisi ng lalake. Hindi naman niya plinanong makilala ito, at mas lalong hindi niya plinanong ayain itong ibsan ang matinding sama ng loob na nadarama niya noong gabing magtagpo ang landas nilang dalawa. Hindi niya naiwasang ilapat nang mabuti sa isa't-isa ang kanyang mga labi habang nakatanaw siya sa bintana ng chopper. Kahit na ayaw niyang alalahanin ang nakaraan, heto na naman siya at sinasariwa ang bawat detalye nitong tumatak nang maigi sa isip niya at hindi na siya kailanman pang nilubayan. Her breathing almost stopped when she heard the erotic noise coming from the shower room. Sumasabay sa lagaslas ng tubig ang maingay na salpukan ng dalawang katawan at ang ungol ng mga taong lumilikha nito. Pakiramdam ni Jay ay sinasaksak ang kanyang puso sa bawat naririnig. That can't be Roco, right? Tanong niya sa isip habang hawak nang mahigpit ang ribbon ng cake na siya mismo ang nag-bake para sa long-term boyfriend. Susurpresahin sana niya ito dahil gusto niyang bumawi sa nobyo. Ilang buwan na siyang abala at tutok sa pagrereview para sa licensure exam, ngunit siya pa yata ang masusurpresa. Gusto nyiang ipilit sa isip niya na imposibleng lokohin siya ni Roco. He's a great and faithful lover. Ni minsan ay hindi pa nila naging problema ang ibang babae. She couldn't even recall a fight they had that was really severe. Kung mag-away nga sila ay ito pa ang unang manunuyo dahil siya itong iyakin. "Ohh, Roco, f—faster, baby." Malanding halinghing ng pamilyar na tinig na kaagad sinundan ng malalakas na hiyaw at mas agresibong salpukan ng mga laman. Tuluyang pumatak ang mga luha ni Jay. The woman called her boyfriend's name. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang mga nangyayari ngunit pakiramdam niya ay wala siyang lakas para umalis at isalba ang sarili sa mas matinding sakit. She stood there, frozen and breaking down silently as the woman scream her boyfriend's name as she enjoyed every thrust Roco was giving her. Mayamaya ay muli na namang nagsalita ang babae. "Hmm, do I taste better than Jelyne?" Roco groaned. "She's the most boring person I ever met..." She's the most boring person I ever met. She's the most boring person I ever met. Parang mga punyal ang bawat salitang binitiwan ni Roco. Hindi niya akalaing iyon ang tingin sa kanya ng nobyo sa kabila ng tagal ng relasyon nila. Pakiramdam tuloy niya ay nanliit siya sa sarili at wala nang ibang magawa kung hindi ang humikbi at lumuha. Wala na siyang pakialam kung marinig man nang mga ito ang iyak niya. Namanhid ang mga kamay niya at dumulas mula sa pagkakahawak niya ang karton ng cake. Lumikha ito ng ingay na halatang pumukaw sa atensyon ng kanyang nobyo at ng babaeng kaniig nito. With all the remaining strength she has, tinakbo ni Jay ang pinto at tinungo ang fire exit kung saan siya tuluyang nawalan ng lakas para itindig pa ang mga binti niya. Napahawak na lamang siya sa bakal na harang at napaupo sa malamig na baitang ng hagdan habang impit na humihikbi. She felt helpless and weak. Bakit hindi niya nagawang magkaroon ng sapat na lakas para sugurin ang mga ito at ipamukha sa kanila kung gaano nila siyang nasasaktan sa kahalayang ginagawa nila? Bakit kailangang siya na may tunay na karapatan kay Roco pa ang umalis at tamaan ng hiya? At bakit kailangan mangyari sa kanya ito? Ni minsan ay hindi niya binigyan ng ikaseselos si Roco. Palagi niyang pinararamdam ditto na ito lang ang mahal niya at narito lang ang atensyon niya, pero bakit ganito? Was being faithful a sin for her to be cheated on? Labis na tumatak sa isip niya ang nangyari, lalo na nang malaman niyang wala man lamang balak na humingi ng tawad sa kanya ang nobyo kahit pala alam nitong nahuli niya ang mga ito. Damn him. He even took that woman in their friend's party, akala mo ay hindi siya nag-e-exist sa buhay nito. Jay knew she didn't deserve that treatment. Pero kahit na anong pagpapaalala niya sa sarili niyang worthy siya para sa pagmamahal na hindi maibibigay ni Roco, naroon pa rin sa puso niya ang sakit. She lost focus. Nawalan siya ng gana na pag-igihin ang pagrereview kahit pa mataas ang expectation na mamaniin lang niya ang exam at susunod din siya sa yapak ng mga magulang na parehong doctor kahit pa malayo naman talaga ito sa tunay na pangarap niya. She wanted to write, but her mother's dream for her crushed her own and buried it on the back of her head, but during her darkest times, it was still the only thing that had saved her. Imbes na pumunta sa review center na binayaran nang mahal ng nanay niya upang magkaroon siya ng solo class, nagkulong siya sa isang hotel room at inubos ang luha at oras habang nagsusulat. Kung hindi pa nanghingi ng tulong ang tatay niya sa kaibigan nitong may mataas na ranggo sa military ay hindi siya makikita ng mga magulang. She looked fragile and broken when they found her, but her mother even slapped her hard—twice for acting immaturely. Imbes na mag-alala para sa kalagayan niya ay pinagsaltaan pa siya nito nang masasakit. Hindi raw siya dapat umaktong parang wala siyang utak. Nakakahiya raw siyang maging anak ni Leonor Salmiero. Sanay siya sa mga ganoong pananalita ng ina at kahit kalian ay hindi siya sumagot dito, ngunit para siyang sinapian noong araw na iyon. Nasagot niya ang sariling ina, dahilan para mamura siya nito mula ulo hanggang paa bago siya kinaladkad palabas ng hotel room hawak ang kanyang buhok. And again, she felt helpless, with no one to be there for her. Ni hindi na niya kayang maging malakas para sa sarili niya, masama bang humingi ng kaunting kalinga mula sa iba? Her mother made sure she wouldn't leave the house anymore. Mismong sa bahay na nila ginagawa ang pagrereview pero hindi talaga magawang mag-focus ng utak niya. Palagi iyong lumilipad at nagbabalik sa eksenang nadatnan niya sa condo ni Roco. Hindi pa rin talaga niya matanggap, at bawat gabim halos dinadalaw siya nito sa panaginip. Hindi na nga siya makapagpahinga habang mulat, pati ba naman sa panaginip ay binabangungot siya? The examination day came, but she wasn't able to finish even half of it because of her state. Masyado siyang nanghihina dahil hindi na siya halos nakakatulog nang maayos at wala rin siyang kagana-ganang kumain. Pakiramdam niya ay unti-unting bumabagsak ang matatayog niyang mga pangarap, ngunit wala man lang siyang magawa para isalba ang sarili. Her mother almost disowned her when she found out Jay wasn't able to answer half of the exam. Halos ihagis nito ang mga gamit niya palabas ng mansion, ngunit wala siyang ibang nagawa kung hindi ang tahimik na umiyak. Ni wala na siyang lakas para humikbi pa at nasanay na ang kanyang mga matang lumuha nang lumuha. She wanted to die after her mother kicked her out, but she made a promise to herself before that if she'll die, she wanted to die where her sister, Janaya, was killed. Gusto niyang hanggang sa huli, sa iisang lugar sila mawawala. With all her money she was able to save behind her mother's back, she bought a ticket for the earliest flight to Bulgaria. Disidido na siya. Kailangan na lang niyang patayin ang sarili sa mismong lugar kung saan nasagasaan ang kapatid niya habang nagta-travel ito roon. Bulgaria was a beautiful country, and a perfect place to take her last breath, but he came. He gave her another reason to continue breathing. Napabuga ng hangin si Jay nang maalala kung bakit hindi siya nag-eentertain ng ibang lalaki. It was because of the man sitting next to her now, making her feeling uncomfortable in every way. Her skin can still remember how hot and rough his palms were. Nadarama pa rin niya ang init ng hininga nito sa kanyang leeg, at nalalasahan pa rin niya ang matamis nitong mga halik sa tuwing naaalala niya ito. Nadama niya ang pagpiga ni Stilyan sa kanyang tuhod kaya naman uminit na naman ang kanyang pisngi. Iba talaga ang reaksyon ng katawan niya sa lalakeng ito at kahit anong suway niya sa sarili, napakalambot pa rin niya at napakadali pa rin niyang matangay sa simpleng tingin nito. Ibang klase naman kasi kung tumingin si Stilyan. He has this magnetic effect that will get you transfixed with him. Parang isang kasalanang hindi tugunin ang titig ng berde niyang mga mata, at iyon na naman ang ginagawa nito sa kanya ngayon. "Before we go directly to my place, I need you to understand something, Jelyne." Mababa ang boses ngunit napakasarap pa rin sa pandinig nitong ani. Tumikhim siya at piniga ang sariling palad upang hindi tuluyang matangay ng epekto ng lalaki sa kanya. "I—It's Jay." Bahagyang umangat ang kilay ni Steel. "And who are you to tell me what to call you?" Napaawang ang kanyang bibig sa tugon nito. Aba't may ugali pala itong ganito? Naku kung alam niya lang noon! She moisten her lips. "Hindi ko lang po gustong tinatawag na Jelyne." It's true. Her mother was calling her Jelyne since the day she became a failure. Pakiramdam niya kapag tinatawag siya sa buong pangalan niya ay sinasampal sa kanya ang lahat ng kamaliang nagawa niya sa buhay niya. "And I like to call you that way." Steel insisted, or more likely, made himself clear before he straightened on his seat. Mabuti na lang at hindi na ito nakatingin sa kanya kung hindi sa mamahalin nitong relos. "About Kueva..." "H—Hindi ho ba kayo na-briefing ng mga gagawin naming sa interview at sa iba pang kailangan para sa pagfi-feature sa inyo at sa bahay niyo?" Jay swore she'd seen a flicker of interest in Stilyan's eyes after she asked the question. Pinanood niya itong hinaplos ang sariling panga saka tumingin sa labas ng chopper. "I don't need a mini-seminar about what's gonna happen. The brotherhood always makes sure we know every step of everything concerning the organization." Nagsalubong ang mga kilay ni Jay. "Ihm, Mr. Arsenov, are we still talking about our magazine here?" Tumango si Steel at muling tumitig sa kanya ngunit ganoon na lang ang pagtataka niya nang makita ang pagguhit ng iritasyon sa mukha nito. "Yes, we are still talking about the magazine, and please refrain from calling me Mr. Arsenov. Hindi kita hinalikan para lang maalibadbaran ako sa sarili kong apelyido." Wow. He's fluent. Ni hindi ko mapansin ang accent. Gaano na kaya siya katagal sa bansa at ganoon na siya kagaling magtagalog? Lumunok siya at mahina na lamang tumango. "K—Kueva Magazine is—" "Is an open list of the brotherhood's members." Steel cut her off. Umangat ang sulok ng kanyang labi. "And we get to choose who'll write our proclamation as official member." Nanlaki ang mga mata ni Jay sa mga narinig. "A—Ano?" Nawindang siya sa mga pinagsasabi ni Stilyan, pero mas nawiwindang siya sa unti-unting paglapad ng ngiti sa mamula-mula nitong mga labi. Steel sighed before he took something out of his pocket. It was a card, a size of a typical business card, with amber color and some splash of black ink. May pamilyar na logo sa kanang bahagi nito na nakita na niya sa isang bahagi ng magazine cover nila, at nakasulat doon ang buong pangalan niya. Jelyne O. Salmiero Kinuha niya ito, ngunit nang tignan niya ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan, halos uminit ang kanyang buong mukha. Exclusive for Mr. Stilyan E. Arsenov. Contract: non-negotiable "What the hell?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD